webnovel

I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog)

She is a good girl, who lives to impress and not to express. She is Miss no-lates-and-absences, 'yong tipong aakalain mong sipsip sa guro pero sadyang matalino lang talaga. Sinusunod niya ang lahat ng gusto ng Mama niya just to live up with her expectations, and all her life, she simply just want something: ang ma-maintain ang inaalagaang pagiging Rank 1 ---- at siyempre, ang mapansin ng kaisa-isa at kauna-unahang love of her life---- ang gwapo, mabait, at inosente niyang seatmate na si Jayvee Gamboa.

Ayradel · General
Not enough ratings
133 Chs

Clothes On

With mature scenes, 'yong mga bata... layas layas....

Ayradel's Side

Tinulak-tulak ko siya papunta sa room niya. Binuksan niya naman ito, kaya naman pumungay ang mata niya at ngumuso pa para magpacute, habang ang kalahati ng katawan ay nasa loob na ng kwarto niya.

"Pasok na!" dinuro ko pa yung pintuan niyang nakaawang.

Hawak niya yung braso ko. "Ayra..."

Pinigilan kong mapangiti.

"Hindi pwede! Hindi pa nga alam nila besty e! Tss!"

"Edi ipapaalam ko ngayon!"

"Ano?! Hindi pwede!" malalagot ako nito kay besty kapag nagkataon! Ako na mismo ang magsasabi.

"Sige na nga..." sabi niya at malumbay na tumungo. "Si Luisa o!"

Nataranta ako nang bigla niyang tinuro yung likuran ko, at hindi ko na lang namalayan ang paghila niya sa akin papasok sa kwarto niya.

Habol ang hiningang napasandal ako sa pintuan, habang siya ay nakangising ikinukulong ako sa bisig niya ngayon. Kumunot ang noo ko at hinampas ang dibdib niya.

"Wala naman e! Niloloko mo ako!"

"Hush, nandyan nga." niluwagan niya ang pagkakakulong sa akin at sumilip sa maliit na butas sa gitna ng pintuan niya. Sunod akong sumilip at nandoon nga si besty, na pinagbuksan ni Ella ng pintuan. "Sabi sa iyo e."

"E ano naman? Pupunta na nga ako sa room namin." sabi ko habang nakasilip pa rin kay besty.

"Mamaya na!!!!"

Napahiyaw ako sa gulat nang niyakap niya ako mula sa likod at iniangat sa ere. Umupo siya sa kama niya sa hindi kalayuan, kaya ang ending ay nakaupo na ako ngayon sa lap niya. Namula ang pisngi ko dahil naalala ko 'yong nangyari sa closed room sa school.

Napatitig ako sa mata niya at hindi ko maiwasang hindi mainitan...

"Bakit ba ayaw mo? Wala naman akong gagawing masama." aniya kaya tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan. Napailing ako sa isipan kong ang hinihiling ay sana may gawin na lang siya.

Ghaaaaaaaaaad! Ano bang iniisip ko?!

"E-eh kasi... baka h-hanapin na nila ako e..." nalalasing na agad ako habang nakatitig sa labi niya.

"Mmm? What?" Nakita ko ang pagtaas ng gilid nito, kaya naman idinikit niya ang ilong ko sa ilong niya saka bumulong... "You want us to continue what we did earlier?"

Hindi na ako makatanggi, kasi in the first place, gusto rin naman ito ng mga paru-paro sa tiyan ko. Sobrang nalunod ako sa halik niyang marahan, dahan-dahan at punong-puno ng pagmamahal. Parang gusto ko na lang na ganito na lang kami, 'yong nakaupo sa lap niya, nakayakap sa leeg niya at hinahalikan siya. Kahit ano yatang paghalik ang gawin niya sa akin ay palagi ko pa rin siyang mamimiss.

Tumayo ang balahibo ko nang naging mas mainit at malalim ang aming halikan, nagsimula na ring maglakbay ang kamay niya sa loob ng aking shirt, sa may bandang likuran hanggang sa nakaramdam ako ng kiliti nang tumigil ang malamig niyang kamay sa aking bewang.

"Ang... lamig ng kamay mo." sabi ko.

Natigilan siya at awang ang bibig na tumingin sa akin.

"Epekto mo 'to." aniya at agad muling sinakop ang labi ko, mas lalo niya ring idiniin ang katawan ko sa katawan niya. Gan'on rin ang ginawa ko, mas lalo ko pang niyakap ang leeg niya.

Bumaba ang halik niya sa aking leeg at ang kamay niya ay nagsimula nang maglakbay sa aking hita.

Kakaibang sensasyon ang naramdaman ko nang ipinaglayo niya ang dalawa kong hita. Nakayakap na ito ngayon sa bewang niya habang nakaupo pa rin siya sa kama.

"Oh fudge... Don't..." aniya saka bumalik ang halik sa aking labi. "...tease me."

Hinawakan niya ang bewang ko kaya ipinagpatuloy ko pa ang paggalaw. Nakadamit pa rin naman kami ngunit damang-dama pa rin namin ang isa't isa sa nipis ng mga suot namin. Hinahalikan niya pa rin ang leeg ko, ang balikat ko, ang collar bone ko ngunit hindi pa siya mas bumababa.

Nakakabaliw dahil mas lalo lang akong nababaliw sa ginagawa niya.

"I love you..." bulong niya habang patuloy na ginagabayan ang bewang ko sa paggalaw. Napapakagat siya sa labi habang nakapikit. "..shiz... s-so damn much..."

"I love you so much too..." sagot ko saka hinalikan ang nakaawang niyang labi.

Gumapang pa lalo ang kamay niya, at sa isang iglap ay na-unhook niya na ang bra ko.

"Oh shit..." aniya at itinigil ang paghalik. Napakagat ako sa labi dahil hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin yung ano... "T-Tama na muna, hangga't kaya ko p-pang pigilan."

"Saglit na lang..." I swear, ikakahiya ko ang sarili ko sa tono ng pananalita ko. Aaaaahhhh!

Hinalikan niya muli ako.

"Shit Ayra, baka... shit!" niyakap niya ako ng mahigpit.

Lumipas ang segundo at marahan niya na akong ibinababa mula sa hita niya at iniupo sa kama. Malamig pa rin ang kamay niya at medyo nanginginig. Kahit bitin na bitin ay hinayaan ko siyang tumayo at pumunta sa banyo.

Magfi-15 minutes na bago pa siya lumabas mula doon.

"Ang tagal mo." Komento ko. "Akala ko naligo ka na."

Natanaw kong namula ng sobra ang buong mukha niya lalo na 'yong tenga niya.

"S-sorry... Hindi ko napigilan kaninang h-hubarin... yung... ahm..."

Ni hindi niya kayang tumingin sa akin. Hindi ko tuloy alam kung malilito ako o matatawa.

Tumayo na ako at nagulat ako nang bigla siyang napaatras.

"Bakit?" sinubukan ko ulit humakbang palapit sa kanya pero lumalayo siya, tapos tumitingin sa akin, tapos napapalunok.

"Kasi baka 'di ko na kaya..."

Lumapit ulit ako. Napaatras na naman siya.

"A-aish, Ayra, ang tagal ko na sa banyo kanina... Baka ano e---"

"Bakit ba? E lalabas na ako e. Nandyan sa likod mo yung pintuan."

Nalaglag ang panga niya at napakamot sa batok. Pinigilan kong tumawa dahil mukha na siyang kamatis sa sobrang pula ngayon. Binigyan niya ako ng space para makadaan pero pagkalabas ko ng kwarto niya ay sumunod rin siya.

Nagtataka ko siyang tinignan.

"Ipapaalam ko na kay Luisa na tayo na ulit." simpleng sabi niya saka ako hinawakan sa balikat. "Paano nga pala ang Mama mo?"

Aniya habang marahan kaming naglalakad palapit sa pintuan namin. Napatigil ako sa tapat at pinagmasdan siya.

"Okay na kami ngayon."

Tumango lang siya pero ramdam ko ang takot sa kanya na hindi niya lang masabi. Hanggang ngayon ay natatakot pa rin siyang papiliin ako kung sakaling hanggang ngayon ay ayawan pa rin siya ni Mama.

Hinawakan ko ang braso niya.

"Mahal kita, Richard Lee. Mahal na mahal."

Pagkatapos malaglag ang panga ay napangiti siya. Parang napanatag ang mata niya, at iyon ang pinakagusto kong tanawin. Yung panatag lang, tiwala, walang takot.

Habang buhay ko na sanang tititigan ang mata niya nang biglang bumukas ang pintuan ng dorm namin.

At tumambad si Niña--- na nalaglag ang panga nang makita si Richard.

"A-Ayra..." aniya sa akin. "R-Richard Lee...........?"