"What? Pinaprank mo ba kami?" malakas na pagtatanong ni Lester kay Anna.
Sinabi na ni Anna sa grupo ang kanyang desisyon na lisanin ang kanilang kumpanya. Siya ay nagdesisyong mag resign na bilang Assistant Manager ng mga ito na magiging epektibo pagkatapos ng kanilang concert.
"Bakit naman Anna?" malungkot na tanong ni Kenji sa kanya.
"Guys pasensiya na. Alam kong nabigla kayo sa desisyon ko pero kailangan ko itong gawin kasi tulad nga ng sinabi ko, nakatanggap ako ng scholarship sa song writing. And alam nyo naman 'di ba na pangarap ko ito. Sa ngayon, hindi ko kakayanin na pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho ko bilang Assistant Manager ninyo," pagpapaliwanag ni Anna sa mga ito.
"Dahil pa rin ito sa issue 'di ba?" wika ni Paulo.
"Hindi sa gan-," hindi na natapos ni Anna ang kanyang sasabihin ng biglang lumabas si Paulo ng silid at pabalabag na isinara ang pinto na siya namang ikinabigla ng lahat.
"Oo. Alam mo naman na suportado ka namin sa pangarap mo. Tulad ng pag suporta mo sa amin. Kaya lang nakakabigla lang na iiwan mo na kami. May concert pa tayo eh," umiiyak na muling wika ni Lester pagkatapos ng pag alis ni Paulo ng silid.
"Andito pa naman ako until sa concert ninyo eh," paninigurado naman ni Anna sa mga ito.
"Kaya lang pagkatapos noon wala ka na. Pagkatapos noon, iiwanan mo na kami," malungkot na wika ni Jeremiah.
"Guys please understand naman kung bakit ko gagawin ito," naiiyak na wika ni Anna.
"Masaya kami para sa iyo. Sobrang totoo. Matutupad mo na dream mo. Pero sana bago ka umalis ay magkaayos kayo ni Paulo," malungkot naman na usal ni Joshua.
"Kakausapin ko din naman siya," pilit ang ngiting sagot naman ni Anna.
"Anna mamimiss ka namin," umiiyak na wika ni Lester habang yumayakap kay Anna at sumunod din sa pagyakap sina Kenji, Joshua at Jeremiah.
Matapos ang madamdaming pakikipag-usap ni Anna sa apat na miyembro ng grupo ay hinanap naman niya si Paulo para masinsinan ding kausapin ang binata. Natagpuan niyang nakaupo ang binata sa may hagdanan sa fire exit.
"Ahm," pagkuha ng pansin ng dalaga sa binata.
Napalingon si Paulo sa taong nasa kanyang likuran at agarang nagpahid ng kanyang mga luha.
"Ano ginagawa mo dito?" naiinis na tanong ni Paulo kay Anna.
"Gusto lang sana kausapin ka tungkol sa resig-," hindi na natuloy ni Anna ang sasabihin ng biglang sumigaw si Anna.
"Eh di umalis ka. Yun naman gusto mo 'di ba?" sarkastimong sagot ni Paulo.
"Paulo naman eh. Pwede bang magusap muna tayo ng maayos? Pwede ba pakinggan mo mna ako?" naiiyak na wika ni Anna.
"Huwag mo isipin na nag desisyon ako dahil sa mga nangyari ng mga nakaraan araw. I made this very difficult decision unang-una para na rin sa sarili ko, sa mga pangarap ko. At para na rin mas maging karapat-dapat ako para sa iyo," patuloy na wika ni Anna.
"Anna, mahal kita. Wala akong pakialam sa iisipin at sasabihin ng iba. Kaya bakit pilit mong nilalayo ang sarili mo? Bakit mo ginagawa 'toh?" may pagmamakaawang tono sa boses ng binata.
"Paulo alam mo namang pangarap ko ito. Ikaw pa nga ang nag encourage sa akin dito eh. And the issue motivated me din para lalong pag igihan. Para lalo kong galingan.," sagot ni Anna.
"No Anna! Gagawin mo iyan dahil sa sarili mong pangarap. Dahil sa iyo. Hindi para sa akin. Hindi para sa ibang tao," sagot ni Paulo sa dalaga.
"At saka hindi naman iyang scholarship mo ang ikinasasama ko ng loob. Masayang-masaya ako para sa iyo. Pero itong pag layo mo. Anna, mahal kita. Kaya kong iwan lahat ng ito para sa iyo," umiiyak na wika ni Paulo.
"Yun na nga eh. Pangarap mo ito. At hindi ko matatanggap na bibitawan mo ang meron ka ng dahil sa akin. Ayaw kong maguilty habang buhay na kinuha ko sa iyo ito. Sinusuportahan mo ako sa gusto ko pero bakit mo bibitawan ang sa iyo?" bali naman na sagot ni Anna.
"Pero paano ako magpapatuloy ng wala ka? Paano ako Anna," nagmamakaawang tanong ni Paulo.
"Tulad ng kung paano ka noong hindi pa tayo magkakilala. Maraming mabubting tao na nakapaligid sa iyo. And hindi naman kita iiwan eh. Andito pa rin ako for you. Hindi nga lang pisikal. Pero andito ako parati. At andito ka parati sa akin," wika ni Anna habang hawak ang kanyang dibdib.
"Paulo, mahal kita. Alam mo iyan. Pero hindi ako papayag na ako mismo ang magiging dahilan para layuan mo ang mga bagay na pinangarap mo," dagdag pang wika ni Anna kay Paulo.
"Paulo, kung pagdating ng araw, na mas maayos na ang lahat. Mas okay na, mamahalin pa rin kita. Pero gusto ko na matupad natin pareho ang pangarap natin and sa panahon na nagawa na nating lahat ikaw pa rin ang pupuntahan ko. Ikaw pa rin ang comfort zone ko. Ikaw lang ang para sa akin. Pero gawin nating ang mga pangarap natin. Buuin natin. Para pag dating ng panahon pareho tayong walang pag sisisihan," dagdag pang wika ni Anna habang hawak ang magkabilang pisngi ni Paulo.
"Anna, mahal na mahal kita. And ayaw ko na malayo ka sa akin, pero ayaw ko din ng na maging hadlang sa mga pangarap mo," wika ni Paulo sa pagitan ng kanyang pag iyak.
"Anna, huwag mo akong iiwan. Huwag mo akong susukuan. Hihintayin kita, kapag pareho na nating natutpad ang pangarap natin, andito lang ako parati sa iyo. Basta huwag mo lang ako iiwan," muli pang dagdag ni Paulo.
"Mahal din kita. At kahit inaabot ko itong pangarap ko, lagi mong tatandaan na ginagawa ko ang lahat ng ito hindi lang para sa akin at pangarap ko, hindi lang parasa pamilya ko, hindi lang sa mga kaibigan ko na sumusuporta sa akin, pati rin sa iyo. Lalung-lalo na sa iyo. Dahil kung hindi dahil sa iyo, hindi ako magkakalakas ng loob para gawin ito. Basta lagi mong tandaan na ikaw lang ang para sa akin. Ako ang magiging number one fan mo. Magkasama man tayo or hindi," mahabang wika ni Anna.
Dahil sa assurance na binigay nila sa isa't-isa ay mas lalo pa nilang sisikapin na abutin ang kanilang mga pangarap, lalu pa nilang ipaparamdam ang kanilang pagmamahal na hindi iniisip ang sasabihin ng iba. Basta ang mahalaga suportado nila ang kani-kanilang karera, kasama na rin ang kanilang pamilya at mga kaibigan.