webnovel

AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1)

Ang pagkawala ng lahat ng kanyang alaala ang naging dahilan ng pagbabago sa kanyang buhay. Hindi man ito sadya at lalong kailanman hindi n'ya ito inasahan. Subalit kailangang yakapin ni Angela ang kasalukuyan. Dahil dito na umiikot ngayon ang kanyang mundo. Simula ng magising siya bilang si Angeline Alquiza. Pero sino nga ba siya talaga? Hanggang kailan ba s'ya mananatili sa katauhan nito? Kung pwede nga lang sana gagawin n'ya ang lahat, h'wag lang mawala ang lahat ng ito sa kanya. Lalo na ang mga taong napamahal na nang husto sa kanya. Subalit alam n'yang ang lahat ay may hangganan. Pero paano kung patuloy siyang habulin ng kanyang nakaraan? May mga panaginip na patuloy na gumugulo sa kanyang isip, alam niya at ramdam niyang maaaring may kaugnayan sa nakaraan n'yang buhay. Hanggang sa makilala niya ang isang babaing sa una pa lamang misteryosa na ang naging dating nito sa kanya. Pero sino nga ba ang babaing ito? Na tila gusto pa yatang agawin ang lahat sa kanya, maging ang kanyang kaligayahan. Ang nakapagtataka pa tila ba may lihim itong galit sa kanya. Gayu'ng hindi naman n'ya ito kilala. Pero hindi nga ba niya ito kilala? Bakit unang narinig pa lang n'ya ang pangalan nito iba na ang pakiramdam n'ya. May nagawa ba s'yang pagkakamali sa babaing ito o sa kanyang nakaraan? Kaya ba walang naghahanap sa kanya. Dahil ba, isa s'yang masamang tao? Until one day she just found out that someone was suffering greatly because of her. After all that happened to her and after forgetting the past. Including the promise not being fulfilled. But how can she fulfill it? If she doesn't remember it, after all. * * * Author's Note: Ano man sa istoryang ito ang may pagkakahawig o pagkakatulad sa iba. Kagaya ng pangalan, karakter, lugar, mga salita man o mga pangyayari at iba pa ay hindi po sinasadya. Ang lahat ng nilalaman ng istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Bunga ng malikot na imahinasyon ng may akda. Hindi rin po ito maaaring gayahin ng sinuman ng walang pahintulot. Ito po ay orihinal na akda ng inyong lingkod. MARAMING SALAMAT!? _____ BY: MG GEMINI @LadyGem25

LadyGem25 · Urban
Not enough ratings
131 Chs

C-58: "Your heart is only mine"

Matapos ang insidenteng nangyari sa kanya sa Resort. Balik normal na ulit ang lahat at wala na rin siyang maalala pa.

Maliban sa pangalan ng isang batang babae na bigla na lang sumagi sa isip niya kahapon.

Ngunit bukod doon wala na siyang maalala pa tungkol dito. Kahit anong isip ang gawin niya hindi niya ito maalala. 

Kung may kaugnayan ba ito sa kanya? Kahit sa isip niya tinawag siya nitong Ate nanatili pa ring  palaisipan sa kanya. Kung sino ba ito? Kung kapatid ba niya ito o ano ba ang kaugnayan nito sa kanya.

Sumasakit lang ang ulo niya sa tuwing pinipilit niyang isipin. Ang sabi ni Dorin h'wag niyang pwersahin ang isip niya. Kusang maalala niya ulit ito pero kailan pa? Malakas kasi ang kutob niya na maaaring may kinalalaman sa kanya ang batang babae.

Pero bakit ganu'n hindi malinaw sa isip niya ang mukha nito? Pero alam naman niyang babae ang bata, saka bakit alam rin niya ang pangalan nito at saan niya nakuha ang pangalang iyon?

Siya ba si Amara? Punong-puno siya ng katanungan sa kanyang isip. Subalit hindi naman niya mabigyan ng kasagutan.

Nanatiling lihim rin kay Liandro at Joseph ang lahat ng mga nangyayari sa kanya lately.

Dahil maliban kay Joaquin at Dorin wala na siyang iba pang pinagsasabihan. Mas mabuti na ito kaysa intindihin pa siya ng iba.

Kung hindi nga makulit si Joaquin at hindi nito nalaman ang nangyari sa kanya, hindi rin niya sasabihin dito ang mga nangyayari sa kanya nitong huli.

Ayaw na kasi niyang mag-alala pa ang mga ito sa kanya at isipin pa siya lalo na ngayong kaya na naman niyang kontrolin ang sariling emosyon.

Tama si Dorin hindi siya dapat magpaka-stress sa mga bagay-bagay sa buhay niya. Dapat i-relaxed lang niya ang isip niya para magnormalized ang takbo ng utak niya.

What if sooner or later maalala na rin niya ang lahat ng mas malinaw sa kanyang isip?

Saglit siyang huminga ng malalim at pinilit kalmahin ang sarili. Hindi talaga siya maaaring ma-stress ngayon.

_

Dahil may magaganap na event mamayang gabi magkakaroon ng party sa Resort. Isang simpleng Birthday party lang naman ang gaganapin sa Resort ngayong gabi.

Dahil 21st Birthday ni Joshua ngayong araw at sa Resort nila napiling i-celebrate ang party. Pero mga piling bisita at mga kaanak lang naman ang imbitado sa gaganaping selebrasyon.

Kaya abala na ang lahat sa Resort at maging dito rin sa bahay. Madalian kasi ang pagprepara ng mga ihahandang pagkain ngayon lang araw na ito.

Dapat kasi sa Boracay ang plano pero hindi natuloy. Hindi kasi lahat on time na makakapunta kaya ang nangyari sa Resort na lang napagkasunduang ganapin.

Kaya ngayon kailangan niyang gumawa ng madaliang dessert para mamaya. Bukod pa sa cake na natapos na niyang gawin kanina. Mabuti na lang naging maayos naman ang mabilisan niyang paggawa.

Hindi rin naman ganu'n kabigat ang preparation ng food. Light dinner lang at puro finger foods lang ang kailangan nilang gawin at ihanda.

Tungkol naman sa mga drinks. Binigyan na niya ng instructions ang mga barista ng Hotel sa mga dapat gawin. Ayon sa request ng celebrant.

Kaya naman kampante siya na magiging maayos ang lahat...

_

"Okay ka lang ba d'yan Ate Angelle?"

Gulat siyang napalingon sa nagsalita. Dahil sa malalim ang kanyang iniisip.

"Oh' Joshua, nariyan ka na pala? Happy birthday! Kararating mo lang ba?" Tanong at bati niya rito.

"Yup! Ikaw okay ka lang ba, nasaan nga pala ang gift ko?"

Saad nito sabay akbay sa kanya.

"P'wede bang kiss na lang hindi yata ako nakabili ng regalo!"

Aniya at hinalikan ito sa pisngi.

"P'wede naman, basta ba sa lips." Turo pa nito sa sariling labi saka tumawa.

"Gusto mo bang makipagparty ng maga ang nguso mo?" Sabay pa silang napatingin kay Joseph na nasa likuran na pala nila.

"Oh' Bro, nariyan ka pala? Hindi ba birthday ko naman, baka naman?" Pabirong saad nito habang nakaakbay pa rin kay Angela.

"Baka naman p'wedeng lumayo layo ka d'yan at nakakaabala ka! Nakikita mong may ginagawa si Angela paano matatapos 'yan?"

"Hmmm, para-paraan din ang pagseselos? Oo na sige na! Hindi ko naman babawasan eh' hahalikan ko lang..." Sabay halik nito kay Angela at mabilis rin na lumayo.

"Sige, Ate Angelle mamaya na lang ulit kapag wala nang tanod d'yan!"

Saad nito habang masayang tumatawa. Natawa na lang din si Angela sa ginawi nito.

"Fvck!" Napamurang saad ni Joseph kahit pa sanay na siya sa kapilyuhan ng pinsan nagagawa pa rin siya nitong inisin. 

"Kabwisit talaga!"

"Hindi ka na nasanay! Mabuti nga mababait ang mga pinsan mo kahit ganu'n!" Nakangiti niyang saad.

"Mabait ba 'yun parang hindi naman, sana kung nagmana sa'kin, pwede pa? Mabuti pa tutulungan na kita d'yan!"

Nakangiting saad nito.

"Sabi ko nga pare-pareho lang naman kayong maloloko."

"Hindi ah' mas good boy naman kaya ako sa kanila." Sabay kindat nito sa kanya.

"Talaga lang ha, sige ikaw na ang gumawa nito. Titingnan ko 'yung ibang niluluto ko. Alam mo na kung paano ito gawin di'ba 'yun itinuro ko sa'yo dati pa?"

"Opo ma'am alam ko na po, ako na ang bahala dito! Gawin mo na 'yung gagawin mo, okay?"

"Hmmm, okay ang bait nga niya!"

Pabiro pa niyang hinawakan ito sa tenga at malambing itong nginitian.

Dati na naman niya itong ginagawa kay Joseph kapag natutuwa siya. Kaya balewala lang sa kanya kahit pa sa harap ng iba. 

Subalit iba ngayon...

_

_

"Ehmp!"

Isang tikhim ang nagpatigil sa kanila sa sanay nagsisimula na naman nilang pagiging magiliw sa isa't-isa.

"Joaquin, ikaw pala halika tulungan mo kami dito."

Saad ni Joseph kay Joaquin upang pagaanin ang sitwasyon sa pagitan nilang magkapatid.

Nagpalipat-lipat muna ng tingin si Joaquin sa kanila. Habang hawak nito sa kamay ang isang tetra pack ng fresh milk na kinuha nito sa ref.

Saglit pa muna itong uminom bago sumagot na tila parang kinukumbinsi pa nito ang sarili.

"Sure! Sige ba wala naman akong ginagawa, ano bang maitutulong ko d'yan?" Matapos isara ang ref agad itong lumapit sa kanila.

Deretso rin itong naupo sa isang bakanteng upuan.

Saglit itong tumingin kay Angela at saka ngumiti.

Si Joseph na tahimik lang silang pinagmasdan na tila ba parang pinakikiramdaman lang sila nito.

Maya-maya'y muli rin naman itong nagsalita. Pareho pa sila ni Joaquin na nagulat sa sumunod na tinuran nito.

"Sweetheart, turuan mo naman siya nito para mas madali na tayong makatapos."

Sabay silang napalingon ni Joaquin kay Joseph. Dahil sa endearment na itinawag nito sa kanya.

Tila ba sadyang ipinapaalala nito kay Joaquin na silang dalawa na at may unawaan na sila. 

Pagkatapos ay nakangiti pa itong humarap sa kanila, hindi lang tiyak kung totoong ngiti nga ba ang nasa mukha nito.

Madalas nararamdaman na ni Angela na maaaring ngang nakakahalata na ito sa kanila ni Joaquin. Subalit nanatiling lagi na lang itong walang kibo. Kung ano man ang nasa isip nito hindi pa rin siya tiyak.

"Sige nga Ate, turuan mo ako! Paano ba?" Nakangiti pang saad ni Joaquin na tila ba hindi naman ito apektado.

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Angela sa dalawang binata. Kahit gusto pa niyang ma-stress sa mga ito. Pinilit pa rin niyang sumabay na lang sa agos.

Kasabay rin ng dalangin na sana h'wag namang makisabay ang dalawang ito. Kahit ngayon lang, h'wag ngayon!

Kaya laking pasasalamat niya na natapos ang kanilang ginagawa nang wala siyang naging problema. Nagpakabait naman ang dalawang katulong niya.

Thank God! Kahit batid niyang nagpapakiramdaman ang mga ito nanatiling casual pa rin ang mga ito sa isa't-isa.

Kahit paano paminsan-minsang  nag-uusap at nagkukwentuhan.

Pero nanatiling nakafocus sa kanya kanyang ginagawa kaya naman mas mabilis silang nakatapos.

"Okay tapos na tayo, p'wede n'yo na akong iwan ako na ang bahala dito. Pwede na kayong magrelax at ayusin ang sarili n'yo para sa party n'yo mamaya."

"Sure ka?" Tanong agad ni Joaquin.

"Hindi ba dapat nag-aayos ka na rin, wala ka bang p'wedeng utusan at pagbilinan nito na sila na lang ang magdala ng lahat ng ito sa Resort para makapag-ayos ka na rin?" 

Mungkahi na ni Joseph. Habang si Joaquin nakaupo lang at hindi pa rin tumatayo.

"Sandali na lang ito aayusin ko lang at ipapadala ko na sa Resort. Mauna na kayong mag-ayos at pumunta doon."

"Okay pero sumunod ka agad, sino nga pala ang kasabay mo papunta doon kung sabay na lang kaya tayo?" Suhestyon ulit ni Joseph.

"Ako na ang bahala sa sarili ko hindi ba sabay naman kayo ni Maru' na pupunta doon?" Naisip niyang itanong.

"Nauna na si Maru' kanina pa nagpaalam sa akin na pupunta ng Resort eh' kaya baka sabay sabay na lang kami magpipinsan na pumunta doon."

"Ah' ganu'n naman pala eh' mas okay 'yun?"

Saglit muna siyang tumingin kay Joaquin, ganu'n din si Joseph.

"Hinihintay ko lang dumating si Russell sabay na kaming pupunta doon." Sagot naman nito sa tingin nila na tila nagtatanong.

"O sige na, h'wag n'yo na akong alalahanin. Sigurado namang pupunta ako doon hindi naman p'wedeng hindi. Saka nasa Resort na rin sila Alyana at Diane. Baka nga hinihintay na ako ng mga 'yun? Bibilinan ko lang ang mga maiiwan dito susunod na rin ako du'n! Okay? Saka kailangan ko ring i-check muna si VJ upang siguraduhing nakakain na nang dinner at patulugin ng maaga. Bago pa ako umalis ng bahay!"

"Okay, sige na nga!"

Maya maya nga dumating na rin ang iba pa nilang mga pinsan at mga kaanak. Ang iba naman sa Resort na rin tumuloy. Matapos siyang batiin at kamustahin ng mga ito ay sabay sabay nang nagsialisan at pumunta ng Resort.

Kasabay na rin ang kanilang Papa na kasama naman ng mga kapatid nito. Naiwan lang si Joaquin dahil kadarating lang kasi ni Russell galing ng Manila.

_

Matapos niyang ipadala sa Resort ang mga pagkain at dessert na ginawa nila. Pinakain na muna niya si VJ bago pa siya gumayak para maligo.

Binilinan na rin niya ang yaya nitong si Didang na h'wag itong iiwan hangga't hindi pa sila umuuwi. Kung hindi nga lang gabi ang selebrasyon isasama na lang niya ito sa Resort.

__

Pagkatapos niyang maligo agad na rin siyang nagbihis.

Isang Gradient lace off shoulder in chiffon halter dress. White and black combination at above the knee ang haba nito. Ito ang napili niyang isuot sa gabing iyon na tinernuhan niya ng silver high heels sandals.

Dahil sa may okasyon naman kaya kailangan niyang umaura. Medyo hindi siya komportable lalo na sa suot niyang heels. Kaiba kasi ito sa nakasanayan na niyang isuot araw-araw.

Hindi naman kasi siya madalas magsuot ng heels at nasanay rin siyang simple lang ang suot.

Madalas casual pants, short at blouse lang ang suot niya o kaya maluwag na t'shirt mas komportable na kasi siya dito.

Pero kapag ganito kailangan talaga niyang umaura go naman siya palagi. Kahit pa sa tingin niya hindi na siya ganu'n ka-slim.

Pero nasa tamang kurba pa naman ang kanyang katawan. Tama lang ang laki ng kanyang dibdib at balakang.

Hindi pa naman siguro siya mapapahiya kay AJ at JLo sa pagiging voluptuous body.

Manipis na make-up at lipstick lang okay na siya at hinayaan lang niyang nakalugay ang alon-alon niyang buhok na dala marahil madalas niyang itali. Ngunit bumagay naman ito sa hugis ng kanyang mukha.

Bahagyang Inipitan lang rin niya ito sa side upang kahit paano hindi ito tumabing sa kanyang mukha.

Nang masiguro niyang maayos na ang kanyang sarili. Nag-spray lang siya ng cologne sa likod ng kanyang tenga at palapulsuhan. Ang cologne na palaging gamit nilang mag-ina.

Lumapit muna siya kay VJ upang magpaalam na dito. Nakaupo naman ito sa ibabaw ng kama habang nanonood ng TV at nasa tabi nito si Didang.  

"Anak aalis na si Mama, dito lang muna kayo ni Yaya ha? Matulog ng maaga ha, Didang hanggang 8:00 o'clock lang ang TV okay?"

Bilin niya sa mga ito.

"Nakuh, Ate ang ganda ganda n'yo naman talaga!" Bulalas pa nito pagharap sa kanya.

"Hmmm, Yaya naiintindihan mo ba ang sinabi ko?" Ulit niya.

"Opo Ate, h'wag ka nang mag-alala hanggang 8:00 o'clock lang talaga kami manonood ng Tv promise!" Itinaas pa nito ang kanang kamay.

"Naku! Didang baka magkaisa na naman kayong mag-yaya ha?"

"Naku, hindi po Ate promise!"

Habang si VJ ay tatawa-tawa lang kapag tinitingnan niya.

"Oh' sige na, basta patulugin mo muna 'yang bata ha?"

"S'yempre naman po Ate kong maganda, kaya marami pong na-iinlove sa'yo sa tabi-tabi eh!"

"Anong sabi mo?"

"Po naku wala po!" Mabilis na pagbawi nito sa sinabi.

"Hmmm, ikaw talaga Didang! Anak aalis na ako ha?" Aniya at hinalikan na ito sa pisngi at noo.

"Opo Mama!" Saad nito na tila inaantok na marahil napagod rin ito sa maghapong pakikipaglaro kanina. Bukod pa sa sanay rin kasi itong matulog ng maaga.

Kabisado na rin nito na kapag gabi ang party hindi pwede ang bata. Hindi naman ito mahirap pakiusapan, bagay na hindi nito namana sa ama. Mabuti na lang!

Muli niya itong hinalikan bago pa siya tuluyang lumabas na nang kanilang kwarto.

__

Paglabas naman niya ng kwarto hindi niya inaasahan na may naghihintay na pala sa kanya pagdating sa pasilyo.

"Joaquin! Bakit nandito ka pa hindi pa rin ba kayo umaalis?"

Tanong niya rito.

Saglit lang muna itong natigilan at natutulala habang nakatingin lang sa kanya. Ilang segundo rin siya nitong pinagmasdan pataas at pababa, baba at taas.

"You look so beautiful tonight, honey!" Hindi na nito napigilan ang sarili. Lumapit ito sa kanya at bigla na lang siyang niyakap.

"Joaquin ano ba, baka may makakita sa atin?" Pilit niya itong itinulak subalit ni hindi man lang ito natinag.

"Wala na silang lahat tayo na lang ang naiwan. Kaya h'wag kang mag-alala walang makakita sa atin."

Saad nito na para bang lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap nito sa kanya.

"Kahit na, hindi mo pa rin ako dapat niyayakap na lang basta. Dahil hindi pa naman kita boyfriend at saka hinintay mo ba ako talaga? Bitiwan mo na ako dapat naroon na tayo ngayon!"

Sunod-sunod na niyang tanong dahil ma-lelate na sila.

Magsisimula ang party ng alas syete at hindi maaaring pareho silang wala doon.

"Ah' dahil ba naroon na ang magaling mong boyfriend kaya ka nagmamadali?" Bigla na itong bumitaw sa pagkakayakap sa kanya.

"Joaquin!" Nagtataka na siya sa inaasal nito ngayon.

Bakit parang tila ito batang bigla na lang nagtuntrums ngayon?

"Bakit si Joseph p'wede kang yakapin kahit saan at kahit ano pang oras? Pero ako hindi, dahil hindi mo ako boyfriend. Bakit si Joseph ba boyfriend mo na?"

"Ano ka ba pagtatalunan ba natin ito ngayon? Please h'wag ngayon, kailangan ko nang umalis. Saka na lang tayo mag-usap!" Medyo inis na rin niyang saad.

Tatalikuran na sana niya ito para umalis na, ngunit maagap siya nitong nahawakan sa braso.

"H'wag mo na ulit gagawin 'yun!"

"Ha! Ano, ano bang sinasabi mo?" Takang tanong niya.

"Yung ginawa mo kanina h'wag mo na ulit gagawin 'yun!" 

"Ha' sandali, ano bang ginawa ko kanina?"

Naguguluhan na niyang tanong.

"H'wag mo na ulit siyang hahawakan ng ganu'n dahil nagseselos ako! H'wag ka na ulit magiging malambing sa kanya. H'wag na h'wag mo na ulit siyang hahawakan sa tenga o kahit saan man. Kapag ginawa mo ulit 'yun magwawala ako!" Saad nito sa mariing salita.

Bigla tuloy siyang nakaramdam ng kaba. Dahil sa sinasabi nito.

"Ano bang nangyayari sa'yo lasing ka na ba?" Tanong niya.

Pilit niyang kinalma ang sarili at binalewala ang nararamdaman. Bahagya pa siyang lumapit dito upang alamin kung lasing nga ito.

"Hindi ako nagbibiro, hindi mo alam kung ano pa ang kaya kong gawin kapag talagang nagselos ako. Hindi ako lasing mahal lang kita, mahal na mahal na kita! Naiintindihan mo?"

"Joaquin, nandito na naman ba tayo, ha?"

"Gusto ko lang namang ipaalam sa'yo kung anong nararamdaman ko masama na ba iyon? I know you're mine, only mine and you can't deny it! Kalimutan mo na ang lahat at h'wag ng alalahanin pa. But always remember that you're heart is only mine, okay?"

"Okay, naiintindihan ko! Ngayon p'wede na ba akong umalis?"

"Sumabay ka na lang sa amin." Tila inis pa nitong saad.

"Hindi p'wede! Please naman Joaquin h'wag naman ngayon ha?" Pakiusap na niya sa binata. Hinawakan pa niya ito sa pisngi upang makumbinsi ito.

"Okay, I set you free for now! But in one condition." Saad nito.

"What?" Curious niyang tanong.

"Said the word that you love me! And I promise I won't disturb you for a whole night."

"Promise?"

"Promise!"

_

"Okay, I think you steal my heart." She said.

_

"What?" Nabiglang tanong nito.

"I lost my heart, because of you!"

*   *   *

By: LadyGem25

Hayzzt! Ang daming langgam kumakain ng cornick! HAHAHAHa

Hello guys,

Narito na naman ang pasulpot-sulpot nating update. Pasensya na talaga hindi magawang pabilisin. Dahil sa ibang gawain sa bahay at obligasyon.

Pasingit-singit lang kasi ang aking pagsusulat. Pero sana nagugustuhan n'yo pa rin ang bawat updated.

Muli salamat sa inyong suporta! Until next chapters po!

VOTES, COMMENTS , RATES AND REVIEWS PLEASE!!

GOD BLESS AND BE SAFE EVERYONE!

SALAMUCH! ❤️❤️❤️

LadyGem25creators' thoughts