webnovel

HOT vs COLD

Who would have thought that Slurpee can make their world Up-Side-Down.

kylnxxx · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
54 Chs

Chapter 12

CHAPTER 12

--ALEX:

"Ba't an'saya mo ngayon?" Tanong ko kay bebs kasi naman nagddrive ako papuntang school at syempre kasabay ko siya kasi sabi ng mama niya na tita ko, mag-iistay daw siya sa bahay ko for 1 month and hindi ko na tinanong kung bakit.

"Syempre bati na tayo eh." Nakangiting sabi niya.

"Sus." Para talaga 'tong bata kahit kailan.

"Oo nga ayaw ko kasi ng magkaaway tayo bebs."

"Siguro magkaaway pa rin tayo ngayon kung 'di mo ako pinagluto kagabi."

"Oo na kasalanan ko naman talaga kaya I know na dapat lang a pagluto ko si Alex na bespren ko."

"Sus bespren daw oh, eh kaano-ano mo si ungg—este Jacob?" Nakakatampo lang kasi may bestfriend siyang iba maliban sa'kin.

Pero kun'sabagay, may iba din naman akong bestfriend maliban sa kanya, si Aira.

Iba naman kasi ang sitwasyon, siya, hate niya lang si Aira, pero ako super hate ko si Jacob.

"Boy bestfriend ko, pero don't worry 'di naman kita pagpapalit kaya no need to worry bebs."

"Oo na basta ako lang ang girl bestfriend mo wala ng iba."

"Oo naman, 'di kita pagpapalit kahit kanino kasi you're the one and only." Oha , ang sweet namin sa isat-isa kaya akala minsan ng parents namin na magsyota kami kahit nakakadiri pakinggan kasi magbestfriend kami, nothing more, nothing less.

Pagdating namin ng parking lot ng school, ipaparada ko na sana yung kotse ko pero nakita ko nanaman yung kotse na nakita ko nung nakaraang araw na nasa parking space ko.

Sa pagkakatanda ko, binalaan ko na yung may-ari niyang kotse kasi pagmamay-ari ko ang space na 'yan.

Alam lahat ng estudyante 'yan pero' yang may-ari ng kotse na 'yan grabe lang.

An'laki na nga ng nakasulat sa semento na "ALEX's SPACE ONLY" Tsaka dinikitan ko 'yang kotse niya ng note na "Back off, or else you're dead with your wheel." sa bintana.

Kaya naghanap nanaman ako ng ibang space para sa kotse ko.

Bumaba kami ni bebs ng kotse.

"Bebs wait lang ha, sabay na tayo pumunta ng classroom." Sabi ko.

At dahil ayo'ko sa mga makukulit na tao, kumuha ako ng baseball bat sa loob ng kotse ko.

Bakit ako may baseball bat? Simple lang, trip ko lang dalhin haha.

Nakita ko namang nagulat si bebs kasi may dala-dala akong bat.

"Bebs, ano 'yan?" Tanong niya.

"Ano nga ba ito?" Pagbabalik ko ng tanong sa kanya.

"Baseball bat?" Sagot niya na mukhang 'di pa siya sure sa sagot niya.

"Oh alam mo naman pala tapos tinatanong mo pa." Bulong ko pero alam ko na narinig niya yun.

"Hind--" hindi na niya natuloy yung sasabihin niya kasi pinalo ko na ng baseball bat yung bintana ng kotse na nasa parking space ko.

"CRASH!! CNCKDUSFTFBFOSYDVMFGV!!!!" (Sound effects 'yan. 'Wag kayong ano haha.)

Alam kong sobrang lakas ng pagkakapalo ko sa bintana kaya nabasag ang mga 'yon.

Pati mga ibang estudyante na nasa parking lot napatingin sa'kin. Tinignan ko lang sila with my cold eyes kaya umiwas naman sila ng tingin.

Yung iba naman 'di pa rin naalis yung tingin do'n sa kotse at sa'kin kasi first time ko kayang bumasag ng bintana ng kotse kasi yung mga lalaking nagkakagusto sa'kin ang gumagawa no'n kahit 'di ko inuutos.

Kaya nobody dare to mess up with me kasi as I have said sa first chapter na dalawa lang ang choice mo, lumipat ka ng school or I'll make make your life a living hell.

"Wtf, bebs, ba't mo ginawa 'yon?!" Shock na tanong ni bebs sa'kin.

'Di ko na sinagot yung tanong niya at binalik ko na yung baseball bat sa kotse ko.

Kumuha rin ako ng sticky note sa bag ko at nagsulat ng "Now, you know." At dinikit yun sa may bintana ng kotse na basag.

Lahat kasi ng bintana ng kotse, pinalo ko kaya basag.

Gano'n ako kalupit. You will regret kapag ako ininis mo.

Pagdating namin sa corridor papuntang classroom, nakasalubong namin si Aira, "Pren! Sabay na tayo." Sabay higit niya sa kamay ko.

"Hoy saan mo siya dadalhin aber?!" sabi naman sa kanya ni bebs sabay higit din ng kabilang kamay ko.

"Bitawan mo nga siya!" Sigaw ni Aira kay bebs.

"Ikaw ang bumitaw, ako ang kasama niya dumating dito!" sabay hila ni bebs sa isang kamay ko.

"Kahit na, ako ang bestfriend niya!"

"Eh bestfriend din naman niya ako kaya 'wag kang epal!"

Grabe naman sila makahila, nagmumukha akong laruan na pinag-aagawan ng dalawang bata. -_-

"Bitaw." Seryosong sabi ko sa kanila, kaya binitawan naman nila ang magkabilang kamay ko.

"Ikawkasi, pakialamero ka." Sabi Aira kay bebs sabay turo.

"Ano'ng ako? Ikaw 'yon kaya alis ka dito pwe." Sabat naman ni bebs kay Aira.

Habang nagbabangayan sila, 'di nila alam na pinagtitinginan na sila ng mga tao.

Kaya habang 'di nila napapansin ang presence ko, naglakad na ako papalayo sa kanila.

Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko hanggang sa may natapakan ako na pinagbalatan ng saging pero hindi gaya ng iba na nadudulas sila kapag nakaapak ng balat ng saging. Ako, hindi ako nadudulas, ang ginawa ko, unti-unti kong tinatanggal ang sapatos ko sa saging na natapakan ko.

At kung minamalas ka nga naman, may nakabunggo sa likod ko, kaya ayun, hiihintay ko na ang sarili ko na bumagsak sa semento, kaya napapikit nalang ako, pero hindi natuloy ang inaasahan kong pagbagsak.

Naramdaman kong may mga bisig kasing sumalo sa akin, pero pagdilat ko, sana pala wala ng sumalo sa'kin kung si unggoy lang pala ang mag-sasave sa'kin tsk.

Nakita kong ngumiti ng nakakaloko ang unggoy "Beautiful eyes." Sabi niya nang nakakaloko kaya pinikit ko ang mata ko kasi ang isa sa mga ayaw ko pa naman ay pagmasdan ang mga mata ko.

Its creeping the hell out of me.

Napagkamalan ko na, na sinagip niya ako pero bigla niya akong binitawan kaya ng resulta, napasalampak din lang ako sa sahig.

Grabe, nagpapasalamat talaga ako sa unggoy na gaya niya, note the sarcasm. -_-

Napa-aray naman ako sa ginawa niya kasi an'sakit ng pwet ko grabe. "Tsss." 'Yan lang nasabi ko, ayaw ko na siyang sigawan kasi sayang lang ang laway ko kung sa kanya ko din lang sasayangin.

Napatingin ako sa paligid and good thing kasi kaunti lang ang tao dito sa corridor.

Tumayo na ako agad kasi baka may makakita pang iba sa'kin.

"Para 'yan sa ginawa mo sa kotse ko." Seryosong sabi niya and it gives me goosebumps kasi first time ko siyang nakitang nagseryoso.

Pagkatapos niyang sabihin yun, tumalikod na siya at naglakad na palayo.

At ano daw? Kotse niya? Inaano ko ang kotse niya?

Don't tell me, na sa kanya yung kotse na hinambalos ko kanina?

Napangiti naman ako sa isip ko, akalain mo yun? Kotse niya 'yon? In fairness maganda ang kotse niya.

Haha, okay lang na binagsak niya ako kasi mas malaking damage naman ang nagawa ko sa kanya hihi.

Pero yung pagkaserious niya kanina, nakita ko mismo sa mga mata niya parang umaapoy yung mata niya sa galit kasi nagred kung hindi ako namamalik mata, nakakatakot lang.

"Alex pinapatawag po kayo ng dean." Sabi ng isang schoolmate ko, tumango naman ako bilang sagot.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

kylnxxxcreators' thoughts