webnovel

Chapter 5

"Ladies and gentlemen, please welcome, our guest speaker for today, Mr. Axel Monteclaro." Sabi ng emcee na sobra ang ngiti at sobra din makatitig sa naglalakad na lalake.

Halos lahat ng babae ay kinikilig habang pinagmamasdan and matikas at gwapong si Axel, maliban sa dalawang babaeng nakaupo sa harapan.

"Syd, kaya bang itago ng kuya mo yung sikreto ko?" Tanong ni Dani. Ngumiwi si Sydney. "Di ko masagot yan Dan. May pagkasiraulo din kasi si kuya. Pero hayaan mo, kakausapin ko ulit siya mamaya." Sabi ni Sydney. Nagbugtong hininga si Dani.

Bago magsalita si Axel ay tinapunan niya muna ng isang matamis na ngiti si Dani pero ang tingin ng huli ay nang-aasar lamang ito kaya inirapan niya na lamang ang lalaki.

And speech ni Axel ay umikot sa kung paano siya nagsimula, kung paano siya nagsikap, ano ang kanyang mga ginawa upang maging successful ang kanyang car business. Nabanggit din niya na may balak silang magkakaibigan ng magkaroon ng isang branch sa Manila at naghahanap sila ng magandang location para dito. Tinapos na ni Axel ang kanyang pagsasalita at lahat ng tao, lalo na ang mga babae, ay nagpalakpakan.

"Ang gwapo talaga niya! Grabe, kahit madaming nalink sa kanya, willing pa din akong maging isa sa kanila." Bulungan ng ilang babae na ikinaikot ng mata nila Sydney at Dani.

Mayroon silya at lamesa na nakalaan para sa mga speaker ng convention pero hindi doon umupo si Axel na ikinalungkot ng ilang mya babaeng speaker. Mayroong bakanteng silya sa tabi ni Sydney at ng makita ni Axel iyon ay bigla niyang pinausod si Sydney at naupo siya sa tabi ni Dani. Nagulat si Dani pero wala siyang magagawa. Ayaw niyang maging sentro ng event na iyon kaya nanatili na lang siyang tahimik at nakinig sa mga sumunod na speaker. Nagpasalamat na lang siya dahil wala naman ginawang kakaiba si Axel.

"It's our lunchtime so I'm inviting you to please get your food on the buffet table." Pag-anyaya ng emcee sa mga dumalo ng convention. At ang lahat ay nagsitayuan na.

"Mr. Axel Monteclaro, this way, please." Sabi ng usherette kay Axel. Mayroon sariling room at buffet table ang mga organisers at speakers. "Iha, sumabay na kayo kay Axel." Sabi ni Mr. Tan na nakasunod na pala sa usherette na kumausap kay Axel. "Uncle, dito na lang po kami." Sabi ni Dani. "Don't worry, iha, sinabi ko sa kanila na pamangkin kita. Sige na." Sabi ni Mr. Tan. Wala ng nagawa sina Dani at Sydney kungdi sumunod kay Alex.

"Mr. Monteclaro, hi, I'm Jessa Arevalo. My dad bought a car from your company last month. It was really a great car." Bungad ng isang magandang babae habang kumukuha ng pagkain si Axel. Agad naman tinanggap ni Axel ang kamay ni Jessa sabay halik sa kamay ng babae. Halatang kinilig naman ang babae. Ito ang nakita nina Sydney at Dani pagpasok nila ng kwarto. Umikot ang mata ni Sydney.

"Heto na naman si kuya." Sabi ni Sydney. "Hayaan mo na siya. Tara kuha na tayo ng pagkain." Sabi ni Dani.

Tapos ng kumuha ng pagkain sina Dani at Sydney. Uupo sana sila ngunit wala ng available na upuan maliban sa table nila Axel. Nakaupo din si Mr. Tan sa lamesang iyon kaya ng kawayan si Dani ni Mr. Tan ay wala silang nagawa kundi ang lumapit.

"Dito ka na iha, Sydney doon ka na sa kabila." Sabi ni Mr. Tan at sumunod ang dalawa. Naupo si Dani sa gitna ni Mr. Tan at Axel. Katabi naman ni Axel si Jessa na katabi naman si Sydney. Naiinis si Sydney dahil halatang nilalandi ni Jessa ang kuya niya.

"Kuya, kamusta na ang girlfriend mo?" Sabi ni Sydney na ikinagulat ni Jessa. "I thought break na kayo ni Britney." Tanong ni Jessa.

"Yeah, I have a new girlfriend now." Sabi ni Axel sabay akbay kay Dani. Nanlaki any mata ni Dani. "She's my new girlfriend, Dani." Nakangiting sabi ni Axel na kinasamid ni Sydney at Mr. Tan.

Gustong tanggalin ni Dani ang kamay ni Axel pero lumapit ito at may ibinulong sa kanya. "Kung ayaw mong ibulgar ko ang buo mong pagkatao, just play with me." Sabi ni Axel. Kung titingnan sa ibang angulo, akala mo ay hinalikan ni Axel sa pisngi si Dani. Tumayong bigla si Jessa at halatang nadismaya. Doon lamang tinanggal ni Axel any kamay niya sa balikat ni Dani.

"Kuya, ano bang kalokohan 'to?" Inis na sabi ni Sydney. "Sinakyan ko lang yung sinabi mo kanina." Sagot ni Axel. "Eh bakit si Dani pa ang naisipan mong isama sa kalokohan mo?" Inis pa din sabi ni Sydney. "Alangan naman ikaw eh tinawag mo kong kuya." Sagot ni Axel.

"Uncle, mauuna na po ako. Medyo masama po ang pakiramdam ko." Sabi ni Dani na ikinalingon ni Axel at Sydney sa kanya. Naintindihan naman ni Mr. Tan ang kalagayan ni Dani kaya tumango na lamang ito.

"Mr. Tan, mauuna na din ako. Madami pa kasi akong gagawin sa opisina." Sabi ni Axel. Sumonod na din si Sydney sa kanyang kuya.

Naabutan ni Axel si Dani na nag-aabang ng taxi. Lumapit siya dito ngunit may nakita siyang isang babae na may hawak ng cellphone at yun ay walang iba kundi si Jessa. Kukunan ng picture si Dani. "Shit!" Sabi ni Axel at tinakbo niya ng mabilis si Dani sabay yakap at takip nito sa mukha.

Nagpupumiglas si Dani dahil sa biglang pagyakap sa kanya ni Axel.

"Bitiwan mo nga ako!" Pasigaw na sabi ni Dani. "Wag kang malikot, may kukuha sayo ng picture." Sabi ni Axel. Pagkadinig ni Dani ng picture at tumigil na siya sa pagkilos.

"Kuya!" Sabi ni Sydney ng makita niyang nakayakap ito kay Dani. "Ito ang susi, mauna ka na sa parking." Sabi ni Axel. "Bakit, ano bang nangyari?" Takang tanong ni Sydney. "Basta kumilos ka na. Mamaya na ko magpapaliwanag." Seryosong sabi ni Axel kaya kumilos na agad si Sydney dahil nakita niya ang pag-aalala sa mukha ng kuya niya.

"Kainis!" Sabi ni Jessa ng hindi nakunan ang mukha ni Dani. "Pero pede na din to." Sabi niya ng makunan ang mukha ni Axel na nakayakap kay Dani. Dali-dali niyang share sa social media and picture ng dalawa. "Dani...new girlfriend of Axel Monteclaro."

Nakasakay na ang tatlo sa Sweptail Rolls-Royce ni Axel pauwi ng penthouse sa The Residences. Tahimik silang tatlo at walang imikan. Ramdam ni Sydney ang tension mula sa dalawang taong nasa harapan niya. "Kasalanan ko 'to!" Sabi ni Sydney sa sarili. Magsosorry sana si Sydney ng biglang tumunog ang cellphone ni Dani.

"Aubrey, may problema?" Tanong ni Dani. "Oo, malaki, buti na lang at hindi nakita ang mukha mo!" Sabi ni Aubrey. "Ha? Anong mukha ko?" Takang tanong ni Dani. "Mag-check ka ng social media." Sabi ni Aubrey at tinapos na ang tawag.

Agad naman binuksan ni Dani ang entertainment news sa internet at nakita na niya ang sinasabing problema ni Aubrey. Nakita din ito ni Sydney at binasa niya pa ang caption at nadinig iyon ni Axel. "Dani...new girlfriend of Axel Monteclaro."

Agad na tinawagan ni Dani si Aubrey. "Aubrey, call Dion, tell him to stop the news!" Sabi ni Dani na halatang naiinis. "Ok." Sagot ni Aubrey. "And get that bitch information. I want that tomorrow on my table." Sabi ni Dani na ikinagulat ni Sydney. "And taray ng friend ko." Sabi ni Sydney sa sarili. "Uuwi ka na?" Gulat na tanong ni Aubrey sa kausap. "Oo, mas mahirap kung magtatagal pa ako dito." Sagot ni Dani at ini-off na niya ang cellphone. Nangingiti naman si Axel. "So, this is the real princess of PGM." Sabi ni Axel sa sarili.

"Dan, sorry." Sabi ni Sydney. "Wala kang kasalanan, Syd." Sabi ni Dani. "Kasalanan ng mokong na to." Sabi ni Dani sa sarili. Lalo siyang naiinis dahil parang wala naman sa lalaking ito ang ginawang kalokohan.

"Dadaan muna ko sa opisina, may pipirmahan lang akong papeles." Sabi ni Axel pero hindi kumibo si Dani.

Pumasok sa isang malaking building ang kotse ni Axel, ang Karozza. Kahit naiinis ay namangha si Dani sa mga nagagandahang mga kotse. Hininto na ni Axel ang sasakyan at bumaba na ito.

"Aubrey, can you book me a flight mamayang gabi?" Tanong ni Dani. "Ok, pero baka magalit si President." Sabi ni Aubrey. "By this time, tiyak na alam na ni Mommy yung issue." Sabi ni Dani. "Nakausap ko na si Dion. Nagawan na niya ng paraan kaya ilibre mo daw siya ng hapunan pagbalik mo." Sabi ni Aubrey. "Ok, tatawagan ko na lang siya." Sabi ni Dani at natapos na ang tawag.

"Ang tagal naman ni kuya!" Sabi ni Sydney. Hindi kumibo si Dani. Lumipas na ang 30 minutes ay wala pa din si Axel. "Kanina ka pang mokong ka ha, napipikon na ko sa'yo!" Inis na sabi ni Dani sa sarili.

45 minutes...inis na binuksan ni Dani ang pinto ng kotse at deretsong tinungo ang kwartong pinasukan ni Axel kanina. Sumunod naman si Sydney. "Nako, kuya!" Sabi ni Sydney sa sarili.

Binuksan ni Dani ng bigla ang pinto at nagulat ang tatlong magkakaibigan na nakaharap sa laptop ni Axel.

"Mr. Monteclaro, ang ayoko sa lahat yung pinaghihintay ako ng matagal. Halos mag 1 hour na kaming nakatanga sa labas!" Inis na sabi ni Dani.

"Daniella!" Tawag ni Arthur sa anak. "Dad!?" Sagot naman ni Dani na takang taka ng makita ang ama sa monitor ng laptop.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hindi ko po mabuksan ang comment space ko. Di ko po mababasa kung sakaling magcomment man kayo after ng chapters. Salamat po for giving my novel a chance. Kung ok lang po sa inyo, sa review section na lang po kayo magbigay ng comment.

Maraming salamat po ulit. 😘😘😘

Arrette

Next chapter