Ayradel's Side
"Uhm..." napalunok ako, paktay, paano ba ako makakalusot nito?
Kahit na nagsisimula na ang game sa pagitan n'ong ibang sections ay laglag pa rin ang panga nina Lea, Rocel, at Blesse. Nagkatinginan sila sa isa't isa at naunang tumikhim si Lea.
"Uh... Richard, pwede na naming mahiram si Ayra? Hehehehe."
Naghabulan na naman ang tibok ng dibdib ko. Fudgeeeee!
Mapungay na mata lang ang isinagot ni Richard. Tumingin siya sa game na nagaganap sa harapan, saka bumalik ang tingin kay Lea, pagkatapos ay marahang tumango.
"Sure, tapos na rin naman ang laro namin. I'll go with you." saka ngumiti ng napakatamis.
Mas lalong nalaglag ang mga panga nila. Kung ordinaryong araw lang ito ay malamang naglululundag na sila sa kilig ngayon.
"W-wag na. I mean, okay lang," sabi ko kay Richard saka marahang tinanggal ang kamay niya sa balikat ko. "Uh, tara sa labas?"
Pero bago makatayo ay hinila ni Richard ang braso ko.
"I'll go with youuuu." parang batang sabi niya.
In a millionth time ay nalaglag ang panga nilang tatlo. Ako naman ay malapit nang mapafacepalm.
"Maguusap lang kami!" sabi ko at inalis ang kamay niya. Kasalanan mo 'to e! Hays, kailangan ko pang magpaliwanag sa kanila kaya tumigil ka naaa! Huhu!
"Pleaseee?" Ayan, tuluyan na akong napafacepalm. "You want me to be murdered by those looks?" pinagmasdan pa namin ang mga babaeng grabe kung makatingin ngayon sa kaniya at sa kamay niyang nakahawak sa braso ko.
"Tsss."
Tumayo kaming apat, pero bago kami makalayo ay sinenyasan ko si Richard na patay ka sa akin mamaya look. Tss! Nginisian niya lang ako!
"Sorry na, sige na, kausapin mo na sila. Nandito lang naman ako, baka kasi awayin ka nila." aniya sa text.
Argh, naiinis ako pero hindi ko maiwasang kiligin. Kainis! Ang dami talagang alam na linyahan 'tong Lee- tik na 'to.
Ayun nga, hatak na ako ngayon nina Lea, habang si Richard ay marahan na naglalakad sa likuran hindi kalayuan sa amin. Dinungaw muna nila si Richard Lee bago ako kinausap.
"OMG!!! AYRA NAKAKAINIS KA! BAKIT HINDI MO MAN LANG SINABI?!?!" panimula ni Rocel habang may payugyog-yugyog pang nalalaman. Napangiwi ako.
"Oo nga Ayra! Nakakatampo! Huhu. Alam mo namang crush ko 'yun, tapos malaman-laman ko boyfriend mo pala!"
"Paano naging kayo?"
"Gad! Ayra! Magkwento ka na! Jusko hindi mo alam kung paano kaming nalaglagan ng mata kanina! Jusko si Richard Lee ba 'yon?! Ang sweet niya sayoooo!"
"Pero paano ngang naging kayo e hindi naman namin kayo nakikitang lumalapit sa isa't isa?"
Napalunok ako sa sunod-sunod nilang tanong. Ngayon ay nakatutok na silang lahat sa mukha ko para maghintay ng isasagot.
"Actually... Siya 'yong sinasabi ko sa inyo na naging f-first boyfriend ko noong h-highschool..."
Sabay sabay na napanganga sila.
"WHAT? ALL THIS TIME?"
Dahan dahan akong napatango.
"Bakit hindi mo sinabi?!"
"Sorry, n'ong time na yon kasi sinusubukan ko sanang mag-move on sa kanya, kaya ayokong bangitin yung pangalan niya or balikan kung anong meron kami."
Pinat naman nila ang balikat ko.
"Awe, hindi namin 'yan alam..."
"I'm sorry Ayra. Hindi ko alam na nahihirapan ka pala tuwing binabanggit namin siya?"
"All this time tinatawag ko siyang boyfriend ko sa harap mo pa mismo."
Napahalakhak kaming lahat sa sinabi ni Blesse. Kung anu-ano pa ang sinabi nila, napangiti na lang ako dahil mukhang tama ang mga napili kong kaibigan ngayong college. Napakaunderstanding nila at mabait. Hindi na namin namalayan na napatagal ang kwentuhan, kung kaya't napatalon kami sa gulat nang si Richard na mismo ang lumapit sa amin.
"Ay anak ng gwapo!" sigaw ni Lea na napahawak pa sa dibdib. "Shocks Richard Lee! Hindi pa rin kami sanay na lumalapit ka kaya medyo dahan dahan at baka masilaw kami!"
Humalakhak na naman kami.
"Sorry, ang dami nang lumalapit sa akin doon." aniya na napakamot. Shiiiz, bakit ang cute ng isang 'to!
"Uh... Hello na lang, I'm Lea... Hihihi." ani ni Lea. "For formal introduction lang kasi you know, ngayon alam na namin na kayo pala ni Ayra. Hmp!"
"Blesse hihi!"
"Rocel."
Inabot niyang lahat ang mga kamay nila.
"I'm sorry for not telling you."
"It's okay, ngayon alam na namin kung bakit ka nagdabog n'ong kasabay ka naming kumain sa canteen. Hihi."
Namula ang pisngi ko nang tignan ako nila Lea. 'Yon yung time na kasabay namin siyang maglunch pagkatapos ay ang sweet sa akin ni Charles...
Naalala ko bigla si Charles, biglang kinurot ang dibdib ko. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman ang feelings niya para sa akin. Sinubukan ko naman e, pero sadyang iisa lang ang bagsak ko.
Kay Richard Lee lang.
Natapos ang araw at walang mapaglagyan ang ngiti ko. Buong araw kaming magkasama ni Richard at masaya ako dahil unti-unti nang nakakapag-adjust 'yong tatlo lalo na si Blesse na crush na crush 'tong si Lee-ntik.
Nagpaalam na sina Lea, Blesse, at Rocel kaya kaming dalawa na lang ang natira. Hindi ko tuloy alam kung anong mararamdaman ngayong kaming dalawa na lang 'yong nandito sa harap ng gate ng school.
Pareho lang kaming parang tanga na nakangiti habang nakatingin kina Lea na naglalakad palayo. Nang magkatinginan kami ay parang may tumambol sa puso ko.
Medyo ilang buwan na rin ang lumipas nang maramdaman ko 'to. 'Yong feeling na okay na talaga kami, 'yong parang dati pa rin.
"Tara na?" nakangiti niyang tanong at kinuha ang kamay ko. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang kilig noong inabot ko ito at pinagsiklop.
Para akong kinikiliti na ewan, lalo na noong nagsimula na kaming maglakad. Shocks! Wala akong masabi kundi ang ngumiti! Nakakainis! Bakit ba sobrang nakakakilig?! Sa sobrang saya ng mga paru-paro sa tiyan ko e parang okay lang na lakarin namin 'tong buong Maynila habambuhay. Parang ayaw ko na lang matapos 'to.
Para akong nililipad ng hangin habang naglalakad... kaya ayan, hindi ko namalayang may bato pala, kaya natapilok ako.
Agad niya akong hinawakan sa magkabilang balikat para saluhin. Uminit naman ang pisngi ko.
"Tsk! Baichi ka talaga!" aniya sabay halakhak.
Sinapak ko nga yung dibdib niya noong makatayo ako ng ayos.
"Tss! Ayan na naman ang pangba-Baichi mo ah!"
"Hahaha! Hindi mo ba na-miss?"
Nanahimik ako at napakagat sa labi. Nagsimula ulit kaming maglakad ng dahan-dahan na para bang nasa Park kami.
"Kasi ako, sobrang na-miss ko," aniya. Naramdaman ko ang pagpulupot ng braso niya sa balikat ko. Niyayakap niya ako mula sa likod habang naglalakad.
Napangiti ako at hinawakan ang braso niyang nakapulupot sa katawan ko.
"Sobrang na-miss kita..." sabay halik sa ulo ko.
Napangiti ako ng malawak.
"Sobrang na-miss rin kita..."
"Huwag na tayong maghihiwalay ulit ah?"
Parang ewan na napatango-tango ulit ako sa sinabi niya. Umayos ulit siya sa paglalakad at muling ipinagsiklop ang mga daliri namin hanggang sa nakarating kami sa El Pueblo. Agad na napunta sa kamay namin ang tingin ni Kuya Guard kaya naman agad itong ngumisi at nangaasar na tumingin.
"Naaaaks! Hindi na naghahabulan ah?"
Mainit ang pisnging nagsimula akong mag-log in. Si Richard naman ay nagpangalumbaba sa desk habang nakangiti at nakatingin sa akin.
"Hindi na, Kuya. Nahabol ko na."
Hinampas ko si Richard habang si kuya ay patuloy na nang-aasar.
Pagkatapos niya maglog-in ay pinagsiklop niya na naman ang mga kamay namin nang pumasok sa elevator. Ni hindi niya napapansin ang mga tinginan ng mga tao sa amin at sa kanya. Nakahalf smile lang siya at pinapasadahan ng tingin ang harapan niya, hanggang sa tumunog na ang elevator dahil nasa 5th floor na.
Nagpahatak lang ako sa kanya, hanggang sa makarating kami sa room namin ng mga ka-dorm ko. Pero parang siya ay dire-diretso lang sa paglalakad.
"Huy, wait lang, dito na 'yong room ko." sabi ko kaya napahinto siya sa paglalakad.
Napaawang ang bibig niya at napatingin sa pintuan ng room namin. Napakamot siya sa batok pagkatapos ay napansin kong namula ng husto ang pisngi at tenga niya noong tumingin siya sa akin.
"U-uh... S-sigurado ka bang diyan mo gustong pumunta?"
Napakunot ang noo ko nang umiwas siya ng tingin, at saka ako napatingin sa room niya sa hindi kalayuan. Uminit ang pisngi ko kaya naman hinampas ko ang braso niya.
"Baliw!"