webnovel

So many walls

LovelY_King24 · Book&Literature
Not enough ratings
48 Chs

chapter 5

-Cliff Richard

Bakit nagwawala yun tsaka sino etong babaeng eto?

"What happened?"

"Hindi ko nga po alam Tita basta I just talked to him and all of a sudden nagwala siya."

Napatingin sa akin si Mrs. Lacey. "We have to go baka mamayang kung anong nangyari sa kanya."

Tumango ako at sumunod ako sa kanila.

Pagdating sa 'space' ni Keanne, dalawang guy nurse ang nakahawak sa kanya pero nagpupumiglas pa rin siya. Si Dr. Gonzalvo hayun naghahanda na para i-sedate siya. Wait sedate? Naku hindi pwede yun!

"Dr. Gonzalvo please stop that..."

Napatingin siya sa akin. "We need to do this."

Lumapit ako sa kanya. "As a psychologist, when a patient is having a tantrum that is not advisable." Sana naman makinig siya sa akin.

Napaisip siya sa sinabi ko. "But what will we do?"

"Can you please talk to your nurses? I can settle this."

"Are you sure? Baka mamaya hagisan ka niya ng mga bagay dito at nakikita mo naman na ang dami na nga niyang nasirang gamit..."

Napatingin ako sa mga basag na gamot sa floor. Ibang klase talaga siya magwala...

"Go away! You idiots! Stay away from me or I'll crash your faces!"

"Timothy and Ram, bitawan nyo na siya..." Napatingin yung dalawang nurse kay Frederick at napangunot sila ng noo bago nagsabi na... "Pero dok baka ho magwala pa eto."

"Just let Miss Thiara set this matter." Napatingin siya sa akin tapos Napatango ako sa kanya. Gosh! Good luck sa akin. Gulp!

Binitawan nung dalawa si Keanne at tumango ako kay Frederick at lumabas na sila ng kwarto ni Keanne. Ang tanging natira ay ako, si Mrs. Lacey at yung babaeng kanina pa nakataas yung kilay sa akin.

"Keanne, why did you do that?"

Tumingin sa amin si Keanne. "Will you two get out of this room? I don't want to see your faces especially you…" Tinuro niya yung babaeng nasa tabi ni Mrs. Duenas.

"But Keanne-"

Pinaandar niya yung wheelchair papunta sana sa babae pero pinigilan ko siya.

"Mrs. Lacey please po umalis muna kayo." Hinarang ko yung sarili ko sa wheelchair ni Keanne.

"Pero hija baka mamaya-"

"I said go out!" Tumango ako kay Mrs. Lacey at lumabas na agad sila sa 'space' ni Keanne. Sinarado ko yung pintuan at tumingin sa kanya.

"What happened?"

"I trust you Thiam…" Ha? Teka lang anong nangyayari sa lalaking eto? Sa pagkakaalam ko, hindi nga kami nagkakasundo eh bakit nagtitiwala na siya sa akin?

"I don't understand."

"Is it true that..."Tinitigan ko siya. Ngayon ko lang napansin na basa yung benda niya sa mukha! At mukhang hindi ko magugustuhan ang susunod niyang sasabihin…

"Is it true that Alaine is dead?"

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa buong katawan. Kung ganun kaya siya nagwawala dahil alam na niya ang totoo…

Binuka ko yung bibig ko para magsalita pero walang lumabas. Napabuntung-hininga ako sabay tango sa kanya.

Sobrang hirap palang sabihin na patay na ang pinakamamahal mong kaibigan… Ang hirap…

Lalo na kung makikita mo ang reaksiyon ng taong mahal na mahal siya…

"No! You're lying!!! Alaine cannot be dead…" At pagkatapos ng malakas na pagsigaw niya na yun ang isa-isang bumagsak ang mga luha sa mata ko.

"I'm tired. I want to sleep hopefully forever." Tinulungan ko siyang humiga sa kama niya. Katatapos lang ng last tantrum niya. Hinayaan ko lang siya. As a psychologist, his behavior is what I expected. Mas okey na magwala siya ngayon para mawala lahat ng sakit sa kanya na sana mawala na nga...

Tinignan ko siya. Para siyang bata at yakap-yakap niya yung sarili niya. Inosenteng-inosente siya...

Pagkatapos ko siyang kumutan ay lumabas na ako ng 'space' niya.

"I'm sorry po talaga Tita… Hindi ko naman alam na hindi pala niya alam yun. Please forgive me po."

Napatingin agad sa akin si Mrs. Lacey. "What happen Thiara?"

"He's okay Mam. He is sleeping right now."

Parang nabunutan ng tinik sa leeg si Mrs. Lacey. "Buti naman... Okay. Cecille I forgive you."

"Thank you Tita." So Cecille pala ang pangalan ng babaeng eto. Sino naman siya? Naku dapat siya ang sisihin ko kung bakit nagwala si Keanne!

"Thiara, this is Cecille. She is a friend of Keanne." Ah okay… "Nice meeting you." Nilahad ko yung kamay ko but instead na kuhanin niya ay…

"Oh Tita I have to go! May appointment pala ako..." And she immediately walked away. Halatang ayaw niya akong makilala ha!

"Sorry about that." Binalik ko yung kamay ko sa pocket ng ko. "Okay lang po."

"I think you need to rest now Thiara. You can go home and go back tomorrow para sa pagtanggal ng benda niya."

Hooh buti naman! "Thank you po..." Namiss ko na yung kama ko... I'm going back to you my bed!

Pagkalabas ko ng ospital ay hindi pa ako nakakalayo ng makarinig ako ng parang tuwang-tuwa sa kausap niya. Ang lakas ng boses niya!

"Yah... Confirmed na. Baldado na siya! You will gonna be the champ now honey… Buti nga sa kanya…"

Napasilip ako sa nagsasalita at nanlaki yung mata ko. Si Cecille yun! Sino kaya kausap niya?

"He's here in the hospital. Kawawang-kawawa siya... Poor him talaga..." Si Keanne ang sinasabi niya! Aba kala ko friend niya siya! Traitor!

Lalapitan ko sana si Cecille ng biglang magring yung cellphone ko.

"Hello… Ma?"

I got the hat, I got the shoes, and I got the outfit

I go outside and pick the ride I'm gone' go out with

But right before I hit the streets

I gotta put on my dancing shoes in the mirror

Now, walk with it, walk with it

Now, step with it, step with it

Now, slide with it, slide with it

Now, ride with it, ride with it

Now, walk with it, walk with it

Now, get low

Now, and I know where I'm 'bout to go

- T-Pain

"Nasaan ka bang bata ka?" Sa Mama talaga, baby pa rin ang turing sa akin!

"Ahh… Nasa hospital po..."

"What are you doing there? Are you sick?" Hay naku hindi dapat niyang malaman yung pinasukan kong kalokohan!

"May binisita lang po akong kaibigan." Lie no.1!

"Akala ko ikaw ay may sakit. Tumawag ako kagabi sa apartment mo, sabi ni Pola hindi ka dun natulog. Ano bang ginagawa mong bata ka at masyado kang abala na hindi ka na umuuwi sa apartment mo?"

Napabuntung-hininga ako at napailing sa sarili ko. Si Mama talaga mas matindi pa sa inspector at investigator kung magtanong.

"Ah kasi Ma, nagkaroon kami ng reunion nung mga classmates ko nung college." Lie no. 2! "Sabi nila dun na lang daw po ako matulog kasi alam nyo na yung biyahe." Lie no. 3!

"Ah hindi ka man lang kasi nagpaalam kay Pola. Tumawag ako dahil hindi ka nga makontak kagabi pa ng Ate Corrs mo. Where is your cellphone? Wag mong sabihin sira na naman or hindi gumagana yan ha! Kabibili mo lang Thiara."

Siguro kong nasa harap ko si Mama, sobrang tindi ng reaksiyon yung makikita ko sa mukha niya. Parang siyang tiger na may mixture ng sheep. Sheep pag humupa na yung inis at galit, tiger naman pag galit at inis.

"Low battery na po Ma." Totoo naman! "Ano po ba yung kailangan ni Ate Corrs?"

"Eh magpapasama daw sa iyo sa boutique ng kaibigan niya. Excited na kasing bumili ng gown ang ate mo, hindi ko naman siya masamahan dahil nagkakagulo na dito sa shop."

"I miss you Ma, kaya mo yan. Sige I'll text her, as soon as I got home. Wag ka na pong mag-alala sasamahan ko si Ate."

"Eh kasi kung andito ka sana, may katulong sana ako sa pagma-manage nitong shop. Isa pa nagtatampo na ako sa iyo dahil dalawang linggo mo na akong hindi binibisita dito sa bahay. Busy ka na yata masyado para hindi ako maalala."

Hay si Mama talaga, masyadong madrama. "Mama alam nyo naman na wala akong interests sa pagmamanage ng shop natin. Wag ka na pong magtampo, hindi naman kita nakakalimutan eh. Hayaan nyo po next week pupunta ako diyan sa bahay at diyan na rin po ako matutulog..."