"May balak siguro magpakamatay yun kaya nasa hagdanan..."
Ano?
Lahat na napuntahan ko, bakit nga ba hindi ko natandaan yung stairs papunta sa exit door!
Binilisan ko lalo yung takbo papunta sa hagdanan at nakita ko ang isang lalaking nakawheel chair…
"Keanne!!! Wag!!!"
Nobody loves me any more,
Nobody needs me any more,
As I look on down below,
I see the couples come and go.
They make me think back to the time,
When all my life was well and fine,
And I gaze on down the street,
See the young hearts come and meet
-The Zutons
Akala ko makakakita akong 'MONSTER', mas worst pa sa napapanood kong 'HALIMAW' sa television at sine.
Dahan-dahan siyang lumingon sa akin…
"What are you crying at?"
Yup, I'm crying. Hindi ko alam kung bakit basta naiyak ako bigla. Hindi sa 'HITSURA' niya kundi sa gusto niyang gawin.
"Kung ano man balak mo wag mo ng gawin!"
"Why I shouldn't? Do you think my life now has a cause?"
Pinunasan ko yung luha sa mga mata ko. "Huwag kang sumuko Keanne dahil lahat ng nangyayari sa iyo ay may dahilan."
Tumawa siya ng malakas at pagkatapos ay seryoso siyang napatingin sa akin. "I've asked you, if you have this kind of face, would you like to live?"
Aaminin ko, mahihiya ako pero ano bang masama sa mukha niya? Oo nga hindi siya kasingkinis ng mga commercial model pero 'mawawala din yung mga sugat' sa mukha niya!
"Oo, bakit hindi? May mga surgery naman ngayon at mapapaganda pa nila ulit yung mukha ko." I answered him with my chin up.
Tinignan niya ko then he moved his wheelchair passed me at mukhang pabalik na sa 'space' niya. Hooh buti na lang hindi na siya magpapakamatay.
Sinundan ko siya at tama nga ako dun sa papunta. Pagpasok niya ay may kinuha siyang kutsilyo.
"Sandali anong gagawin mo diyan?"
"Why should I tell you? Sino ka ba? You're just nothing to me."
Nasaktan ako sa sinabi niya na... You're just nothing to me.
"Sige gawin mo yan kung yan ang makakapagsaya sa iyo. Do you think Alaine is happy with what you are doing?"
He looked at me with his most blank stare. "Don't you dare speak her name?"
At bakit hindi ko dapat banggitin yung pangalan niya? "Pwede kung banggitin o sabihin ang pangalan niya ilang beses ko mang gusto!"
Binato niya bigla sa akin yung bote ng gamot. Muntik na kong matamaan buti na lang nakailag ako. Talagang sinusubukan niya yung pasensiya ko.
"Kaya siguro walang nakakatagal sa iyo, dahil sa sama ng ugali mo! Buti nga namatay na si Alaine para hindi siya nag-suffer sa kasamaan ng ugali mo!"
Huli na para mapigilan ko ang sarili ko na sabihin yun.
He suddenly put down the knife in his bed and looked at me.
"Siguro nga tama ka… Kinuha siya dahil masama ang ugali ko. Kinuha siya para mag-suffer ako dahil nobody loves me like what Alaine had offered me at wala ng makakadaig sa kanya."
Hindi ko alam kung gusto niya akong saktan pero bigla akong nakaramdam ng sakit pero hindi ko na lang pinansin dahil isa lang ngayon ang tumatakbo sa utak ko.
"Wala na nga sigurong makakadaig pa kay Alaine but come to think of it, may nagmamahal pa sa iyo kaya you don't have to commit suicide!"
Nag-smirk siya sa akin. "And who the hell is your talking about? You?"
"Si Mrs. Lacey."
Tumawa siya ulit sa sinabi ko. "My mother? You didn't know what 'our' true relationship is."
"Kahit na she still loves you." I felt na parehas na kaming kalmado and that is a very good sign.
"Kung ganun, I don't need her love. I had live without her kaya don't you dared tell it right on my face because you didn't know everything about me!"
Sobra na talaga siya kung magbitaw ng mga salita. Ang sasakit!
"Sobra ka na… Kung ayaw mo na talaga na makielam ako sige, fine. I'm resigning as your NURSE! Gawin mo na lahat ng gusto mo dahil wala na yung 'MAID' na kinakawawa mo, na inutusan mo at yung binabastos mo..." Hindi ko na hinintay pa kung ano magiging reaksiyon niya, dahil lumabas na ako ng 'space' niya. Alam kong tuwang-tuwa siya.
I know I didn't mean it to say. I'm right here in the garden. Hindi ko naman talaga balak umalis. Not now lalo pa't I've promised to Alaine to take good care of that monster, which's very rude and has a very bad mouth! I'm just sitting at the bench, thinking deeply kung babalik na ako ngayon dun dahil baka kung anong kalokohan ang pinagaggawa niya dahil sa katuwaan niya sa sinabi ko or bukas na lang ako babalik dahil paniguradong malamig na ang ulo niya.
Tumayo ako and I had decided.
Pagkabukas ko ng pintuan, as usual nakadungaw lang siya sa bintana. I check out the floor and his bed. Malinis at mukhang hindi siya nagwala.
I silently walked in.
"Thiam…"
Napahinto ako. Nasasanay na rin ako sa tawag niya sa akin. "I didn't mean what I had sa-"
Tumingin siya sa akin with his most deeply sad 'brown' eyes.
"I'm sorry Thiam…"
Aba!Tama ba yung narinig ko? Nagsosorry siya sa akin… Sa wakas natauhan siya na mali siya! Umepekto yung dramatic effect at pinagsasabi ko ha!
Ngumiti ako at sasagot na sana ng nagsalita siya ulit
"Pero wala ka ng kawala…" And then he smiled happily.
Napakunot noo ako sa kanya. Anong wala ng kawala? Anong ibig niyang sabihin?
"Good thing you're here now Thiara."
Napatingin ako kay Mrs. Lacey na kadarating lang.
"Bakit po?"
"Did my son give you already the good news?"
Napatingin ako kay Keanne… Kaya siguro nakangiti eto. "Not yet. Ano ho ba yun?"
"Well, he'll be out tomorrow finally and the good news is you and he will be staying in our vacation house in Batangas."
Ano?
All my life you've reminded me
How you struggled nine long months
You're aching' back and your swollen feet
How you almost lost me once
You say you gave up everything
All the dreams you had
-Chely Wright
"Kuya please tulungan nyo naman ako magpaliwanag kay Mama." I'm here outside my apartment talking with Kuya Tux and Ate Corrs with my cellphone. Sinabi ko na sa kanilang yung 'good' news.
"I've already said to you Thiara na we will not reveal your secret to our mother and now it is your responsibility and part to explain to her, especially the situation you have been."
Hindi ko alam kung payo or sermon yung sinabi ni Kuya basta isa lang ang pin point niya, sabihin ko na kay Mama ang pagiging nurse ko at ang kung sakaling pagpunta ko sa Batangas.