webnovel

Chapter 19

Nagkatotoo ang sama ng pakiramdam ni Dani. Nagising siya ng madaling araw na ginaw na ginaw. Kahit masakit na masakit ang katawan niya ay bumangon siya para patayin ang aircon. Alam niyang mataas ang lagnat niya pero ayaw niyang uminom ng gamot. Madalang siyang magkasakit pero matindi. Umaabot sa 40 degree celsius ang lagnat niya at hindi siya halos makakain at makakilos. Pero kahit ganoon katindi ang sakit niya ay hindi siya umiinom ng gamot. Tanging ginagawa niya ay matulog ng matulog.

Nahiga siyang muli pero hindi nawala ang panglalamig niya kahit patay na ang aircon. Kinuha niya ang kumot at tinalukbong sa kanyang katawan.

Naramdaman ni Axel na parang balisa ang kanyang katabi. Nagtaka din siya at patay ang aircon.

"Dan, ok ka lang?" Tanong ni Axel ng makitang nanginginig ang katawan ni Dani sa ilalim ng kumot. "Ang lamig..." Sagot ni Dani. Sinalat ni Axel at noo ni Dani at nagulat siya sa init nito. "Dani, inaapoy ka ng lagnat." Sabi ni Axel. "Malamig." Tanging sagot ni Dani. "Kaya mo bang tumayo? Dadalhin kita sa ospital." Sabi ni Axel na tatayo na sana pero muling napahiga ng hilahin siya ni Dani. "Ayoko, dito ka lang." Sabi ni Dani na ikinagulat ni Axel ng bigla siyang yakapin ni Dani at isinikisik ang sarili sa katawan niya. Napalunok si Axel.

Nakayakap sa kanya ngayon si Dani na akala mo bata. Walang nagawa si Axel kungdi yakapin lang din si Dani. Pero habang tumatagal ay hindi nababawasan ang nginig ng katawan ni Dani at pakiramdam niya ay lalo itong umiinit.

"Dani, kailangan natin pumunta sa ospital para matingnan ka ng doctor." Sabi ni Axel na inilayo sandali sa katawan niya si Dani. Umiling ito. "Dani, huwag ng matigas ang ulo." Sabi niya na nag-aalala na sa katabi. "Ayoko sa ospital, ayoko ng gamot." Sagot ni Dani. Bumuntong hininga si Axel.

Habang nakayakap sa kanya si Dani ay pinilit niyang abutin ang kanyang phone sa mesa sa gilid ng kama nila. Dahil ayaw niyang mag-alala ang mga magulang ni Dani ay si Aubrey ang tinawagan niya.

"Hello?" Sabi ni Aubrey na naalimpungatan sa tunog ng kanyang phone. "Aubrey, inaapoy ng lagnat si Dani pero ayaw niyang magpadala sa ospital." Sabi ni Axel. "Sino ka? Sino si Dani?" Tanong ni Aubrey na antok na antok pa. "Aubrey, si Axel ito, nilalagnat si Dani." Sabi ni Axel na nagpagising na kay Aubrey. "Ha? May lagnat si Dani?" Ulit ni Aubrey. "Oo nga!" Medyo inis ng sagot ni Axel.

"Ok, ok. Hindi talaga iyan magpapadala sa ospital. May trauma kasi siya doon. At hindi din iinom ng gamot iyan kahit anong gawin mo. Ganito, maglagay ka ng tap water sa bathtub tapos paliguan mo siya." Sabi ni Aubrey. "Ha? Maliligo siya? Hindi ba lalong tataas ang lagnat niya?" Gulat na tanong ni Axel. "Makakatulong sa kanya ng malaki ang pagligo. Ganoon na ang ginagawa namin ni Cleo pag may lagnat siya at effective naman." Sabi ni Aubrey. "Ok, ok, sige." Sagot ni Axel.

"Teka, ako ba ang magpapaligo sa kanya?" Parang tangang tanong ni Axel. Natawa si Aubrey. "Siyempre naman. Aba, pagkakataon mo na yan." Tukso ni Aubrey. "Don't worry, pagbumaba na ang lagnat niya, wala na siyang maaalala sa mga nangyari." Dagdag ni Aubrey. "Paalala lang, nanghahalik yan pagpababa na ang lagnat niya, kaya ingat ka." Patuloy ni Aubrey saka tinapos ang tawag.

Napalunok naman si Axel sa nadinig at tiningnan si Dani na mahigpit na nakayakap sa kanya. "Ang lamig." Ulit ni Dani na nagpakilos kay Axel para ihanda na ang bathtub.

Nang mapuno niya ng tap water ang bathtub ay mabilis niyang binuhat si Dani para ilubog sa tubig. Para namang papel na lumubog si Dani sa bathtub kaya nagahol si Axel na itaas ito mula sa tubig.

Basa na ang buong katawan ni Dani kaya kitang kita din ni Axel ang ganda ng hubog ng kanyang dibdib at katawan. Napalunok si Axel. "Axel Monteclaro! May sakit ang babaeng nasa harap mo kaya tumino ka!" Galit na sabi ni Axel sa sarili.

Tama nga ang sinabi ni Aubrey. Pagkatapos ng ilang minuto ay bumaba na ang temperatura ng katawan ni Dani at nabawasan na ang panginginig ng katawan niya. Nagdesisyon si Axel na buhatin na mula sa tubig si Dani para bihisan.

Ibinaba ni Axel si Dani sa tiles. Nung una ay dapat sa ibabaw ng sink kaya lang ay baka mahulog ito.

"Dani, kukuha lang ako ng towel at damit, ok?" Sabi ni Axel. "Hhhmmm..." Tanging sagot ni Dani. Nagmamadaling lumabas si Axel at pagbalik niya ay nakahiga ns si Dani sa tiles ng CR. Dali-dali niyang ibinalot kay Dani ang towel at saka binuhat at inihiga sa kama.

"Dani, sorry pero kailangan kitang bihisan." Sabi ni Axel sa sarili at isa isang tinanggal ang damit at underwear ni Dani. Hindi tinanggal ni Axel ang towel pero kada lapat ng kamay niya sa balat ni Dani ay kala mo siya pinapaso. At naiinis siya sa sarili dahil kahit alam niyang may sakit ang babae ay hindi nakikisama ang alaga niya sa baba.

Nang matapos siya sa pagbibihis kay Dani ay iniayos niya na ito sa pagkakahiga sa kama. Tinanggal ang mga basang damit na inihagis niya sa baba. Kumuha ng mop para punasan ang tubig na tumulo sa sahig. Nagdesisyon din siyang mag shower para matangal ang init na nararamdaman niya.

Pagkabihis ay muli na ulit nahiga si Axel sa tabi ni Dani. Pakiramdam ni Axel ay pagod na pagod siya. Nagtagal siya sa loob ng CR dahil ayaw makisama ng mabait niyang alaga. Bumuntong hininga siya at tiningnan ang katabi. Sinalat niya ang noo nito at nagpasalamat dahil hindi na ganoon kainit katulad kanina.

Nang tanggalin ni Axel ang kamay sa noo ni Dani ay saka naman nagmulat ito ng kanyang mga mata. Ngumiti si Axel. "Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong ni Axel pero hindi sumagot si Dani. Nagulat si Axel dahil lumapit si Dani at walang sabi sabing humalik ito sa mga labi niya.

Nanlaki ang mga mata ni Axel. Dahil kanina lamang ay nilalagnat ang babaeng ito kaya mainit ang labi at hininga nito na nagpapawala sa katinuan ni Axel. Niyakap niya si Dani at dinala sa ibabaw ng kanyang katawan. Si Dani naman ay parang wala sa sarili na patuloy na hinahalikan si Axel. Nagsimula na naman maramdaman ni Axel ang init na napakatagal niyang inalis sa ilalim ng tubig mula sa shower.

Nang handa ng tumugon si Axel sa mainit na halik ni Dani ay nanlumo siya. Biglang tumigil si Dani sa paghalik sa kanya at unti unti sumiksik ang mukha nito sa kanyang leeg at tuluyan na muling natulog.

Natawa si Axel ng marinig ang mahinang hilik ni Dani. Inihiga niyang muli ito pero bago kumutan ay nakaisip ng kalokohan si Axel. Pagkatapos ng kalokohang ginawa at kinumutan na niya ang babae saka pumasok na muli sa CR para magpalamig.