webnovel

Path Of Love

Fresh from break-up, Kriendel Heath Vellila, promised herself that she won't ever enter a relationship again. And now her priority is her family and friends. Sometimes, she also wanted to experience again the feeling of being loved. Pero paano mangyayari yon kung ayaw niya ng masaktan at mag mahal muli, dahil sa trauma niya. Susubukan n'ya ba ulit mag mahal? O hahayaan n'ya nalang ang sarili na tumandang dalaga?

cyidraa · Teen
Not enough ratings
5 Chs

CHAPTER 1

"Naalala ko na naman yung mga pangyayaring 'yon"

"Ha? Ano yung sinasabi mo? Ba't ka nag sasalitang mag isa d'yan? Tamang emote lang ganern?" tanong ni Zhyn habang natatawa pa. Mukhang kadarating lang ng bruha hahahaha.

Eto na naman ako, hindi ko na naman namalayan na lumalabas na pala sa bibig ko yung dapat ay nasa isip ko lang. Tsk.

"Ay wala hehe may naalala lang ako, kadarating mo lang?" sagot ko para hindi na sya mag tanong pa.

"Yep, kadarating ko lang dumaan pa 'ko saglit sa restroom" sagot nya. Pinauna nya kase ko pumasok kanina kaya hindi kami nag kasabay pumasok. "Ay ganon 'ba? Hindi ko kasi napansin na dumating kana pala"

"Oo mukha nga na 'di mo 'ko napansin na dumating dahil naabutan nalang kitang nakatulala tas biglang nag salita hahaha" ani Zhyn habang umuupo sa upuan n'ya. Seatmate kami kaya madaling makakapag daldalan hehe.

Yuyuko na sana ako para kunin yung nahulog na panyo ko sa sahig ng biglang "Hoy mga gunggong! Wag nyo idamay yung bag ko!" sigaw ko nang makita ang walang kalaban laban na bag ko. 'Mahal pa sa sapatos nyo yan wag n'yong dumihan!'

Jusko first day of school pa lang mga nag bubugbugan na agad sila. Agad ko ng kinuha yung bag ko na apak apak nila habang nag susuntukan. 'Mga bwiset!'

Well, ano pa bang aasahan nyo sa section namin? Last school year lang eh halos araw-araw kami sa office. Stress na stress na nga non yung adviser namin balak pa nga makipag palit ng section buti nalang at napakiusapan pa.

Pero masaya parin naman ako na naging classmate ko sila at naging part ako ng section na 'to kahit na minsan yung mga ugali nila e pang skwater hehehe.

"Mga yawa!" sabi ko sa kanila pag katapos kong pag babatukan. Buti nalang at mga huminto na sa pag bubugbugan.

"Ayusin nyo na yung mga upuan na nagulo parating na si Sir!" sigaw ni Zhyn yung kaibigan ko. Mga nag si ayos na ng upuan na nagulo kanina yung iba. Yung iba naman todo polbo at liptint.

"Balita ko may bago daw tayong kaklase galing sa kabilang campus" kinikilig na sabi ni Yuna. "Oo nga gwapo daw!" gatong pa nung isang nasa likod nya.

"Syempre kikiligin ba si Yuna kung hindi yon gwapo. Tsk." sabat ni Lary ang manliligaw ni Yuna. Nag tawanan nalang kami hahahaha.

"Omyghad! Boy? Sana maging seatmate ko sya hihihi!" kinikilig na sabi pa ni Kira.

"Kaya lang na sa bakasyon pa kaya ba 'ka daw next week pa makakapasok" malungkot na sabi ni Kerby ang gay naming kaklase. Kay kire talaga. Buti pwede yung ganon? Hindi papasok, first day na first day.Mukhang may pera kaya napakiusapan si Dean. Tch.

'Tignan mo nga naman at pinag chismisan pa yung mag t-transfer dito'

Buti nalang dumating na yung teacher namin para sa first subject!

*****

Pag katapos ng last subject namin ay agad din namang nag bell. Kaya kanya kanya na lahat ng mga estudyante. Maaga nag dismiss lahat ng teacher ngayon dahil first day naman daw.

"Hoy Heath! Hindi kaba sasama?" hindi na ako nag taka kung sino yung sumigaw na yon dahil obvious naman sa lakas ng boses ng kaibigan ko.

"Oo eto na, pashnea ka Penelope Zhyn Simson!" sigaw ko pabalik sa bruha kong kaibigan. Ayaw n'yang tinatawag ang pangalan n'ya ng buo, kaya alam kong lalo s'yang nasosora ngayon hahahaha.

"Ka'y tagal mo talagang kumilos kahit kelan" sita nya sakin "Tsaka don't you dare to call me again on my full name, nasosora lang ako" maarte n'yang ani. Sabi ko na nga ba't masosora 'to e hahahaha.

"Yes po madam!" at dahil nga sweet akong kaibigan mas lalo ko pa s'yang inines bwahahahaha. Inirapan nalang ako nung bruha.

"Joke lang hahaha. Inayos ko pa kasi yung locker ko" meron kasi kaming locker sa loob ng room.

"Ba't ba madaling madali ka tamong ka'y aga aga pa!" sabi ko pa habang nag mamadaling ipasok yung mga librong iiwan ko dito. Para hindi masyadong hassle mamaya pag uwi hehe.

"Ano na ghorl! It's already 3:50 na kaya" maarte n'yang sagot. "But still maaga pa 'din, duh!" ginaya ko yung tono ng pananalita nya.

Ini-lock ko muna ng mabuti ang locker ko bago ako nag madaling sumunod sa kanya palabas ng room dahil nauna na syang lumabas.

"Nasan na ba si Exen? Diba sasama s'ya satin?" tanong ko habang hinahanap yung susi ng minica ko, ayon na lang daw kasi ang gagamitin mamaya para daw tipid sila sa gas. Mga kuripot!

"Ayon at nauna ng pumunta sa parking lot. Doon n'ya nalang daw tayo hihintayin" nag nod nalang ako bilang sagot. Siguro hinahabol na naman ng mga nag kaka gusto sa kanya. Pshhh!

*****

Kasalukuyan kaming nakapila dito sa bilihan ng ticket. Nag yaya kase si Zhyn dito sa Sky Ranch, buti nalang talaga pang hapon yung pasok ko bukas at nakapag pa full tank ako kanina bago kami umalis dahil medyo malayo layo 'to sa amin.

Si Exen ang nag pasyang mag drive kanina kaya ayos lang kahit medyo mahaba haba ang byahe. Makakapag relax din sa wakas hehe. Ewan ko ba pero napagod ako ngayong araw kahit wala naman kami masyadong ginawa sa school.

Pag katapos namin bumiling ticket, nag pasya muna kami namag ikot-ikot muna saglit sa mall.

Habang nag lalakad lakad kami naka salubong namin yung kaklase namin noon.

"Hi Jade! How are you?" masayang bati ko sa kanya, sabay beso.

"Oo nga wala na kaming masyadong balita sayo" sabat naman ni Zhyn.

"Hi guys! I'm fine, tagal nadin nating hindi nag kita no? Kayo kamusta na din?" medyo nahihiya nya pang sagot.

"Eto mag kaklase parin kami ni Heath hanggang ngayon." sagot naman ni Zhyn.

"Hindi na talaga kayo mapag hiwalay no?" natatawang biro ni Jade sa amin.

"Nako, oo may condo na nga yang dalawa dahil hindi na mapag hiwalay," natatawang singit ni Exen "Buti nalang at pumayag sila tita dahil may tiwala naman sa kanila" dagdag nya pa

"Oh! I forgot, Jade he is Exen. Exen she is Jade" pag papakilala ko, agad naman silang nag kamayan.

Umabot ng dalawa't kalahating oras yung pag k-kwentuhan namin, kaya naman kakalabas lang namin sa Starbucks.

"See you sa reunion ng Acacia! Punta kayo ah? Ingat kayo! Nice to meet you again Exen" pag papaalam ni Jade sa amin.

"See you din! Ingat sa pag d-drive Jade. Thank you sa time mo, kahit medyo busy ka naisingut mo pa pag chichikahan natinAgad na 'din namang nag paalam samin si Jade dahil kailangan nya na daw umuwi sa kanila dahil may gagawin pa daw s'ya sa bahay nila.

Dumeretso na kami sa EXIT nitong mall, dahil medyo dumidilim na. Sakto naman na pag labas namin, marami ng mga tao mag alas 7 nadin at nakakain nadin kami kanina.

"Tara na Exen sakay na tayo!" sabay na sabi namin ni Zhyn. Excited nakooo!

"Tsss. Kailangan ba duet pa?" pabirong sabi nya. "Tara naaa!" sabay-sabay naming sabi. Hindi naman masyadong halata na excited kami lahat 'noh? ^_^