webnovel

HOT vs COLD

Who would have thought that Slurpee can make their world Up-Side-Down.

kylnxxx · Teen
Not enough ratings
54 Chs

Chapter 13

CHAPTER 13

--ALEX:

"Good morning Ms. Aubrey." Bati ko sa dean pagpasok ko ng office niya.

Si Ms. Aubrey ay ang fiance ng kuya ko na si kuya Brian, at kung naalala niyo pa, si kuya ang may-ari ng school na pinapasukan ko ngayon.

Siya na ang nagvolunteer para umasikaso sa school kasi busy si kuya para sa isa pang business niya sa ibang bansa.

Ayaw sana ni kuya kasi baka ma-stress si ate Aubrey pero sabi niya na okay lang daw na siya ang mag-asikaso, tutal wala naman daw siyang gagawin.

Kaya super thankful ako sa kanya kasi kung hindi siya nag-volunteer, ay siguradong sa'kin ang bagsak ng school kasi ako daw dapat ang mag-aasikaso sa school kung wala si kuya.

At dahil caring si ate Aubrey sakin, ayaw niya daw ako ma-stress kasi nag-aaral ako.

Kasi parang sisters na rin ang turingan namin kaya ga'non siya kabait sa'kin.

Yun nga lang 'di na kami masyadong nakakapagbonding kasi busy na kami sa kanya-kanya naming buhay.

"Have a sit Ms. Maureen." Maotoridad na sabi niya.

"Ate naman, you can call me whatever you want but--" 'Di ko na naituloy ang sasabihin ko kasi binara niya ako agad.

Kasi naman, alam niyang naiinis ako sa Maureen eh tapos tatawagin niya ako ng ga'non pero alam kong binibiro niya lang ako kaya 'di ako ganun ka-affected tsaka close kami hihi.

"I'm just joking, Ms. Santos don't take it seriously." Maotoridad na sabi niya. Ganyan talaga 'yan nagjojoke pero seryoso. Haha.

I wonder kung paano niya nakakayang magseryoso kahit na nag-jojoke siya. -_-

"Okay." Seryosong sabi ko din.

"By the way, don't call me ate when we're at school and don't look at me like that because you're creeping me out Ms. Santos." Iyan ang gusto ko sa kanya, walang favoritism sa kasi kahit ako na kapatid ng fiancee niya, hindi niya ako favorite and I owe her for that.

"Okay." Sagot ko ulit.

Nakakatawa lang kasi hanggang ngayon, ga'non pa rin ang reaksyon niya, parang natatae na ewan, kapag tinitignan ko siya ng seryoso kahit na alam niya na hindi naman talaga ako seryoso, 'di niya maiwasan ang matakot.

Ang creepy lang daw kasi haha.

"By the way, what's the matter?" Tanong ko, alam kong 'di naman niya ako ipapatawag para lang makichika.

"Oh, about that, I just want to ask you if there's any problem?" Tanong niya.

"Uhm wala naman po Ms. Aubrey, is there any problem po ba?" Pagbabalik tanong ko sa kanya.

"A while ago, may mga nakapagsabi sa'kin tungkol do'n sa nangyari sa parking lot, and sabi nila na may kinalaman ka daw dun?" Ah so yun pala. Ang bilis naman ng balita. Oh well, 'di na ako magtataka na nakarating sa kanya agad. She's the dean after all. She has the rights.

"Yes Ms. Aubrey may kinalaman po ako do'n." Pag-amin ko, ayo'ko namang magsinungaling kasi huli na ako sa akto and besides, may cctv na nakapaligid sa buong school, at hindi ko rin ugaling ipasa sa iba ang kasalanan ko.

"Then what happened?" Tanong ni Ms. Aubrey sa'kin.

So ayun, kinuwento ko sa kanya, buong pangyayari at syempre sinimulan ko sa umpisa hanggang sa huli.

"WHAAATT??! Ginawa mo yun? Ang astig mo naman." Manghang sabi niya sa'kin.

Naastigan ata dun sa part na binasag ko yung bintana thingy.

At bigla niya sigurong naalala na siya ang dean dito sa school kaya nabago bigla ang expression niya.

"Pero Ms. Aubrey, sana kinausap mo na lang yung may-ari ng sasakyan, malay mo transferee siya and hindi niya nakita yung unang sulat na binigay mo, malay mo nilipad yung note na dinikit mo." And that hits me.

"Pero, Ms. Aubrey, may nakasulat na dun sa space ko na sa'kin yung space na 'yon."

Pagmamatigas ko.

"Pero kilala mo na ba kung sino ang may-ari ng kotse?" Tanong niya.

"Y-yes." Si unggoy lang naman ang may-ari ng kotse tss.

"Besides sa parking space ay may nagawa pa ba siyang iba sa'yo?" Tanong n'ya ulit.

"Yes." Sabay yuko ko ng ulo ko.

"Spill it." Nang-uusisang sabi niya.

Kaya kinuwento ko yung namumuong alitan between sa'kin at unggoy.

"Diyan nagsisimula ang forever." Nakangiting sabi niya.

Wait, parehas lang din sila ng sinasabi ni Aira ughh.

"Tsk." Maikling sagot ko.

"Oh I see, kasi kung hindi mo kilala kung kanino yung kotse at kung walang alitan sa pagitan niyo ay sigurado akong nag-sosorry ka na sa mga oras na 'to." Kaasar kilala niya talaga ako arghh.

Tanging buntong hininga na lang ang naisagot ko.

"And I know na naasar ka siguro kaya mo 'yon nagawa, kasi sa pagkakatanda ko, hindi ka bumabasag ng isang bagay gamit ang baseball bat kundi kamao mismo, at para siguradong basag, gumamit ka ng pambasag kasi ayaw mong magasgasan ang kamay mo." Mahabang paliwanag niya.

"Pero alam mo naman ang consequence ng ginawa mo 'diba?"

"Yeah I know."

"At kahit na ayo'kong sabihin sa kuya mo ay for sure malalaman at malalaman niya."

"Yeah." Pansin kong kanina pa ako sumasagot ng maikli haha.

"At papatawag ko din ang may-ari ng kotse para mapag-usapan ang nangyari."

"Yeah go o---WHAAATT?? Ms. Aubrey naman, ba't niyo pa papatawag." Nakangusong sabi ko.

Kaasar, ba't pa kasi papatawag, eh naiinis pa rin ako sa pagbagsak niya sa'kin kanina. -_-

"Kasi kotse niya ang pinag-uusapan dito Ms. Santos."

"Fine." Walang ganang sagot ko.

"Oh andiyan na pala siya." Pagkasabi niya nun, biglang bumukas ang pinto ng dean's office at niluwal no'n ang isang unggoy.

"Have a sit Mr...?"

"Vince Jacob Park." Sagot ni unggoy sabay upo sa upuan na nasa harap ko.

So Park ang apelyido niya, ngayon ko lang alam at may lahi siyang korean?

Sabagay, medyo halata sa mukha niya na may lahing koreano siya.

"Okay Mr. Park I know that you already know kung bakit kita este kayo pinatawag ko dito sa office." Sabi ni Ms. Aubrey kay unggoy.

"Yes ma'am."' Sagot ni unggoy sabay tingin sa'kin at ngumisi.

Duh? 'Di niya bagay mag-smirk nagmumukha siyang asong ulol.

Pero tinignan ko lang siya with my cold look.

"Any reaction about what happened awhile ago?" Tanong ni Ms. Aubrey kay unggoy.

"Uhm, nothing ma'am it's okay with me." Sagot niya.

Nakaramdam naman ako ng relief sa sinabi niya, ibig sabihin okay lang sa kanya na nabasag yung kotse n'ya tutal I know mayaman ang family niya at kayang-kayang palitan yung kotse niya.

"But..." Dagdag niya. Bigla naman akong kinabahan, tsk pabitin effect masyado.

"But?" tanong ni Ms. Aubrey na alam kong nabibitin din sa gustong sabihin ni unggoy.

"But I want to talk to the owner of the school." prenteng sagot niya.

"What are you---" 'Di ko na naituloy ang sasabihin ko kasi binara na ako ni Ms. Aubrey.

"Okay if that's what you want." And I'm doomed. >_<

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

kylnxxxcreators' thoughts