webnovel
#HALO

When Music and Hearts Collide

“Hi! Kami ang Padayon! Sulong nang sulong, hindi uurong PADAYON! Magandang Araw po!” sigaw ng grupo. “PA..DA..YON….PA..DA..YON…” ganting sigaw ng mga tao. Sila ang PDYN o mas kilala sa tawag na Padayon, and bagong boy group na nagrerepresenta sa Pilipinas. The group was formed last October 2015 through an Idol Survival Show called Padayon Project. The show aims to promote Filipino culture through music and arts. From thousands of auditionees, lima ang naiwan at ngayon nga ay tinatawag na PDYN. The group is composed of Paulo, the leader, Joshua, the main rapper, Lester, the main vocal, Kenji, the Main Dancer, and Jeremiah, the youngest in the group. Hindi naging madaling ang simula para sa kanila. Nabuo man ang kanilang grupo noong 2015 ngunit dumaan pa rin sila sa matinding ensayo at training. Noong 2017 lamang ang official debut ng grupo with their carrier single “Ikaw Pa Rin”. Nakapag debut man, hindi pa rin naging madali ang lahat para sa kanila. Naging mabagal ang usad ng kanilang career dahil sa bagong konsepto na kanilang sinusubukan. Dumating din sa punto na halos mabuwag na ang grupo dahil sa mabagal nga na usad ng mga karera nito. Ngunit ganun pa man ay nagpatuloy pa rin sila sa pag eensayo at pag tetraining. Subalit isang umaga, nagulat na lang sila na nag viral ang kanilang practice video sa Facebook. They did not expect that they will blow up just overnight. Dahil sa pag viral nila sa social media, nabigyan ng kaliwa’t kanan na atensyon ang kanilang grupo. Nagsimula na rin silang mag guest sa iba-ibang TV Shows, Music Programs, Interviews, at Radio Programs. Ang kanila Agency na Show Magic Entertainment ay pinaigting ang kanilang presensya sa social media. Naglalabas sila ng content sa iba’t -ibang social media platforms para na rin pasasalamat sa mga taong walang sawang sumusuporta sa kanila. Tinawag nila ang kanilang mga tagahanga na “Ayon” dahil naniniwala sila na lahat ng tinatamasa nila sa ngayon ay naayon lamang sa support ng mga ito. At kundi dahil sa pag ayon nila sa hatid nilang musika ay hindi nila maabot ang mga bagay natatamo nila ngayon. PDYN has been a household name in local entertainment industry. And furthermore, they are now penetrating the international music scene in just 2 years since their debut. Maraming local and international shows and collaboration na ang naka line-up sa kasalukuyan. Isama pa ang mga local engagement nila sa mga brands and shows. Naging youth ambassadors din sila ng bansa at lumilibot sa buong Pilipinas para naging spokesperson sa mga kabataan. Pero sa likod ng limelight, paano kaya sila bilang isang tao. Bilang anak? Kapatid? Kaibigan? Paano nga ba nila hinaharap ang mga problema nila sa sarili, pamilya, kaibigan, at kahit sa pag-ibig? DISCLAIMER: This is a work of fiction. All characters, business, events and incidents are the products of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Larrian1447 · คนดัง
Not enough ratings
41 Chs
#HALO

CHAPTER 4: TEASING PAULO

"Ay, ano yun? May pag ngiti nagaganap?" tukso ni Lester.

"Bakit ba ang tamis ng ngiti ng ating Lover Boy?" segunda ni Joshua.

"Hindi ah. Kung anu-ano sinasabi nyo. Ituloy nyo na stretches nyo!" banat ni Paulo.

"Galit-galitan para hindi ma hotseat," wika naman ni Kenji.

"Hay naku Pau, obvious ka naman kanina," pahayag ni Jeremiah.

"Anong obvious ang sinasabi nyo dyan?" maang tanong nya.

"Hala sige maang pa," sabi ni Joshua.

"Tigilan nyo nga akong apat. Kung anu-ano ang iniisip nyo," wika nito

"Wala naman kasing masama noh. Maganda si Miss Anna. Kahit sino naman mapapansin siya talaga," pahayag ni Lester.

"Oo nga. Mukha kasi siyang maamo at mabait," segunda ni Jeremiah.

"Kaya nga. Paghanga palang naman eh. First impression ba. At tsaka Paulo, iwas iwasan mo yang lagi kang nakasimangot at nakakunot ang noo. Bibilis ka tatanda niyan. Twenty-six ka pa lang pero para kanang forty," mahabang litanya ni Joshua.

"Chill ka lang minsan. Para naman medyo umaliwalas ang aura mo," suggestion ni Lester sa kanya.

"Oh sige na, sige na. Noted na yan. Subukan ko na. Pero sa ngayon, balik practice na," pag iiba nya ng usapan sa mga kasama.

"Hindi 'Dre, subukan mo, wala namang masama," seryosong sabi ni Kenji.

"Wow 'Dre, seryoso ka ah," biro ni Lester kay Kenji dahil sa tinuran nitong payo para kay Paulo.

Bumalik na sa kanilang ginagawa ang grupo, at habang ng eexercise sila ay napaisip din si Paulo sa mga nangyari nang una niya makita si Anna kanina sa meeting room. Hindi niya mapagkakaila na napatigil siya sa pagkakita niya dito kanina. Hindi niya rin maintindihan kung bakit para bang bumagal ang oras at biglang lumakas ang tibok ng dibdib niya kanina. Hindi niya inaasahan ang ganong pakiramdam. Ngayon pa lang niya ito naramdaman. Kahit sa una babaeng kanyang nagustuhan ay wala siyang ganitong pakiramdam. Para bang sila lang dalawa ni Anna ng nasa loob ng kwarto at isang romantic na kanta ang nasa background.

Nasa ganoon siyang pag-iisip ng biglang may tumawag sa pangalan niya na nagpabalik sa kanya sa realidad.

"Paulo! Paulo!" tawag ni Ms. Cynthia Mercado.

Si Miss Cynthia ay ang kanilang personality development teacher.

"Yes po," wika niya na may pagkagulat. Hindi niya namalayan na nasa harapan na pala nila si Miss Cynthia.

"Paulo are you okay?" nag aalalang wika ng guro.

"Yes Ma'am, perfectly fine," biglang sagot nito.

"Naku Miss Cynthia may iniinda. Tinamaan po kasi yan kanina," nakatawang sabi ni Jeremiah.

"Tinamaan ng ano? Anong ba ang nangyari?" nag-aalalang tanong ni Miss Cynthia.

"Naku Ma'am okay lang, masarap na tama naman po yung tinutukoy namin," nakangiting paliwanag ni Joshua.

Napakunot ang noo ni Miss Cynthia sa mga naririnig.

"Tinamaan po kasi siya ng pana ni kupido, kaya ayan lutang. Parang nasa heaven pa yata," wika naman ni Lester.

Napangiti naman si Miss Cynthia sa mga narinig mula sa kaibigan ng binata.

"Naku Miss Cynthia huwag kayo makinig dyan sa mga barberong yan," pagtanggi niya sa mga tinuran ng kasama.

"Boys will be boys," palatak ni Miss Cynthia.

"Okay, sige. Mamaya na yang lovelife nyo ah," nakangiting turan ng guro.

"Ah by the way, Paulo, can you ask Miss Rosie for the handouts that I asked to be printed yesterday," request ni Miss Cynthia kay Paulo.

"Po?" nabiglang tanong nito.

"Ayon. Ayos," nakangiting sabi ni Lester at nakipag high five pa kay Kenji.

"Yung handouts na pinaprint ko kay Miss Rosie yesterday. Kailangan natin yun today," ulit nito sa binata.

"Ako po?" tanong ulit nito.

"Yes ikaw. May iba pa bang Paulo dito? Are you sure you are okay Paulo? Baka naman may sakit ka?" nag aalalang tanong ng Guro.

"Ah, wala po. Okay po. Kukunin ko po," tulirong sagot ng binata at tuluyan ng tumayo.

"Goodluck 'Dre!" malakas na biro ng mga kasama niya.

Habang binabagtas niya ang may sampung hakbang lamang na pagitan mula sa practice studio at opisina, hindi magkamayaw ang dibdib niya sa sobrang kaba.

Gusto niyang magpasaklolo sa mga kagrupo ngunit alam niyang lalu lang siyang tutuksuhin ng mga ito.

"Okay Paulo, kaya mo yan. May kukunin ka lang," pagkokondisyon niya sa sarili.

Inhale. Exhale.

Pagtapat niya sa pinto ng opisina ay nakita niyang nakatalikod si Anna dahil may inaayos ito sa filing cabinet habang kumakanta.

Hindi napigilan ni Paulo na titigan muna ito at panoorin ang mga ginagawa nito. Napapangiti siya ng makita niya ang pagkilos ng dalaga.

Biglang humarap si Anna na nagpabigla sa kanya at nagpawala sa ngiti sa kanyang mga labi.

"Ay, kabayo ka," nabiglang sambit ng dalaga.

"Ay sorry. Sorry. Kanina ka pa ba dyan?" tanong nito.

"Ah hindi, may pinapakuha lang si Miss Cynthia. Pinaprint nya daw kahapon. Kailangan daw namin ngayon," wika niya sa dalaga.

"Ay oo ito. Andyan na pala siya," sambit ng dalaga.

"Oo, kararating lang," wiki naman ni Paulo.

Kinuha ni Anna ang mga handouts at inabot ito kay Paulo.

"Salamat!" wika ni Paulo.

"You're welcome," nakangiting sambit ng dalaga.

Agad na tumalikod ang binata at dali daling bumalik sa practice room. Hindi na rin namalayan ni Paulo na sumunod ang dalaga sa kanya.

"Excuse me po," wika ni Anna.

Lumapit naman si Miss Cynthia sa kanya.

"Hello po Miss Cynthia. Ako po si Anna, ako po ang mag aassist sa mga activities ng group while Miss Rosie is busy with Padayon Project Season 2. Kung may kailangan po kayo, feel free to inform me po," mahabang pakilala ni Anna sa guro.

Nagsalita naman ang guro at sinabing "You are such a nice girl. And very beautiful. Kaya pala ganun nalang ----,"

"Miss Cynthia start na po tayo," putol ni Paulo sa sasabihin pa ni Ms. Cynthia.

"Oh, please go ahead po, nasa kabilang room lang po ako just in case you need anything," sabi ni Anna.

"Thank you! Nice meeting you Anna," wika ni Miss Cynthia.

"Nice meeting you too Ma'am," wika ng dalaga.

Nagtungo na pabalik ng opisina si Anna samantalang bumalik na sa harapan si Miss Cynthia.

"Now, I know kung bakit tulala itong si Paulo. She is pretty. Her name suits her. Anna," kinikilig na wika ng guro.

"Oyyy," sigawan ng mga kagrupo niya.

Pagkatapos ng kantiyawan ay nagsimula na ang kanilang klase para sa umagang iyon.