webnovel

So many walls

LovelY_King24 · Diễn sinh tác phẩm
Không đủ số lượng người đọc
48 Chs

chapter 6

Aasahan ko yan ha Thiara at sige na at naluluha na ako dito." Si Mama talaga!

Pagkababa ko ng cellphone ko sabay lagay sa pocket ko ay sinilip ko agad si Cecille. Wala na siya… Malalaman ko din naman kung sino talaga siya and kung sino ang kausap niya na may masamang balak kay Keanne. But for now, I need to go in my apartment, take a bath and have a little beauty sleep.

"You know Corrs; this new creation of mine really fits you." Napatingin sa akin si Ate Corrs. "What do you think Thiara, bagay ba sa akin?"

Pagkadating ko sa apartment ay agad akong naligo, hindi na nga ako nag-beauty rest dahil sobrang pinagwala ni Ate Corrs yung cellphone ko sa katatawag niya para samahan ko siya. Nagkita kami agad at pumunta kay Yanna, isang gay friend ni Ate Corrs na nirecommend ng magiging biyenan niya.

Tinitigan ko yung gown. Off shoulder na back less. Sa totoo lang sobrang elegante at maganda siya pero kasi parang hindi siya maganda sa ate ko. In short, may kulang…

"Okay naman siya Ate kaso the sequins should be added more especially sa bandang chest at the length of the gown should be longer."

"I think you're younger sister here has an eye on fashion! Tama ka sa sinuggest mo. I like you sister!"

Napangiti naman ako sa kanya. Hindi ako fashionista especially mahilig sa latest trends but once I've seen a dress, alam ko kung bagay o hindi, kulang or sobra sa iyo. Naalala ko tuloy yung sinabi sa akin ni Ma nung bata pa kami, I really have this fashion sense!

"Okay tiwalang-tiwala naman ako sa inyong dalawa so I take it." Napatango-tango si Yanna at kinuha na yung wedding gown.

"Naku, tinawagan ko na si Mang Homercio sinabi ko na sunduin tayo baka mamayang andiyan na siya kaya kailangan na antayin mo siya sa labas. Alam mo naman yung makakalimutin sa lugar..."

Napatango ako at lumabas na ng boutique. Habang hinihintay ko si Mang Homercio napatingin ako sa mga batang mabibilis na tumakbo papunta sa isang eskinita. Sinundan ko sila. Hindi ko alam kung bakit pero my curiosity is evaporating. Napahinto ako dahil nawala yung mga bata just in time I see a television outside what looked like a school.

A guy is dancing gracefully in the dance floor. Kitang-kita yung galing niya sa pagsasayaw. Every move, ever step he takes full of life and grace. I don't know how to dance but if this guy is your teacher you'll definitely love to learn. Ay! Saan galing yun ha Thiara?

The camera just in time focuses his face. He has this one aqua blue eye. I just don't know but I think I've seen him. He looked very familiar.

"Sino nga kaya etong guy na eto?"

"Yes Miss. Do you like to dance?"

Napatingin ako sa nagsalita. "Ay sorry po Sir. Napadaan lang ho ako at nakita ko yung video."

"I'm Devonn Schrammer, owner of this school, Schrammer School of Dance."

"I'm Thiara Marielle Walton." Ngumiti siya sa akin. "Nice to meet you Miss Thiara..." He looked like a nice man. He is not so old man, wearing jumper and shiny black shoes.

"Hindi po talaga ako andito para mag-enroll. I'm just curious about the video."

"It's alright. Most of the people who pass by like you were also amazed with the video."

"The guy who danced is really great!"

Napatango-tango siya sa akin. "His one of the great student I had. The last champion I have."

"Last champion? Ibig ho bang sabihin ay nagheheld kayo ng competition?"

"Every year we held competition. He is the recent winner but said to say he was gone."

"Ano pong ibig nyong sabihin?"

"According to one of his classmates he got to a tragic accident and eventually he's not sure if he survived." Hay kawawa naman pala tong napakacute at galing na dancer na eto! Sayang siya!

"Sad to hear that, but atleast he have this good memory to brighten every aspiring dancers." At aaminin ko isa ako dun!

"Thank you Thiara for that, I know wherever he is he loved what you have said. I'm hoping you'll be one of my students, one of these days."

Naku naman! Sabi ko na, hindi ako titigilan! "Susubukan ko po. Salamat po, sige mauna na ho ako." Kanina ko pa kasi nararamdaman yung pagvivibrate ng cellphone ko, mukhang hinahanap na ako ni Ate Corrs!

"Take care." Ngumiti ako at mabilis na umalis.

"Ikaw saan ka ba pumunta? Sabi ko lang hintayin mo si Mang Homercio!"

Nasa loob na kami ng limousine ni Ate Corrs. "Sorry na Ate, may tinignan lang ako."

"Kaya sa iyo lalong nag-alala si Mama, kung saan-saan ka napapadpad."

Napangiti na lang ako sa sinabi ni Ate Corrs. Iniisip ko lang kasi kung sino talaga yung guy na yun? Nakita ko na talaga siya… Ang tanong saan?

"Hay anong oras na ba?" Napatingin ako sa alarm clock sa tabi ng kama ko. 10:00 na pala ng umaga… "Ano 10:00 na?" Naku late na ako sa pagtatanggal sa benda ni Keanne! 8 am yun! Malas!

Nagmadali akong naligo at nagbihis at diretso ng pumunta sa ospital without taking breakfast!

Ang inaasahan ko ay makikita ko siya staring at me without his bandages in his face pero pagdating ko sa 'space' ni Keanne, no where to be found siya.

Nasaan naman kaya yun? Dinial ko agad yung number ni Mrs. Lacey.

"Mam, nasaan ho kayo?"

"Oh Thiara andito sa hotel na tinutuluyan ko. Bakit hija?" Naku hindi niya kasama si Keanne!

"Si Keanne ho kasi wala sa kwarto niya."

"Iniwan ko lang siya doon after Dr. Gonzalvo takes away his bandages. Are you sure his not in his room? Maybe he is in the chapel or comfort room."

"Sige po, titignan ko na lang. Itatawag ko na lang po pagnakita ko siya. Sorry ho sa abala."

"No problem. Just call me pag hindi mo pa rin siya maghanap ha."

Pumunta ako agad sa counter. "Excuse me Cynthia, nakita mo ba si Keanne?"

"Naku Mam Thiara hindi ho. Sa pagkakatanda ko ay iniwan siya ni Mrs. Lacey sa room niya after niyang kausapin si Dr. Gonzalvo."

"Okay salamat."

Hay nasaan ka na ba Keanne?

Tinignan ko yung comfort room, chapel, canteen at chapel pero wala siya! Bumalik ako ulit sa kwarto niya pero ni anino niya ay hindi ko man lang nakita!

Pagkalabas ko ng kwarto niya ay pupuntahan ko na sana si Dr. Gonzalvo para humingi tumulong ng may narinig akong dalawang nag-uusap na babae ng patungo na ako sa office ni Dr. Gonzalvo.

"Nakakatakot talaga yung hitsura niya no..." Napahinto ako at nakinig mabuti sa boses na naririnig ko. "Oo nga eh sinabi mo pa... Parang pinagsakluban siya ng langit at lupa dahil bukod sa pangit niyang mukha nakawheel chair pa siya!" Nakawheel chair? Sandali hindi kaya…