webnovel

AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1)

Ang pagkawala ng lahat ng kanyang alaala ang naging dahilan ng pagbabago sa kanyang buhay. Hindi man ito sadya at lalong kailanman hindi n'ya ito inasahan. Subalit kailangang yakapin ni Angela ang kasalukuyan. Dahil dito na umiikot ngayon ang kanyang mundo. Simula ng magising siya bilang si Angeline Alquiza. Pero sino nga ba siya talaga? Hanggang kailan ba s'ya mananatili sa katauhan nito? Kung pwede nga lang sana gagawin n'ya ang lahat, h'wag lang mawala ang lahat ng ito sa kanya. Lalo na ang mga taong napamahal na nang husto sa kanya. Subalit alam n'yang ang lahat ay may hangganan. Pero paano kung patuloy siyang habulin ng kanyang nakaraan? May mga panaginip na patuloy na gumugulo sa kanyang isip, alam niya at ramdam niyang maaaring may kaugnayan sa nakaraan n'yang buhay. Hanggang sa makilala niya ang isang babaing sa una pa lamang misteryosa na ang naging dating nito sa kanya. Pero sino nga ba ang babaing ito? Na tila gusto pa yatang agawin ang lahat sa kanya, maging ang kanyang kaligayahan. Ang nakapagtataka pa tila ba may lihim itong galit sa kanya. Gayu'ng hindi naman n'ya ito kilala. Pero hindi nga ba niya ito kilala? Bakit unang narinig pa lang n'ya ang pangalan nito iba na ang pakiramdam n'ya. May nagawa ba s'yang pagkakamali sa babaing ito o sa kanyang nakaraan? Kaya ba walang naghahanap sa kanya. Dahil ba, isa s'yang masamang tao? Until one day she just found out that someone was suffering greatly because of her. After all that happened to her and after forgetting the past. Including the promise not being fulfilled. But how can she fulfill it? If she doesn't remember it, after all. * * * Author's Note: Ano man sa istoryang ito ang may pagkakahawig o pagkakatulad sa iba. Kagaya ng pangalan, karakter, lugar, mga salita man o mga pangyayari at iba pa ay hindi po sinasadya. Ang lahat ng nilalaman ng istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Bunga ng malikot na imahinasyon ng may akda. Hindi rin po ito maaaring gayahin ng sinuman ng walang pahintulot. Ito po ay orihinal na akda ng inyong lingkod. MARAMING SALAMAT!? _____ BY: MG GEMINI @LadyGem25

LadyGem25 · Urban
Not enough ratings
131 Chs

C-56: THE SNAKE TATTOO

Nagdaan ang mga araw at bumalik din sa normal ang lahat. Papasok sila ni VJ sa umaga at pagkatapos ng klase. Mag-stay muna sila sa Resort bago umuwi ng bahay.

Naging busy na rin si Joseph sa pagpapagawa sa Bakeshop mula ng magbalik ito ng Batangas at galing ng Maynila. Kaya naman malapit na rin itong matapos.

Kailangan na rin kasi itong magreport sa bago nitong project sa susunod na Linggo.

Kaya dapat na matapos na nito ang lahat bago ito umalis. Mabuti na lang at sa Manila na lang ang susunod nitong Project. Maaari itong makauwi every weekend.

By next week naka-schedule na rin kasi ang Grand opening ng Bakeshop nila. Sabagay konting ayos na lang naman at p'wede na talaga itong buksan.

Kasalukuyan s'yang nakatayo ngayon sa harap ng building site ng ginagawang Bakeshop.

Nakapamili na rin naman sila ng mga gamit sa kusina at maging sa selling area. Kumpleto na rin ang mga kakailanganin nilang gamit para sa Grand opening day kaya todo na talaga ang kanilang paghahanda.

Nakakapressure pero at the same time sobrang excited na rin siya lalo na sa ribbon cutting.

Nakaplano na rin sa kanya ang lahat ng gagawin niya after ng Grand opening day. May mga makakatulong na rin siya sa pagbubukas ng shop. Bukod pa sa nakapag-hired na rin siya ng mga empleyado.   

Makakatulong rin niya sa shop ang dalawa niyang kaklase na si Alyana at Diane. Kaya ano pa ba ang kulang? Naitanong niya sa sarili.

Mabuti na lang mauuna na ang Grand opening day bago pa ang kanilang Graduation. Dahil two weeks from now kasi Graduation naman nila.

Nasa ganu'n siyang pag-iisip nang bigla na lang may umakbay sa kanya mula sa kanyang kanan.

Paglingon niya nakangiting si Joseph ang bumungad sa kanya. Habang nakasuot pa rin ito ng hard hat.

Napakagwapo talaga nito sa ganitong ayos, bagay na bagay dito ang trabaho nito. Minsan naiisip niya bakit nga ba hindi niya ito kayang mahalin ng higit sa kaibigan o kapatid?

Tama hanggang doon lang ang kaya niyang ibigay dito. Sigurado na siya lalo na nitong huli. Hindi lang talaga niya magawa pang aminin dito ang totoo.

Dahil natatakot siya sa maaaring mangyari pagkatapos ng lahat. Palagi na lang siyang pinangungunahan ng takot, takot para sarili. Dahil ayaw niyang mag-isa kapag kailangan na niyang iwan ang lahat at takot para sa pamilyang kumupkop sa kanya. Dahil ayaw rin niyang masira ang pamilyang ito ng dahil sa kanya. Kaya selfish na kung selfish siya.

Pero ano ba ang dapat niyang gawin?

Bakit ba siya naduduwag?

"Hmp, nagugwapuhan ka na naman sa akin no? Pero sana tagos 'yan sa puso mo! Para magpakasal na tayo..." Saad nito kasabay ng matamis na ngiti.

Ngunit halatang may lamlam ang mga mata.

"Ikaw talaga trabaho muna ang atupagin mo. Dinalhan ko lang kayo ng pagkain, siguradong gutom na kayo? Babalik din ako agad sa Resort iniwan ko lang saglit doon si VJ." Aniya na hindi pansin ang sinabi nito at tila umiiwas rin.

Agad namang nakaramdam ang binata kaya hindi na nito pinalawig ang birong iyon!

"Ganu'n ba sige ako na ang bahala dito. Bumalik ka na ulit sa Resort at baka walang kasama ang bata du'n." Inabot na nito ang dala niya at ipinatong sa ibabaw ng lamesa.

Napansin niyang tila mailap ito ngayon at hindi niya mabasa ang nasa isip nito. Mula ng dumating ito galing ng Maynila parang may kakaiba na dito. Hindi lang din niya ito magawang tanungin.

Napabuntong hininga na lang siya at pilit inalis sa isip ang mga bagay na nakikita niya. Ayaw niya kasing isipin na hinahanapan niya lang ito ng dahilan para pagtakpan ang sarili niyang kamalian. It's unfair for him!

Saglit muna niyang iginala ang paningin sa paligid. Kaya nahuli pa niya ang matalas na tingin ng isang taong nakasanayan na rin niya sa ganitong pakitungo sa kanya.

Ano pa nga ba ang bago?

Nakauwi na rin ito isang araw ang nakalipas kasunod rin ng pag-uwi ni Joseph. Mula sa mahaba-haba rin nitong bakasyon galing pa daw ng Cebu.

Pero dagli rin naman nitong binago ang ekspresyon ng mukha ng makita siya nitong lumingon.

Ayaw rin naman niyang isipin na may gusto ito sa kanya at nagseselos lang ito sa tuwing nakikitang magkasama sila ni Joseph.

Dahil ang totoo mas malakas ang pakiramdam niya na kay Joseph ito may gusto kaya nagseselos sa kanya. Parang gusto na tuloy niyang paniwalaan ang sinasabi ni Dorin na para nga ba itong bakla?

Siguro kung hindi lang ganito ang pakitungo nito sa kanya. Gusto rin sana niya itong maging kaibigan. Hindi naman siguro iyon ikagagalit ni Joseph. Baka nga matuwa pa ito dahil parang kapatid na rin ang turing nito kay Maru'.

May alam kaya ito tungkol sa kanyang sakit, alam kaya nito na wala siyang naaalala? Bakit nga ba hindi niya naitatanong kay Joseph? Nakasanayan na kasi nila na hindi pag-usapan ang tungkol sa sakit niya, nasa bahay man sila o kahit saan.

Kahit nga ang mga kasambahay na nakakaalam ay pinagbawalan ni Papa na magsalita ng tungkol sa sakit niya. Para daw hindi siya ma-pressure, ma-stress at para maramdaman niya na parang wala siyang sakit at nang sa ganu'n ay hindi na niya ito isipin pa...

Pero sa totoo lang malaking bagay at tulong nga ito sa kanya. Dahil hindi niya naiisip na may kulang sa kanyang pagkatao.

Maliban na nga lang kung babalik pa talaga ang kanyang alaala.

"Hey! Kanina ka pa nakatingin sa kanya ah', baka naman magselos na ako n'yan." Sabi nito bago tinawag si Maru'... "Maru' halika na dito kumain na tayo."

"Hmmm! Ikaw naman, iniisip ko lang kasi 'yang bata mo parang lagi na lang galit sa akin?" Aniya.

"Ha! Paanong galit?" Tanong nito.

Ngunit hindi na niya nagawang sagutin dahil nakalapit na si Maru' sa kanila.

"Magandang tanghali po Miss Angela." Bati nito na nilangkapan pa nito ng pekeng ngiti.    

Ngumiti na lang din siya at tumango.

"Magandang tanghali din!" Iba talaga ang pakiramdam niya kapag nasa malapit ito.

Pakiramdam niya kasi parang lagi na lang siyang dumadaan sa sensor screening machine sa tuwing titingnan siya nito. Kahit pa lagi naman itong may suot na salamin.

Daig pa nito ang laging may lente sa mata. Dahil pakiramdam niya palagi na lang siyang naka-zoom sa paningin nito.

Makalipas pa ilang saglit nagpaalam na rin siyang aalis. Bago pa man magsimulang kumain ang mga ito.

"Tuloy na'ko baka kasi hinihintay na ako ni VJ"

"Saan ka nga pala nakasakay, hindi ko nga pala napansin 'yun sasakyan?" Tanong nito.

"Yung scooter ang ginamit ko malapit lang naman."

"Bakit hindi ka nagpahatid?" Nag-aalala at kunot noo nitong saad.

"Hinatiran ko lang naman kayo ng pagkain malapit lang naman."

"Sana iniutos mo na lang baka naman..." Hindi na nito naituloy ang sasabihin matapos niya itong kambatan sa pamamagitan ng pagkagat ng labi upang matigil ito. 

Baka kasi may masabi pa ito sa harap ni Maru' dahil sa pagiging over protective nito sa kanya.

Agad naman itong nakaunawa at agad siyang naiintindihan in silent motion nagkaunawaan naman sila. Naramdaman niyang nagbuntong hininga na lang ito.

Kaya hinayaan na siya nitong makaalis sakay ulit ng gamit niyang scooter. Marunong naman talaga siyang magdrive. Dahil bukod sa tinuruan siya ni Joseph.

Pinagtrained din siya ni Liandro sa isang kilalang driving school. Bago pa man siya nakakuha ng Professional license. Kaya lang useless din kasi hindi naman siya pinapayagan ng mga ito na magdrive sa malayo lalo kung sa highway. Daig pa niya ang bata kung ituring ng mga ito.

Pero dahil malapit lang naman ang Resort sa site ng Bakeshop. Kaya naglakas loob siyang gumamit ng scooter dahil p'wede pa siyang mangatwiran.

Ang gusto nga sana niya sa loob na lang ng Resort itayo ang Bakeshop. Pero dahil bentahe ito sa mas mataong lugar kaya naisip nilang mas maganda kung malapit din sa kabayanan.

Madadaanan din naman ito ng mga pupunta sa Resort. Kaya sa mas magandang spot nila ito inilagay.

Bukod pa sa marami rin itong mga katabing stablishments na maaari rin naman nilang maging prospective buyers.

Pagdating niya sa bungad ng Resort saglit na tinanggal muna niya ang suot niyang helmet at isinabit sa side handle ng scooter at muling pinaandar ito.

Deretso na siyang pumasok sa loob ng Resort nang may biglang sumulpot na isang lalaking naka-big bike na motor at nakipag-unahan sa kanya sa pagpasok.

Nagmula kasi ito sa left side, kaya hindi niya ito napansin agad. Bukod pa sa dere-deretso ito at hindi man lang nagmenor.

Kaya muntik na sana siyang magsemplang kung hindi siya maagap na nakapagpreno. Bahagya pang nabuwal ang kanyang scooter, naitukod tuloy niya ang kanyang tuhod at siko. 

Dahil sa inis agad siyang tumayo para komprontahin ang lalaking naka-big bike. Gusto sana niya itong maturuan ng leksyon dahil sa ginawa nito. Dahil sa tingin niya ubod ito ng yabang.

Paglapit niya nakangisi pa itong humarap sa kanya. Kaya lalo lang siyang nainis.

"Hello Miss beautiful, sorry ah' nasaktan ka ba?" Nakakainsultong wika nito na lalo pang nagpakulo ng dugo niya. Dahil pakiramdam niya nang-iinsulto talaga ito.

Subalit magsasalita na sana siya ng bigla na lang siyang matigilan. Dahil ng muli niya itong harapin at pagmasdan.

Saka naman bigla na lang siyang napatingin sa kanang braso nito na nakataas at nakahawak pa sa manibela ng motorsiklo. Kaya malinaw niyang nakikita ang braso nitong may snake tattoo.

Bigla tuloy siyang napaurong at sinalakay ng takot at kaba.

Hindi niya magawang ipaliwanag sa kanyang sarili kung bakit ganu'n na lang ang kanyang pakiramdam. Ano ba itong nangyayari sa kanya?

Naging sunod-sunod rin ang kanyang paglunok...

Pakiramdam niya hindi niya maibuka ang bibig at panay lang ang kanyang iling!

"Ma'am, okay lang po ba kayo namumutla po kayo Ma'am!" Saad ng guard na lumapit na sa kanila.

Pero parang hindi niya ito narinig, patuloy siyang umurong palayo at tumalikod. Nanlalamig ang kanyang mga kamay, butil butil din ang kanyang pawis.

Lakad, takbo na naman siya ng walang direksyon. Punong puno na naman siya ng pagkalito at hindi niya malaman kung ano ang kanyang gagawin. Kanina pa may parang bumubulong at gumugulo sa kanyang isip.

Isang insidente na hindi niya maintindihan at mabigyan ng kahulugan. Hanggang sa bigla na lang siyang napahinto...

Dahil hindi na niya nagawang pigilan ang pag-flashback ng isang pangyayari sa kanyang isipan...

This time, hindi na ito isang panaginip lang o imahinasyon. Dahil nararamdaman niya na totoong nangyari ito sa kanya. Dahil ang sarili niya mismo ang nakikita niya sa pangitain.

'Habang nasa loob siya ng isang sasakyan at may isang lalaking nakahawak sa kanya.

Nakayakap ang kaliwang kamay nito sa kanyang leeg at ang kanang kamay nito na may tattoo ang siyang may hawak na baril at nakatutok sa kanyang tagiliran.

Magkatabi sila ng lalaki sa likurang bahagi ng sasakyan. Subalit nanatiling malabo ang lahat at ang ibang pangyayari. Hindi niya makilala ang mga ito. Hindi niya makita ang kanilang mga mukha.

Ang tanging malinaw lang sa kanyang isip ay ang braso nito na may snake tattoo.

Pero ang lalaking iyon, may kinalalaman ba siya sa nangyari sa akin noon? Muli niya itong binalikan ng tingin mula sa malayo.

Ngunit hindi na niya matanaw ang lalaki. Dahil nawala na ito sa pinanggalingan niya kanina. Siya kaya iyon, ang lalaki sa kanyang pangitain?

Hindi!

A-anong ginagawa niya dito hinahanap ba niya ako ulit?

Biglang bugso ng kaba sa kanyang dibdib at hindi niya mapigilang hindi matakot.

Ngunit pagbaling niya ng tingin sa ibang direksyon.

Ang mukha ng nag-aalalang si Joaquin ang bumungad sa kanyang paningin.

"Angela, o-okay ka lang ba? Ano ba ang nangyari, may ginawa ba sa'yo ang lalaking 'yon? Sabi nila muntik ka daw mabangga nu'n lalaki tapos bigla ka na lang tumakbo na parang takot na takot. Tinakot ka ba niya, sabihin mo anong ginawa niya sa'yo?"

Sunod-sunod nitong tanong na halatang puno ng pag-aalala.

Hinawakan pa nito ang kanyang kamay kaya naramdaman din niya ang tensyon nito at tila ba humihingal pa ito na parang galing sa pagtakbo.

Marahil nagmadali ito upang daluhan siya, parang napalis bigla ang bigat sa kanyang dibdib. Dahil sa pagdating ng binata sa kanyang tabi.

Hindi tuloy niya napigilan ang sariling yakapin ito. Kahit pa marahil nakatingin na ang lahat sa kanila.

Hindi naman ito nagpatinag hindi nito alintana ang nasa paligid. Dahil gumanti rin ito ng yakap sa kanya ng mas mahigpit pa salitan pa nitong hinahalikan ang kanyang noo at pisngi.

Ang biglang pagyakap ni VJ ang nagpabalik sa kanyang isip sa realidad. Ang katotohanan na hindi sila dapat magpakita ng affection sa isa't-isa lalo na sa harap ng maraming tao.

Dahil hindi pa rin sila malayang mahalin ang isa-isa. Dahil sa isip ng lahat sila pa rin ni Joseph. Ano na lang ang iisipin ng lahat sa kanya, a two timer?

Bigla tuloy niyang naitulak si Joaquin...

Darned!

Protesta pa nito pero hindi na lang niya pinansin. Yumuko siya at niyakap si VJ kaya lalong naibsan ang kanyang pag-aalala.

"Mama, okay ka lang ba?"

"Oo anak okay na si Mama kasi nandito ka na!"

Kakatuwa kaya na niya ngayong kontrolin ang kanyang emosyon. Dahil nagawa niyang paglabanan ang takot niya at nawala na rin ang tensyon na bumabalot sa kanya kanina.

Kahit malinaw na, nasa isip pa rin niya ang alaala niya sa lalaking may snake tattoo. Kahit pa hindi niya maalala ang mukha nito. Malinaw na naalala na niya ang bahaging iyon na nangyari sa kanya noon.

Naisip niyang mas mabuti kung sarilinin na lang muna niya ang bagay na iyon...

Nang bigla sumagi sa isip niya ang kaibigan niyang si Dorin.

Tama!

Ang kaibigan muna niyang si Dorin ang kailangan niyang makausap.

Kay Dorin na lang muna niya sasabihin ang nangyayaring ito sa kanya...

*****

By: LadyGem25 ❤️

Hello guys,

Narito na ang hinihintay n'yong updated. Sana nagustuhan n'yo ulit ang chapter na ito.

Lagi kasing namamatay ang ilaw at saka nawalan din ng internet dito sa bahay. Kaya hindi ko agad nagawan ng updated. Pasensya na!❤️

Salamat din sa inyong suporta!

BE SAFE EVERYONE AND GOD BLESS SA INYONG LAHAT!

Hanggang sa susunod...

SALAMUCH!❤️❤️❤️

#Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

#I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

LadyGem25creators' thoughts