webnovel

Path Of Love

Fresh from break-up, Kriendel Heath Vellila, promised herself that she won't ever enter a relationship again. And now her priority is her family and friends. Sometimes, she also wanted to experience again the feeling of being loved. Pero paano mangyayari yon kung ayaw niya ng masaktan at mag mahal muli, dahil sa trauma niya. Susubukan n'ya ba ulit mag mahal? O hahayaan n'ya nalang ang sarili na tumandang dalaga?

cyidraa · Teen
Not enough ratings
5 Chs

CHAPTER 3

Pagod na pagod kong tinananggal agad ang stilettos na suot ko sa paa, pag kapasok ko sa loob ng bahay.

"Hay! Salamat at naka uwi na 'din sa wakas!" I was so damn tired, so that I immediately lay down on our soft sofa here in the living room. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko to take a quick nap ng biglang

"Oh Heath iha naka uwi ka na pala"

"Aw shocks!" gulat kong sabi at dali daling umupo galing sa pag kakahiga. "Manang naman eh! You always scare me!" sabi ko na parang bata.

"Ikaw talaga kay bata-bata mo pa ay napaka magugulatin mo na paano pa kaya kapag tumanda ka na?" natatawang sabi ni Manang Saly sa akin. Ngumiti nalang ako sa kanya bilang sagot.

"S'ya nga pala kumain ka na ba iha? Sandali at hintayin mo ako dito ipag hahanda kita ng makakain" she said and was about to leave to prepare me food when I stopped her.

"Ay Manang wag na po!" mabilis na pigil ko sa kanya "Busog pa ho ako dahil kumain kami nila Exen sa kanila kanina bago n'ya kami ihatid pauwi" I smiled sweetly to her.

"Ganoon ba? O'sya sandali at ipagtitimpla nalang muna kita ng gatas para kahit busog ka ay may inumin ka bago matulog." ani Manang Saly.

"Ahh Manang wait!" pigil na tawag ko ulit sa kanya bago pa s'ya tuluyang maka pasok sa pintuan ng kusina namin. May nakalimutan pa pala akong itanong sa kanya kanina.

"Ano yon iha?" malumanay n'yang tanong. Bakas na sa itsura ni Manang Saly ang pag tanda dahil na din sa medyo kulubot nitong balat at sa pag tubo ng mapuputi n'yang buhok. Kung minsan nga ay inalok ko s'yang kulayan ang buhok n'ya ng itim pero umayaw s'ya. Mas gusto n'ya daw kasi ng natural na bohok kapag tumatanda na.

S'ya ang panganay na kapatid ni Mama Nita. Matagal na silang naninilbihan samin kaya naman itinuring na namin silang isang tunay na pamilya.

"Nasan po pala sila Mommy?" tanong ko habang lumilinga linga pa. Kanina ko pa kase napapansing ang tahimik dahil na sanay na din ako na kapag dumarating ako ay laging si Mommy ang sumasalubong sa akin at lagi pa itong naka sigaw dahil sa natural na malakas na boses nito. Pinag lihi ata si Mommy sa speaker eh. Hahaha.

"Ahh ang Mommy mo ba? Gagabihin daw sila ng Daddy mo dahil may biglaang meeting daw sila ng alas otso ng gabi" Manang said bago tuluyang pumasok sa kusina.

"Ganon po ba Manang? Mauna na po akong umakyat" paalam ko ka'y Manang bago umakyat sa hagdan papunta sa ikalawang palapag ng bahay namin kung saan naroon ang kwarto ko. It's been a week simula nung nag pasukan kami, meron agad nag pa-surprise quiz sa amin at syempre mga activities kahit isamg linggo pa lang ang nakakalipas simula nung nag pasukan. Hahaha.

I was about to enter my room when the door of our veranda was wide open. Malapit lang ito sa kwarto ko kaya madalas ay dito kami tumatambay nila Zhyn at Exen kapag tinatamad kaming gumala. Tanaw na tanaw mula dito sa tinatayuan ko ang Mt. Pinatubo. Nag lagay din kami dito ng apat na upuan at isang lamesa. Maganda ang view dito kaya dito nag pasya sila Mommy na mag patayo ng bahay.

"Kamusta na kaya si Harv" bigla kong naalala si Harvix, dahil nag paalam s'ya sakin nung last Sunday na mag babakasyon daw muna s'ya with his friends.

Flashback:

"Baby, I want to ask you something" kinabahan naman ako sa biglang tanong n'ya sa akin. Nandito kami ngayon sa Mall dahil inaya n'ya akong mag date.

2 years and 3 months na kami ni Harvix pero ngayon lang ako kinabahan ng ganto ng bigla n'ya akong tinanong. Mabait naman si Harvix sa akin, sweet and caring.Nung una ay tutol sila Mommy at Daddy sa relasyon naming dalawa pero nung tumagal ay natanggap na din nila.

Palagi din namin kasama si Harvix sa kung ano mang okasyon sa pamilya ko at ganon din s'ya sakin. Pero ganon nalang ang lungkot at gulat na naramdaman ko ng bigla s'yang maging cold sakin at ngayon naman ay inaya n'ya ko bigla lumabas at mag date.

"What is it, baby?" I answered him and hugged his arm.

"I would like to ask you if you would allow me to go with Kyle, we were just going on vacation in Palawan." nagulat ako sa pasimpleng pag tanggal n'ya ng kamay kong naka yakap sa braso n'ya.

Ganto ako palagi sa kanya kapag mag kasama kaming dalawa at sa 2 years naming pag sasama ngayon lang s'ya naging ganto sa akin. Hindi ko nalang yon pinansin at ipinahalata sa kanya na nagulat ako dahil ba 'ka nangangawit lang s'ya or naiinitan lang kaya n'ya tinggal yung kamay ko.

"Pwede akong sumama baby?" tanong ko sa kanya sabay higop sa kadarating lang na frappe na inorder namin 5 minutes ago. "Ayon na nga eh, sabi kase ni Kyle ay kami-kami lang daw muna. I mean, boys hang out ganon? Next time daw ay kasama na namin kayo, gusto man kitang isama kaya lang 'diba mag start na 'din ang klase nyo this coming Monday?"

"Oo nga pala pasukan na namin sa Monday nakalimutan ko na, sayang naman at hindi kami pwede sumama sa inyo" nang hihinayang na sabi ko. Mas nauna kaseng mag start ang pasukan namin kaysa sa kanila dahil sa kabilang campus pa s'ya nag aaral at mag kaibang course ang kinuha namin.

End of flashback:

After that for the past few days. I know that they want to enjoy their vacation that's why I didn't bother them again especially Harvix.

Nakita ko si Kyle kahapon across the campus so I knew that they were home. Kasama si Lhiyane papunta malapit sa poste ng kuryente na tila nag aaway. Kyle's face showed the annoyance he was trying to control and his hands were still in the pocket on his jeans that he was wearing. Para tuloy s'yang natataeng ewan sa itsura n'ya. Hahaha. Napatigil ako sa pag tawa ng maalalang kasama pala ni Kyle si Harvix nung mag bakasyon sila sa Palawan. Kelan pa kaya sila naka uwi nila Harvix?

Lalapitan ko sana s'ya para itanong 'yon, pero ganon nalang ang pag tataka sa mukha ko ng bigla n'yang iwan si Lhiyane mag isa. Nag madali s'yang pumasok sa kotse n'ya na naka parada lang hindi kalayuan sa tinatayuan nila ni Lhiyane habang nag aaway kanina at mabilis na pinaharurot iyon ng makita ako at mapansing nakatingin sa kanila.

Tignan mo nga 'to hindi manlang hinintay at iwan ba naman yung jowa sa tapat ng poste. Weird.

Tsaka lang ako nabalik sa ulirat ng tawagin ako ni Manang Saly mula sa likuran ko. "Oh Heath iha nandyan ka pa pala? Ang akala ko ay nasa iyong silid ka na?"ani Manang Saly habang hawak ang isang tray na may naka patong na isang baso na may lamang gatas.

"Papasok na ho sana ako Manang sa kwarto ko ng mapansing naka bukas itong pintuan ng veranda kaya naman dito muna ko dumeretso para maisara itong pintuan" sagot ko at lumabas na sa pintuan ng veranda namin at isinarado ito ng mabuti.

"Oo nga pala at binuksan ko yan kanina. Nag linis kase ko ng bahay kanina at pinaalis ko na din ang amoy ng niluto kong isda kanina."

"Ahh ganon po ba Manang?" sagot ko habang papalapit sa kanya. "O'sya nga pala eto na ang gatas na itinimpla ko para sayo inumin mo yan bago matulog" sabi n'ya sabay abot ng tray sa akin.

"Thank you Manang. Sige na po at mauna na kayong matulog, papasok narin po ako sa kwarto ko" sagot ko sa kanya tsaka hinintay s'yang tuluyang makababa ng hagdan.

Pag kapasok ko ng kwarto ay isinarado ko agad ang pinto tsaka hinubad ang damit na kanina ko pa suot. Pag katapos kong mahubad ang damit ko ay walang pag aalinlangang pumasok ako agad sa bathroom ko dito sa loob ng kwarto para maligo.

After 45 minutes na pag ligo at pag gawa ng skincare ko ay pabagsak akong umupo sa kama ko at hinanap agad ang cellphone ko sa loob ng bag na dala ko kanina.

Nang makitang wala parin ang pangalan na isang linggo ko ng hinihintay na mag notif sa cellphone ay pabagsak ko itong ibinaba sa lamesa sa gilid ng kama ko.

"Ano kaya 'yon isang linggo ng walang paramdam? Haler may jowa ka po! Hmmp!" kausap ko sa cellphone na nasa gilid ko.

"Isang linggo na kita kina-kamusta at tinatawagan tas ni isa wala kang reply? Kung hindi ka nakakapag cellphone bakit may upload kang picture sa instagram at mas gusto mo pang di ako replyan!" inis na sigaw ko sa cellphone ko

Nahiga na lang ako para subukang matulog pero wala pa atang 5 minutes ay eto na naman ako nakadilat at hindi makatulog.

"Nakakainis ka talaga! Dapat pala hindi na kita pinasama!" inis na sigaw ko habang naka hawak sa mukha ko. Inis akong tumayo sa pag kakahiga at humarap sa salamin.

"Pero ang selfish ko naman kung hindi ko s'ya papa samahin 'di ba?"

"Arghhh! Nababaliw kana talaga Heath!" kausap ko sa sarili ko. "Ang kapal kapal na ng eyebags mo kaka puyat pumapangit kana!" Naupo na ulit ako sa kama ko at kinuha ulit ang cellphone na pinatong ko kanina sa lamesa ko.

"Last na message ko na 'to sayo at matutulog na talaga ako!" pag kasabi ko 'non ay agad ko ng binuksan ang cellphone ko at tsaka minessage si Harvix.

Messange:

To: 09********7

Hi baby! Sana naman mag paramdam kana. I have a lots of messages to u since u left last week,but kahit isa wala kang nireplyan. I know that you enjoyed ur vacation with your friends. Kaya lang sana naman nag reply ka kahit isa sa mga messages ko sayo kase I'm worried about you. Btw, I saw Kyle yesterday so I think nakauwi na kayo? I really miss you so much, baby!

message sent

8:51

Pag katapos kong isend sa kanya yon ay naramdaman ko nalang ang sarili ko na patuloy ng lumuluha, na s'yang dahilan kung bakit ako nakatulog agad.

"GOOD MORNING iha" masayang bati sa akin ni Manang Saly habang pababa ako ng hagdan. "Ang aga mo atang nagising ngayon iha? May lakad ka ba ngayong linggo?" ani Manang Saly habang nag aayos ng agahan sa mahabang lamesa namin na ako at si Manang lang minsan ang kumakain.

Today is Sunday, still Harvix hasn't call nor replying on my text. Ewan ko

pero nasasaktan ako tuwing iche-check ko ang cellphone ko kung nag reply na 'ba s'ya, feeling ko binabaliwala nalang n'ya ako.

"Good morning din Manang, maaga lang ho talaga akong nagising ngayon, actually medyo late na nga rin po dahil mag jo-jogging sana ako ngayon" sagot ko sa kanya sabay ngiti.

"Ganoon ba iha? Hindi mo sinabi sa akin para nagising sana kita ng maaga"

"Akala ko kase Manang magigising ako sa alarm ko kaya 'di nako nag sabi pa sayo, kaya lang ayon hindi ako nagising" natatawa kong sabi.

"Tulungan na kita d'yan Manang"

"O'sige iha, oo nga pala at maaga ulit umalis ang Mommy't Daddy mo papunta ata silang Cebu ngayon para sa bagong project ng companya nila" kaya pala wala ulit sila Mommy.

"Ilang araw daw po ba sila 'don Manang?" tanong ko sa kanya habang hawak ang sinangag na mukhang kakalito lang galing kusina.

"Hindi ko alam eh, wala namang nasabi sakin si Kriesa. May ipinabibigay pala na sulat sakin ang Mommy mo, 'teka at kukunin ko" pag kasabi n'ya n'on ay agad na kong naupo sa upuan at hinintay si Manang Saly para sabay na kaming kumain ng breakfast. "Anong oras po pala umalis sila Mommy kanina?"

"Mag 6 am palang umalis na ang Mommy't Daddy mo, eto iha" sabay abot n'ya sakin ng isang papel na nakatupi pa sa gitna.

"Sige po Manang salamat, mamaya ko nalang ho ito babasahin. Halika na po Manang umupo na po kayo dito sa tabi ko at sabay na tayong kumain" aya ko sa kanya at tsaka naman s'ya umupo sa upuan katabi ko.

Pag katapos ko kumain ay agad na kong pumasok ulit sa kwarto ko dahil wala naman na kong gagawin ngayong araw kundi ang mag cover lang ng kanta kapag bored ako.

Kukunin ko na sana ang guitara ko na regalo nasa gilid ng kama ko na s'yang gagamitin ko sa pag cover ng kanta ng biglang tumunog ang cellphone ko. Pag kakuha ko ng cellphone ko na nasa kama ay narinig kong may tumatawag.

"Hello baby!" masigla kong bungad sa kanya.

"Hello baby ka d'yan! Batukan kita eh! Ako 'to si Zhyn haler?" si Zhyn pala akala ko si Harvix na.

"Sorry naman 'kala ko si Harvix na eh, 'diko kase nakita pangalan mo may inaayos kase ko"

"Hindi parin ba nag paparamdam yung mokong na 'yon hanggang ngayon?"

"Hindi pa nga eh, 1 week na den. Oh ba't ka pala napatawag?

"Oo nga pala may lakad ka today?"

"Wala naman, actually mag ko-cover lang ako ngayon ng kanta dahil wala kong magawa dito sa bahay" sagot ko habang inaayos ang string ng guitara ko.

"Sila tita Kriesa at tito Karson pala nandyan? Sila Mommy kase wala tumawag sakin kanina at papunta yata sa Cebu as usual for business na naman" sabi ni Zhyn sakin.

"Wala din kaninang 6 am pa daw umalis sabi ni Manang Saly. Ba 'ka mag kakasama sila sa Cebu for business tsaka tigil tigilan mo pag ro-roll eyes ba 'ka maduling ka n'yan" tumatawang pang aasar ko pa sa kanya.

"Pano mo nalaman, bruha ka?" nag tatakang tanong n'ya.

"I know you very well Zhyn, kaya kahit pag sasalita mo na may pag ro-roll eyes pa eh alam na alam ko"

"Dami mong alam kahit kelan!" lalo namang lumakas ang tawa ko sa kanya. Hahaha. "Btw, susunduin ka namin ni Exen mamaya gumayak ka na tsaka ka nalang mag cover pupunta tayong MOA"

"Aalis ulit tayo?" takang tanong ko.

"Alam ko namang mababagot ka lang d'yan sa bahay n'yo tsaka bibili din kase ko ng bagong laptop mamaya gusto ko ikaw mamimili. Hahaha"

"Osige sige gagayak na 'ko. What time n'yo 'ko susunduin?"

"Mga 12:30, bye na gagayak na 'din ako"

"Sige bye. See you later!" sagot ko. Pag katapos ng tawag na 'yon ay nag madali akong kumuha ng damit na isusuot ko para mamaya tsaka dumiretso sa C.R para makaligo.