Ito na ang araw kung saan lahat ng kanilang pinagpaguran ay ipapamalas na nila sa harap ng kanilang libu-libong tagahanga. Bago makarating sa araw na ito ay napakarami nilang dapat pagdaanan. Napakaraming pagsubok ang kailangan nila harapin. Mahirap man, ay masasabi nilang napag tagumpayan nila ang mga iyon.
Maaga pa lang ay libu-libong mga fans na ang nasa harapan ng venue and concert. May mga galing pa sa probinsiya para lang masaksihan ang pagtatanghal ng grupo. Maraming mga pre-concert activities ang nagaganap na siya namang nasasaksihan ng grupo mula sa kanila hotel room.
"Grabeh, ang daming tao. Kinakabahan ako," ninenerbyos na wika ni Jeremiah.
"Oo nga. Ang dami," segunda ni Kenji habang sumilip din mula sa kanilang bintana.
Kasalukuyan silang nasa ganoong tagpo ng biglang may kumatok sa kanilang pintuan at iniluwa nito si Anna.
"Hi boys! May gusto lang kumausap sa inyo," wika ni Anna habang nakasilip sa pinto bago nito tuluyang buksan ang pinto para patuluyin ang bisita.
"Hello boys!" wika ng bisita.
"Ate Rosie!" sabay-sabay na wika ng lima ng makita ang manager habang nasa likod naman nito ang kanilang CEO.
"Good afternoon po Sir," paunang bati naman ni Paulo.
"Good afternoon po," sabay-sabay namang bati ng natitirang apat.
"Good afternoon. Kumusta, kumusta? Are you all ready?" balik na bati ng Ginoo at tanong na rin niya sa grupo.
"Okay naman po. Medyo kinakabahan po," sagot ni Lester.
"Si Lester kinakabahan?" nakatawang usal ng kanilang manager.
"Si Ate Rosie naman eh. Minsan ka na lang makita tapos binubully mo pa ako," nagkakamot ng ulo na sagot ni Lester na nakapagpuno ng halakhak sa silid.
"Nasilip po kasi namin yung mga tao sa labas kaya medyo kinabahan po kami," sagot naman ni Joshua.
"Oo nga eh. One of the reason pala na andito ako is to congratulate all of you for a sold-out concert and to wish you goodluck para mamaya," nakangiting wika ni Sir Charlie.
"Naku salamat po Sir. Salamat din po sa pagdaan po," panay ang yuko ni Paulo bilang pasasalamat sa nakakatandang Ginoo.
"Boys, you deserve all of this. Lahat ng ito ay dahil sa pagtitiyaga ninyo. All of this is because of your perseverance and persistence. Thank you for showing such attitude," sagot ni Sir Charlie habang tinatapik ang balikat ni Paulo.
"Maraming salamat po Sir sa hindi rin po pagsuko sa amin. Sir simula pa lang po ito ng mga madami pang concert natin. Kaya huwag po kayong magsasawang umattend ah," nakatawang pasasalamat naman ni Joshua.
"Oh sure. Hinding-hindi ako magsasawa. Kahit saan pa iyan," tugon naman ng CEO.
"Thank you po Sir," magkasabay na wika ni Jeremiah at Lester.
"Salamat Sir at ako po pinili ninyo. Hindi po nasayang pagpunta ko dito sa Manila," usal din ni Kenji.
"You are all welcome boys," saad ni Sir Charlie.
"Okay boys, give them what you all got. This is it!" wika naman ni Rosie sa kanila.
"Thank you Ate Rosie," sabay-saby na wika ng grupo.
"Oh paano, iwan na muna namin kayo. Break-a-leg! Enjoy the show," panghuling wika ng CEO.
"Maraming Salamat po!" wika naman ng grupo.
Pagkaalis ng CEO at ng kanilang manager ay nagpatuloy sa pag hahanda ang lima. At makalipas lamang ang ilang oras, sa ganap na alas sais ng gabi ay nagsimula na concert. Pinasimulan muna ito ng performances ng isang trainee girl group sa kanilang company, ang 'DALI'. Pagkatapos ng halos kalahating oras na performance ng DALI ay nagpaalam na ang mga magagandang dalaga sa audience at biglang nag dilim ang boong arena. Dahil dito ay nag hiyawan ang mga tao bilang hudyat na mag sisimula na ang concert ng PDYN. Hindi magkamayaw ang mga tao at patuloy na isinisigaw ang pangalang ng grupo ng biglang may ipinalabas sa LED Screen. Lumabas sa screen ang countdown para sa pagsisimula ng concert.
3...
2...
1...
"HANDA NA BA KAYO?" maririnig na wika at tanong ni Paulo sa kanilang mga fans.
Tanging malakas hiyawan lang ang naging sagot ng mga fans at biglang nagliwanag ang buong stage at nasilayan na ng mga fans ang limang binata sa taas ng stage at nag simula na sa una nilang performance na talaga namang nag padagundong sa venue.
Habang tuloy-tuloy ang performances ng grupo ay hindi rin maawat ang sigawan ng kanilang tagahanga. Natapos ang unang set ng kanilang mga performances at oras na para batiin muna nila ang mga taong dumalo sa kanilang concert.
"Okay pa ba kayo aming 'Ayon'?" pasigaw na tanong ni Lester para sabayan ang energy ng kanilang mga fans.
Muli, tanging hiyawan lang ang naging sagot ng kanilang mga taga hanga.
"Sandali lang, babati muna kami," panimula ni Paulo habang hinahabol ang hinginga dahil sa kanilang panimulang performance.
"Hi! Kami ang," wika ni Paulo.
"PADAYON!" sabay-sabay na wika ng lima.
"Sulong nang sulong. Hindi uurong," muling panimula ni Paulo.
"PADAYON!" muling sabay-sabay na wika nila.
"Magandang gabi sa inyong lahat!" masigaw na bati ni Joshua.
"Yes. Maraming salamat po sa pag punta at pag suporta ninyong lahat sa aming concert," usal naman ni Jeremiah.
"Grabeh, sobrang tagal na mula ng huli tayong nagkita, pero mukhang lalu pa tayong dumami ah," masayang saad ni Joshua.
"Oo nga. Lumalaki na ang pamilya natin. Dumadami na tayo," segunda naman ni Paulo.
"Dahil dyan, talagang pinaghandaan namin ng sobra ang mga performances namin sa inyo," wika ni Lester.
"Oo. We prepared a lot for all of you. Kaya enjoy nyo lang po ang gabing ito," seryosong wika ni Kenji.
"Oo. Talagang nag prepare kami. Yung line ni Kenji na yun, mga two months niyang prinactice yan," pang aasar ni Lester na siya namang nag patawa sa lahat.
"Yeah," maikling wika ni Kenji habang tumatawa.
"Yes at dahil dyan, excited na talaga kami ipakita sa inyo ang pinaghandaan natin ng halos two months," wika ni Jeremiah.
"Eh ituloy na natin 'to!" segunda naman ni Joshua.
Muli ay biglang nagdilim ang paligid at nagsimula na ang second set ng kanilang mga performances.
Pagkatapos ng ilang group performances ay nagsimula naman ang kanilang mga solo performances. Sinimulan ni Joshua at sinndan naman ni Jeremiah, Lester, Kenji at huling-huli si Paulo.