Ayradel's Side
Nagulat ako nang may ginawa na palang maliliit na banner sina Lea, Blesse, at Rocel pagbalik ko, gamit lang ang bondpaper at marker. May ginawa rin silang banner para kina Richard at kay Jayvee. Dinistribute ni Lea sa aming apat 'yong apat rin na bondpaper banner na ginawa niya.
Napunta sa akin 'yong banner na may nakalagay na "Go Charles!"
Nakay Blesse ang "Go Richard Lee!"
kay Lea ang "Go Jayvee!"
at kay Rocel ang "Patrick!"
Oh shiz, hindi pwede 'to!
"Uy. Bakit kay Charles sa akin?" nabiglang tanong ko.
"Bakit? Kanino gusto mo?"
Maling-mali, kapag sinabi kong kay Richard e maghihinala sila. Tsk, kailangan ko munang maamin sa kanila na may nakaraan kami bago nila malaman ang relasyon namin ngayon.
Hindi na ako nagreklamo ulit. Tsk. Mageexplain na lang ako mamaya kay Richard.
Nagsimula na ang laro. Katulad kanina ay talaga namang kitang-kita na si Charles ang pinakabihasa sa paglalaro. Halos hindi na tuloy magkanda ugaga ang mga katabi ko sa pagsisigaw at pagtaas ng mga banner nila.
"KYAAAAAAAAAAH!"
Nakababa lang ang bondpaper na hawak ko kaya naman agad-agad nila akong pinagtulakan para ibalandra iyon. Hiyang-hiya ako nang magsigawan ang mga katabi ko habang parang ewan dahil sila pa mismo ang nagtataas sa kamay ko.
"WAAAAAA! CHAAAAARLES! WOOOOO! GALING MOOOO!"
Napatingin tuloy sa pwesto namin si Charles. Nabuhay ang ekspresyon niya nang makita ang papel na hawak ko. Ngumisi siya at kumindat kaya naman agad na naghuramento ang mga katabi ko (at lahat yata ng babae).
"Kyaaaaaaaa! Ang gwapoooooo!!!"
Saka naman ako napatingin kay Richard na kunot ang noo ngayon habang sa akin rin nakatingin.
Kumalabog ang dibdib ko.
Paktay...
Mas lalo pa akong kinabahan nang makitang nagusap pa sina Charles at Richard. Kunot ang noo ni Richard bago ginulo ang basa niya nang buhok, bago naulit ang laban.
This time ay si Richard na ang naging sentro dahil siya na ang sunod sunod na nakapuntos...
"KYAAAAAAAAA! GALING NG BOYFRIEND KOOOOOOO!" sigaw na naman ni Blesse.
Lumipas ang oras at panalo na ang section namin. Nagsaya at nagsigawan ang lahat, pero nagstay pa rin sa kanya-kanyang pwesto para abangan ang susunod na laro.
Pinagmasdan ko ang paginom ni Richard sa boteng hawak niya. Break muna ulit bago magsimula ang bagong laban. Kinakabahan ako, baka galit sa akin ang isang ito.
"Should I go to him?" nadistract ako nang bigla kong marinig na nagsalita si Sheena.
"Oo! Dali! Dali! Pupuntahan ko rin si Danny!" ani naman ng kaibigan niya.
"I'm sure matutuwa siya kapag pinuntahan mo siya ulit! Hihihi."
"Well then. Sige..."
Napapikit ako sa inis pero wala akong magawa. Kainis!
"W-wait... I think hindi mo na kailangang pumunta sis..."
"Tignan mo sis! Parang tinititigan ka niya!"
Napadilat ako at napako ang tingin kay Richard na ngayon ay seryosong nakatitig sa akin. Inilapag niya ang ininumang bote, saka nagsimulang maglakad, nang hindi napuputol ang tingin.
"Shocks! Sinong tinititigan ni fafa Richard?!?!" bulung-bulungan ng mga tao sa buong paligid.
Oh, no no no no no!
Sobrang lakas ng kalabog ng dibdib ko, pakiramdam ko napako na ako dito sa upuan. Hindi ako makakurap. Tanging nakikita ko lang ay ang paglalakad niya ngayon palapit sa direksyon namin.
"Gawd Sheenaaaa! He's coming for you!"
Pinutol na ni Richard ang pagtitig sa akin at bahagyang tumaas ang kanyang labi habang tinatahak ang daan. Naging maugong ang buong gymnasium sa simple niyang pagngisi. Sobrang nalaglag ang panga ng lahat nang tumigil siya sa tapat ni Blesse...
"What? Si Blesse?!"
"Omg?!"
"Kyaaaaaaa! Bakiiiiiit?"
Kitang-kita ko ang pagkatulala ni Blesse kay Richard.
"U-uhm..." Blesse, na sobrang laglag ang panga at nagtataka kung bakit nasa harapan niya ngayon ang isang Richard Lee.
"Hello," sabi pa ni Richard habang nakangisi. "...padaan lang saglit, tatabihan ko lang yung girlfriend ko."
Pati ako ay nalaglagan ng panga.
Shiz... Malilintikan ka talaga sa akin mamayang Lee-ntik ka!!!!
"Wtf? Girlfriend daw?!"
"Whaaaat?"
"Oh noooooo!"
"May girlfriend si Richard Lee?"
"Ah? S-s-ino?" halos hindi nakapagsalita ng maayos si Blesse.
Tumigil ang mundo ko nang dahan-dahan silang lumingon sa direksyon ko. Hanggang sa si Richard na mismo ang gumalaw para dumaan sa harapan nila, papunta sa upuang bakante na katabi ko.
Ramdam ko na ngayon ang lahat ng mata na nakatuon sa akin.
"Whaaaaaat?"
"Sino 'yan???"
"BSE?"
Hindi ko na halos maintindihan pa ang komento ng iba dahil mas iniintindi ko na lang ay ang paghuhuramento ng puso ko.
"This is your punishment for cheering another guy, Love." bulong niya sa tenga ko pa mismo pagkaupo.
Whadaheeeeeeeeeeeell!
Tumayo ang mga balahibo ko sa leeg. Nilingon ko siya at kitang-kita ko kung paanong umarko ang labi niya paitaas.
"Sorry, I should mark what's mine." Tumaas pa ang braso niya sabay akbay sa akin.
Shooooocks!
Napalingon ako kina Blesse, Lea at Rocel na pare-parehong laglag ang panga at walang masabi.
I'm dead... I'm really really dead...
Hindi na rin ako nagsalita dahil ang iinit pa rin ng tingin sa amin ng lahat ng tao ngayon sa gymnasium. Kahit na nagsisimula na ang laro ay nasa amin pa rin ang tuon. Narinig ko rin na nag-walk out si Sheena pati na rin 'yong mga kaibigan niya.