Tumagal din ng halos isa't kalahating oras ang kanilang class with Miss Cynthia.
"Okay boys, you are dismissed," pangwakas na sabi ni Miss Cynthia.
"Thank you po!" wika naman nila.
Tumayo sila para lumabas si ng practice studio ng biglang sumulpot si Anna sa may pintuan.
"Miss Cynthia, salamat po for today. And again nice meeting you po," sambit ni Anna.
"You are most welcome my dear. Oh, pano, ako ay mauuna na at may lunch date ako with my son. Bye boys. Bye Miss Anna," paalam ni Miss Cynthia.
"Bye po!" sabay-sabay nilang wika
"Ingat po Miss Cynthia," pahabol ni Paulo.
Lumingon si Miss Cynthia at nagtuloy sa paglakad palayo sa kanila.
"Ah guys, you can have your lunch na and be back by 2:30 pm for your practices," nakangiting wika sa kanila ng dalaga.
"How about you Miss Anna? Hindi ka pa mag lunch?" tanong ni Joshua sa kanya.
"Ah, kakain na rin pero may tinatapos lang ako na printing." wika naman niya rito.
"Hintayin ka na namin Miss Anna. Sumabay ka na sa amin. Para bonding din tayo," wika naman ni Jeremiah.
"Oo nga. Lunch date tayo, para masaya," segunda ni Lester.
"Diba Paulo?" tanong nito kay Paulo.
"Oo," maikling sagot naman nito.
"Naku, nakakahiya namang sumabay sa inyo," nahihiyang wika ng dalaga.
"Hala siya. Okay lang yan. Si Ate Rosie kasabay din namin kumain," wika ni Lester.
"Hay! Wala ng ah.. eh… Mag aayos lang kami ng gamit at mag lunch na tayo," pinal na sabi ni Joshua.
"Oo nga gutom na ako," sambit naman ni Kenji.
"Oh sige. Ayusin ko lang gamit ko," wika naman ni Anna.
"Ayos. Tara na at nagugutom na ako," sabi ni Jeremiah.
Pagkatapos ng halos sampung minuto ay sabay-sabay na silang sumakay ng elevator at lumabas ng building para kumain ng tanghalian.
Napagpasyahan nilang pumunta sa isang fast food restaurant na nag ooffer ng karaniwang pizza at pasta.
Masaya silang umoorder ng may biglang may tumawag kay Paulo.
"Sandali lang ah," paalam niya sa iba para sagutin ang tawag ng kanyang kapatid.
Tumayo si Paulo para sagutin ang tawag habang sinundan naman siya ng tingin ni Anna.
"Ganun ba talaga siya?" wala sa sariling bulalas ng talaga.
"Ha! Si Paulo? Oo napaka serious noong taong yun. Pero extra siya today," paliwanag ni Lester.
"Baka may problema siya kaya ganun," wika naman niya.
"Para kasing iba yung personality nya pag nakikita ko sa mga shows," dagdag pa niya.
"Pinapanood mo kami?" tanong ni Kenji.
"Oo naman," sagot niya.
"Para malaman ko kung paano ko kayo pakikitunguhan," nakangiti niyang wika.
"Oh talaga? O sige nga, ano nadiscover mo sa amin?" manghang tanong ni Jeremiah.
Sa gitna ng kanilang usapan ay bumalik na si Paulo sa kanyang upuan.
"Oh sino yun?" tanong ni Joshua.
"Yung kapatid ko. Nagpapatransfer ng pera kasi may kailangan bilhin para sa project. Nakalimutan ko na kanina kasi nabusy na tayo," paliwanag niya.
"Ah," wika naman ni Joshua.
"Dali Miss Anna anong impression mo sa amin based dun sa mga napanood mo and ngayong na meet mo na kami today?", anong ni Jeremiah.
Bago makapag salita ang dalaga ay dumating na ang kanilang order.
"Sige na nga. Dahil makulit ka ikaw ang uunahin ko. Parang ang sweet ng personality mo and maamo yung mukha mo. Natatawa ako sa iyo kasi ang dami mong jokes kahit medyo off yung iba," wika niya tungkol kay Jeremiah.
"Noong nakilala kita today, parang ganun pa rin naman. Makulit. Tingnan natin sa mga susunod na araw," dagdag niya.
"Si Joshua naman," wika niya sabay tingin kay Joshua.
"Parang may swag, may angas. Parang Idol singer na Robin Padilla ba," wika niya habang nakangiti dito.
"Then kanina, ganun pa rin naman. Medyo maloko rin," patuloy niya.
"Si Kenji, hindi siya madalas marinig magsalita, sa personal ganun din naman. Medyo tahimik siya. Lagi nyo kasi sinasabi weird siya, pero hindi ko pa nakikita. Wait ko sya," wika ng dalaga habang nakangiti kay Kenji.
"Naku. Naku. Si Lester walang duda na komedyante nyo nga siya. Ang daming alam," panimula nya.
"At ito napansin ko. Kaya nyang palabasin kakulitan ni Kenji. Totoo nga sabi ni Miss Rosie. Pag magkasama na kayong dalawa riot na," natatawa niya sabi.
"Tsinitsismis kami ni Ate Rosie? Grabeh siya," nakatawang sintir ni Lester na nagpatawa sa lahat.
Habang nagsasalita si Anna ay nakikinig at nakikitawa lang si Paulo sa mga sinasabi nito. Natutuwa siya pag nakikita niya ang mga ngiti nito.
Biglang tumingin si Anna sa kanya na nag pabilis sa tibok ng puso niya at bigla nalang nag salita ang dalaga.
"Si Paulo naman," panimula ni Anna.
He was nervous and at the same time excited with what Anna had to say about him.
"Siya yung medyo malaki ang difference sa TV and personal," dagdag ni Anna na nagpakunot sa noo ni Paulo na agad namang nag salita at depensahan ang sarili.
"Uy wala akong masamang ibig sabihin doon ah," biglang sabi nito.
Tumango lang si Paulo.
"Napansin ko lang na seryoso yung dating mo, parang mysterious type. Parang ang sarap malaman ng mga tumatakbo sa isip mo," nahihiyang wika nito.
"Oh," malakas na sigaw ng apat na lalaki.
Na nagpangiti ng bahagya kay Paulo.
"Uy hindi nakaka challenge lang kasi tignan para kasing pang romantic novels yung aura niya," pagdedepensa nya sa sarili.
"Grabeh naman, sa akin makulit, sa kanila tahimik, maangas, sweet, pero kay Paulo parang pang movie or drama. Iba ka Fafa Paulo," nang aasar pa ni Lester.
"Hindi. Yun lang kasi napansin ko. Over-all mukhang mabait naman kayong lahat," wika pa nya.
Habang kumakain sila ay puro tawanan lang sila.
Maya maya pa ay may naitanong si Joshua kay Anna.
"Miss Anna medyo personal lang ito ah. May boyfriend ka ba?" wika nito na nagpasamid naman sa kumakain si Paulo.
"Uy, okay ka lang 'Dre?" tanong ni Kenji habang hinahagod ang likod ng kaibigan.
"Okay lang. Ang anghang pala'" wika niya.
"Ayan, nasamid itong isa sa tanong mo Joshua. Pero oo nga Miss Anna, meron ba? Hindi ba siya seloso kung parati mo kaming kasama?" segunda ni Jeremiah.
"Naku wala akong boyfriend! Istorbo lang yang mga yan. Manloloko pa," bitter niyang sabi.
"Hindi naman lahat Miss Anna. Parang sa tono mo eh na broken hearted ka. Tama ba ako?" tanong ni Lester.
"Hindi naman, pero wala dyan ang isip ko," wika niya habang nakatingin sa kanyang relo.
"Halika na at mag 1:30 na. Kailangan na nating bumalik," wika niya habang inaayos ang kanyang gamit.
"Oo nga. Tara na. Sobra na ang daldal nyo. May next activity pa tayo," wika ni Paulo para maibaling na rin sa iba ang usapan.
At sabay-sabay silang tumayo pabalik ng kanilang building.