webnovel

HOT vs COLD

Who would have thought that Slurpee can make their world Up-Side-Down.

kylnxxx · Teen
Not enough ratings
54 Chs

Chapter 11

CHAPTER 11

--ALEX:

Pagkababa ko sa sala, nakita ko lang naman na nakaupo habang relax na relax si bebs tsk.

Let me explain, nakaupo lang naman siya ng prenteng prente sa sofa habang nakataas ang dalawang paa sa center table habang nanunuod ng t.v.

Wow lang huh? Akala ko pagkababa ko sasalubungin niya ako ng mahigpit na yakap at sasabihing "Sorry na bebs, I promise that I will make it up for you."

Pero hanggang akala lang pala yun, tama nga sila, madaming namamatay sa maling akala tsk.

Yung gabundok na confidence ko, bigla na lang gumuho tsk.

Dumaan ako sa harap niya nang dahan-dahan as in slow motion na nagpapahiwatig na "Hello! Bestfriend here, pansinin mo ako bebs."

Pero wala eh, diretso lang ang tingin niya sa t.v at 'di man lang na ako dinaanan ng tingin. -_-

Padabog akong umupo sa kabilang sofa at dun nagtalakbong ng unan sa mukha.

Napabangon naman ako agad nang makaamoy ako ng bagong baked na cake.

Napabangon naman ako agad kasi akala ko pinagbake ako ni bebs pero pagkatanggal ko ng unan sa mukha ko, sana pala hindi ko na tinanggal ang unan sa mukha ko tsk.

"IKAW?!" Pasigaw ko habang nakaturo sa taong nakatayo sa harap ko na may dalang cake.

Tumingin ako kay bebs, yung tingin na nagsasabing anong "Ano'ng ginagawa ng isang unggoy dito?" pero nagkibit balikat lang siya at binalik ang tingin sa t.v.

"Yes, the one and only." Yeah it's him, the one and only na pesteng unggoy tsk.

"Tsk yabang." Bulong ko habang nakatingin sa t.v.

"Atleast may ipagmamayabang." Ang yabang talaga to the max tsk.

"By the way, ano'ng ginagawa mo dito sa PAMAMAHAY KO?" Talagang diniinan ko ang word na pamamahay ko with my cold voice para dama niya.

"Uhm I just prepared some peace offering for you." Sabay lahad sa'kin nung cake na hawak niya.

"For what?" Tanong ko.

"About what happened sa damit mo, look, I'm sorry." Nakita ko naman yung sincerity sa mga mata niya .

"So inaamin mo na ikaw ang may gawa nun sa damit ko?"

"Uhm, yeah, kaya nga ako gumawa ng peace offering para sa'yo eh."

Grabehan lang, naappreciate ko na sana yung peace offering niya kaso nga lang dito niya ginawa sa bahay ko at take note, sarili kong ingredients ang ginamit niya tsss. 'Di man lang siya bumili ng mga gagamitin niya. -_-

Tinignan ko naman siya ng look na nagsasabing "Baka may lason 'yan?" And it's good kasi mukhang nagets niya.

"Don't worry, walang lason 'yan." Sabi niya sabay smile ng matamis tsk. 'Di niya bagay.

Bigla naman akong nakaramdam ng lungkot kasi si unggoy nagbibigay ng peace offering samantalang si bebs 'di man lang niya naisip ang nararamdaman kong lungkot at pighati huhu. Choss an'drama ko na tsk.

By the way, mukha namang masarap yung cake na hawak ni unggoy kasi ang ganda ng pagkakagawa, chocolate cake ang ginawa niya, na madaming designs sa ibabaw.

Kung ako ang tatanungin, magaling siya magbake.

Kahit masama pala ugali niya, may natitira paring katiting na kabutihan sa kanya.

So tinikman ko na yung cake and pagkatikim ko.....

"TUUUUUBBBBIIIGGGGGG!!!!!! ASHHHH, HOO HOO HOO AISSSHHHH!" Sigaw ko at dali-dali namang tumakbo si bebs papuntang kusina.

Feeling ko ang pula pula na ng mukha ko sa anghang grabe.

Langya, binabawi ko na yung sinabi kong mabait siya tsaka yung sinabi kong magaling siya magbake. *_*

Akala ko pa naman, peace offering na niya yun, eh BWISIT OFFERING yun eh. Argghh.

Angganda ng pagkakasubo ko nun kasi akala ko masarap 'yon pala langya, SOBRANG ANGHANG pramis, nilagay niya ata lahat ng chilly powder dito sa cake eh.

Pagkarating ni bebs galing kusina, nakita kong nagpipigil din siya ng tawa tsaka inabot na niya sa'kin yung isang basong tubig.

Putspa, plinano ata nilang dalawa to tsk.

I hate them both.

"And who the f*ckin hell do you think you are TO DO THAT KIND OF F*CKIN THING TO ME?!" Galit na galit na sigaw ko sa kay unggoy nang makarecover ako sa anghang habang dinuduro-duro ko siya.

At ang unggoy, tawa-tawa lang tsk.

Tumakbo na siya palabas ng bahay ko habang patuloy pa rin ang tawa.

Bago siya makalabas ng pinto, sumigaw siya "I hope na-enjoy mo ang peace offering ko sa'yo. And before I forgot, I'm not sorry hahahah!" Gago yun ah, sa galit ko muntik ko nang maibato ang cake pero 'di ko na tinuloy kasi naalala ko na walang maglilinis sa kalat kasi wala naman akong maid. >_<

"And you idiotic person in front of me, I HATE YOU." Cold kong sabi.

At yung kaninang nagpipigil siya ng tawa, ngayon naman ay napakatahimik niya.

Padabog akong pumunta sa kusina at kinuha ko ang isang garapon ng asukal at pinapak iyon para mawala ang anghang kasi hindi natanggal ng tubig ang anghang sa bunganga ko tsk.

Kumuha rin ako ng chocolate sa fridge then pumasok na ako sa kwarto ko.

Pagkasarado ko ng pinto, bigla na lang tumulo ang luha ko kasi naman naisip ko yung ginawa sa'kin ni bebs kanina tapos 'di pa siya nagsosorry tapos kanina, tinatawanan niya lang ako tsk.

Agad ko naman pinunasan ang mga luha ko kasi ayoko magdrama.

Humiga ako sa kama habang iniisip ko yung nakakainis, nakakaasar at nakakabeastmode na pangyayari kanina.

Akala ko talaga sincere ang pagsosorry ni unggoy tapos akala ko magsososrry sa'kin si bebs pero hindi naman pala. :3

From now on, ang motto ko na talaga ay "Maraming napeperwisyo sa maling akala, kaya 'wag umasa upang iwas disgrasya." Haiyyssst.

Ipipikit ko na sana yung mata ko kasi inaantok na ako pero biglang kumalam ang sikmura ko. Kaya bumangon ako para tumingin ng makakain sa kusina.

Tinignan ko ang orasan and its already 10:26 na pala ng gabi, 'di ko namalayan ang oras.

Gano'n siguro kapag malalim ang iniisip mo, 'di mo na namamalayan ang oras.

Pagkababa ko ng kusina, biglang namang nagning-ning yung mata ko sa nakita ko kasi halos lahat ng paborito kong pagkain nasa lamesa, like kaldereta, chicken curry, sinigang, adobo at samahan pa ng dessert na yoghurt.

Kaya naman nagsandok ako agad ng kanin at lalantakan ko na sana yung pagkain nang may nakita akong sulat sa lamesa, eto ang nakasulat,

Hi bebs, oh ayan, niluto ko iyang lahat ng nasa mesa kaya kainin mo 'yan ha. Don't worry wala 'yang lason or chilly powder hihi. Peace offering ko 'yang lahat sa'yo kasi I know nagtatampo ka sa'kin dahil dun sa nangyari kanina. Kaya sorry na ha. Wag ka na magtampo bebs. Pakabusog ka ha. Pakabusog ka. J

Your pretty handsome bebs, ANTHONY.

P.S (Hindi sana kita ipagluluto kung hindi ka lang nagtatampo kaya kainin mo 'yan lahat ha. Tsaka hindi na ako sasabay sa'yo kasi busog na ako kakatikim niyan kanina sa pagkain kaya madaming laway 'yan. At syempre joke lang yun, malinis 'yan pramis and kaya 'di na ako sumabay kasi I'm not hungry and I'm tired also.)

Naks ang sweet talaga ni bebs kaya apology accepted, and now ikaw naman ang humanda Jacob.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

kylnxxxcreators' thoughts