webnovel

Chapter 6

"Ano pong ibig ninyong sabihin dad?" Takang tanong ni Dani sa kanyang ama. "Iha, hindi mo ba naintindihan ang sinabi ko kanina?" Tanong ni Arthur sa anak. "Magbubukas ng branch ng Karozza si Axel dito sa Manila and ang napili niyang lugar ay ang Plaza Galleria Mall." Muling sabi ni Arthur. Tiningnan ni Dani si Axel at ngumiti ito ng matamis sa kanya.

"We've discussed it with your father and pirma mo na lang ang kailangan para masimulan na ang paggawa ng Karozza building sa PGM." Sabi ni Axel. "Tatapusin lang namin ang terms and conditions and in few more days, pede na tayong mag sign ng contract." Pagpapatuloy ni Axel.

"Pero dad, pauwi na ako mamayang gabi. Alam kong alam n'yo na ang nangyari so para maiwasan na lumaki pa ang problema, ako na ang iiwas." Sabi ni Dani. "Na-explain na ni Axel sa akin at humingi na din siya ng dispensa. Intayin mo ng matapos ang contract tutal naman ay nand'yan ka na." Sabi ni Arthur. "Pero dad..." Sabi ni Dani. "Daniella." Sabi ni Arthur. "Ok, I'll stay." Sabi ni Dani na nagpangiti kay Axel.

Tinapos na ni Arthur ang video conference niya kay Axel at sa mga kaibigan nito.

"By the way, siya si Jax at Roco, mga kaibigan ko at partner sa Karozza." Sabi ni Axel.

Si Jax at Roco ay kanina pa nakatanga kay Dani. Mula ng biglang pumasok ito ay natulala na sila sa ganda ni Dani.

"Hi. Dahil magiging part ng kayo ng PGM family,("Kahit hindi ko gusto," bulong ni Dani sa sarili.) ako nga pala si Daniella Monteverde, General Manager ng PGM. May pakiusap lang ako sa inyo, kakaunti lamang ang nakakaalam kung sino talaga ako kaya sana manatiling lihim at pagkatao ko." Sabi ni Dani sa dalawang lalaki na tango lamang ang sagot.

"May boyfriend ka na?" Tanong ni Jax na parang wala pa din sa sarili. "Sir Jax, I think my private life is non of your business." Sagot ni Dani na nagpabalik sa sarili ni Jax at Roco. Natawa si Axel.

"Once na matapos namin ang terms and conditions ay papipirmahan ko sayo kaagad." Sabi ni Axel. "Kung hindi ka pa uuwi ay mauuna na kami ni Sydney." Sabi ni Dani. "Intayin n'yo na ako. Jax send mo na lang sa akin ang draft." Sabi ni Axel sabay tayo at labas ng opisina.

"Pare, ang ganda." Sabi ni Roco. "Oo nga pare kaso nasopla ko kanina." Natatawang sabi ni Jax. "Palagay mo bakit ang PGM ang napili ni Axel eh ang dami naman nag-offfer ng mas maganda at malaking location." Tanong ni Roco. "Pare, palagay mo ba palalampasin ni Axel ang magandang babae na yun? Tiyak na may hidden agenda siya kaya ang PGM ang pinili niya." Sagot ni Jax. "To think na siya pala ang prinsesa ng PGM. Biruin mo nakilala na din natin siya." Sabi ni Roco. "Mayaman, maganda, at sexy pa, kaya lang kawawa siya kay Axel." Sabi ni Jax. Tumango-tango lang si Roco.

Habang nasa daan ay tahimik lang ang tatlo. Ramdam pa din ni Sydney ang tension mula sa kuya at kaibigan niya.

Nagring ang telepono ni Dani.

"Pinacancel ni President yung ticket mo." Sabi ni Aubrey. "Ok lang, wala naman ako magagawa. Sabihin mo na lang kay Dion na matatagalan pa ako dito. By next week na siguro yung dinner namin." Sabi ni Dani na ikinakunot ng noo ni Axel. "Tawagan mo na lang ako kung may maging problema. Pakisabi din kau Cleo na ayusin yung mga papeles ko. Si dad na lang ang mag-sign." Sabi ni Dani at tinapos na niya ang tawag.

"Sino si Dion?" Tanong ni Axel. "Boyfriend ko." Walang kaabog-abog na sagot ni Dani. Gusto tumawa ng malakas ni Sydney pero tiningnan siya ni Dani ng may warning sa mata.

Si Dion ay ang CEO ng isa sa pinakakilalang magazine sa Pilipinas, ang GOSSIP. Gwapo, matangkad, mayaman, ang kaso, hindi babae ang gusto niya kungdi, lalakeng tulad niya.

Hindi na kumibo pa si Axel. Natuwa naman si Dani at nakaisip ng kalokohan.

"Hello, Dion, sweetheart." Sabi ni Dani sa kabilang linya. "Kinikilabutan ako sa'yo Daniella!" Sagot naman ni Dion. "Next week na ako makakauwi kasi may business deal ako dito." Sabi ni Dani. "Hoy, babaeta, paano mo nakilala ang Axel Monteclaro na 'yun?" Tanong ni Dion. "Sweetheart, 'wag ka nang magselos. Alam mo naman ang tsismis di ba." Sabi ni Dani. "Ako lang ay tigilan mo Daniella, lasing ka ba?" Tanong ni Dion. "Ok, sweetheart, I miss you too. Bye." Sabi ni Dani at pinindot na ang end call sa kanyang cellphone.

Hindi namalayan ni Axel na dumiin ang hawak niya sa steering wheel ng kanyang kotse at napadiin ang apak niya sa acceleration kaya bumilis ang takbo nila.

"Hoy, kuya, natatae ka ba?" Tanong ni Sydney pero lalo lang bumilis ang pagpapatakbo ni Axel. "Mr. Monteclaro, kung gusto mong mamatay, ikaw na lang. 'Wag mo na kaming idamay." Sabi ni Dani.

Bumagal lamang ang takbo ni Axel ng madinig niya ang wang-wang ng police mobile. Huminto sila sa gilid at bumaba si Axel. Pagkatapos makipag-usap sa patrol ay sumakay na muli sa kotse si Axel.

"Di nila kinuha ang licence mo kuya?" Takang tanong ni Sydney. "Hindi. Emergency kaya hindi nila ako binigyan ng ticket." Sagot ni Axel. "Emergency?" Tanong ni Sydney. "Sabi ko matatae na ang girlfriend ko." Sabi ni Axel na may matamis na ngiti sa mukha at nakatingin kay Dani.

Nanlaki ang mata ni Dani at sinuntok ang balikat ni Axel. Tumawa lang ng malakas si Axel at pinaharurot na muli ang kanyang kotse.

"Nagugutom na ako, kumain muna tayo." Sabi ni Axel. "Hindi ako gu..." Bago pa man matapos ni Dani at kanyang salita ay tumunog na ang kanyang tiyan. Natawa si Axel at Sydney. Namula naman ang mukha ni Dani.

Pumasok si Axel sa underground parking ng isang mamahaling restaurant. Nagpark siya sa malapit sa elevator.

Nagaalala si Dani na baka may makakilala sa kanya pagpasok nila sa restaurant. Kahit nagawan na ng paraan ni Dion ang picture nila ni Axel ay tiyak na may nakakita dito kahit sandali lang.

Napansin naman ni Axel ang pag-aalinlangan ni Dani. "Don't worry, my princess. I have an exclusive room here. Walang makakakita sa'yo." Sabi ni Axel at inabot na ang kamay ni Dani. Kinikilig naman si Sydney sa nakikita sa dalawa.

Sumakay sila ng elevator. Ang exclusive room na sinasabi ni Axel ay malapit lang sa elevator kaya walang nakapansin sa kanila

ng pumasok sila sa restaurant. May pinindot lang si Axel at may dumating ng waiter para kunin ang kanilang order.

"One Osso buco alla Milanese, one Prosciutto, and Saltimbocca. For our drinks, one Prosecco, Aperol Spritz, and Limoncello." Sabi ni Axel sa waiter. "That would be all." Patuloy ni Axel.

"Hindi mo na kami tinanong kuya kung anong gusto namin." Sabi ni Sydney. "Don't worry, tiyak na magugustuhan ninyo ang mga order ko." Sabi ni Axel.

"Axel, sana ay magawa ninyo agad ang terms and conditions ninyo. Baka bukas lang ay ipadaa na ni daddy ang contract." Sabi ni Dani habang iniintay nila ang kanilang pagkain. "Bakit ka ba masyadong nagmamadali. Dahil ba namiss mo na ang boyfriend mo?" Tanong ni Axel. "Oo." Mabilis na sagot ni Dani na ikinairita ni Axel.

"Bakit hindi muna tayo mamasyal Dan. Madaming magagandang beach dito. Bukas, maghanap tayo ng beach. Kuya, pahiram kami ng sasakyan ha?" Sabi ni Sydney para maiba lang ng usapan.

"Sasamahan ko na lang kayo. Mayroon akong alam na exclusive na resort na malapit lang dito." Sabi ni Axel. "Sige, sige, kuya." Sabi ni Sydney. Tahimik lang si Dani.

Dumating na ang kanilang pagkain at tahimik silang kumain.