webnovel

Chapter 7 The Nationwide Treat

Si Kuya naman walang kwenta tungkol sa pride ng family namin. At parang kinalimutan ang tungkol sa mga magulang namin… Siguro dahil sa Tatlong buhay ang nawala sa kanya… ako kasi mga magulang ko lang… siya pati asawa niya. Kaya hangang maari, di ko na inuungkat sa kanya ang tungkol sa mga nangyari… dahil, mas gugustuhin ng mga magulang ko na manirahan kami ng tahimik.

Napangiti ako… Kung ganoon sa kanya ko na lang ibuhos ang hinanakit ko. Lagot ka ngayon.

"Wait, nakakaintindi--- I mean, do you understand our Language?."

Di siya tumugon… Ay naku bahala siya…

"Parang unfair naman ng conditions. pwede dagdagan ko pa?"

"As you wish."

Ayun nga nakakaintindi ang Alien na ito…

"Hmmm... "

At tumunog tiyan ko.

"Magpakain ka ng Meryenda... ay hindi, parang hapunan na natin matatapos ito. Hapunan na lang! Deal?."

Ngunisian lang niya ako. Ay aba naman, Seryoso ako. Sabagay ang layo naman ng Favor ko … sa kanya papatayin niya kami habang ako pagkain lang.

"Oy di lang ako ang papakainin mo, pati yung mga sinaktan mo kanina! Grabe ka! Wala ka man lang na Konsensya! Ewan ko sayo!"

"I will treat the whole nation." At nanlaki ang mga mata ko. Sino ang lalaking to? Nagyayabang ba talaga ang lalaking to sa akin…

"Hapunan?! Whole Nation… Oy, totoo sinasabi ko… Alam ko biro mo lang yung papatayin kami ni Kuya, pero yung akin di naman yun kabiro-biro… Ako lang ang lilibrehin mo saka yung sinaktan mo kanina."

"Shall we start Miss." Irita nitong sabi.

Humakbang ako ng tatlo patalikod at… nag Bow… since labanan to… sorry na lang kung masaktan ko siya. Oo. Babae ako sa paningin pero lalaking-lalaki ang determinasyon ko na bigyan to ng sakit sa katawan. SORRY Talaga!

Hinigpitan ko ang tali ng buhok ko… at di nga niya namalayan simula na yun ng laban namin, ngunit agad niyang nahawakan ang kamay ko, at naramdama ko ang sikong tumama sa likuran ko… Awww

Parang hindi rin siya ordinaryo sa Martial Arts, at wala siyang pakialam na babae ang kalaban niya. Grabe…

Hingal ko ang naririnig sa loob ng boung silid. Pagod na nga ako. At yung mga tinamaan niya sa akin feeling ko anytime, mamaga na. Halos di ko siya magawang tamaan dahil agad niya akong napipigilan… at parang sumasayaw lamang ako sa larangan ng Martial Arts na di ko alam. Ang galing niya… Namalayan ko na lamang nanghina ang tuhod ko at… ubos na ang lakas ko…

Napaupo na lamang ako sa sahig.

"Get up."

"Demonyo ka ba?" Hala wala kang hapunan ngayon Sena… Ano pa ginagawa mo.

"Shut Up"

Naalala ko tuloy ang Mama ko. Siya lang naman ang gumagawa nito sakin,

Hindi niya iniisip na anak niya akong babae at ganitong ganito siya ka seryoso.

Sabi niya sakin,

Mas kailangan ko matuto dahil, ang akala ng mga lalaki mahihina ang babae.

Hindi sapat na isipin ng lalaki na babae tayo, mahihina. Iniisip nila na mas nakakalamang sila sa mga babae at… mga pahina lamang kami sa mga lalaki. Kaya madaming napaglalaruang babae dahil, marupok daw tayo… Mama ko ang nagsabi na wag na wag ako magpapakahina… Sabagay Mama ko kasi mas malakas pa sa Papa ko… nerd type ang papa ko… matulungin ngunit laging kinakawawa… lalo na ni Mama, na halos balian nito ng buto ang Papa ko, pero mahal nila ang bawat isa…

Si Mama nga ang nagtitrain sa akin…

Nasasaktan na ako... sa mga sipa, suntok na natatangap ko galing kay Mama... At sa tuwing nasasaktan na ako...

Sa upo kong ito... Bigla na lang ako iiyak..

At sasabihing...

"Tama na po." Na lumabas sa mga bibig ko …namalayan ko na lang din… naiyak na ako.

Saka niya ako, itatayo... at sisipain niya ako sa huling pagkakataon.

Pero di ko naramdaman ang sipang yun...

Kundi isang twalya na sapat lang para maitago ang pagsuko ko.

Narinig ko na lang...

"George!"

Bumukas ang pinto… at isang matangkad na lalaki

"Give the Philippines Government a Budget for nationwide Dinner Treat of every head counts."

"And her, give her a three days Body treatment."

Napasilip ako, Ngunit napatago ako sa twalya ulit.

Nakatitig siya sa akin. "We're not yet done."

Do you know what I will love...

Your Comment...

Perfect Star Rating

And Your Precious Voting Stone...

Thank You!

Enjoy!!!

International_Pencreators' thoughts
Next chapter