webnovel

Chapter 7

Isang beach resort na di kalayuan ang pinuntahan nila Axel, Dani, at Sydney. Dahil sa weekdays, kakaunti lamang ang nasa resort. Nagpunta si Axel sa information para magbayad ng entrance at pumili ng cottage. Pagkatapos ay inihatid na sila ng isang crew sa kanilang cottage.

"Sis, hindi ba si Axel Monteclaro yun?" Tanong ng cashier sa kasama niya. "Oo, ang gwapo niya talaga. Sino kaya yung mga kasama niya?" Tanong ng isang crew. "Hawig niya yung isa eh, baka kapatid niya at yung isa naman baka girlfriend niya." Sabi ng cashier. "Gwapo nga sana siya kaya lang napakababaero. Nakita ko sa social media na kakabreak niya lang tapos may bago na ulit ngayon? Ha'ay." Sabi ng crew.

"Bihis na tayo, Dan." Sabi ni Sydney ng makapsok na sila sa cottage. "Maliligo na tayo agad?" Tanong ni Dani. "Oo, mamaya mainit na." Sagot ni Sydney. "Ah, ok, sige." Sabi ni Dani. "Ikaw, kuya?" Tanong ni Sydney. "Hindi ako maliligo." Sagot ni Axel na nakaharap sa kanyang laptop. "KJ mo talaga." Sabi ni Sydney at hinila na si Dani para magbihis.

"Wow! Dan ang sexy mo talaga!" Sabi ni Sydney habang nakatingin sa katawan ni Dani. "Sexy ka din naman." Sabi ni Dani. "Pero, ikaw pang Miss Universe, ako pang Miss Philippines lang." Sabi ni Sydney na nagpangiti kay Dani.

"Pare, natapos na namin ang terms and conditions at napadala na din ni Mr. Monteverde ang contract. Pede na tayo magsign today or tomorrow." Sabi ni Jax. Magkakausap ang magkakaibigan through video conference. "Itabi n'yo lang ang documents. Maybe, sa Saturday or Sunday na tayo magpirmahan." Sabi ni Axel Na ikinakunot ng noo ni Jax at Roco. Maya-maya ay ngumiti na ang dalawang magkakaibigan.

"Bakit parang pinatatagal mo ang pag-stay ni Dani dito?" Nakangiting sabi ni Roco. Natawa si Axel. "Obvious ba?" Nakangiting sabi ni Axel. "Pare, paalala lang, hindi simpleng babae lang si Dani." Sabi ni Jax. Sasagot sana si Axel pero natigilan siya ng makita si Dani. Kunot noo namang nagkatinginan si Jax at Roco dahil sa tulalang si Axel.

"Hoy, pare, para kang nakakita ng multo ah." Sabi ni Roco. "Hindi, pare, diyosa ang nakita ko." Sabi ni Axel na nakatitig pa din kay Dani. "Iba na yan, pare." Nakangiting sabi ni Jax.

Nakita naman ni Dani na titig na titig sa kanya si Axel kaya medyo naasiwa siya. Naka two piece bathing suit siya na kahit pinatungan niya ng manipis na cardigan ay kita pa din ang magandang hubog ng kanyang katawan.

"Kuya, laway mo tumutulo." Nakangiting sabi ni Sydney na nagpatawa kay Jax at Roco. Bumalik naman sa sarili si Axel sa nadinig na tawa ng dalawang kaibigan. "Sige na, mamaya na lang tayo mag-usap." Sabi ni Axel at pinatay na ang kanyang laptop.

"Tara na, Dan." Sabi ni Sydney. Tumango naman si Dani pero bago sila nakalabas ng cottage ay tumunog ang cellphone ni Dani.

"Aubrey, napatawag ka, may problema?" Tanong ni Dani. Tumngin si Axel at inisip na baka sabihin na ok na ang contract. "Wag muna." Bulong ni Axel sa sarili.

"Wala naman. Tumawag si Phoebe kagabi. Nasa Davao din sila. Ang sabi niya tatawagan ka na lang daw para invite mamayang gabi." Sabi ni Aubrey. "Ah, ok, hindi pa naman siya tumatawag. Saka kahit invite niya ako, wala naman akong dalang wheels." Sabi ni Dani. "Siya na daw ang bahala basta maka-join ka lang. Alam mo naman yun, hangang-hanga sa'yo." Sabi ni Aubrey na nagpangiti kay Dani. "Sige, baka nga tumatawag na yun habang magkausap tayo." Sabi ni Dani. "Sige, galingan mo ha ng may pangkape tayo pagbalik mo." Sabi ni Aubrey at tinapos na ang tawag.

Hindi nga nagkamali si Dani, matapos nilang mag-usap ni Aubrey at tumunog ulit ang cellphone niya.

"Yes, Phoebe?" Nakangiting sabi ni Dani. Si Axel at Sydney ay tahimik lang na nakaupo. "Join ka mamaya." Sabi ni Phoebe. "Wala akong wheels." Sagot ni Dani. "Don't worry, akong bahala. I'll give you the fastest." Sabi ni Phoebe. "Akala ko pang manila lang tayo." Sabi ni Dani. "Pede na ding pang Davao. Buti nga at nalaman kong nandiyan ka na. Aayain pa naman sana kita eh nauna ka na pala." Sabi ni Phoebe. "Ok, sige, text me the address." Sabi ni Dani. "Ok, bye!" Sabi ni Phoebe at natapos na ang tawag.

"Anong meron?" Tanong ni Sydney. "Sama ka sa akin mamaya, may pupuntahan tayo." Sabi ni Dani na nakangiti. "Saan naman?" Tanong ni Sydney. "Basta, exciting!" Sabi ni Dani. "Gusto ko yan." Sabi ni Sydney. Si axel naman ang ngingiti ngiti lamang.

"Bro, ang sexy oh." Sabi ni Dexter sa dalawang kaibigan na sina Zander at Blaze. Tumingin naman ang dalawang lalaki sa itinuturo ng kanilang kaibigan. "Parang familiar ang mukha nung isa." Sabi ni Zander. Si Blaze ay tahimik lang na nakatingin kay Dani. "The princesss came out from her dungeon." Bulong ni Blaze na di naman naintindihan ng dalawa niyang kaibigan.

Si Blaze ay anak nina Mr. and Mrs. Florentino na kaibigan ng mag-asawang Monteverde. Alam niya din ang sikreto ni Dani dahil malapit na magkaibigan ang kanilang mga magulang. Ngunit kahit na magkaibigan ang kanilang mga magulang ay hindi sila ganoon ka-close. Crush ni Blaze si Dani at sinubukang ligawan pero umpisa pa lang ay nasopla na siya.

Tumayo si Blaze at lumakad papalapit kila Sydney at Dani, kasunod niya ang dalawang kaibigan.

"Dani?" Tawag ni Blaze na ikinalingon ni Sydney at Dani. "Small world." Sabi ni Blaze. "Hi." Maikling sagot ni Dani. "By the way, these are my friends, Dexter and Zander. Tinanguan lang ni Dani ang dalawang lalaki.

"Sydney, tara na." Aya ni Dani sa kaibigan. Naiilang siya sa tingin sa kanya ni Zander at Dexter. Feeling niya ay kakainin siya ng buo. Napansin ni Sydney iyon kaya tumango na siya. Maglalakad na dapat sila papalayo sa tatlong lalaki ng hawakan si Dani ni Dexter.

"Wait lang, Dani. Kakakilala pa lang natin, aalis na agad kayo? Sumama muna kayo sa cottage namin." Sabi ni Dexter. "Dex!" Sabi ni Blaze na ikinalingon ni Dexter. "Magkaibigan naman kayo pare di ba?" Nakangiting sabi ni Dexter. Si Sydney ay medyo naasiwa na din, naamoy niya kasi ang alak sa mga lalaking kaharap nila.

Lumabas na si Axel ng cottage at ang bumungad sa kanya ay ang nakahawak na kamay ni Dexter sa braso ni Dani. Sumingkit ang mga ni Axel at dali dali siyang lumapit.

"Sir Dexter, please let me go." And sabi ni Dani na nagpangisi kay Dexter. "Dexter, bumalik na tayo sa cottage." Sabi ni Blaze na alam kung ano ang ugali ni Dexter pagnakatipo ng babae. Hindi pinansin ni Dexter si Blaze. "Gusto ko lang makasama ang isang maganda at sexy na babae tulad mo." Sabi ni Dexter. Sasagot pa sana si Dani ng magsalita si Axel.

"Is there a problem here, Hon?" Tanong ni Axel na ikinabitiw ng kamay ni Dexter kay Dani. Nagulat naman si Dani ng ilagay ni Axel ang kamay nito sa kanyang bewang. May kakaibang naramdaman si Dani sa pagkakalapat ng balat niya sa kamay ni Axel.

"Mr. Monteclaro." Sabi ni Dexter na medyo umatras ng makilala kung sino ang kaharap.

"Yes, may problema ka ba sa girlfriend ko?" Tanong ni Axel. Gustong batukan ni Dani ang lalaking nasa tabi niya pero pinigil niya ang sarili dahil kailangan niya ng tulong nito. "Ah, pasensya na, Mr. Monteclaro, medyo madami na ang nainom ko. Wala naman, nagandahan lang ako sa'yong girlfriend. Paalis na din kami." Sabi ni Dexter at nasimula ng lumayo kasama si Zander. Naiwan si Blaze na nakatingin kau Dani.

"Alam ba ni Uncle at Auntie na may boyfriend ka na?" Tanong ni Blaze pero imbis na si Dani ang sasagot, si Axel ang nagsalita. "She said YES to me recently. Don't worry, pagbalik namin ng Manila ay yun ang unang una kong gagawin. By the way, I'm Axel Monteclaro and you are?" Tanong ni Axel. "Blaze Florentino." Maikling sagot ni Blaze.

"Mauna na kami, Blaze. Kamusta mo na lang ako kina Uncle at Auntie." Sabi ni Dani at nauna ng naglakad kasabay ni Sydney.

Naiwang magkaharap sila Blaze at Axel.

"I hope, di matulad si Dani sa ibang babae na nakarelasyon mo. Kung wala kang balak seryosohin si Dani, ngayon pa lang tigilan mo na." Seryosong sabi ni Blaze. "Don't worry, I'll take care of her." Sabi ni Axel at tumalikod na. Naiwang iiling-iling si Blaze.

Next chapter