webnovel

Chapter 18

Umaga pa lang ay sinimulan na muli nila Arthur at Esther, Aubrey at Cleo, Axel at Dani kasama ng mga guards ang pag-iikot sa mga boutiques ng PGM. Ngunit hindi pa din nila natapos ito dahil dumating naman ang mga architects at mga engineers na nabanggit ni Arthur kahapon.

Sinamahan nina Aubrey at Cleo ang mga ito sa opisina ni Dani habang tinatapos ng dalawa ang huling boutique para sa oras na iyon. Pagkatapos ay dumiretso sila Dani at Axel sa opisina at pagbukas nila ng pinto ay halata agad sa mga nag-iintay sa kanila ang paghanga kay Dani.

Nagsitayuan ang mga ito bilang paggalang sa mga bagong dating.

"Hello, I'm Architect Wilson and this is Engineer Tytus." Excited na nilahad ng dalawa ang kamay para kay Dani ngunit si Axel ang nakipagkamay sa dalawa. Natawa si Aubrey at Cleo sa kilos na ginawa ni Axel.

"I'm Axel Monteclaro, owner of Karozza and she's Daniella Monteverde. She's the General Manager of PGM and she's already taken." Sabi ni Axel na ikinagulat ng mga tao sa loob ng opisina. "And the lucky guy is me." Sabi ni Axel na masayang nakangiti na lalong ikinagulat ng mga tao sa harapan niya at medyo nahiya dahil nakita nito ang kanilang paghanga sa kagandahang taglay ng kanyang girlfriend.

Si Dani naman ay nangingiti sa kalokohan ni Axel. Pero ayos na din ang ginawa nito na inunahan na ang pagsasabing girlfriend siya nito. Ayaw niya din kasing may maglakas ng loob sa mga ito na manligaw sa kanya na halata naman na humahanga sa kanya.

"Lahat ng decision ay manggagaling sa akin. Kung may kailangan kayo, sa akin ninyo sasabihin maliban na lang kung wala ako." Sabi ni Axel na ikinangiti ng ilan. Ibig sabihin pwede nila makausap si Daniella.

"Pwede kayong makipag-usap kay Aubrey o Cleo kung may kailangan man kayo." Sabi ni Axel na nagpalumo sa mga binata. "Akala ninyo ha? Di ko ipapakausap sa inyo si Dani. Akin lang yan." Sabi ni Axel sa sarili.

Pagkatapos ng pagpapakilala ay inilahad na ng mga architects at mga engineers ang mga kani-kanilang ideas at designs kay Axel. Sila Aubrey at Cleo naman ay sinamahan si Dani sa pagpapatuloy nito sa pag-ikot sa buong PGM.

"Can I try this one, miss?" Sabi ni Dani sa nakatalikod na si Sydney. "Oh, sure, madam." Nakangiting sabi ni Sydney. "So, nagpapakilala na ang prinsesa namin." Sabi ni Sydney habang pinaupo ang tatlo. "Yeah, no choice, utos ng hari at reyna." Nakatawang sabi ni Dani. "Saan si kuya?" Tanong ni Sydney. "Kausap niya yung mga gagawa ng building ng Karozza. Sagot ni Aubrey. "Ahh, coffee, gusto ninyo?" Tanong ni Sydney. Tumango ang tatlo at pumasok si Sydney sa mini kitchen ng kanyang boutique.

"Ok, that's all for today. See you guys tomorrow. Pakilista na lahat ng kailangan para maipahanda ko na." Sabi ni Axel at lahat sila ay sabay sabay ng lumabas sa opisina.

"Hey, where are you?" Tanong ni Axel kay Dani ng tinawagan niya ito sa phone. "Why, tapos na ang meeting?" Tanong ni Dani. "Yeah, we'll continue it tomorrow." Sagot ni Axel. "Ang bilis naman." Sabi ni Dani. "Namiss kita agad." Sabi ni Axel. "Saan kayo?" Patuloy ni Axel. "Dito kay Sydney." Sagot ni Dani. "Ok, I'll go there."

"Bakit ka namumula?" Tanong ni Aubrey na alam naman kung sino ang kausap ng kaibigan. "Oo nga, para kang kamatis." Nakatawang tukso ni Cleo. "Sus, tinatanong pa ba yun eh ayan na, parating na ang nagpapula sa kanya." Sabi ni Sydney na nakita ang kuya niya na papasok sa kanyang boutique.

Umupo sa tabi ni Dani si Axel at pagkakita niya sa babae ay nagtaka siya. "Ok ka lang? Masama ba ang pakiramdam mo?" Tanong ni Axel at hinawakan ang noo ni Dani para tingnan kung may lagnat ito. "Walang sakit yan kuya. Ano bang sinabi mo sa phone at namula ng ganyan yan?" Tanong ni Sydney. "Sabi ko miss ko na agad siya." Nakangiting sabi ni Axel na nakatingin kay Dani. "Kaya pala." Sabi ni Aubrey at natawa ang tatlo.

"Tumigil na nga kayong tatlo. Masama talaga ang pakiramdam ko." Pagsisinungaling ni Dani para itago ang pagkapahiya. "Bakit? May masakit ba sa iyo?" Nag-aalalang tanong naman ni Axel. "Napagod lang siguro ako." Sagot ni Dani. Nagkatinginan ang tatlo at nagkasundong sakyan ang pagsisinungaling ni Dani.

"Naku, buti pa ay iuwi mo na si Dani at ng makapagpahinga. Baka kailangan niya ng kisspirin at yakapsul." Sabi ni Cleo na ikinakunot ng noo ni Axel at Dani. "Yan kasi, puro sosyal na gamot lang ang alam ninyo." Sabi ni Cleo na nakangiti. "Yakapsul ay madaming yakap at ang kisspirin ay masarap na halik." Patuloy ni Cleo na ikinatawa ni Aubrey at Sydney. "Ah, sige, gagawin ko yun para gumaling na ang sweetheart ko." Sabi ni Axel at binuhat muli si Dani kagaya kahapon.

"Ano ba? Ibaba mo nga ako. Kaya kong maglakad." Sabi ni Dani na nagpupumilit na bumaba. "Gusto mo ba dito ko na gawin ang resetang binigay ni Dra. Cleo?" Tanong ni Axel na may maluwang na ngiti sa gwapo nitong mukha. Natatawa ang tatlong babae na naiwan sa loob ng boutique ni Sydney. Samantalang, wala na naman nagawa si Dani kundi itagong muli ang kanyang mukha sa leeg ni Axel dahil sa mga tingin nakasunod sa kanila.

Pagdating nila sa hotel ay agad silang sinalubong ng mga guards. Kahit di na sila sinusundan ng maraming reporters ay hindi pa din pinatigil ni Arthur at Benjamin ang mahigpit na pagbabantay sa kanila. Deretso sila sa elevator paakyat sa kanilang suite. Gusto sanang buhating muli ni Axel si Dani pero nagmatigas itong huwag na. Para hindi sila magkaroon ng diskusyon ay pumayag na din si Axel sa huli.

Pagpasok nila ay naabutan nila ang dalawang crew na busy sa paglilinis at pagliligpit ng kanilang suite. Nakita din ng dalawa na nakaluto na ang mga ito. Itatanong sana ni Axel kung nagugutom si Dani pero ang tiyan na nito ang sumagot ng tumunog ito bigla. Nagkatawanan silang dalawa.

"Kumain na tayo at gutom na ang mga alaga mo." Sabi ni Axel. "Oo nga, kanina pa nila kinakatok ang tiyan ko." Sagot ni Dani na nakangiti. "Timmy, Apollo, tawag ni Dani sa mga alaga. "Ma'am, tapos na po silang kumain. Napaliguan na din po namin sila at malamang ay natutulog na sila sa kanilang kwarto." Sagot ng isang crew.

"May sarili na silang kwarto?" Takang tanong ni Dani. "Opo, tumawag po si Sir Arthur kanina. Iayos daw po yung isang kwarto para sa dalawa." Sagot ng crew. Excited na tumayo si Dani para tingnan ang mga alaga. "Kumain muna tayo." Sabi ni Axel. "Sandali lang, tingnan ko lang sila." Sagot ni Dani.

Dahan-dahan binuksan ni Dani ang pinto para hindi magising ang dalawa. Nagtaka siya. "Bakit walang kama?" Tanong ni Dani. "Bilin po ni Sir Benjamin at Sir Arthur na higaan lamang ni Timmy at Apollo ang ilalagay. Baka daw po kasi maisipan ninyong lumipat dito." Sagot ng crew ng ikinatawa ng malakas ni Axel. Umikot naman ang mata ni Dani.

"Kilalang kilala ka talaga ni Uncle." Sabi ni Axel. "Che!" Sagot ni Dani at umupo na para kumain.

Next chapter