webnovel

A Beautiful Disaster (A not-so-lovestory)

She loved him too early. He loved her too, but it was too late. She fell first and he fell the hardest. Fate took its toll and he wasn't there for her. Still, she waited. He played it safe until she cannot take it no more. A not-so-lovestory.

Disastrousmind · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
7 Chs

[5]

"What time are we gonna meet today? You know, I really look forward to this day"

Nasa sala siya ng hotel room nila nang tumawag sya sa akin. Nasa school naman ako. Abala sa pagku-kopya ng mga notes na tinopic namin kahapon. Isinandal ko ang aking cellphone sa tumbler  ko para mas maayos ko siyang makita habang patuloy pa rin sa pagsusulat.

Absent ako kahapon dahil masama ang pakiramdam ko. Malamang dahil ito sa pabago-bagong panahon. Samahan pa ng palaging pagpupuyat.

Madalas kasing umulan ngayon tapos biglang iinit.

Casper is looking so good as ever. Kahit parang bagong gising.

Wala sina Jillian at Angelika para bumili ng pagkain namin sa canteen. Hindi na ako sumama pa dahil nagmamadali ako sa pagsusulat. Mamayang gabi kasi ay hindi ko ito magagawa.

Napag-usapan namin kagabi ni Casper na mamaya magkikita kami sa SM Aura, hindi kalayuan sa Market Market. Manonood lang ng sine at magdidinner. Sinabi kong hindi ako pwedeng umuwi ng late dahil may pasok pa kami bukas.

Sinabi niya namang ayos lang at kailangan niya ring umuwi ng maaga dahil ayaw rin ng Lola nya na magpagabi siya ng sobra.

Sigurado na ako ngayon na sisipot ako sa usapan naming dalawa. Bahala na kung anong magiging  kalalabasan ng mangyayari mamaya.

Noong isang araw, imbes dumeretso ng uwi after ng lakad naming tatlo sa Market Market, bumili ako ng isusuot ko para sa araw na ito. Masshort ako sa budget pero naisipan ko pa rin bumili ng bagong damit at sandals. Para naman maging maayos ayos ang itsura ko. Dumaan din ako sa Watson para bumili ng paborito kong Lipice. Naubos na kasi ang ginagamit ko.

Kahit hindi maganda ang panlasa ko ngayon dahil naulanan ako noong pauwi na, desidido na talaga akong ituloy ang lakad namin. Bahala nang lagnatin.

Ang dalawa kong kaibigan ay wala pang kaalam-alam sa plano ko.

Sasabihin ko nalang sa kanila pagkatapos na naming magkita ni Casper.

Pang ilang subok na namin 'to na magkita. After nang nangyari noong nakaraan sa Market Market, sinubokan uli namin. Kaya lang, bago pa kami magkita ng tuluyan, bigla siyang hindi na nakapag reply sa akin.

Wala akong pang tawag ng araw na iyon kaya umasa nalang akong siya ang ku-contact sa akin pero dahil wala namang tawag na dumadating...

Ulan pa ng ulan kaya naman nang lumipas ang isang oras na wala pa rin siyang paramdam, napag desisyonan kong tumambay na lang sa isang coffee shop habang nagpapatila ng ulan. Buti nalang may mga libro akong dala. Makakapag rereview review ako dahil may mga reporting kami sa susunod na araw.

Nagkausap kami ng gabing 'yon. Panay ang hingi niya ng pasensya.

Naubusan daw kasi ng battery ang cellphone nya.

Maghapon daw siyang nasa labas kasama ang matatanda. Namasyal daw sila dahil nag datingan noong nakaraang araw ang mga pinsan niya galing din sa Romblon. Hindi na siya nakapag charge pa ng matagal at umuwi lang siya saglit sa hotel para maligo at magbihis.

Sinabi niyang dahil hindi niya na ako matatawagan, umasa nalang siya na mamumukhaan ko siya. Nasa tapat siya ng National Bookstore naghintay dahil inaasahan daw niyang pupunta ako doon. Alam niya na kasing mahilig ako sa mga libro. Isa pa, kinukulit din siya ng pinsan niya at nagpumilit sumama sa Market Market. Buti nga daw at natakasan niya.  Iniwan niya daw sa isang coffee shop, sa Market Market lang din. Nang araw na iyon, nasa isip kong sa NBS magpalipas ng oras habang malakas pa ang ulan kaya lang ay natatakot akong matukso na naman kaya hindi na ako pumasok ng Mall. Baka kasi may  mabili na naman akong libro at masira na naman ang budget ko.

Ipinagpasalamat ko nalang rin na hindi kami uli natuloy noong araw na iyon dahil baka umatras lang ako kapag nakita ko na may iba siyang kasama.

Hindi naman sumama ang loob ko na naghintay ako ng halos isang oras sa kanya sa may tapat ng Ferris wheel bago ako lumipat sa isang coffee shop sa labas lang din ng Mall. Ako naman ang naunang mang indian kaya ayos lang na ako naman ang hindi sinipot. Hindi niya naman sinasadya eh. Gumaan pa nga ang pakiramdam ko dahil tingin ko'y patas na kami. Isa pa, kahit masama ang pakiramdam ko noon, hindi din naman nasayang ang pinunta ko dahil nakapag aral naman ako sa coffee shop.

Ngayon, sa SM Aura naman namin napagkasunduang magkita.Hindi ako masyadong pamilyar sa lugar dahil ilang beses lang naman akong nagawi dito. Mas madalas kasi kami sa Market Market tumambay ng mga kaibigan ko.

Alas tres naman ngayong araw natapos na ang klase namin. Nag-aaya sina Jillian na magpalipas oras muna sa may patio hindi kalayuan sa school namin kaya lang dahil may lakad ako, hindi na ako pumayag. Hindi na rin naman sila nag-usisa pa dahil napansin nilang umaga palang matamlay na ako. Masama pa rin kasi ang pakiramdam ko. Ganunpaman, wala akong planong umatras sa napag-usapan.

Natulog muna ako ng isang oras sa bahay bago naghanda.

Alas sais naman ng hapon, imbes na sa SM Aura ako pumunta, sa Market Market ako dumeretso. Sobrang lakas ng ulan na gusto ko na namang mag back out nalang.

Kinakabahan at nag-iinit ang pakiramdam dahil sa lagnat. Nakasuot ako ng tshirt at dalawang magkapatong na jacket dahil nanlalamig ako.

Napailing ako.

Bumili pa uli ako ng bagong damit, Naisuot ko na kasi kahapon iyong binili ko noong nakaraan. Kaya bumili ako ng bago ngayon. T-shirt nalang para medyo mura hindi ko rin naman pala mai-didisplay dahil sa oversized kong jacket.

Alam ko na hindi ko kaya na sumama kay Casper manood pa ng sine kaya naman kahit hanggang dinner nalang sana. At least, nagkita naman kami. Masama talaga ang pakiramdam ko at gusto ko nalang mahiga sa kama at matulog. Siguro naman maiintindihan nya kapag sinabi kong may mga kailangan pa akong gawing mga assignments.

Tenext ko na si Casper na kung pwede sa Market Market nalang kami magkita dahil masyado ng malakas ang ulan. Mahihirapan akong tumawid pa papunta sa SM Aura.

Naintindihan naman niya. Sinabi nyang nasa taxi na siya on the way.

Inatake na naman ako ng kaba pagkabasa ko sa text nya.

Ilang minuto lang ang lumipas nang hindi na muna sya nag reply. Hinayaan ko nalang muna. Pumasok ako sa pharmacy sa ground floor para bumili saglit ng gamot at strepsils na rin para sa lalamunan ko.

Iniisip ko pang nakaka hiya dahil nagsisimula na akong siponin.

Maya-maya, nag ring na ang cellphone ko. Sinabi niyang nasa 4th floor na siya ngayon malapit sa sinehan.

Nagulat pa ako na nandon na siya kaagad. Ang bilis ah! Naunahan pa ako.

Nag reply ako sa kanya at sinabi kong nasa pharmacy pa ako at susunod nalang. Katatapos ko lang magbayad nang bigla na naman siyang tumawag.

Hindi ko na mai-swipe ng maayos ang Accept sa screen dahil sa sobrang kaba.

"Hello..."

"Hey, where exactly are you? I'll go there. I'm excited to meet you!" sabi nya na pakiramdam ko nangingiti pa sya.

Bahagya akong lumayo sa mga katabi ko kaya hindi ako nakapag salita kaagad. Masyado kasi silang maingay.

"No, don't! I'm already done here. I'll just go there nalang. "

I should be ready for this? Kahit pa ang nerbyos ko wala ng pag lagyan.

"Sa may sinehan ka diba? Punta nalang ako jan"

Sa halip na sagutin ang tanong ko ay nagtanong pa siya kung nasaan na ako. Bumilis na naman ang kabog ng dibdib ko.

"No, where are you?"

Mula sa kinatatayuan ko sa ground floor, nakikita ko sa may second floor, sakay pababa ng escalator ang isang lalaking nakasuot ng blue na long sleeve polo na nakatupi hanggang sa siko. Nasa tainga niya ang hawak na cellphone at palinga-linga siya sa paligid.

Unang kita palang, nakilala ko na kaagad si Casper. Halatang halata sa kanya ang dugong banyaga na hindi ko napansin noong unang beses na magkaharap kami sa cellphone. Kaya naman isina-swipe ko palagi pataas ang tawag nya tuwing magma-match kami.

Mukha kasi siyang manyakol na lalaking tambay noong oras na iyon. Oo nga't gwapo siya noon kaya lang ay wala siyang saplot pang itaas at panay pa ang nguya ng hindi ko alam...bubble gum?

Ako pala ang may pagka judgemental, hindi siya.

Patingin-tingin siya sa paligid habang patuloy na bumababa ang escalator sa ground floor.

Agad akong napatakbo sa may stall ng Oppo hindi kalayuan sa pwesto ko. Pasimple akong tumago sa mga lobong kulay green at puti.

Tuloy-tuloy naman ang pagpasok niya sa loob ng pharmacy na para bang may hinahanap.

"I'm at the pharmacy right now." sagot niya.

"Ha? Im already on the second floor" kunyari'y sabi ko. Dahilan ko lang iyon. Ang totoo ay nakatago pa rin ako sa may stall ng Oppo. Pasilip silip sa tabi ng mascot.

Nakita ko siyang mabilis na lumabas ng pharmacy para sumakay muli sa escalator paakyat sa second floor. Nagmamadali kong tinapos ang tawag at tumakbo para makasakay rin sa escalator kahit nasa may likuran niya lang halos ako.

Shit na malagkit!

Makikipag laro muna siguro ako ng tagu-taguan sa kanya bago makipag kita. Kinakabahan kasi talaga ako.

Palagay ko, mas lalong tataas ang lagnat ko dahil sa paghahanapan na nangyayari sa aming dalawa.

Marami kaming sakay ng escalator ngunit hindi ako mapakali.

Tatlong baitang mula sa kanya ang pagitan naming dalawa. Muntik pa niya akong makilala nang bigla siyang lumingon at instinct siguro na tatawagan nya akong muli ay dali-dali kong pinindot ang silent button ng phone ko bago pa ito makagawa ng ingay. Palinga linga ako kunyare sa paligid para hindi nya ako mamukhaan. Panay rin ang tingin nya sa second floor.

Ano ba 'tong ginagawa ko? Nandito na eh.

Halos kalapit ko na tapos ngayon pa ako natatakot na naman.

Muli akong tumingin sa nakatalikod na si Casper.

Wag kang mapikon please. Magpapakita din ako.

Saglit lang. Kailangan ko lang huminga-hinga nang kaonti dahil umaapaw ang kaba na nararamdaman ko ngayon!

Ang mga mata ko ay halos maluha na dahil sa init ng pakiramdam.

Sa second floor, lumayo agad ako ng konti sa kanya. Naglakad siya sa may gawing kanan kaya sa kaliwa naman ako dumaan. Lumapit ako sa grupo ng magbabarkada na nakatambay malapit sa Goldilocks nang muli na naman siyang tumawag.

"Hey!" kinakabahang bati ko. Palihim na sumisilip sa kanya.

"Seriously, where are you? Are you scared?"

"I'm near the Goldilocks" nakita kong mabilis siyang lumingon sa gawi ko kaya agad akong lumapit sa grupo ng mga babaeng tumitingin-tingin ng cakes. Nagkunwari akong nakikipili rin.

Papalapit siya habang nasa tainga pa rin ang cellphone. Agad siyang pinagtinginan ng mga magbabarkadang nagsimula nang magsikuhan. Pasimple akong muling lumakad paalis. Ngayon, palapit naman sa mag nobyo na naglalaro ng

claw machine hindi kalayuan sa shop. Nakita ko pang sumama' ang tingin sa akin ng babae noong mas lumapit ako sa kanila ng boyfriend niya.

"Saglit lang 'te. Patago lang!" Naiiyak na bulong ko.

God, ninerbyos talaga ako! Para akong hihimatayin na.

Muli akong lumingon sa Goldilocks at nakita ko siyang malapit pa rin sa mga babae habang nakatingin sa banda namin ng couple.

Dali dali akong napaiwas ng tingin at nagpagitna sa dalawang kasama ko. Sa taranta ko'y inagaw ko pa ang joystick para maglaro.

"Pasensya na 'te, kuya. Saglit lang po"

Mabuti nalang at hindi sila nagalit. Siniringan lang ako ng tingin ng babae pero di naman nya ako inaway. Tumawa naman sa akin ang boyfriend nya dahil siguro sa nakikita niyang nerbyos sa akin.

Iniwanan nila akong dalawa at lumipat ng pwesto. Napapikit nalang ako dahil mag-isa nalang ako at pakiramdam ko ay kitang-kita na ako ni Casper.

Pakiramdam ko, malapit na siya sa akin. Wala na akong mapapag taguan o madidikitang kasama.

Hindi nga ako nagkamali!

Nang lingonin ko ang Goldilocks ay wala na sya doon.

Ang nakita ko nalang ay ang magbabarkadang nakatingin sa gawi ko kung saan naglalakad naman palapit ang isang gwapong nilalang.

Putakte talaga!

Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagwapo sa personal.

Ang gwapo niya na ang hirap titigan dahil nakatitig din pabalik.

Mas gwapo sya ng maraming beses kesa kay Lemuel at sa mga lalaking nadikit sa akin.

Nasa tainga pa rin nya ang cellphone nya habang hawak-hawak ko lang ang sa akin. Patuloy pa rin ang tawag.

Nang banggitin nya ang pangalan ko...

alam kong wala na akong kawala. Sa taranta ko'y naitaas ko ang kanang kamay ko na animo'y nagrorollcall lang para sa attendance ang teacher ko.

Awkward kong ibinaba ang kamay at napapangiwing tumingin sa kanya na nakangiti lang.

Taragis!

Napapahiya pa ako dahil sa kaba ko.

Pero ang gwapo nya talaga!

"Elizabeth?" nakangiting tanong nya.

Hindi ko malaman kung tatango ba ako sa kanya o magsasalita. Wala na!

Namental block na ako.

Di ko na kayang tumingin pa sa kanya ng matagal. Naiintindihan ko na ngayon si Sunako kung bakit di sya makatingin sa apat na gwapong kasama niya.

Dahil kay...Casper, pakiramdam ko nasisilaw din ako sa kagwapohan nya. Buti nalang talaga di naman dumudugo ang ilong ko. Kalabisan na siguro kung pati iyon, mangyari pa sa akin.

Kung nalalaman lang ng dalawa kong kaibigan ang laman ng isip ko ngayon, malamang tawang-tawa na sila ngayon. Tama rin talaga siguro ang desisyon kong wag munang ipaalam sa kanila ang ginawa ko.

"Hi! It's nice to finally meet you." aniya. "In person"

Di ako makatingin sa kanya pero alam ko na nangingiti siya ngayon.

"A-ano...H-Hi" Halos murahin ko ang sarili ko dahil sa pagkaka-utal dahil sa kaba.

Sana naman hindi mag overheat ang utak ko ngayon lalo pa't mainit ako dahil sa lagnat.

"Finally! No more hide and seek."

"Uhm, Uh..." wala na akong masabi. Napaka awkward!

"H-How are you?"

"I'm more than okay" Mabilis na sagot nya. Hindi maalis-alis sa labi ang pagkakangiti.

"How 'bout you?"

"I'm fine"

Sagot ko. Hindi naman nya kailangang malaman pa na nilalagnat ako ngayon dahil uuwi rin naman ako kaagad. Hindi naman siguro halata na masama ang pakiramdam ko.

"So... uh, where'd you wanna go now? What do you wanna do?" Lumapit sya sa nilalaro kong claw machine kanina na hindi naman umaandar dahil wala naman akong token na inilagay. Umisod ako patagilid.

"I'll go buy some tokens. You wanna play this?" Natatawang tanong nya.

Hindi ko alam kung masayahin talaga sya o mahilig lang siyang mang-asar.

"I saw what you did earlier." Napangiwi ako sa sinabi nya.

Darn Casper! Alin man doon sa mga pinag-gagawa ko ang tinutukoy nya, paniguradong nakakahiya.

Iyong kunyare pagpipili ko ng cake, pang-iistorbo sa mag jowa, iyong pagiging abala sa nilalaro pero hindi naman gumagalaw ang claw ng machine o iyong pagtataas ko ng kamay na akala mo nagse- say present sa guro.

"Poor couple. You scared them away" aniya sabay turo doon sa mag boyfriend na ginulo ko ang paglalaro kanina. Nakatingin sila sa amin ngayon.

"Why are you so scared? Am I that scary?"

"Hindi naman—." Napahinto ako sa pagsasalita nang narealize na spokening dollar pala itong kasama ko.

"Uh i mean...not really."

"Not really huh?" aniyang may nanunuyang ngiti sa labi.

"Hmm, so I'm still scary? Probably the reason why you keep on running and hiding.

Must've been also the reason why you keep on rejecting my calls on holla before?" natatawang tanong nya.

Alam kong ang pang-aasar niya ang paraan niya para maging komportable ako na kasama siya.

Pano ko nga ba sasabihin sa kanyang mukha siyang manyak na tambay noong unang beses na nag match kami?

"Are you shy? Come on! Don't be!" tukso niya.

"Nothing to be shy about. You looked more beautiful in person"

Hala Shit!

"Don't I look like a potato?" kunyareng natatawang tanong ko.

"Potato? Why?" Nagtatakang tanong naman nya. Pinasayaran nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Naiilang na nag-iwas naman ako ng tingin.

"Who said that?" Nagsalubong ang kilay niya sa pagkakalito.

" Wala!" sabi ko nalang.

"Anyway, I'm not shy. I'm just nervous!" napapangiwing dagdag ko.

"Hmm, I'm actually very nervous too"

Weh? Kung totoo man ang sinasabi niya ay hindi iyon halata!

He's been nothing but jolly. So far.

Hindi nakatakas sakin ang bahagyang pamumula ng kanyang mukha hanggang tainga. Teka, blush ba iyon?

Ngayon lang ako nakakita ng lalaking nag-blush sa personal. Iba talaga pag maputi eh. Kitang-kita ang pamumula.

"Sana lahat namumula" natatawang sabi ko sa kanya. Di naman nya siguro maiintindihan. Pinoy joke naman 'yon kaya siguro safe ako.

"What?" Nagsimula siyang maglakad-lakad kaya sumunod ako sa kanya.

"Let's go eat dinner first?

Where'd you wanna eat?"

Sumakay kami sa escalator papuntang 4th floor ng mall kung nasaan ang sinehan. Magkatabi kaming dalawa habang daldal siya ng daldal. Napapatingin ako sa mga babaeng kasabay namin na tingin ng tingin sa aming dalawa. Hindi ko maiwasang hindi mailang kaya naman bumaba ako ng isang baitang para di na kami magkatabi ni Casper kaya lang nagulat ako ng ginaya nya ang ginawa ko at inakbayan pa.

Napatingin ako sa kanya. Dahan dahan niyang tinanggal ang braso niya sa akin.

"Sorry." nahihiyang sambit nya. Namumula.