Chapter 33
Hell Society ~
Third Person's Point of View ~
Mabibigat ang mga hakbang na ginagawa ni Aivee. Hindi kasi sya sang – ayon sa panukala ni Jhoshua sa pananalakay nito ngayong gabi sa grupo ng mga tamers at familiars. Hindi rin nya maintindihan kung bakit ganoon na lang kadali ang pagpayag ng Hell Prince sa panukala nito. Hindi ba nila alam na maaaring mapahamak ang bawat isa sa amin? Aniya sa kanyang isip.
Napabuntong – hininga na lamang sya dahil sa bigat ng loob. Inaamin naman nyang hindi pa rin sya nakaka – move on sa pagkamatay ng isa sa mga kaibigan nya, si Ryan. At iyon ang isa sa ayaw na nyang mangyari – ang may mabawas pa sa kanilang grupo.
Malapit na sya noon sa tarangkahan ng bahay ng Grim Reaper ng bigla syang mapatigil. Isang kakaibang lakas ang kanyang nararamdaman sa paligid. Mas malakas pa ito sa taglay nya kaya't mabilis syang nilukuban ng takot.
Mabilis syang nagkubli sa dilim upang hindi sya makita ng kung sino mang may taglay noon. Ilan pa ngang sandali ay may lumabas mula sa ilalim ng lupang tinatapakan nya. Nag – anyo ang aninong iyon sa isang tao. Pilit man nyang tinitingnan ang itsura nito, subalit hindi ito tumitingin sa gawi niya bagkus, ito ay nakatingin sa direksyon ng bahay ng Grim Reaper.
Dahan – dahan itong naglakad papalapit roon, maski ang ginawa nitong pagpasok sa tarangkahan ay nakakakilabot.
" Who the hell is that thing? "
Nasabi na lang nya sa gitna ng pagtanaw nya sa loob. Humahanap kasi sya ng tyempo kung saan sya pupwesto kung saka – sakali mang makapasok sya sa loob nito. Gusto nyang pakinggan ang pinag – uusapan ng mga ito sa loob. Wala naman syang nararamdamang mga enerhiyang naglalaban kung kaya't sigurado syang nag – uusap ang mga ito.
Mabilis ang mga pagkilos nya papasok sa loob ng bakuran ng bahay. Ginamit na rin nya ang totoo nyang kaanyuan upang hindi sya mapansin ng mga ito.
Unang bumungad sa kanya ang dalawa na nag – uusap sa loob ng sala. Nakadungaw sya dito gamit ang isang malaking puno na nakatapat sa bintana nito dahilan rin upang marinig nya ng malinaw ang pinag – uusapan ng mga ito.
" Ang nakatakda ang dapat na mangyari! Hindi ko maaaring gawin ang bagay na nais mo! "
Matigas na pahayag ng matandang Grim Reaper sa taong nakatalikod sa kanya.
" Alam mong ayaw kong tinatanggihan ang mga gusto ko, tanda! Gawin mo ang gusto ko kung ayaw mong isunod kita sa mga kaluluwang inihahatid mo sa kabilang buhay! "
Ramdam sa boses ng lalaking iyon ang kapangyarihan. Oo, lalaki ito. Sa katunayan ay mas nakakakilabot ang tono ng pananalita nito kaysa sa Hell Prince.
" Umalis ka na at humayo kung ganun man! Wala akong pakialam sa mga gusto mo! Ang masusunod ay ang dapat na mga mangyayari at hindi ang gusto mo! "
Nakasigaw na sabi ng matandang Grim Reaper. Kasabay noon ang pagpapakawala nito ng isang itim na enerhiya na lumabas galing sa mga kamay nya. Ganoon na lang din ang bilis ng pagkawala ng lalaki, ngunit magkaganoon man, may mga binitawan itong mga salita na sa tingin nya ay sya ang pinatutungkulan.
" Sa susunod na magkikita tayong muli, sisiguraduhin kong hindi mo na muli akong makikita dahil isusunod kita matapos ko sa kanya! "
Natigilan si Aivee dahil sa kanyang narinig. Alam nyang dalawa ang ibig sabihin noon kahit hindi sya sigurado at alam rin nyang sa mga oras na iyon ay delikado sya.
" Wag mo nang ikubli pa ang iyong sarili! Alam kong kanina ka pang nakikinig sa aming pinag –uusapan! Yun nga lang at hindi mo naabutan ang mahalang bahagi! "
Nanlalaki ang mga matang mabilis na nagpalit ng anyo sya. Hindi nya magawang tumakas o gumalaw man sa lang sa kanyang pwesto dahil kaharap nya mismo ang matandang Grim Reaper.
" Wag kang matakot! Hindi naman kita sasaktan! Gusto ko lang malaman kung ano ang pakay mo sa akin? Delikado kasi para sa isang tulad mo ang pumunta sa ganitong uri ng lugar! "
Saad pa nito na nakapagpaluwag naman ng kanyang paghinga.
" *sigh*, the Hell Prince wants you to come to the Hell Society as soon as possible! "
Diretsahan nyang sagot. Nawala na rin naman ang kabang nararamdaman nya, isa pa, no dares to scare her as she is the mother of all monsters in the hell.
" Bukas ng gabi! Pagkatapos kong alalayan ang mga bagong kaluluwa na papunta sa dapat nilang mga kalagyan !"
Tumango na lang si Aivee sa narinig at mabilis na umalis sa lugar na iyon. At ipinangako nya sa kanyang sarili na hinding – hindi na sya muling babalik pa doon.
***
Sa kabilang dako naman, naghahanda ang lahat upang sa darating nilang pag – alis ay handa ang lahat. Tuluyan na rin namang gumaling ang iba pa kung kaya't mas napadali sa kanila ang pagsasanay. Hindi na rin lingid sa kaalaman ni Axel ang lihim nina Riley at Avin sa kanyang tunay na pagkatao tungkol sa nakaraang gabi na minsan nyang marinig ang mga ito na may kausap. Bagama't hindi pa ito alam ng dalawa dahil na rin sa hindi ito sinasabi ni Axel sa kanila ay may pakiramdam na silang may alam ito dahil sa pagbabago ng pakikitungo nito sa kanila.
" Papi! Masama ba ang pakiramdam mo? Mukha kasing wala ka sa wisyo? "
Naglalambing na tono ni Riley sa kanya sa loob ng isang Creational Dimension na ginawa nya upang doon magsanay ang lahat.
" Hindi! "
Hindi man lang nito tinapunan ng tingin ang bata maging ang mga kasamahan nito na ngayon ay nagtatakang nakatingin sa kanya. Lalapit sana sa kanya si Ax ng bigla na lang syang magpakawala ng pambihirang lakas dahilan upang mapaatras ang lahat.
Mula sa anino nya ay naglabasan ang mga nilalang na ngayon lang nila nakita. Wala itong permanenteng anyo at papalit – palit ng hugis.
" Shade! "
Ani Alai habang nasa loob ng kanyang pangharang upang hindi sya matamaan ng mga energy blades na lumalabas sa katawan ni Axel.
" Ha? "
Nagtatakang tanong naman ng mga nakarinig sa kanya.
" Shade, they are the most powerful demons. They are the ghosts of the sinful dead people from the Earth before they are admitted to Hell where they will suffer in vain but because of their too dark energy! Eventually, they will transform into a shade! "
Ani pa nito.
" Axel! "
Sigaw ni Ax upang patigilin ito, ngunit sadyang nagngangalit ang puso noon ni Axel kung kaya't wala syang balak palapitin sa kanya ang sino man sa mga oras na iyon! Gusto nyang magwala, gusto nyang manakit ngunit pinipigilan nya ang sarili nya! Ayaw nyang may mapahamak pa sa kanila dahil sila na lang ang itinuturing nyang mga pamilya!
" Papi! "
End of Chapter 33
Be brave enough to live life creatively. The creative place where no one else has ever been.
-Alan Alda
Vote the parts. Comment below. Follow me.
Facebook: Raf Saludes Casauran
Twitter: @Vindexia
Tumblr: @Vindexia