webnovel

Path Of Love

Fresh from break-up, Kriendel Heath Vellila, promised herself that she won't ever enter a relationship again. And now her priority is her family and friends. Sometimes, she also wanted to experience again the feeling of being loved. Pero paano mangyayari yon kung ayaw niya ng masaktan at mag mahal muli, dahil sa trauma niya. Susubukan n'ya ba ulit mag mahal? O hahayaan n'ya nalang ang sarili na tumandang dalaga?

cyidraa · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
5 Chs

CHAPTER 2

"Shet ayoko pa pong mamatay pleaseee!" rinig kong sigaw ni Zhyn habang mahigpit na nakakapit sa bakal.

"Waaaaaah! Kuya ihinto n'yo na po 'to saglit bababa lang ako huhuhu" mangiyak ngiyak na sigaw ni Zhyn.

"Ano na Zhyn? Kaya pa?" natatawang tanong ko sa kanya.

"Pumikit ka lang kase tas kumapit kang mabuti. Malapit nang matapos haha" sabi sa kanya ni Exen, bali ang pwesto namin ay si Exen, Zhyn tsaka ako.

"E bakit parang ang tagal? Gusto ko ng buma-- waaaaaaah!" sigaw na naman ni Zhyn. Hindi pala nakakalula ah hahaha.

"I-enjoy mo lang kasi, wag mong isiping mataas at nakakalula" ani Exen "I'm sure na kapag nakuha na natin yung mga pictures natin pinaka epic yang mukha mo Zhyn" habang tuwang tuwa inaasar si Zhyn.

"Punyeta kayong dalawa! Sino ba kasing nag ayang sumakay dito huhuhu" nangingiyak ngiyak na sabi ni Zhyn.

"Sana maka uwi pa 'ko ng may boses, bwiset huhu" at sumigaw na naman s'ya.

Ayaw nalang kasi sabihin na takot s'ya at may fear of heights s'ya. Ka'y yabang pa kanina na mababa lang hahaha. Nakasakay kami ngayon dito sa Loop Roller Coaster.

Flashback

"Ayun na yon? Mukhang hindi naman nakakalula ang baba lang naman oh" mayabang na sabi ni Zhyn habang nakaturo pa.

"Ang OA naman nung girl na 'yon, porket kasama lang yung jowa n'ya!" maya maya ay sabi n'ya pa.

"Aysus! Lumabas na naman ang pag 'ka bitter ng kaibigan ko hays.." pang aasar ko sa kanya.

"Hoy hindi ah, naka move on na'ko sa gold digger na mukhang aso na ex ko!" agad na sagot naman n'ya.

"Hindi naman masyadong halata na gigil na gigil ka parin sa kanya eh noh?" sabat samin ni Exen habang tumatawa. Hobby talaga namin ang tawa ng tawa. Tch.

"Anyways change topic na tayo at ba'ka masora lang ako lalo kapag naalala ko na naman yung mga panahon na yon" halatang inis na sabi n'ya.

"Nako kunyari ka pa Zhyn e ba 'ka nga mamaya mauna ka pang mag sisigaw samin ng 'ayoko pang mamatay' 'madami pa 'kong pangarap sa buhay' 'kuya paki hinto bababa na 'ko" pang gagaya pa ni Exen sa tono n'ya last time na sumakay kami ng Roller Coaster hahahaha. Akala ko pa naman tapos na yung pag aasaran namin hindi pa pala. Tch.

"Hahaha weak ka pala e" pang iinis ko pa. "Maka weak ka naman sakin kala mo naman hindi ka den nag sabi nung ganon nung sumakay tayo ng Extreme sa EK hahaha" pang aasar ni Zhyn sa'kin, pabiro ko naman s'yang sinamaan ng tingin.

"Hoy hindi kaya iba naman kase 'yon nakaka gulat kaya yung biglang pag bagsak non girl hahaha" dipensa ko naman.

"Oh! tama na yan" awat sa amin ni Exen at ba 'ka daw mag kapikunan na naman kami hahaha. "Tayo na pala ang next" sabi ko sa kanila, at agad na kaming nag punta sa Entrance nitong sasakyan namin.

'Excited na excited na talaga ako, mahilig kase ako sa mga rides and wala din akong fear of heights ewan ko ba sadyang magugulatin lang talaga ako.'

End of flashback

"Hindi na talaga ako sasakay sa mga ganyang rides, swear!" sabi ni Zhyn habang nag pupunas ng pawis. "Hinding hindi na mauulit. Myghad!" Kay arteng talaga neto.

"Oh tubig, uminom muna kayo" agad ko naman ininom yung binili ni Exen na tubig samin.

"Nakaka tatlong rides palang tayo ba 'ka mag yaya kana agad umuwi?" biro ko kay Zhyn.

"Grabe kayo sa 'kin sadyang hindi lang talaga ko sanay sa ganong rides! Masyadong nakakalula" inis na sabi pa n'ya. Tignan mo nga naman pikon agad hahaha. Sa aming tatlo s'ya talaga ang pikunin.

"Ano tara na ba sa next rides na sasakyan natin?" ani Exen parang bata talaga.

"Wait lang naman hano? Hindi pa nga ako nakaka recover don sa pesteng rides na yon tas gogora na ulit?" pag rereklamo ni Zhyn.

"Oo nga naman, tara kain muna tayo" sabi ko habang nag pupunas ng pawis "Nakaka gutom eh"

"Sige hahaha don muna din tayo mag pahinga, masyadong high blood si Zhyn eh, pampakalma lang" pang-aasar pa ni Exen kay Zhyn na ang tinutukoy ay yung pagkain. Nagulat ako ng biglang batukan ni Zhyn si Exen.

Nag sisimula na naman 'tong dalawang 'to mga aso't pusa talaga. Tch. As usual para na naman akong nanay sa kanila dahil ako lagi ang taga saway sa kanila dahil mga hindi manlang nag sisitigil kapag nag kakapikunan.

"Ano keri pa ba? Ba 'ka gusto nyo munang kumain?" singit ko naman sa kanila, for sure kung hindi ako sisingit ba 'ka hindi na kami matuloy kumain

"Let's go na nga bwiset kase si Exen e!" maarteng sabi ni Zhyn.

"Oo nga tara na ba 'ka maging dragon na si Heath dahil sa gutom bwahahaha" ani Exen habang nag tatawanan pa yung dalawang hinayupak!

"Tignan mo nga naman parang kanina lang kayo pa yung mag kaaway. Tas ngayon pag tutulungan nyo na 'ko!" sabi ko sabay binatukan ko silang dalawa.

Nagulat ako nung bigla silang nag tinginang dalawa, sabay sabing "Sorry na agad" mga bwiset talaga. Sabay sabay na kaming nag lakad papasok sa MALL para makakain na.

-RESTAURANT-

Pag ka dating namin sa kakainan namin humanap agad kami ng pang tatluhang upuan bago umorder. Lagi kami dito kumakain dahil ito yung favorite naming kainan mag kakaibigan.

"Sige na order muna kayo, punta muna ako sa Restroom, my treat" sabi nya pa habang kumikindat bago sya magpaalam sa aming dalawa.

"Ganon sana, may palibre" ako habang tumitingin tingin pa sa menu nitong kakainan namin.

"Wag asarin nakakaluwag luwag si Kuya mo Exen bwahahaha" ani Zhyn.

"Osige binabawi ko na pala" sabi ni Exen habang pinipigilan pang hindi matawa.

"Ikaw naman di 'ka mabiro hehe" sabay na sabi namin ni Zhyn si Exen naman dumiretso na sa Restroom.

"Kelan mo balak lumipat sa condo? Mas nauna pang mag start yung klase natin kesa sa pag lipat mo sa condo haha" biglang tanong sakin ni Zhyn pag katapos namin umorder.

"Ba 'ka this week na, hindi ko pa kase naaayos yung mga gamit na dadalhin ko e" nung bakasyon kase niregaluhan kami nila mommy at tita ng condo, alam nila Mommy and Tita Della na want namin ng condo ni Zhyn, ewan ko lang sa mga yon kung bakit napa aga at agad agad kaming binilhan ng condo.

"Promise ah? Ako lang kaya mag isa don kapag gabi dahil si Mama Nita umuuwi kapag naka luto na ng hapunan. Tuwing umaga hanggang dinner lang s'ya don" Mama Nita ang tawag namin don sa taga bantay samin ni Zhyn, since nung mga bata palang kami s'ya na nag aalaga sa aming dalawa.

Matagal na kaming mag kakilala ni Zhyn dahil mag best friend din ang mga magulang namin. Bata palang kami hindi na kami mapag hiwalay, kaya nga nung minsan may biglaang emergency sila Tita Della sa kumpanya nila sa Korea sa amin iniiwan si Zhyn.

Naalala ko nga dati sa dalas samin ni Zhyn, ayaw ng umuwi sa kanila kaya pinagawan s'ya nila mommy ng sariling kwarto sa bahay namin hahaha. Only child lang kase ko at gusto kong magkaron ng kapatid. Pumayag din naman sila Tita Della dahil lagi din naman sila wala sa bahay at laging nasa work katulad nila mommy kaya si Mama Nita ang nag aalaga sa amin.

"Oo nga hahaha, nag kataon lang talaga na medyo naging busy ako nung bakasyon" nung bakasyon kase lagi akong sumasali sa mga pageants sa iba't ibang lugar tas nag mo-model din ako.

"Kaloka ka! Sunod sunod ba naman kaseng pageant ang salihan mo plus nag mo-model ka pa" biro n'ya pa.

"Ewan ko nga din eh, ang dami din kaseng nag invite sakin that time na sumali ako sa pageants nila at kinuha kong model, di 'ko naman matanggihan kase sayang naman haha" natatawang sabi ko naman.

"Sabi ko naman kasi sayo sumama ka na'din sakin, di 'ba dati din naman sumasali ka sa mga pageants at pag mo-model?" tanong ko naman sa kanya.

"May nag invite din sa akin kaya lang di 'ba nasa Korea ako that time, kung wala lang sana ko don para samahan sila Daddy why not di 'ba na i-grab ko yung opportunity na 'yon haha"

"Hey ladies! mukhang busy sa chikahan ah" biglang singit naman ni Exen. Hindi na namin namalayan na dumating na pala s'ya at kasabay nya pa yung mag hahatid ng pagkain namin.

Nanunuksong tinignan naman ni Zhyn si Exen lukaret talaga hahaha "What?" takang tanong ni Exen. "Wala hahaha"

"Napaka issue n'yong dalawa kahit kelan" pikon din talaga tong isang to eh hahahaha.

"Hoy wala naman akong sinasabi ah? Napaka defensive mo masyado!" pa inosente n'ya pang tanong. "Tch!" inis na sagot nalang ni Exen.

"Joke lang, tara na let's eat" masayang sabi namin.

Matapos naming kumain ay lumabas na agad kami sa Restaurant na kinainan namin. Habang nag lalakad kami papuntang EXIT biglang napahinto si Zhyn.

"Sa tingin nyo, bakit kaya sa atin ilalagay yung transferee na 'yon?" napatingin naman ako sa kanya habang kumakain pa ng ice cream na nilibre ni Exen.

"Oo nga noh? Diba bawal na mag dagdag ng estudyante sa room natin dahil sakto na tayo kaya hindi na sila tumatanggap?" sagot ko.

"Kanina nga eh habang nag lalakad ako sa corridor papunta sa parking lot may naririnig akong nag uu--- WHAT!?" inis na sigaw ni Exen ng makita n'ya na naman si Zhyn na nakatingin sa kanya na parang nanunukso hahaha.

"Hindi mo naman sinabi samin na chismoso kana pala ngayon Exen Storm Javier?" biro ni Zhyn sa kanya at dahil dakila nga s'yang pikon

"I said I just heard, so it means na hindi ko sinasadyang marinig. Tch" pag mamaktol pa ng lintek bwahahaha.

"Ikaw talaga Zhyn ba't mo naman ginagalit si Boy Pikon" pang aasar ko.

"Matapos ko kayong ilibre pag tutulungan nyo ko mga bwiset!!"

"Achuchuchu kunyari galit" si Zhyn kaya naman nag tawanan kami, napahinto yon ng biglang

"Ouch! Ano ba hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?!" inis na sigaw sakin nung babae. Aba inaano ko ba 'tong bruha nato!

"Wait lang babe, I'll call you later nalang ulit" maarteng sabi n'ya pa sa kausap n'ya sa cellphone n'ya. "At ikaw how dare you to apak apak may heels!" Apak apak ka dyan ulul.

"Ay sorry 'di ko sinasadya" sagot ko.

"Look, you almost filled my hair with ice cream! Do you know that I just came from the salon and how expensive I paid, tapos dudumihan mo lang!?" gigil na ani n'ya pa.

"I'm really sorry, hindi ko naman kase alam na bigla kang sasalubong sa dinadaanan namin eh"

"So it's my fault? Hahaha" she laughed sarcastically. Maganda ka sana ang pangit lang ng ugali mo. Tch.

"Pasensya na Miss hindi lang talaga namin napansin na masasalubong ka namin sa pag lalakad at isa pa don't get me wrong ha? Hindi ka din kase tumitingin sa dinadaanan mo kaya pati ang maling daanan ay nadadaanan mo, kaya ayan tuloy hindi sinasadyang maapakan ng kaibigan ko yang mamahalin mong heels" malumanay pero halatang inis na saba't ni Zhyn. "Kahit mukhang fake naman" bulong n'ya pa. Hindi naman nakapag salita yung bruha na yon.

"Are you injured Miss? Not really, right? Besides, mukhang di naman nalagyan ng ice cream yang buhok mo muntik lang pero hindi naman sinasadya diba? nang hingi na 'din ng tawad ang mga kaibigan ko. Kaya ano pang ikinagagalit mo?" ayan na nga po nainis nadin si Boy Pikon hahaha.

"Aishhh! Mga bwiset!" yun nalang ang nasabi nung bruhang maldita na 'yon bago umalis.

"Tignan mo nga hindi naka palag.Hahaha" ani Zhyn.

"Nalusaw na tuloy 'tong ice cream ko!"

*****

Pag katapos nung mga nang yari kanina at mag pahinga ay sumakay na ulit kami ng mga rides tulad ng Super Viking, Wonder Flight, Sky Cruiserpara masulit dahil gumagabi na 'din.

"Ang ganda talaga dito sa taas pag gabi na" I said while looking at the different rides that are gradually getting different colored lights.

Naka sakay kami dito ngayon sa Sky Eye or better known as Pampanga Eye. Eto na din ang huling sasakyan namin dahil pag katapos nito uuwi na kami para maaga makapag pahihanga. May pasok pa nga pala bukas. Tch!

"Super! Tara guys let's take a picture" aya samin ni Exen habang kinukuha pa yung cellphone n'ya sa bulsa n'ya.

Ganyan lang ang ginawa namin dito habang nakasakay nag picture, tinanaw yung magagandang ilaw at nag pahinga saglit.

"Be careful when driving Exen, hatid mo ng ligtas si Zhyn lagot ka kay Tita Della kapag nag 'ka taon. Hahaha" sabi ko pag kalabas ng sasakyan ko.

Dapat ako ang mag hahatid kay Zhyn pero sabi nya s'ya nalang daw ang mag hatid para maaga ko makapag pahinga. Dinaanan muna namin kanina yung kotse n'ya sa parking lot nung school.

"See you tomorrow Heath! Maaga pa pasok bukas!" paalam sakin ni Zhyn. "See you!" ani Exen bago n'ya i-nistart yung kotse n'ya.

"See you guys tomorrow! Keep safe!" sagot ko habang kumakaway bago sila umalis.