webnovel

Chapter 20

Pagising ni Dani ay wala na sa tabi niya si Axel at pagtingin niya sa relo na nakalagay sa lamesa sa gilid ng kama ay nagulat pa siya dahil tanghali na. Dali dali siyang bumangon at tinungo ang CR. Naghubad agad ng damit at naligo na. Nang matapos siya ay pumunta sa sink para mag toothbrush.

Nagulat si Dani sa nakita niya. Puno ng kiss marks ang leeg niya pababa sa kanyang dibdib. At doon niya lang din napansin na iba na ang damit na suot niya kanina na di niya napansin dahil dali dali niya itong tinanggal. "Aaaaaaxxxxxxeeeeellllll!?" Sigaw ni Dani.

"Aray!" Sabi ni Axel. Nagulat naman si Aubrey at Cleo. "Anong nangyari?" Tanong ni Aubrey. "Nakagat ko dila ko eh." Sagot ni Axel. "Nako, gising na tiyak si Dani at naalala ka." Sabi naman ni Cleo. Ngumisi naman si Axel dahil tiyak na tiyak na nakita na ni Dani ang mga kalokohan niya.

"Ma'am, ano pong nangyari?" Tanong ng dalawang crew ng pumasok sa kwarto at nadinig ang sigaw ni Dani. "Ah, wala naman. Nagulat lang ako sa ipis na nakita ko sa CR." Pagsisinungaling ni Dani. Nagtaka naman ang dalawang crew. Malinis ang hotel at walang nagrereklamo na may ipis dito.

"Pagkatapos ninyo pong magbihis ay lumabas na po kayo. Bilin po ni Sir na ipagluto kayo ng almusal at huwag kayong paalisin ng hindi kumakain. Nilagnat daw po kayo kagabi kaya kailangan ay may lakas kayo para hindi kayo mabinat." Sabi ng isang crew.

"Nilagnat ako!?" Gulat na sabi ni Dani sabay takip sa bibig. "Bakit po?" Tanong ng crew. "Wala naman, sige, susunod ako pagkatapos kong magbihis." Sabi ni Dani. Lumabas na ang dalawang crew. Si Dani naman ay pabalik balik naglakad sa loob ng kwarto at ng makapagisip ay kinuha ang phone at tinawagan si Aubrey.

"Hello, madam, kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ni Dani. "Nilagnat talaga ako kagabi?" Tanong niya kay Aubrey. "Opo, madam, tinawagan kasi ako ni Axel ng dis oras ng gabi." Sagot ni Aubrey. "So, ikaw ang nagbihis sa akin?" Tanong ni Aubrey. "Hindi, alanganing oras na kaya hindi na ko nakapunta diyan." Sabi ni Aubrey. Namula ang buong mukha ni Dani.

"Nandiyan na ba si Axel?" Tanong ni Dani. "Oo, maaga siyang dumating. Sabi nga niya ay malate ka ng pasok." Sagot ni Aubrey. "Yun lang ang sinabi niya?" Tanong muli ni Dani. "Oo, ano pa bang sasabihin niya?" Takang tanong ni Aubrey. "Wala, sige, kakain lang ako tapos pupunta na ako diyan." Sabi ni Dani at tinapos na ang tawag.

"Hindi ko naman siguro siya hinalikan. Pero bakit may kissmarks ako? Wala naman sigurong nangyari sa amin. Pero ang alam ko kapag nakipag ano ka, masakit ang katawan mo pagkatapos." Kausap ni Dani sa sarili. Ginulo niya ang buhok niya sa inis. "Mamaya malalaman ko ang buong kwento. Sana lang walang nangyari sa amin ng lokong yun dahil mas malaking problema pag nagkataon." Bulong muli ni Dani sa sarili pagkatapos ay bumuntong hininga.

Hindi malaman ni Dani kung ano ang isusuot na pang itaas para maitago ang mga kissmarks sa leeg niya. Inis na inis siya. "Humanda ka sa akin mamaya, Axel!" Inis na sabi niya. Sa huli ay isang turtle neck na sleeveless ang isinuot niya. Naiirita man siya dahil parang sinasakal siya sa suot ay no choice siya.

Busy si Axel na nakikipag-usap sa mga architects at engineers sa harap ng pagtatayuan ng building ng Karozza ng biglang may yumakap sa kanya. Sa pag-aakala na si Dani ang nasa kanyang likod ay ngumiti siya at hinarap ito pero nagulat siya ng makilala kung sino ang yumakap sa kanya.

"Britney!? Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ni Axel at inilayo sa kanya ang babae. Ang mga kausap naman ni Axel ay nagkatinginan sa bawat isa. Nagtaka sila kung sino ang babaeng nasa harap nila.

"Good morning, Dan! Kamusta na ang pakiramdam mo?" Bati ni Aubrey sa bagong dating na si Dani. "Nasaan si Axel?" Seryosong tanong ni Dani. "Nasa site, bakit?" Sagot ni Cleo. Hindi sumagot si Dani at sumakay na muli sa elevator para puntahan si Axel.

"Mainit yata ang ulo ni madam." Sabi ni Cleo. "Halata nga. Yaan mo, malalaman din natin ang dahilan mamaya." Sabi ni Aubrey.

Nang malapit na siya sa site ay nakita niya na nakatalikod si Axel at nagulat siya ng may biglang yumakap dito. Tumaas ang kanyang kilay. Lumapit siya at nakita niya ang pagkagulat sa mukha ni Axel at paano niya inilayo ang babae sa pagkakaakap nito sa kanya.

"I'm sorry, I'm really sorry. It's my fault. Can't you forgive me?" Umiiyak na tanong ni Britney. "Tapos na ang lahat sa atin. Nung gabi pa lang na iyon ay tinapos mo na." Sabi ni Axel. "Pero nagsisisi na ako. Ikaw talaga ang mahal ko." Sabi ni Britney na patuloy sa pag-iyak. "I'm sorry Brit pero may girlfriend na ako at tiyak naman na hindi na kaila sa iyo yun because we were on the headlines these past few days." Sabi ni Axel.

"Hon." Nagulat si Axel ng madinig ang boses ni Dani at ang endearment na ginamit nito. Pagtingin niya ay nakita niya ang nakangiting si Dani. Lumapit ito sa kanya at yumakap. Para naman siyang itinulos na kandila. "Anong nangyari sa babaeng ito. May lagnat pa kaya siya?" Tanong ni Axel sa sarili.

Tumingin naman si Dani kay Britney. "Hon, sino siya?" Tanong ni Dani. "I'm his girlfriend." Sagot ni Britney. "Oh, really!? Baka ibig mong sabihin is his ex-girlfriend." Pagtataray ni Dani. "You...!" Sabi ni Britney at tangkang sasampalin si Dani pero napigilan siya ng mga bodyguards ni Dani na bigla na lamang sumulpot. Pati si Dani ay nagulat sa pagdating nila.

"Bitiwan ninyo ako!" Sigaw ni Britney. "Let go of her." Utos ni Dani na sinunod naman ng mga bodyguards. "Miss Britney, I know your a decent girl. You will not lower down your level and make a scene here. So, if I were you, I will leave this place peacefully." Sabi ni Dani. "Akala mo ikaw lang ang nag iisa sa buhay ni Axel? Ha! Madami tayo and once na magsawa na sayo si Axel, iiwanan ka din niyan at hahanap ng bago. Ganyan ang isang Axel Monteclaro!" Pasigaw na sabi ni Britney.

"That's enough Britney! Tama na, tapos na tayo so move on. Besides, hindi ako ang naunang nagloko sa relationship natin." Galit na sabi ni Axel na ikinatahimik naman ni Britney. "Dani is my girlfriend now and she will be my present and even my future." Sabi ni Axel. "Kaya please, stop your nonsense." Patuloy ni Axel. "Babalik ka din sa akin Axel." Sabi ni Britney at umalis na sa lugar.

Naging parang pelikula ang nangyari. Kanya kanyang kuha sa kani kanilang telepono ang mga customers samantalang ang mga salesmen at saleswomen ay nagkasya na lamang sa panonood. Ayaw nilang mawalang ng trabaho kaya walang kumuha sa kanila ng video.

Siyempre, sa bilis ng technology ay na upload kaagad ang video na may kanya kanyang hashtag.

#Axel Monteclaro : The Playboy of the Century

#The Past vs The Present

#Daniella Monteverde : My Present and My Future

Iba't ibang emotions ang naging reactions ng mga nakapanood ng video. Ang ilang ay nakisimpatiya kay Britney. Ang ilan ay nagalit sa kanya dahil sa panggugulo sa dalawa pero mas madami ang kinilig sa mga binitawang salita ni Axel.

Cancelled ang meeting nila Axel at ng mga architects at engineers. Nagtuloy naman sa office ni Dani ang dalawa. Pagpasok nila ay nagulat pa sila ng sumalubong sa kanila sila Arthur at Esther.

"Dad, Mom? Anong ginagawa ninyo rito?" Takang tanong ni Dani. "Wala naman, kakamustahin ka lang namin. Sabi ni Aubrey ay nilagnat ka kagabi." Sabi ni Arthur. "Kakamustahin o tatanungin sa nangyari?" Nakangiting sabi ni Dani. "Sinabi ng lahat ng video kaya wala na kaming tatanungin pa." Nakangiting sabi ni Esther.

"Hindi ka ba naiirita diyan sa suot mo? Ang alam ko ay ayaw na ayaw mo ng turtle neck. Bakit iyan ang suot mo ngayon?" Takang tanong ni Aubrey. Natawa ng malakas si Axel na pinagtaka ng apat na kasama nila sa office. Tiningnan naman siya ng masama ni Dani. "New fashion trend." Simpleng sagot ni Dani.

Next chapter