webnovel

Chapter 34

Chapter 34

Axel Valerie De Guzman ~

Ngayon ko lang nasubukang magpalabas ng mga ganitong uri ng nilalang upang hindi sila sa akin makalapit. Ayoko munang makausap ang ni isa sa kanila, saka na pag lumipas itong inis na nararamdaman ko.

" Papi! "

Malungkot na pahayag ni Riley. Alam kong alam nya kung bakit hindi ko hinayaang makalapit sa akin si Ax. Ngunit ang hindi nya alam ay ang dahilan kung bakit ako naiinis.

" Ano bang nangyayari sayo? "

Sigaw ni Ax sa akin. Napatigil na rin ang iba sa pag – eensayo at lumapit sa kinalalagyan nila. Kung kaya't kung titingnan, ako ang nasa kaliwa at silang lahat ang mga nasa kanan.

Hindi ako sumagot at pumikit, kailangan ko pa ring magsanay kahit ginagamit ko ang kapangyarihan ko upang palabasin ang mga nilalang na ito.

" Fire Forcefield! "

Isang malakas na pagsabog ang narinig ko dahil sa isang pag – atake sa gilid. Doon ko nakita si Ana na nakaharap sa direksyon ko at syang umatake sa isa sa mga shade ko. Hindi naman ito nasaktan ngunit mas lalong dumilim ang enerhiyang pumapalibot dito. Nasabi ko na bang ang mga shade ay may kakayahang kontrolin ang mga sarili nilang katawan lalo na pag nagagalit kahit na ito ay gawa lamang ng isang tao.

" Kung hindi ka namin makakausap ng maayos! Mabuti pang tayo – tayo na lang ang magsanay sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa isa't – isa! "

Saad nito sa akin at muling umatake na sya namang hinarangan ng mga shade upang hindi ako matamaan. Napangiti ako sa naiisip, ikaw ang may gusto ng sakit ng katawan, pagbibigyan kita.

" Shades! "

Pagtawag ko sa mga ito gamit ang aking isip. Napatingin naman sila sa aking direksyon kahit mga walang mukha, tinanguan ko lang sila tanda na pinagbibigyan ko silang labanan ang mga taong nakikita nila.

" Ability Ruler! "

Nagulat ang lahat ng bigla na lang magkaroon ng iba't – ibang kakayahan ang mga shade bukod sa paggamit nito ng dark energy. Kasunod noon ang mga pagsugod nito sa lahat at may naiwan sa aking lima in case na lumapit si Riley at Avin.

Bumuo din ako ng iba't – ibang dimesyon para sa kanila at mawawala lamang iyon kung saka – sakali nilang matalo ang mga shade na iyon.

Third Person's Point of View ~

Unang naglaban sina Aries at ang isang shade. Magkatulad lang rin sila ng lakas ng atakihin nya ito ng malapitan. Suntok doon at sipa dito. Doon nya lang din naisip na hindi ito tinatablan ng kahit na anong uri ng physical attack.

" Kung hindi kita madadaan sa pisikalan, dadaanin kita sa labang alam kong ikaw ang matatalo! "

Aniya dito. Ngunit isang tawa lang ang pinakawalan nito na agad namang nakapagpatigil sa kanya sa dapat na gagawin nya.

" Ina! "

Sabi nya dito ng kusang mawala ang itim na bagay na bumabalot sa shade. Doon nya nakita ng malinaw ang mukha ng ina nya na namatay noon sa isang aksidente bago sya tuluyang mapunta sa Astravision University.

" A – akala ko – akala ko patay ka na? "

Hindi nito makapaniwalang sabi sa ina. Hindi na rin nya napigilan ang pag – iyak. Matagal na syang nangungulila para sa pagmamahal nito at kung kailan naman sya napansin nito ay saka naman ito nawala kung kaya't hindi nya napigilan pa ang kanyang mga emosyon!

" Hinding – hindi ako namatay! Hindi ko kayang iwan ang nag – iisa kong anak! "

Saad pa ng kanyang ina habang umiiyak. Binagtas nya ang espasyong naghihiwalay sa kanila at niyakap ito ng mahigpit. Doon sya umiyak sa mga bisig nito na parang bata at humagulgol ng malakas! How he misses he's mother very much!

" Anak ko! "

Madamdaming pahayag naman ng kanyang ina sa kanya habang nakayakap rin sa kanya. Ang hindi nya alam ay tuluyan na syang nahulog sa ilusyon ng shade na iyon na ang kakayahan ay gumawa ng mga ilusyon gamit ang emosyon ng kanyang mga kalaban.

" Your dead! "

Bulong nito sa kanya kung kaya't naguluhan ang kanyang mukha kasunod noon ang pagtagos ng mga matatalim nitong kuko sa kanyang likuran.

" I – ina! "

Nakaluhod na sya ng mabigkas nya ang katagang iyan. Dumaloy ang masaganang dugo sa kanyang likuran, kasunod pa nito ang lalong pagbaon nito sa kanyang laman dahilan para mapahiyaw sya sa sakit!

" Ahhhhh! "

Sigaw pa nya. Wala sa kanyang pwedeng makarinig maliban na lang kay Axel na syang kumukontrol ng sitwasyon.

" Hahaha! "

Pagtawa ng shade bago sya tadyakan sa tyan at itapon papalayo. Nanlalabo na rin ang kanyang paningin dahil sa patuloy na pagdaloy ng kanyang dugo sa kanyang likuran.

Sya na ngayon ang napatawa matapos makaupo mula sa pagkakatilapon sa kanya. Ngayon nya lang kasi naisip na naloko sya ng isang shade na gumaya sa mukha at boses ng kanyang pinangungulilaang ina.

Dahan – dahan syang tumayo, at nang tuluyan na syang makatayo ay saka naman sya tumawa ng malakas!

" Nakakatawa ka pa ng lagay na yan? Mukhang kulang pa yung sugat na ginawa ko sayo para magtanda ka! Anak ko? Tama ba? "

Nang – aasar na ngiti ng shade sa kanya. Ngunit hindi nya ito pinansin at patuloy pa ring tumatawa. Hinanda nya na rin ang kanyang sarili sa pagbabago nya ng kanyang kaanyuan.

" Humanda ka! "

Aniya dito. Hindi naman sumagot ang shade bagkus ay sumugod ito sa kanya gamit ang itsura ng kanyang ina at malakas syang sinuntok sa mukha. Ngunit bago pa man ito makalapat dito'y napigilan nya na ito ng kanyang kaliwang kamay.

" Paanong? "

Nagtatakang tanong shade sa kanyang sarili dahil ang lakas ng kamay na iyon. Halos mabali ang mga buto nya ng lapirutin nito ito. Doon nya lang napansin na nagkakaroon na ito ng mahahabang balahibo sa katawan. Kulay pula na rin ang kanyang mga mata at naglalabasan na ang pangil nito sa kanyang bibig.

Napaatras tuloy sya ngunit hindi nya ito naituloy dahil sa bilis ng pangyayari. Kung kanina, ay sya ang tumadyak dito, ngayon ay sya naman ang tinadyakan nito ng dalawang beses ang lakas dahilan upang mapaluhod syang sumusuka ng dugo!

" Paanong? "

Tanong nya sa kanyang sarili, kasunod noon ang isa pang malakas na tadyak mula dito at pagkatapos ay sinabunutan sya ng malakas at itinaas. Wala na ang kulay pula nitong mga mata at bumalik na sa dati.

" Sa susunod na gagamit ka ng mukha para gamitin, wag ang mukha ng nanay ko! Dahil sisiguraduhin kong dudurugin kita hangga't hindi mo tinatanggal dyan sa mukha mo ang mukha nya! "

Nanggigigil nitong sabi dito at pagkatapos ay sinuntok ng pagkalakas – lakas.

End of Chapter 34

Dream, struggle, create, prevail. Be daring. Be brave. Be loving. Be compassionate. Be strong. Be brilliant. Be beautiful.

-Caterina Fake

Vote the parts. Comment below. Follow me.

Facebook: Raf Saludes Casauran

Twitter: @Vindexia

Tumblr: @Vindexia

Vindexiacreators' thoughts