webnovel

AZURE DRAGON ACADEMY [TUA 3] (Tagalog/Filipino)

Isang panibagong araw naman ang dumating para sa binatang si Evor. Makikitang umaga pa lamang ay rinig na rinig niya na ang ingay nagmumula sa labas ng inn na tinutuluyan niya. Isang simple at murang inn lamang siya tumutuloy ngayon matapos ang mahabang biyaheng ginawa njya kahapon makapunta lamang sa lugar na ito. Sa kamalas-malasan niya ay mukhang marami ng naunang mga estudyanteng tila katulad niya ay galing pa sa mga malalayong parte ng mga bayang pinagmulan ng mga ito. Karamihan kasi sa mga bagong dating ay nagtayo na lamang munting tent sa mga gilid-gilid lalo na at wala na rin silang matutuluyan. Wala namang magbabalak na gumawa ng gulo dahil bawat lugar rito lalo na sa mga piangtatayuan ng tent ay may nakabantay buong magdamag na mga kawal mula mismo sa Dragon City. Walang magbabalak na labanan ang mga ito dahil likas na malalakas ang mga ito at subok ng magaling sa pakikipaglaban. Kung di nagkakamali si Evor ay mga 4th Level Summoner hanggang 7th Level Summoner ang mga kawal ng Dragon City. Hindi mo rin basta-bastang malalaman ang tunay na lebel ng mga ito dahil pare-pareho lamang ang unipormeng suot-suot ng mga kawal unless kung lalabanan mo ang mga ito at hindi mo mahal ang buhay mo. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang mauubusan siya ng mga maaaring tuluyan na mga maaayos na mga room na fully booked na rin dahil sa dagsa-dagsang mga summoners katulad niya na gusto at nangangarap na makapasok sa prestirhiyosong paaralan ng Azure Dragon Academy. Malamang ay nitong nakaraang mga araw pa pumunta ang karamihan sa mga nasa malayong mga bayan habang mas pinili nilang manatili rito ng matagal kaysa maghintay pa sila ng susunod na taon para lang makalahok sa elimination round.

jilib480 · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
24 Chs

Chapter 1.12

Hindi alam ni Evor kung matutuwa siya o hindi lalo pa't napakalakas ng halimaw na makakasagupa niya ngayon.

Dalawa lamang ang Summons niya at sigurado siyang hindi niya magagamit ang unang summoner ball niya na Fire Fox.

Ang tanging naisip niya ay si Zhaleh na siyang pangatlong summoner ball niya.

Wala ding silbi ang pangalawang summoner ball niya dahil di naman niya alam kung paano gamitin iyon.

Agad na kinuha ni Evor ang pangatlong summoner ball niya sa tattoo niya sa bandang braso at inihagis iyon sa ere.

Pow!

Lumitaw ang napakalaking Magic Circle sa ere at lumitaw si Zhaleh.

Kitang-kita na hanggang ngayon ay limitado lamang ang kakayahan ng pagkontrol ng kapangyarihan ni Zhaleh at wala siyang alam sa maaaring magawa nito.

But Zhaleh was the only one summon he could use for. Alam niyang kailangan niyang manalo sa lalong madaling panahon.

SHRRIIIIEEEKKKKK!

Nagpakawala ng atungal ang Blue Sea Unicorn at masasabi ni Evor na hindi na siya nakikita ngayon ng nasabing halimaw na ito dahil sa kapangyarihan ni Zhaleh.

May sariling isipan ang summon niyang si Zhaleh at hindi na ito kailangan pang utusan ni Evor.

Biglang umingay at dumilim ang kapaligiran. Zhaleh have a strong power of changing weather at parang hinahamon niya ang Blue Sea Unicorn na kaharap nito.

SHRRIIIIEEEKKKKK!

Sa pangalawang pagkakataon ay umatungal muli ang nasabing Blue Sea Unicorn at isang dambuhalang Water Hurricane ang bigla na lamang lumitaw hanggang sa nadagdagan pa ito ng tatlo at umabot ito sa kaulapan.

Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ng kakaibang emosyon si Evor mula kay Zhaleh dahilan upang mabigla siya.

Sigurado siyang isa iyong sign ng pag-unlad ng nasabing summon hero niya na si Zhaleh.

Hindi na nagulat si Evor nang biglang nagpadala ng mga naglalakasang mga kidlat si Zhaleh patungo sa direksyon ng Blue Sea Unicorn.

BANG! BANG! BANG!

Sa laki ng mga kidlat ay himala na lamang kung manlalaban pa ang nasabing halimaw.

Sa lakas kasi ng impact ay lumubog ang katawan ng halimaw.

Imbes na matuwa na si Evor sa naging resulta ng laban ay nakaramdam siya ng kakaibang emosyon kay Zhaleh patunay na hindi pa pala natatapos ang labn kundi ay parang may hinihintay pa itong mangyari.

Hindi mga nagkakamali si Evor nang hinala dahil sa isang iglap ay lumutang muli ang Blue Sea Unicorn ngunit iba na ang kaanyuan nito.

Isang Blue Sea Serpent na ito na nasa Humanoid Form nito.

Ang kaibahan lang sa serpyenteng hugis tao na ito ay mayroon itong pakpak.

Tama siya ng hinala na Dual Attribute ang halimaw na ito. Ang di lang matanggap ni Evor ay nagpanggap itong isang ordinaryong Blue Sea Unicorn.

Huli niya lang rin napagtanto ang mga bagay na ito at kailangan niyang magseryoso sa laban.

Although Zhaleh has that ability to fly, ang makakasagupa nito ay mayroon din nito.

Sa isang iglap ay lumipad ito ng napakabilis patungo kay Zhaleh.

Walang makikitang takot sa Human form na serpyenteng makakalaban ni Zhaleh.

BANG! BANG! BANG!

Hindi nakaligtas si Zhaleh sa bagsik ng mga kamao ng Serpyente.

Ramdam na ramdam ni Evor ang sakit ng walang kalaban-laban na si Zhaleh.

Nakaramdam ng paninisi si Evor sa sarili niya.

Ramdam niyang humihina na ang enerhiya nito.

BANG! BANG! BANG!

Kitang-kita kung paanong umiiwas pa si Zhaleh ngunit sa tindi ng lakas ng kakaibang kaaway nitong serpyente ay matatalo talaga siya nito.

Naalala naman ni Evor si Nescafra, maihahalintulad niya ang lakas ng kakaibang serpyenteng ito sa naunang guardian niya.

Gamit ang Temporal State Body niya ay pumikit siya at bigla niyang kinonekta ang isip niya kay Zhaleh.

Wake up, Zhaleh!

Isa ito sa ayaw gawin ni Evor sa totoo lang ngunit desperado na siyang gawin ito.

Kakaibang paggising ang gagawin niyang ito at wala siyang alam kung ano ang magiging kahihinatnan ng mg ito.

Zhaleh Eyes began to fully open patunay na kumikislap ito ng malakas.

Kitang-kita ang katawan nitong tila nagliliwanag din.

Hinawakan ni Zhaleh ang nasabing mga kamay ng humanoid Serpent at kinuryente niya ito ng napakalakas gamit ang katawan nito.

SHRRIIIIEEEKKKKK! SHRRIIIIEEEKKKKK! SHRRIIIIEEEKKKKK!

Malalakas na mga atungal ang pinakawalan ng humanoid Serpent hanggang sa hindi na ito nakapanlaban pa at unti-unting naging summoner ball.

Zhaleh depleted it's opponent's energy.

Mabilis na nag-bind ng koneksyon si Evor sa hawak niyang Summoner's Ball.

Nang tingnan niya si Zhaleh ay nakatingin ito sa direksyon niya. He was fully aware na nakikita siya nito sa ganitong estado.

Zhaleh Eyes are completely opened. Sigurado si Evor na tatakasan na siya ng summon na ito.

Ngunit ramdam niyang may koneksyon pa siya rito at intact pa iyon.

Biglang lumakas ang mga kidlat na naririnig niya sa makapal na kaulapan. Sigurado siyang hindi lamang siya mapipinsala ng maliit kapag matamaan siya ng mga ito.

Ngunit biglang pumikit muli ang nasabing mga mata ni Zhaleh na siyang hindi niya naintindihan hanggang sa unti-unting humina ang mga kidlat.

Nagulat pa siya ng biglang nagbago ang anyo ni Zhaleh at naging summoner ball ulit ito.

Nawala na rin bigla ang marahas at nakakatakot na panahon kanina.

Yun na yun? Ito na lamang ang nasabi ni Evor sa sariling isipan niya.

Napakamisteryoso ni Zhaleh at ang ginawa niya kanina ay hindi niya tuluyang nabuksan ang nasabing mga mata nito.

Kaya pala ang koneksyon nilang dalawa ay tila intact pa rin.

Ano ang sikretong tinatago sa likod ng kaanyuan ni Zhaleh?

Nakakatakot ang presensya nito ng magbukas ang mga mata nito. Kahit siya na nagmamay-ari rito ay nakaramdam din ng kilabot.

Napakalakas nito, iyon lamang ang masasabi ni Evor at tanging siya lamang ang nagbibigay limitasyon rito.

Iwinala na lamang ni Evor ang kaisipang ito at itinuon muli ang atensyon sa pang-apat niyang summoner ball na walang iba kundi ang Blue Sea Serpent. Mapanlinlang ang kaanyuan nito, sigurado siyang ginamit nito ang elemento ng tubig upang ibahin ang anyo nito.

Ngunit labis ang pagtataka niya nang nag-iisa lamang itong nagtatampisaw sa ibabaw ng ginintuang lawa.

Hindi alam ni Evor kung matutuwa siya o hindi dahil kakaiba ang mga nakukuha niyang mga summons.

Pero sa pagkakataong ito ay nakakuha siya ng isang Summon Beasts. Kakaiba pa ito dahil mayroon itong pakpak at dual attributes din ito na may kakayahan ng elemento ng tubig at hangin.

Kung maa-unleash niya ang kakayahan ng Blue Sea Serpent ay sigurado siyang kaya niyang makipaglaban ng harap-harapan.

Ang mas namangha si Evor at napamaang ay nang mapagtanto niya na humanoid form Blue Sea Serpent na ito.

Kaibahan sa mga serpyenteng nakasagupa niya noon at mas lalong iba ito kay Nescafra.

Hindi alam ni Evor ngunit nakaramdam siya ng kasiyahan.

Sa isang iglap ay bumalik ang nasabing consciousness niya sa orihinal na katawan niya at kitang-kita niya ng aktuwal ang apat na summoner balls niya.