webnovel

Chapter 35

Chapter 35

Jona Buenaventura ~

Mabilis akong tumalon papalayo sa kanya upang makailag sa ginawa nitong pag – atake. How come na matalino rin ang mga katulad nilang shade? Tss.

" Mapapagod ka lang kung patuloy kang tatalon para umiwas sa mga pag – atake ko! "

Aniya habang nakatingin sa akin sa malayo. Hindi ko naman kasi pwedeng gamitin ng basta – basta ang kapangyarihan ko. Though, pwede naman para matapos na kaagad ito.

" Tutulala ka na lang ba dyan? It might kill you! "

Nabigla na lang ako ng maramdaman ko ang mainit nitong hininga sa likuran ko, hindi pa ako noon nakakakilos papalayo sa kanya ngunit mabilis nitong kinapitan ang mga braso ko kasunod ang pagbaon ng mga matutulis nitong kuko.

Hindi ko napigilan ang paghiyaw ko dahil sa sakit, lalo na ng paikutin nito dito ang kanyang mga kukong habang tumatagal sa loob ng balat ko ay lumalaki.

" Ahhhhh! "

Paghiyaw ko pa ng may bumaon rin mula sa likuran ko. Hindi ako pwedeng matalo ng ganito lang, masasayang ang mga pagsasanay na itinuro sa akin ni Fuego and I don't want him to be disappointed on me!

" Burning Comet! "

Mabilis na nagliyab ang buo kong katawan dahilan upang mapahiwalay sya sa akin, iyon na rin ang pagkakataon ko upang atakihin sya.

" Blood of Black Holes! "

Pag – atake ko sa kanya gamit ang mga dugong kumapit sa kanyang mga kuko. Nagulat pa nga sya ng bigla na lang magkabutas – butas ang kanyang buong mga kamay, kusa na rin kasing kumilos ang dugo kong naiwan sa kanya kung kaya't kahit ang ibang parte ng katawan nya ay nagkakaroon na rin ng butas.

" It's your end! "

Saad ko sa kanya at tumalikod upang makalabas sa dimensyong kinalalagyan ko. Hindi pa ako noon nakakalayo mula sa kanya ng bigla na lang may kung anong liwanag ang tumagos sa likuran dahilan para lalong dumugo ang mga sugat ko at madagdagan dahil doon sa mismong kinatatayuan ko. Ganoon na lang ang takot na sumibol sa puso ko ng makitang ang mga butas na ginawa sa kanya ng mga black holes ko ay sya pang naging dahilan para magamit nito ang kanyang kakayahan. Bigla ring nanlabo ang paningin ko dahil ang liwanag na iyon ay tumama sa magkabila kong tagiliran.

" Mukhang sayo mas tamang sabihing ' It's your end'! Hahaha! "

Pagtawa pa nito ng makita nyang napapaatras ako mula sa kanya. Masama na rin ang kundisyon ko dahil marami na ring dugo ang nawala sa akin kanina pa.

" Clone! "

Kusang humiwalay ang totoong ako sa isa pang katawan at isa pa, at isa pa hanggang sa mabuo ang isang libong katauhan ko na pare – pareho ang kalagayan. Yun nga lang at kahit na ganito ang mga kalagayan nila ay kasing lakas naman nila ang walang pinsalang ako.

" Laser Beam! "

Pag – atake nito sa mga clones ko. Kung akala nyang hanggang dyan lang ang kaya nilang gawin, pwes, nagkakamali sya. Ilan pa ngang sandali ng mawala ang usok na pumalibot sa aming lahat, bumungad ang napakalaking black hole na ginawa ng limang ako na malapit sa kanya at ginawang another portal ang likuran nya dahilan upang sa kanya rin tumama ang pag – atake nya.

" Ahhhh! "

Paghiyaw nya ng napakalakas, kita ko pa sa malayo ang unti – unti nyang pagkatunaw dahil sa doble ang lakas ng atakeng iyon kumpara sa ginawa nyang pag – atake.

Die bitch.

Eros Yuan Lee ~

Kanina pa ako gumagawa ng mga pangharang sa halimaw na ito na walang ginawa kung hindi ang batuhin ako ng kanyang mga dark energy balls. Hindi naman ako makakuha ng tyempo upang ako naman ang umatake dahil mabibilis ang kanyang ginagawang paggalaw.

" Earthquake! "

Napilitan tuloy akong gumamit ng malakas na enerhiya upang patigilin sya. Hindi naman ako nagkamali dahil nawala ang balanse nya at napaupo sa lupa. Pagkakataon ko na ito kung kaya't hindi ko na sya pinakawalan pa gamit ang pagmamanipula sa lupa. Gumawa ako ng napakatibay na kulungan para sa kanya na kahit na anong gawin nyang pag – atake gamit ang kanyang mga dark energy balls ay hindi ito masisira.

" Your cornered now! "

Nang – aasar ko pang sabi sa kanya. Ngunit hindi naman ito naasar bagkus ay ngumiti lang ito ng mas nakakaasar pa sa ngiti ko. Hindi ko tuloy mapigilang mainis.

" Nakakangiti ka pa ng lagay na yan? Make sure na hindi ka magmamakaawa sa akin mamaya! "

Seryoso ko pang banggit sa kanya at pagkatapos ay mas pinaliit pa ang kulungang iyon na halos dumapa na sya upang hindi maipit. Papasara na ito at tuluyan na syang maiipit at mamamatay ngunit nagulat ako ng ang kulungang iyon ay naging ginto at nasirang parang papel.

" Make sure na kasing tibay sya ng dyamanteng hawak ko! "

Hindi pa ako nakakakilos ng bigla na lang may bumaong kung anong bagay sa hita ko dahilan upang mapaluhod ako. Isang piraso ng isang dyamante, a violet one.

" My minerals are stronger than your earth! "

Sabi pa nito bago ako sipain sa mukha gamit ang dyamante nyang sapatos. Tumilapon ako ng napakalayo sa kanya, pinakiramdaman ko pa nga yung mukha ko kung durog ba? Buti na lang at hindi naman napuruhan dahil nagawa ko pa namang maging lupa ang katawan ko kahit na nagkaroon ako ng pinsala sa katawan.

" That mineral freak! "

Nanggagalaiti kong sabi habang tumatayo.

" Die! "

0_0

Hindi ako makakilos ng maramdaman kong may nakatutok na kung ano sa itaas ng ulo ko, ganoon na lang din ang panlalaki ng mga mata ko dahil sa pagkabigla. Paanong ang ganoon kalayong distansya ay mabilis nyang narating?

Hindi ako pwedeng matalo sa isang tulad nya, hindi maaari!

Third Person's Point of View ~

Nagbago ang anyo ni Eros katulad ni Aries, ngunit mas malakas ngayon ang pwersang iyon dahilan upang mapaatras ang shade na iyon. Hindi pa ito tuluyang nakakalayo sa huli ay nahuli na kaagad ito ng buntot ni Eros, he's a chimera after all. A monster built with different monsters.

" Die! "

Sya na ngayon ang nagsabi nito at pinagpira – piraso ang katawan ng shade na nag – anyong tao, hindi rin ito kaagad nakatakas sa kanya kung kaya't sinapit nito ang malagim nyang kamatayan. Kamatayan sa kamay ng isang chimera.

Matapos noon, saka tuluyang nawalan ng malay si Eros dahil sa paggamit ng sobrang kapangyarihan, alam naman nyang pwede nya itong ikamatay ngunit hindi sya maaaring matalo dahil masasayang lang ang mga itinuro sa kanya ng kanyang guro. Ang nag – iisang taong nagpakita sa kanya ng totoong pagmamahal.

End of Chapter 35

Be brave. Take risks. Nothing can substitute experience. -Paulo Coelho

Vote the parts. Comment below. Follow me.

Facebook: Raf Saludes Casauran

Twitter: @Vindexia

Tumblr: @Vindexia

Vindexiacreators' thoughts