webnovel

AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1)

Ang pagkawala ng lahat ng kanyang alaala ang naging dahilan ng pagbabago sa kanyang buhay. Hindi man ito sadya at lalong kailanman hindi n'ya ito inasahan. Subalit kailangang yakapin ni Angela ang kasalukuyan. Dahil dito na umiikot ngayon ang kanyang mundo. Simula ng magising siya bilang si Angeline Alquiza. Pero sino nga ba siya talaga? Hanggang kailan ba s'ya mananatili sa katauhan nito? Kung pwede nga lang sana gagawin n'ya ang lahat, h'wag lang mawala ang lahat ng ito sa kanya. Lalo na ang mga taong napamahal na nang husto sa kanya. Subalit alam n'yang ang lahat ay may hangganan. Pero paano kung patuloy siyang habulin ng kanyang nakaraan? May mga panaginip na patuloy na gumugulo sa kanyang isip, alam niya at ramdam niyang maaaring may kaugnayan sa nakaraan n'yang buhay. Hanggang sa makilala niya ang isang babaing sa una pa lamang misteryosa na ang naging dating nito sa kanya. Pero sino nga ba ang babaing ito? Na tila gusto pa yatang agawin ang lahat sa kanya, maging ang kanyang kaligayahan. Ang nakapagtataka pa tila ba may lihim itong galit sa kanya. Gayu'ng hindi naman n'ya ito kilala. Pero hindi nga ba niya ito kilala? Bakit unang narinig pa lang n'ya ang pangalan nito iba na ang pakiramdam n'ya. May nagawa ba s'yang pagkakamali sa babaing ito o sa kanyang nakaraan? Kaya ba walang naghahanap sa kanya. Dahil ba, isa s'yang masamang tao? Until one day she just found out that someone was suffering greatly because of her. After all that happened to her and after forgetting the past. Including the promise not being fulfilled. But how can she fulfill it? If she doesn't remember it, after all. * * * Author's Note: Ano man sa istoryang ito ang may pagkakahawig o pagkakatulad sa iba. Kagaya ng pangalan, karakter, lugar, mga salita man o mga pangyayari at iba pa ay hindi po sinasadya. Ang lahat ng nilalaman ng istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Bunga ng malikot na imahinasyon ng may akda. Hindi rin po ito maaaring gayahin ng sinuman ng walang pahintulot. Ito po ay orihinal na akda ng inyong lingkod. MARAMING SALAMAT!? _____ BY: MG GEMINI @LadyGem25

LadyGem25 · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
131 Chs

C-57: BRACELET

Matapos ang nangyari sa kanya kanina sa Resort. Minabuti niyang umuwi na lang kahit pa gusto ni Joaquin na pumunta sila ng ospital.

Pero nagpakatanggi siya at hiniling na lang niyang makauwi. Hiniling rin niya na h'wag ng sabihin sa Papa nila at kay Joseph ang nangyari. Dahil ayaw na niyang mag-alala pa ang mga ito.

Nakiusap na rin siya sa mga tauhan ng Resort na kalimutan na lang ang nangyari. Dahil okay naman na siya kaya hiniling niya h'wag na lang palawigin pa ang nangyari para wala ng problema.

Hindi rin naman niya sinabi kay Joaquin ang totoong nangyari sa kanya kanina. Sinabi na lang niya na biglang sumakit ang ulo niya dahil sa init ng araw.

Sinabihan tuloy siya nito na h'wag na ulit siyang magdadrive  pa ng motor at para na lang tumigil na ito at hayaan na lang siya kaya pumayag na rin siya sa gusto nito.

Dahil naisip niya agad si Dorin, kaya pag-uwi nila ng bahay agad na niya itong tinawagan.

Nang makausap na niya ito sa cellphone. Agad rin naman itong pumayag na makipagkita sa kanya kinabukasan.

Lalo na nang maramdaman nito na may problema siya.

Kinabukasan pagkatapos ng klase nila nakita na niya itong naghihintay sa labas ng gate ng eskwelahan.

"Hello, best anong nangyari?"

Agad na tanong nito kahit pa may kalakihan na rin ang tiyan nito masigla pa ring kumilos na parang napakagaan ng katawan.

Iba talaga kapag Doctor malakas ang loob at alam ang mga do's and don't upang pangalagaan ang sarili.

Paglapit nito sa kanila ni VJ agad sila nitong niyakap at hinalikan.

"Wow! Ninang ang laki din ng t'yan mo, meron ka rin bang baby d'yan sa loob kagaya ng Mama ng classmate ko?"

"Oo anak magkaka-baby na si Ninang mo." Salo niya sa tanong nito.

"Ikaw po Mama kailan ka magkaka-baby sa tiyan mo?"

"Ha?"

Biglang natawa si Dorin sa inosenteng tanong ng bata at ito na rin ang sumagot.

"Hindi pa sa ngayon baby, namimili pa kasi ng magiging Daddy ang Mommy mo! Kaya wait ka lang anak sa magiging little brother or sister mo ha?"

"Mama! Matagal pa ba ako magkakaroon ng kapatid?"

"Ha? Ah' matagal pa anak! Bakit ayaw mo ba na ikaw lang muna ang baby ko?" Naisip niyang itanong.

"Gusto ko po pero gusto ko rin magkaroon ng kapatid. Kasi 'yun ibang classmates ko meron din silang kapatid."

"Ah' kasi anak!" Nangangapa niyang sqagot.

"Hayaan mo anak pag-iisipan 'yan ng Mama mo. Sooner or later igagawa ka rin niya ng kapatid, okay." Sagot ni Dorin.

"Mama, bakit hindi na lang kayo ni Papa ang gumawa ng kapatid ko?" Inosenteng tanong ulit nito.

"A-ano bakit mo naisip 'yan?" Nagulat siya sa tanong nito.

"Patay! Mukhang may nanalo na, mabuti pa ang bata hindi nahihirapang pumili at alam niya kung sino ang gusto niya. Hindi katulad ng iba d'yan hay naku, nice choice little boy!" Si Dorin tumatawang ginulo pa ang buhok ni VJ.

"Hmmm, tayo na nga umalis na tayo naiistress ako sa inyo!"

Matunog na pagtawa ni Dorin ang naging sagot nito sa kanya na ikinatawa rin ng bata kahit hindi naman batid nito ang tunay na sitwasyon.

Makalipas lang ang ilang sandali nakarating na rin sila sa Resort mula sa school.

"Ano ba kasi nangyari sa'yo dito kahapon. Alam mo bang kagabi kinukulit din ako ni Joaquin. Ang taong 'yun u pinaka-huling tao na alam kong lalapit at hihingi ng tulong sa iba. Pero mukhang tinamaan yata talaga sa'yo natutong makiusap pa ha? Kahit pa noong na-depressed 'yun kay Liscel hindi siya humingi ng tulong sa iba. Sinarili niya ang problema kaya umalis siya dito. Hindi katulad ni Joseph na kahit kaya namang mag-isa pero nakadepende pa rin kay Tito Lian, 'yun ang pagkakaiba nila. Kaya hindi ako magtataka kung mas pinoprotektahan ni Tito Lian si Joseph kaysa kay Joaquin." 

Nagbuntong hininga muna siya bago nagsalita.

"Doon tayo sa cottage na malapit sa aplaya, masarap ang hangin doon. Binilinan ko naman na si Nanay Sol na siya na lang muna ang magpadala ng pagkain sa site. Hindi kasi ako makapagluto ngayon."

"Bakit ba kasi hindi mo na lang sinabi sa kanila ang nangyari para hindi ka nahihirapang magdahilan?"

"Alam mo naman na ayoko lang na mag-alala pa sila sa akin. Saka mas mabuti na 'yun!"

"Paano kung maalala mo na ang lahat, hindi mo ba balak sabihin sa kanila?" Tanong ulit nito.

"S'yempre naman malalaman rin nila kapag talagang nakaalala na ako! Hindi ba?"

"Alam mo bang p'wedeng maaalala mo ang lahat ng hindi nila nalalaman. Dahil una sa lahat, ikaw lang ang unang makakaalam at makakaramdam nito."

"Doon na tayo mag-usap para makaupo tayo, nahihirapan akong tingnan ka ng gan'yang nakatayo."

Itinuro niya ang isang cottage na malapit sa tabing dagat. Malapit rin ito sa mga mababang puno ng niyog na nagsisilbing lilim rin sa bahaging iyon.

"Mama pwede ba ako gumawa ng sand castle doon? Sige na po Mama!" Pakiusap ni VJ ng nasa Cottage na sila.

"Okay sige, pero h'wag kang lalayo ah' d'yan ka lang sa malapit."

"Yehey! Opo Mama doon lang po ako." Tuwang-tuwa saad nito at tumakbo na sa dalampasigan sa bahaging na may malinis na buhangin na magandang gawing sand Castle.

"Mahirap talagang magbuntis best! Pero masarap naman sa pakiramdam, iba pa rin talaga 'yung ikaw ang nagdala. Dahil una sa lahat alam mong sa'yo ito at hindi maaaring maaagaw ng iba."

Makahulugang salita nito sa kanya habang nasa loob na sila ng cottage at nakatanaw kay VJ tungo sa kinaroroonan nito.

"Oo na! Pero atleast may isang bagay na alam kong hindi na mawawala."

"Hmmm, at ano naman 'yon?"

"Ang pagmamahal! At sa bagay na iyan sigurado ako na naging totoong ina ako sa kanya. Dahil maaaring nakapagtanim na ako ng pagmamahal sa puso niya na alam kong kailanman, hindi na ito mawawala."

"Okay, sabi mo e' wala na akong masabi." Nakangiting wika nito.

"Kaya nga mas natatakot ako na iiwan ko na sila kapag bumalik na ang memorya ko." Malungkot niyang saad habang patuloy na nakatingin lang sa bata.

"Kung ganu'n bakit mo naman gagawin 'yun sa tingin mo ba papayag sila na basta ka na lang umalis? Knowing Tito Lian hindi naman siya 'yun tao na mahirap umunawa sa isang bagay o kahit anong sitwasyon."

"Alam ko naman 'yan, kaya lang!"

"Kaya lang, sandali nga bakit ba pag-uusapan na naman natin 'yan? Hindi ba kaya mo gustong magkita tayo dahil sa nangyari sa'yo kahapon?" Tanong nito.

"Oo pero iniisip ko kung ano na ang mangyayari kapag tuluyan ng bumalik ang alaala ko? Hindi ko alam kung bakit natatakot akong mangyari iyon?"

"Natatakot kang bumalik ang alaala mo?"

"Oo pakiramdam ko kasi may hindi magandang nangyari sa nakaraan ko. Natatakot ako na balikan 'yun! Paano kung magulo pala ang buhay ko dati? Katulad na lang ng naalala ko kahapon. Hindi iyon isang halusinasyon, panaginip man o imahinasyon. Dahil totoong nakita ko ang sarili ko sa sitwasyong iyon at hindi ako nanaginip dahil gising ako!"

"Kung ganu'n totoong may naalala ka na nga? Ano bang naalala mo, maaari mo na bang ikwento sa akin? Posibleng ngang may hindi talaga maganda sa iyong nakaraan. Dapat asahan mo na 'yan. Dahil sa kalagayan mo noong matagpuan ka nila at sa nangyayari sa'yo ngayon."

"Kaya nga natatakot ako! Ang dating napapanaginipan ko lang noon, ngayon parang ang lahat ng iyon ay totoong nangyari sa akin. Yung nasa loob ako ng sasakyan at kasama ng mga armadong lalaki totoong nangyari sa akin iyon."

"Bukas dumaan ka sa ospital para sa general check up mo okay? Maaaring unti-unti nang nirerecall ng utak mo ang mga alaala sa isip mo. Maaaring may nakapagtrigger sa'yo ng bagay na iyon kaya mo naalala?"

"Tama ka 'yun tattoo nu'ng lalaki may tattoo siya sa braso. Bigla na lang akong kinabahan pagkakita ko ng tattoo niya. Hindi ko rin maintindihan pero kakaiba 'yun dating sa akin ng snake tattoo na iyon."

"Ano naman ang tingin mo du'n sa lalaking 'yun hindi mo ba siya naalala isipin mo?"

"Hindi ko alam, basta ang naalala ko lang 'yung tattoo niya sa braso at 'yung mga armadong lalaki."

Saglit siyang natahimik at nag-isip habang inaalala sa isip niya ang naganap kahapon.

"Tapos, tapos may mga babae sa sasakyan! Sandali ngayon ko lang naalala bukod sa akin may iba pang mga babae sa sasakyan akong nakita. Naalala ko na may ibang babae akong nakasama sa sasakyan. Galing kami sa isang bus... Diyos ko!" Nangilid na ang kanyang luha ng muli niya itong maalala.

Saglit pa siyang napatayo habang hawak ng dalawang kamay ang kanyang ulo. Hinayaan lang siya ni Dorin na magpatuloy.

Habang pinagmamasdan nito at tila pinag-aaralan ang kanyang mga kilos at galaw.

"Mula sa isang bus sinakay nila kami sa isang pang sasakyan. Pero bakit ganu'n hindi ko makita ang mga mukha nila hindi ko sila makilala? Kahit anong isip ko, bakit hindi ko sila matandaan!" Tuluyan na s'yang napaiyak.

"Huminahon ka h'wag mong biglain ang isip mo tama na muna 'yan sa ngayon." Hinaplos nito pataas, baba ang kanyang likod at muli itong nagpatuloy sa pagsasalita.

"Kusa naman 'yung magbabalik sa isip mo. Pero gusto ko lang sanang ipaalala sa'yo, na hindi lahat ng bagay posible mong maalala. May mga bagay pa rin sa isip mo na, maaaring hindi na muling magbalik. Naiintindihan mo ba?"

Habang patuloy siya hinahaplos nito ang kanyang likod. Kahit paano nare-relaxed siya sa ginagawa nito.

Sa ganu'ng silang tagpo inabutan ni Joaquin. 

"Hey! What happened everything is okay?"

Nag-aalalang tanong nito. May dala itong pagkain para sa kanila na agad nitong ibinaba at agad na lumapit sa kanila.

"Okay lang ba siya?" Dugtong pa nito ng nasa tabi na nila.

"Okay lang ako!" Agad niyang sagot mabilis na pinahiran ang mga mata at inayos ang sarili. "Bakit ka nandito?" Dagdag pa niyang tanong.

"Dinalhan ko kayo ng food, okay ka lang ba talaga?" Paniniguro pa nito sa kalagayan niya.

"Alam ba ni Papa na nagpunta ka dito?" Bigla n'yang naisip itanong kasabay ng pag-aalala.

"H'wag kang mag-alala si Nanay Sol ang nagpadala nito sa akin at wala si Papa sa bahay. Sinundo ni Tito Enrique, you know him yung Daddy ni Joshua?"

"Oo naman, nakilala ko na silang lahat sa loob ng limang taon na pananatili ko sa bahay n'yo kilala ko na sila."

"Yeah, right! Maliban sa akin kilala mo na silang lahat."

Matabang nitong ngiti na may halong parunggit.

Habang si Dorin naman ay prente lang na nakatingin sa kanila at kasalukuyan nang inuusisa ang pagkaing dala ni Joaquin.

"Mabuti pa kumain muna tayo bago pa magkaroon ng lovers quarels dito." Saad ni Dorin na nangingiti habang nilantakan na ang nakita nitong saging.

"Pambihira gutom ka na ba?" Saad niya.

"Anong oras na ba? Gutom na talaga ko no kaya halika na! Buti na lang may isang mabait na nilalang na dumating." Sabay ngiti nito kay Joaquin.

"Past twelve na... Talagang balak mong gutumin si Doctora. Kun'di pa ako dumating hindi n'yo pa maiisip kumain?"

"Okay lang ako, talagang lagi lang akong gutom kahit mukha akong busog!" Sabi nito na sinabayan ng pagtawa.

"Nawala na sa isip ko, pasensya na kaya pala parang nagugutom na rin ako! Teka lang sandali si VJ siguradong gutom na rin 'yun!" Saka lang niya naalala ang bata.

Nagpalinga-linga siya sa paligid at sinimulang hanapin ng tanaw si VJ ngunit wala ito sa paligid.

"Sige na kumain na kayo ako na ang tatawag kay VJ, okay?" Salo ni Joaquin sa kanya.

"Sabi ko h'wag siyang lalayo baka namulot na naman ng mga shells sa paligid."

"Okay, ako na ang bahala!"

Tumalikod na ito at lumakad patungo sa tabing dagat. Upang simulang hanapin ang bata. Muli naiwan sila ni Dorin sa Cottage.

"Okay din naman siya sobra ang pag-aalala sa iyo. And take note, mukhang ayaw ka nang iwan. Dapat kung saan-saan na 'yan nakakarating para magtrabaho pero heto siya binabantayan ka!"

"Nakakahalata na nga si Papa eh' sa tingin ko binabantayan din ni Papa ang kilos naming dalawa?"

"Hindi malayong makahalata 'yun ah! Hindi naman kasi ugali ni Joaquin na tumambay lang sa bahay at magpatay ng oras. May pagka-workaholic 'yan, kaya naman nakakapanibago. Kaya nga siguro hindi nagworkout ang relationship nila ni Liscel. Dahil na rin sa pagiging workaholic niya kaya ayun may nakasingit tuloy!"

"Paano kaya kung bumalik siya?" Bigla na lang niyang naitanong.

"Hindi na makakabalik dito 'yun ang kapal na lang ng mukha niya kapag bumalik pa siya! Kaya h'wag mo nang isipin 'yun, okay. Dahil siguradong hindi na siya babalikan ni Joaquin kaya kumain ka na."

Saad nito habang inuumpisahan nang kumain.

"Hindi naman si Joaquin ang inaalala ko e, sige kumain ka lang hihintayin ko na 'yun dalawa." Tugon na lang niya, hindi naman ang tungkol sa kanila ni Joaquin ang iniisip niya pangalawa na lang iyon.

Dahil ang una ang takot na baka pagbumalik na ito. Kunin na nito si VJ sa kanila at mawala na ang karapatan niya sa bata. Sabagay ano nga ba ang karapatan niya. Naisip tuloy niya ang kasasabi lang ni Dorin.

"Hmmm, gusto mo lang talaga silang makasabay kumain eh' sayang wala sanang problema. Bagay naman talaga kayong dalawa at nakakatuwa kayong tingnan bilang isang masayang pamilya. Kaya lang kun'di siguro nagkagusto sa'yo si Joseph. Kung bakit kasi ang haba-haba ng hair mo best! Bilib na talaga ako sa alindog mo." Saad nito saka ito tumawa.

"Tumigil ka nga! Nagiguilty na nga ako hindi ko naman gustong mangyari ito. Ang akala ko noon si Joseph lang sapat na sa akin. Pero nang makilala ko siya hindi ko maintindihan kung minahal ko ba talaga si Joseph? Ang sama sama ko na ba kung 'yun talaga ang nararamdaman ko?"

"Sabi ko nga maging tapat ka sa sarili mo. Ngayon atleast alam mo na kung sino talaga ang laman niyang puso mo!"

"Pero paano naman si Joseph? Lalo na kapag nalaman pa niya ang totoo. Ngayon pa lang hindi ko na alam kung paano ko ba sasabihin sa kanya ang totoo?"

"Pero kailangan mong sabihin, siguro mas maganda kung hahanap ka nang magandang t'yempo sa paraang masasabi mo sa kanya at maipapaliwanag mo ng mabuti."

"Kahit saang anggulo ko naman tingnan wala talaga magandang t'yempo. Dahil kahit saan ko pa ipaling masasaktan ko pa rin siya at bibiguin. Ang totoo iyon ang kinatatakutan ko. Dahil sa kabila ng ginawa nila sa akin ito pa ba ang isusukli ko?"

"Sabi mo nga saang anggulo mo man tingnan magiging masakit pa rin, atleast kung sasabihin mo ang totoo. Maaaring sa umpisa hindi niya matanggap? But later on pwede naman siyang makamove-on at makahanap ng iba. Kagaya na lang ni Joaquin noon. Kaysa naman magpatuloy pa kayo ng ganito. Pare-pareho lang kayong hindi magiging masaya lalo na kung patatagalin mo pa!"

"Basta bahala na? Kapag siguro nakahanap ako ng magandang pagkakataon sasabihin ko na talaga sa kanya at kakausapin ko na siya! Hindi kaya magalit din sa akin si Papa?" Tanong niya.

"Bakit naman magagalit sa'yo si Papa, may problema ba kayo?"

Sabay pa silang napalingon kay Joaquin nang bigla na lang itong magsalita sa tabi.

"Ha-ah'! Wala, kanina ka pa ba d'yan?"

"Hindi naman narinig ko lang na nabanggit mo si Papa. Sorry, I'm not intend to ears dropping. Hindi ko naman sinasadya na marinig. But I'm really curious?"

Tapat na saad nito. Ngunit imbes na sagutin pa niya ito...

"Si VJ nasaan, nakita..." Hindi na niya nagawang ituloy pa ang sasabihin niya nang makita na ito na kasunod din ni Joaquin at tila busy lang ito sa ginagawa.

"Mama!" Biglang tago ng kamay nito sa likod ng makita na siya.

"Nariyan ka lang pala! Halika na kumain na tayo hindi ka pa ba nagugutom?" Tanong niya sa anak na nakangiti lang para bang may iniisip itong kapilyuhan na siyang nakapagpapangiti dito.

"Mama, guess what kung anong surprise ko sa'yo?" Masayang bungad nito.

"Hmmm, at ano naman kaya 'yun?" Kunwari'y pabiro pa siyang nag-isip at itinutok ang hintuturong daliri niya sa sintido.

Habang nakangiting naghihintay ang lahat...

Itinaas ng bata ang kamay nito habang hawak nito sa kamay ang ginawa nitong bracelet na gawa sa shell. Bigla na lang siyang natigilan dahil sa ginawing iyon ng anak.

Dahil sa pagkakataong iyon may bigla na lang sumagi sa kanyang isip...

'Isang batang babae na may iniaabot din sa kanya...

"Ate look ginawan kita ng bracelet, d'yarann! Tingnan mo ang ganda noh?"

"A-Amara?" Saad niya habang titig na titig sa hawak ni VJ.

Sabay naman na napalingon sa kanya si Dorin at Joaquin. Habang si VJ nagtatakang tumingin na lang sa kanya.

"What?"

"Best?"

"Mama, ano ba nisasabi mo?"

*****

By: LadyGem25

          ( 2K20 )

Hello guys,

Sana na-enjoyed n'yong basahin ang chapter na ito.

Sa mga wrong grammars, typos at spelling pasensya na po. Hindi tayo expert d'yan!hahaha.

Maraming Salamat din po ulit sa inyong suporta at patuloy na pagbabasa.

Again...

Don't hesitate to votes, comments, rates and review my story.

SALAMUCH!❤️❤️❤️

LadyGem25creators' thoughts