webnovel

A Beautiful Disaster (A not-so-lovestory)

She loved him too early. He loved her too, but it was too late. She fell first and he fell the hardest. Fate took its toll and he wasn't there for her. Still, she waited. He played it safe until she cannot take it no more. A not-so-lovestory.

Disastrousmind · Urban
Not enough ratings
7 Chs

[6]

"Nice" nakangiti siya habang hinahaplos ang ulo ko.

Hindi ko alam na ang comforting pala sa pakiramdam kapag ganoon. Kaya siguro gustong-gusto ng mga aso kapag hinahaplos-haplos ang ulo nila.

Ano ba naman itong naiisip ko?

Nakuha ko pang ikumpara ang sarili ko sa aso.

Nandito kami ngayon sa Timezone. Nagpapagalingan maglaro ng basketball. Magkatabi kaming dalawa habang nagpaparamihan ng naso-shoot na bola.

Sa pangatlong round ay tumigil na kami. Nangangalay na ang braso ko kakatira ng bola at namamanhid na rin ang mga binti at paa kong bahagyang naka angat para lang makaporma ng maayos sa pag tira. Una at pangalawang laro namin ay panalo ako pero sa pangatlo ay hindi na.

Duda akong pinagbibigyan niya lang ako. Ang tangkad nya at halos dahan-dahan lang ang pag tira. Parang walang timer na hinahabol.

Sumubok pa kaming maglaro ng iba. Pati iyong parang aso-aso na malaki na sinasakyan ng mga bata ay hindi niya pinalampas. Hindi ko napigilan ang sarili ko na kuhanan sya ng picture. Ang cute niya kasing panoorin. Ang laki niyang tao para sumakay doon. Abot na abot niya ang sahig dahil sa haba ng binti niya. Nang mapatingin siya sa akin ay dali dali kong binaba ang cellphone ko. Tumawa siya at lumapit sa akin. Hinila nya ako papunta doon sa parang Dalmatian na aso at pinasakay. Iniwan iyon ng mag-ama kanina na umaandar pa kaya naisipan niyang sumakay. Dinamay pa talaga ako. Buti nalang hindi kami nasita ng bantay.

Sinubukan din namin iyong nilaro noong couple kanina sa second floor kaya lang mukhang may daya talaga yata ang machine. Naubos nalang ang mga tokens namin, wala man lang kaming nakuha kahit isa. Naisip kong papalitan ang mga ticket na nakuha namin pero hindi pa sapat ang mga iyon para mapapalitan ng kahit maliit na stuff toy man lang. Tama lang para sa eraser na ang liit-liit. Kaya naisip kong itago nalang ang mga ticket. Gagawin kong remembrance.

Alas siete nang nagdesisyon kami na kumain na. Nakakagutom din maglaro nang maglaro.

Nagulat pa siya ng dalhin ko siya sa food court ng mall kung saan madalas kaming magbabarkada.

"Wait! We're going to eat here?"

Kinakabahan ko syang nilingon. Saan pala dapat?

Ako ang magbabayad ngayon dahil siya na ang nagbayad ng pinang laro at sine namin. Ayoko naman na i-shoulder niya lahat. Nakakahiya naman!

Kahit pa hindi daw dapat ako mahiyang pagbayarin ang lalaki sa date sabi ni Angelika.

Pero hindi naman siguro date ang tawag dito diba? Eye ball? Ganon ata dapat. Para kasing ang romantic ng dating pag date ang ginamit na term eh.

Ay ewan! Ang gulo!

"Oo.Why? Is there a problem? Don't worry, masarap ang mga foods dito"

"Liza, i think we shouldn't eat here" nag-aalinlangan niyang sinabi.

"Huh?Why? Where do you wanna eat? Jollibee? McDo?"

"No! I'm not gonna treat you in a fast food in our first date. Let's eat upstairs. There's this very nice restaurant there. I went there with my cousin and Lola the other day. The foods are masarap" wala na akong nagawa ng hilahin niya ako paalis.

Anong masama kung sa fast food kami kakain? Pero teka... date daw. Sa kanya na mismo nanggaling.

Pero shuta kasi! Baka kapusin ako sa pambayad.

Ang mga restaurant pa naman sa upper floor ay mukhang mamahalin.

"But... Casper, Ako ang magbabayad naman. I'll treat you here. Promise masarap din ang mga pagkain doon. Lagi kami doon ng mga barkada ko."

Hindi ko alam kung naintindihan nya ba halos ang sinabi ko pero patuloy pa rin siya sa paghila sa braso ko. Wala naman problema sakin dahil ang tela naman ng magkapatong kong jacket ang nahahawakan niya at di naman ganoon ka nakakailang.

"There..." sabi nya pagka upo namin sa restaurant na tinutukoy niya.

"Much better, dibah?"conyong sabi niya pa.

Tama sya. Maganda nga dito. First time ko 'tong maka pasok dito dahil palagi lang naman kaming magkakaibigan sa food court. Nadadaanan lang namin madalas ang restaurant na 'to. Mukha kasing mahal ang mga pagkain dito eh. Kaming tatlo na mga estudyante pa lang, at umaasa lang sa allowance pang school ay hindi afford kumain dito. Well, pwera nalang siguro kung maglalaan ka ng budget para dito.

Panay ang kwento nya ng kung anu-ano habang hinihintay namin na dumating ang mga pagkain na inorder nya.

Hindi na ako namili pa. Ginaya ko nalang ang order nya.

Manghihiram nalang ako ng pang dagdag ko sa allowance ko sa pinsan ko o kaya kay Angelika.

Sana may extra pa sila.

"Huh? Pineke mo edad mo? I thought 20 ka na. Ka edad lang tayo diba?"

"I lied. I'm 2 years younger than you actually" nahihiyang sabi nya sa akin.

Nanghinayang man, hindi ko pinahalata na nadismaya ako sa totoong edad nya. Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ng pasta. Mahal pa naman dito. Kailangan kong kumain dahil kanina pa sumisingaw-singaw sa katawan ko ang init.

Iinom pa ako ng gamot pagkatapos.

"Are you mad?"

"No, hindi naman" nagkibit ako ng balikat.

"Choice mo naman iyon eh. Nagulat lang talaga ako. I mean, i was just shocked because you don't look like a teen to me." Iyon nalang ang sinabi ko.

"I look older than you actually.You look younger than your age. If I didn't know you're 20, I'm going to think you're still a minor"

ngumiti ako sa kanya.

Hindi na bago iyan. Minsan na nga akong hinanapan ng proof na nasa legal age na ako nang minsan naming maisipan nina Angel mag bar. Videoke bar.

Napangiwi ako sa naalala.

Tuwang tuwa akong papasok ng bar ng biglang idipa ng bouncer ang kamay niya para harangan ako. Kahit anong sabi namin nina Angelika na beinte na ako ay ayaw talagang maniwala.

"Pero bakit? Uh... why did you lie about your real age?"

" I want to date older girls" muntik na akong masamid sa sinabi nya.

Leche! Pareho lang pala kami gusto ng mas matanda sa amin.

Gusto ko sana 5-7 years ang gap sa akin ng lalaki eh. Pakiramdam ko kasi mas maganda pag mas matanda sayo ang lalaki. Parang mas mature sila at mas maayos magdala ng relasyon. O epekto na rin ng kakabasa ng wattpad?

Kaso ang bagsak ko, kung hindi naman 1-2 years ang bata saken, kaedad ko nga pero panganay pa rin naman ako sa buwan.

"How about you? Are you really 20?" Tumango ako sa kanya habang nagpupunas ng bibig.

"I'm sorry about lying. And uh... another thing..." parang nahihiya pa siya sa susunod na sasabihin.

"My real name's not Casper." hindi na sya makatingin ngayon sa akin ng deretso.

"Pinagtitripan mo ba ako? I kept on calling you Casper kanina pa. You didn't even tried to correct me tapos ngayon you'll tell me na di ka totoong si Casper" hindi ko napigilang mairita sa sinabi niya.

"I'm really sorry. That's why I'm telling you now"

"What else do you wanna tell me? Baka meron pa?"

"My real name is John Kristoffer Laurel. Jk for short"

Oh wow! Another J.

Pag tinamaan ka nga naman talaga ng magaling.

Natawa nalang ako ng hilaw sa sinabi niya.

Ano bang meron sa akin at hinahabol habol ako ng mga letter J?

J magnet nga ata talaga ako gaya ng sabi ni Jillian at Angelika.

Napatingin ako sa lalaking kaharap ko. Tapos eto naman J na naman.

JP short for John Paul, John Mike, John Mark, Jerome tapos ngayon John Kristoffer.

O nakalimutan ko... may kilala pala akong Kristoffer. Yung siponin na pala away na kababata ko sa probinsya ng Lola ko sa Quezon.

Si Lemuel lang ang naiba sa kanila pero wala din naman. Di rin naman nag work.

Sa lahat ng J na nakilala ko, si John Mark lang naman ang naging boyfriend ko talaga. Di man lang nga kami umabot ng dalawang buwan. Hindi nga ata matatawag na boyfriend-girlfriend iyong amin eh. Paano ba naman kasi... sa text lang naman nangyari ang pagsagot ko sa kaniya. Nadala lang din ng peer pressure!

The rest, wala! Puro najinx na lovelife potential.

Napabuntong hininga ako.

"I think you're ma nahihiyang sabi nya.

"You're eyes are teary"

"Hindi. Masama lang ang pakiramdam ko." Dahil iyan sa lagnat.

"Oh! Do you wanna go home now? I mean...after eating?"

"Why? You want me to go home na? We're going to watch a movie pa diba? Ayaw mo na?" Nanghihinayang na sabi ko.

"No! I still want to be with you pa. I want to watch a movie with you"

"Iyon pala eh. Wag mo muna akong pauwiin" natatawang sabi ko sa kanya pang bawi sa atmosphere kanina. Mukhang kinabahan siya sa biglaang pagkaka inis ko. Hindi ko kasi mapigilan. Nabanggit ko pa tuloy na masama ang panlasa ko.

Hiningi na niya sa waiter ang bill namin at gaya ng inaasahan, umabot ng mahigit isang libo ang bayarin. Maliit lang siguro para sa iba pero para sa akin ay napaka mahal na. Lalo na umaasa lang ako sa allowance ko sa school. Napatingin silang dalawa sa akin ng waiter ng iabot ko ang isang blue at dilaw na bill sa kanya. Mukhang nalito pa ang waiter sa aming dalawa kung sino ang magbabayad.

"What's that for?" nalilitong tanong ni Jk, short for John Kristoffer daw.

"Treat ko. You paid for the movie diba? Ako naman dito."

Di nya pinansin ang sinabi ko at siya na ang nagbigay ng pera sa waiter. Sarkastiko pa syang humarap sa akin at ngumiti.

"Am I supposed to laugh or should I feel insulted?"

"Huh?"

Nagpaalam muna akong magpupunta sa Restroom. Mag ayos lang ako ng kaonti. Doon ko na din ininom ang gamot ko para hindi niya makita.

Tahimik lang siya nang makabalik ako. Nang naisip kong baka nainsulto siya sa ginawa ko ay agad akong nagpaliwanag sa kanya.

Wala siyang imik habang naglalakad kami pabalik ng 4th floor. Nabadtrip ko ata. Parang bigla kaming nabaliktad ah. Kanina, ako ang naiinis. Ngayon, siya naman.

"Uy, Casper!" Hindi siya lumingon sa akin. Dire-diretso lang siya ng lakad.

"John Kristoffer pala...badtrip ka din? Aba! Don't get mad. Pareho lang tayo nababadtrip sa isa't isa!" Sunod lang ako ng sunod sa kanya habang naglalakad.

"Sige na. Quits na tayo. I won't be mad because you lied about your age and your name basta don't be mad that I offered to pay for the food. I thought ok lang na ako naman mag bayad since you already paid for the movie and yung mga games na nilaro natin kanina diba?"

Huminto siya sa paglalakad kaya napatigil na rin ako.Hindi kalayuan ang pagitan naming dalawa. Tiningnan ko kung ano ang nilingon nya at nakita ko ang reflection namin sa salamin ng isang kilalang brand ng mga damit.

Lumapit siya sa akin ng nakangiti na nang nakakaloko.

"You know..." kitang kita ang kanyang ngiti. Mayroon pala siyang maliit na biloy sa kanyang pisngi. Hindi gaanong mapapansin dahil maliit lang ito at mababaw pero kapag malapitan pala'y nakikita naman.

"You're really small for your age" natatawang sabi nya kaya napaingos nalang ako at nauna nang maglakad.

***

Buong oras ng panonood namin ng movie ay naging translator niya ako. Sinabi ko sa kanyang mas okay kung English movie nalang ang panoorin namin para di sya mahirapang manood at maenjoy nya naman pero mas pinili nya ang Pinoy Romcom na ilang araw nang showing.

"Oh Busted!" mahinang komento nya matapos mabuking ng fiance ang babaeng bida na ikinasal pala sa ibang lalaki.

Hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya habang on going ang palabas. Pano ba naman kasi kamukha nya ang isa sa mga artista.

"If you were the girl, who would you choose between the two leading men?"

Isang beses kaming nasaway ng kalapit namin kaya pabulong nalang kami kung mag-usap ngayon. Magkalapit na halos ang ulo namin para magkarinigan.

Gusto kong magtago sa katawan nya dahil giniginaw na ako. Nakatapat kasi sa amin ang aircon.

Pinipigilan ko lang na manginig ang tuhod ko at mangatal ang labi.

Napatingin siya sa akin nang mapansin niyang mas sumiksik pa ako sa upuan.

"Feeling cold?" tanong niya matapos kong dahan-dahang ipatong sa upuan ang binti ko para mayakap.

Tumango lang ako sa kanya habang nakatingin pa rin sa pinapanood namin. Di na ako nagreklamo pa nang ipatong niya sa balikat ko ang braso niya.

Natapos ang movie ng mag-a-alas onse na ng gabi. Ang plano kong maagang uuwi na ay nakalimutan na.

Nang makalabas kami sa sinehan ay nagsasarado na halos ang mga shop. Unang beses ko itong maabutan ng ganitong oras sa mall. Ang makitang nagsasara ang mga tindahan.

Nag-aya pa siyang magkape muna kami kaya pumunta kami sa coffee shop sa labas. Kung saan ako nag palipas ng oras kahapon. Hindi talaga ako madalas mag kape dahil sinisikmura ako palagi sa kape kaya lang ay napapadalas ata ako ngayon.

"So... who will you choose?the fiancé or the husband?"

"I don't know.The fiancé siguro?"

"Hmm, why him?"

"Kasi... uh, the girl and the fiancé are in the real relationship diba? And matagal na sila.—I mean they've been together since college. Magpapakasal na nga eh but then, Dos happened doon sa party so...basta medyo mahirap ikwento in straight english" natawa kaming dalawa sa sinabi ko.

"Ganito... ako kasi, I believe that love is a commitment" huminto ako sa pagsasalita para tingnan siya na ngayo'y tutok sa pakikinig sa akin.

"Staying in love is a choice"

"Tell me more"" aniya. Ibinaba ko ang hawak na baso para ipagpatuloy ang pagsasalita.

"For me, You should always-always stay faithful. Stay committed with that person even if you're not committed-committed—? You get me?"

Tumango siya. Naffrustrate ako magpaliwanag in English. Tinuloy ko ang pagsasalita.

"What more if you're already in a relationship?"

"Uh huh..." tumango-tango siya sa sinabi ko na damang dama ang pagpapaliwanag.

"If you keep on changing your mind just because someone new came into your life and the new comer made you feel things that you don't feel with your current partner anymore ...ano? you'll give up? You'll choose the new guy or new girl na lang? If you choose the new person tas may dumating na naman na bago? Paano na? Pipiliin mo na naman ba 'yong bago?"

Naiinis na sabi ko.

"Paulit-ulit lang. Did you get me, John Kristoffer?"

Nakangiti siyang nakikinig sa akin na masyadong nadala sa pagpapaliwanag.

"You can call me Jk. Or do you like my full name better?" nakangising tanong niya.

Nakatawa akong napa irap.

"But I feel like only people who are close you are the ones that can call you by your nick name"

"Aren't we close enough na?" tanong niyang nakangiti.

"I feel like we're already close with each other na. We always talk everyday and every night, dibah? But if you like my full name better, I don't mind you calling me by my full name. Even though I'm not really used to that."

"Sige, Jk nalang. Your name is too long nga naman" natatawang sabi ko.

"As if your name is short. Miss Hope Elizabeth."kantyaw niya.

" Very pretty name."

"Like your Mom's?"

Tumango siya at ngumiti. "Yes."

"Anyway back to our topic... somehow...I also think with how Dos behaved and how the fiancé treated Gab in a way na siya nalang ng siya ang nagdedesisyon..." nagkibit balikat ako.

"... kasi may pagka dominant or controlling 'yong fiancé ni Gab eh. Gab needs to always ask permission from Matteo first before she can do or wear something. I guess that's somehow tiring" hinawakan ko ang paligid ng tasa para damhin ang init ng kape.

"...by the way, I speak too much taglish. Do you still understand what I'm saying?"

Mamaya hindi na pala niya ako naiintindihan, panay pa ang daldal ko.

"Yes, yes! I actually like it more if you speak that way. I'm learning more tagalog."

"Okay"

"Yes. So continue..." aniya.

"So ayon nga, I guess Dos is like a breath of fresh air to Gab who's pressured about everything. Work, her mom, her boyfriend, the opinion of others and siguro 'yong tagal ng pagsasama nila ng fiancé niya"

"You're right. Anyway it was a good movie, dibah? Until now,it got you thinking" bahagya siyang tumawa sa sinabi.

"My cousin in Romblon..." nag-aalilangang sinabi niya.

"The one that I left at the coffee shop yesterday..."

"Yes?"

"He told me that i look like the fiance. Do i really?" nahihiyang tanong niya.

"Oo." Walang pag aalinlangan kong sagot. Totoo naman kasi.

"Kamukha mo si Matteo. But your eyes is chinkier and I guess mas maputi ka. That must've been the reason why you wanted to watch that movie no?" tukso ko sa kanya. Bahagya na naman siyang namula at kakamot-kamot sa kanyang batok.

"Partly, yeah" nahihiyang sabi niya bago tumawa.

"But also, I really wanted to watch that movie. That cousin of mine recommended that movie to me. Maganda kaya. Dibah?" slang na sabi niya.

"Alam mo, cute mo mag-tagalog" natatawang tukso ko sa kanya.Lalo naman siyang namula.

"You should speak tagalog more often"

"Tease"natatawang sabi niya.

"You too, are cute when you speak filipino and mix it with english"

"Sounds maarte? Conyo? Di kasi ako maenglish na tao e. My nose is the bleed. My head is the ache and my brain is over heating." natatawang biro ko sa kanya.

Napahalakhak siya sa sinabi ko. Nakakatuwa na ang bilis niyang patawanin.

"And really funny"

Napatingin kami sa labas ng biglang bumuhos na naman ang malakas na ulan. Ang kaninang ambon ay wala na. Napalitan na ng mas malakas na pagpatak ng tubig.

Kaya wala kaming nagawa kundi maghintay na tumila ang ulan. Ang dapat sandaling kwentuhan namin ay napunta na sa kung saan-saan. Muli niyang naikwento sa akin ang nangyari sa matalik nyang kaibigan sa California.

Naikwento niya rin sa akin na marami siyang kaibigan sa Romblon. Na minsan tumutulong siyang magbantay ng sari-sari store ng kaibigan nya doon. Pinakita niya pa sa akin ang picture niya sa loob ng tindahan kung saan naka sampay sa may likuran niya ang mga sachet ng kung anu-anong pang laba. Ang cute niyang tingnan. Mestizong bantay ng tindahan.

Pinarinig niya rin sa akin ang paborito niyang kanta.

"One day, I'm going to bring you to our house in Romblon. You'll see... I'm like a royalty there. I'm everyone's favourite" natatawang kwento niya.

One day... mangyari naman kaya?

Pasimple kong kinatok ng tatlong beses ang kahoy na lamesa ng coffee shop.

Baka mausog 'yong plano. Hindi matuloy at majinx na naman. Wag naman sana.

Hindi na namin namalayan ang oras. Nang tumawag kay Jk ang pinsan nya ay kinailangan na naming umuwi. Nagising daw ang Lola niya at ngayon ay hinahanap siya. Nag-aalala na dahil madaling araw na ngayon at umuulan pa.

Ako rin. Sa totoo lang, walang kamalay malay si Mama sa lakad ko ngayon. Hindi ako nakapag paalam dahil nakaalis na siya ng magising ako kanina.

"Why don't you just let me get you a taxi? I'll pay for it"

"No, Jk. Dami mo nang gastos. At magjejeep nalang ako. Ayun oh!" Tinuro ko sa kanya ang nakapilang jeep na may iilan lang na pasahero.

"I'll be fine. Sige na. You go home na. Your Grandparents are probably waiting for you"

Kakamot kamot sa batok na umatras sya mula sa akin.

"Ano? You want to say something? Kanina ka pa di mapakali. Don't worry ok? Makaka uwi ako. Thank you nalang sa lahat." natatawang sabi ko sa di mapalagay na si Jk.

Gusto ko nang matulog. Babagsak na ang katawan ko. At kailangan kong maunahan si Mama na makauwi kundi lagot ako.

"Will you really be ok? It's so late now. Just let me get you a taxi. I'll drop you to your house then i'll go back to the hotel after"

Kanina pa kami nagtatalo dito sa may malapit sa pilahan ng jeep tungkol sa pag-uwi. Pinapanood na kami ng barker at ng guard ng convenience store na malapit sa amin.

"Jk, isa!" natatawang saway ko sa kanya.

"Sige na, go back to the hotel na. Mabilis lang magiging byahe niyan dahil madaling araw na. There's no more traffic. Uwi ka na. Magagalit na Lola mo niyan. Di ka na palalabasin bukas" nang-aasar na sabi ko sa kanya.

"Fine! Fine!" Sumusukong sabi nya.

"Bye. Take care pauwi. Please text me pag naka uwi ka na ah!" bilin ko sa kanya bago ako tumalikod at naglakad na palapit sa nakaparadang jeep.

"Miss, bumalik kasama mo!" Pasakay na ako ng Jeep ng tawagin ako ng barker.

Lumingon ako kay Jk na nakatayo na naman sa may tapat ng Jollibee kung saan kami nagtatalo kanina.

"Ayaw ka pang pauwiin ng boyfriend mo, Miss" natatawang tukso ng guard sa akin. Pati ang babaeng antok na naka upo malapit sa pintuan ng jeep ay napatingin sa naka halukipkip na si Jk.

"Oh! Akala ko pauwi ka na? You forgot something?"

Nakatingin lang sya sa akin na para bang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi-sabi.

Ano ba problema nito?

"Kanina ka pa talaga parang hindi mapakali. You want me to accompany you to the hotel and talk to your Lola?"

Napatingin siya sa akin ng masama.

Ano? Baka lang naman kasi gusto niya magsama ng magpapaliwanang sa Lolo't Lola niya. Gumagana kasi kay Mama ang ganoong tactic eh. Babaonin ko lang maalin kina Angel at Jillian sa bahay, okay na kay Mama.

"What? No! I'm not a kid!"

"Oh, bat galit? Ano nga kasi 'yon?"

"Can i... uhm can i..." pahina nang pahina ang boses niya na hindi ko na narinig ang huling sinabi niya

"What? Di ko narinig. I didn't hear you"

"Tsk. Never mind. I'm just gonna watch that mini bus leave then I'll go home." Supladong sabi niya di pa rin tinatanggal ang pagkaka ekis ng mga braso.

"Anong mini bus? That's a jeepney."

"Tsk whatever that is"

"Nakasimangot naman 'to. Ano, jan ka lang? Balik na ako doon. Baka umalis na ang jeep"

Tumango lang siya sa akin.

"Bye, Jk. Ingat ka pauwi. Baka matipohan ka na naman ng bading jan!" pang-aasar ko nang maalala ang kwento nya sakin kanina tungkol sa nangyari sa kanya isang gabing pabalik siya ng hotel.

Hindi ko alam kung naintindihan niya ba ang sinabi ko pero masama lang ang tingin niya sa akin habang paatras akong naglalakad. Nakatingin pa rin sa naaasar niyang itsura.

Narinig ko nang nabuhay ang makina ng jeep.

Nakatalikod na ako sa kanya nang tawagin niya na naman ako.

"Liza..." lumapit na siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang braso.

"Can i kiss you?" nahihiya at halos bulong niyang tanong.