webnovel

A Beautiful Disaster (A not-so-lovestory)

She loved him too early. He loved her too, but it was too late. She fell first and he fell the hardest. Fate took its toll and he wasn't there for her. Still, she waited. He played it safe until she cannot take it no more. A not-so-lovestory.

Disastrousmind · Urban
Not enough ratings
7 Chs

[4]

Hindi kami nag-video call noong gabing iyon. Tumawag siya pero sinadya kong hindi sagutin. Baka kasi i-open niya na naman ang tungkol sa meet-up. Wala pa akong desisyon tungkol doon kaya naman nag-chat nalang kami kahit pa sandali lang din. Sinabi kong kailangan kong mag review dahil may mga quizzes ako kinaumagahan kahit wala naman talaga.

Ganoon pa man, gaya ng madalas na mangyari, puyat na naman ako. Hindi na ako naka bawi ng sapat na tulog. Okay lang naman noong nakaraan kasi masaya naman ako. Ngayon, puyat ulit ako tapos hindi pa magaan ang pakiramdam ko.

Kaya nagkaka pimple na ako sa noo eh!

Umaga na ako nag reply kay Casper ng pamatay kong "I will let you know when I'm free. Kinda busy rn b'cos of school."

Matagal at paulit-ulit ko pinag isipan 'yon kagabi. Kung ano ang pinaka magandang maging alibi ko. Hanggang panaginip nga, nadala ko ang pag-iisip ng meet-up na 'yon eh.

Sumagot naman siya sa text ko noong lunch time na.

"Sige" daw. Ang cold. Iyon sana ang iisipin ko kaya lang nagpahabol naman siya ng smiling face na emoji kaya napanatag din agad ako.

May iilan ilan namang tagalog words na nalalaman si Casper. Kapag nga magka video call kaming dalawa, sinusubukan niyang magsalita ng tagalog. Kahit hindi tuwid. Atleast may effort. Kahit minsan ang conyo o slang niyang pakinggan.

Kaya lang talagang nahihirapan siyang magsalita noon. Nakaka intindi din naman siya ng straight tagalog. Kailangan nga lang medyo bagalan mo ang pagsasalita. Para bang inaabsorb muna niya ang mga sinasabi sa kanya bago niya maunawaan.

May ibang tagalog na salita din naman na nalalaman siya kaya lang minsan sala ang gamit. Ang mahalaga naman, nandoon ang point niya.

Kagaya ng isang beses na tenext ko siya na "wait! Let me compose myself first before we video call" katatapos lang kasi namin sa PE noon eh. Noong nag pahinga kami, katext ko na naman ulit siya. Nagreply siya sa akin na "Madali haha" na sa tingin ko ang ibig niyang sabihin ay "Faster" o bilisan ko. Madali ang ginamit niyang salita. Natawa nga ako doon. Ang cute niya. Nakakatuwa ang effort.

Akala ko, maaga akong dadating sa school dahil maaga naman akong umalis ng bahay. Hindi din naman matraffic.

Kaya lang ay naunahan pa rin ako ni Jillian. Wala pa si Angelika nang dumating ako sa classroom namin. Si Jillian naman nasa labas pa ng room. Kausap ang isa naming kaklase, si Dominic, iyong madalas bansagang 'Banal' ni Angel.

Hindi ko na muna siya kinausap at dumeretso na lang ako ng pasok sa room. Mukhang seryoso kasi ang pinag-uusapan nila. Pagka upo ko, isinubsob ko kaagad ang ulo ko sa armchair ko para umidlip.

Ginising din naman ako ni Jillian nang dumating si Misis Nofuente, ang Professor namin sa subject na iyon. Si Angel, ayun at nasabon ng slight. Paano dumating saktong nagtatawag na ng attendance si Mam.

Kahit ng maupo siya sa kanyang upuan ay nagawa niya pa rin akong tingnan ng mariin.

Alam ko, pagkatapos ng klase raratratin ako ng tanong ng dalawang 'to.

"Hoy Elizabeth! Anong ginawa mo? Mukha ka na talagang panda. Itim ng paligid ng mata mo!" sita agad ni Angel.

Mukha na nga akong patatas na hindi pa nahuhugasan tapos ngayon naman nagmukha na rin akong panda. Saan na ba ako lulugar?

"Sige puyat pa. Bukas bukas makaka pag check in ka na sa Hotel De Luna" tinutukoy niya iyong kasalukuyan niyang pinapanood na Kdrama. Tungkol iyon sa isang Hotel na nagpapatuloy ng mga kaluluwa bago tumawid sa kabilang buhay.

Napa irap ako sa sinabi niya.

"Dapat may oras lang ang tawagan n'yo ni Casper. Para naman hindi ka laging puyat. Wala ka na atang dugo eh!" sermon naman ni Jillian.

Pumapasok naman sa isip ko ang sinasabi nila. Hindi ko lang talaga inaabsorb.

Bakit ba kasi ang gwapo ni Casper?

Maliit na nga akong tao, mas nangliliit pa tuloy ako lalo dahil sa itsura ko.

Ano na kayang iniisip niya ngayon? Kahapon pa ako hindi nagrereply ng maayos. Baka iniisip niya nang umiiwas ako sa kanya. Na natakot ako dahil sa meet up na sinabi niya.

"Anong nangyari? Magkikita na kayo?" tanong ni Angelika.

Umiling ako.

"Hindi pa." Hindi ko masabi sa kanila na ang-aalala ako sa appearance ko kaya hindi pa ako pumapayag sa meet up. Nahihiya ako na malaman nila iyon.

"Di ako nakatulog ng maayos kagabi. Para akong gising habang tulog. Masakit sa ulo."

Hanggang pag tulog nga'y dala dala ko 'yon sa isip ko eh. Para tuloy akong gising mag damag.

"Ay! Edi uuwi kang maaga ngayon para maka bawi ng tulog? Sayang! Papasama sana ako sa inyo sa Market Market mamaya eh!"

Napatingin ako kay Angelika. Biglang nabuhayan ng loob. Kinabahan din ako.

"Papasama sana ako sa National Bookstore. May utos sakin si Mama eh"

"Edi tayo nalang muna! Gala na din tayo!"ani Jillian.

"Umuwi kang maaga para maka bawi kang tulog. Papatay' ka na eh!"

Palagi akong biglang kinakabahan sa tuwing nakakarinig ako ng mga bagay na nagpapaalala sa akin kay Casper.

Gaya ngayon. Nagpapasama si Angelika na pumunta sa Market Market. Malapit doon ang hotel na tinutuluyan nina Casper ngayon. Kitain ko na kaya siya habang nandoon kami?

Hanggang ngayon, hindi pa rin talaga ako nakakapag desisyon ng maayos. Pabago bago ang isip ko. Madali lang sana kung maganda ako eh kaso hindi ako naniniwala sa sinasabi ni Mama at ng mga kaibigan ko. Siyempre naman. Sasabihin talaga nila 'yon para maging confident ako. Para namang hindi ko nakikita ang itsura ko araw araw. Eh ang laki laki kaya ng salamin sa kwarto ko. Full length pa.

Hindi ko tuloy mareplyan ng maayos si Casper. Baka kasi pag nag tuloy tuloy na naman ang pagcchat namin, matanong na naman ako tungkol sa meet up eh hindi ko pa alam ang sasabihin ko. Gusto ko naman kaya lang natatakot talaga ako sa magiging reaction niya kapag nakita niya na ako sa personal. Paulit ulit ako. Bakit kasi mukha akong patatas?

Baka kapag nakita niya na ako sa personal, malayo palang takbuhan niya nalang ako tapos i-block. Kasi nawala na interes niya saken.

Ano na bang nangyari sa Happy Crush na sabi ko. Napepressure na tuloy ako!

Kung anu-ano nang pumapasok sa isip ko. Surely, di naman ganoong klase ng tao si Casper. Hindi naman siguro siya judgemental.

Pero hindi mo din naman talaga masabi. Hindi pa din naman kami magkakilala talaga eh. Sabi ng isang parte ng isip ko.

Alas dos y media, tapos na ang klase namin. Wala na kaming gagawin at kagaya nang napag usapan, pumunta kaming tatlo sa Market Market. Sumama talaga ako. Kanina sa klase, parang babagsak na ang mata ko. Ngayon, hindi na mana ako inaantok.

Buhay na buhay na ulit ang diwa ko dahil sa Market Market na 'yan!

Habang nasa loob ng National Bookstore ay hindi ako mapakali. Nangangati ang kamay ko na isend ang reply ko sa kanya na paulit-ulit kong sinusulat at binibura.

Lumayo ako ng bahagya sa dalawa na nagtatalo kung aling cook book ang mas maganda. Iyon kasi ang utos kay Angelika ng Mama nya.

"I'm at Market Market rn" pikit mata kong pinindot ang send.

Nagdadasal na sana hindi niya kaagad mabasa o mapansin na nagtext ako. Sana magreply siya kapag tapos na kami mamili o kaya naman naka alis na kami. Para naman kunyare busy lang talaga ako kaya hindi ko siya mareplyan kagaya ng dati.

Abalang abala si Angelika habang hawak hawak ang dalawang libro na pinagpipilian nya habang tinutulungan naman siya ng pinsan ko kung alin ang mas maganda.

Wala pang isang minuto nang isend ko ang text ko, nanginig na agad ang cellphone'ng hawak ko. Nagreply siya kaagad!

Para bang nakabantay sa text ko.

"Wtf" lang ang text niya pero ang kaba ko sobra sobra! Pakiramdam ko maiihi ako ng wala sa oras.

Grabe ang pagsisisi ko kung bakit ba naisipan kong itext siya. Ngayon pa talaga na hindi maintindihan ang itsura ko. Ano bang naisipan ko kanina at sinend ko yun? Nahila ko nalang tuloy ang sarili kong buhok dahil sa inis.

I didn't know curses can make me feel good and nervous at the same time. Pati pagmumura niya, kikiligin pa rin pala ako.

"Wait for me. Be there in 15"

Halos mabitawan ko ang cellphone ko nang mabasa ko ang text nya.

Oh My God! Pupunta sya!

Shit na marami talaga!

I really really regret what I did.

Why did I even text that in the first place? I'm not ready to face him yet.

Sobra-sobra ang kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko, natawag ako sa recitation nang hindi man lang ako nakapag review. Pakiramdam ko ginigisa ako sa klase.

Hindi ako makapag salita ng maayos ng nilapitan ko ang dalawa.

Bahagya pang nanginginig ang katawan ko sa sobrang tense na nararamdaman.

"Hoy! Pupunta si Casper ngayon dito. Anong gagawin ko?" kabadong tanong ko. Mangiyak ngiyak na sa kaba.

"Talaga? Alam niya ba kung nasan ka ngayon? Sinabi mo?" Sunod-sunod na tanong ni Jillian.

Pinakita ko sa kanila ang message ni Casper at si Angelika, kilig na kilig na naman. Pinang gigilan na naman ang braso ko.

"Hala ka, Liza! Seryoso yan! Pupuntahan ka talaga! Malapit lang ba siya dito?"

"Sa Shangri-La."

"Uy, gagi! Malapit lang 'yon dito. Hala ka!"

Lala lang akong sinalakay ng kaba sa sinabi niya.

Sabay-sabay kaming napatingin sa cellphone ko nang muling mag-vibrate ito.

Hindi ko pa nakukuha kay Angelika ang cellphone ko, inaccept nya na agad ang tawag bago inabot sa akin.

Siniringan ko naman siya ng tingin bago dinikit sa tainga ang cellphone. Naiihi na ako sa nerbyos.

"Where are you?"

"Uh..." Hindi ko alam kung sasabihin ko pa ba sa kanya kung nasan ako ngayon.

"Don't be scared. Where are you? I just got on the taxi"

Mas lalo lang akong kinabahan sa sinabi niya. Shit ng maraming marami. On the way na!

"Uh, Casper... kasi ano...ano..."

Bahala na!

"I'm so sorry!" Napapikit ako ng mariin at binalot ako ng sobrang guilt. Sana hindi siya magalit. At kung magalit man, maiintindihan ko siya. Karma ko 'yon.

"I had an emergency" bahagya akong lumayo sa dalawa na gulat na nakatingin sa akin. Hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"I'm so sorry! I'm really sorry! I—My friends and I had to leave. I'm sorry I forgot to inform you. Please don't be mad!"

Kagat ko na naman ang pudpod ko ng kuko dahil sa kaba.

I'm doomed! Gusto ko 'yong tao pero nagsinungaling ako. Hindi ko na sana sya itenext pa. Ang sama-sama ko!

Ano bang pumasok sa isip ko kanina?

Matagal bago siya nagsalita. Akala ko wala na akong kausap. Pero ilang sandali lang narinig ko ang pagbuntong hininga nya.

Mas lalo lang akong nakonsensya.

"Is that so? Can't you wait just a little longer? I'm almost there" nahimigan ko ang panghihinayang at sama ng loob sa boses nya. Pakiramdam ko pinagtripan ko sya.

Hindi!

Kasi talagang napagtripan ko siya!

Kung ako si Casper, maiinis ako. O baka pa magalit. Kung ako inindian ng ganoon, ibblock ko na kameet up ko.

"I'm so sorry, Casper." naiiyak na sabi ko. Pag nagalit siya, i would completely understand.

At kung ayaw niya na akong kausapin, what will i do?

Malamang tatanggapin ko. Wala naman akong ibang masisisi kundi sarili ko.

Bawiin ko na kaya? Aminin kong nagsisinungaling lang ako.

Ilang segundo ang dumaan na wala sa aming nagsasalita.

Naglakad nalang ako palabas ng bookstore.

"Hey, don't worry about it. I understand." pang-aamo niya..

"It's an emergency right? It's ok. Don't worry! I'll still be here in Taguig in a couple of days. I hope before we leave for Romblon, we get to see each other. And don't worry, I'm not a bad guy. I won't do anything to you."

Tahimik akong naiyak. Ang kaba ko nawala ng bahagya.

"Thank you for understanding talaga. Again, I'm sorry"

"Yeah, so uh...maybe...I'll just go back to the hotel"

Hindi ko alam kung anong nakakatawa sa nangyari pero narinig kong tumatawa siya. Dahil doon gumaan ang pakiramdam ko.

"I got really excited to see you.I left my cousin while we're playing videogames. He's gonna kill me for sure"

Hindi ko alam kung bakit kahit nakaka konsensya ang sinabi niya ay natawa na lang din ako.

"No worries, ok? It's cool. Next time, yeah?"

"

Okay, Promise!" At totoo na 'to ngayon. Makikipagkita na talaga ako sa kanya.

Di na to magiging drawing pa. Ayokong maubos nang tuluyan ang pasensya niya sakin.