Matapos ang pakikipagusap ni Paulo kay Sir Charlie ay agad naman siya tumungo sa kanilang practice room. Wala pa ang kahit sino sa kanyang mga ka-grupo at maging si Anna ay wala pa rin sa karaniwang pwesto nito. Dahil sa napaaga ay minabuti na lang muna ni Paulo na manatili sa kwarto at kinuha and kanyang gitara at nagpatugtog ito. Sinasabayan niya ng pag awit habang tumutugtog ng gitara. Hindi niya namalayan na may dumating pala at pinapanood lang siya. Pag katapos ng isang kanta ay nagulat na lang siya ng may pumalakpak mula sa kanyang likuran na kinagulat naman ng binata.
"Wow naman. Ang agang vocalization," papuri ni Anna habang pumapalakpak.
"Andyan ka na pala. Napaaga lang ng alis sa bahay. May ginawa pa kasi ako," sagot naman ng binata.
Nanatiling tahimik ang dalawa na para bang nagpapakiramdaman. Unang bumasag sa katahimikan na ito si Anna ng may itanong ito kay Paulo.
"Oo nga pala. Napadaan ka daw sa bahay kahapon sabi ni Kuya?" pagtatanong ni Anna.
"Ah. May ipinagpaalam lang ako kay Kuya Anton," wika naman ni Paulo.
"Ipinagpaalam? Kay Kuya? Ano naman yun?" nagtatakang tanong ni Anna.
"Malalaman mo din," nakangiting sagot ni Paulo.
"Hala siya! Ano ba iyon? Nacurious tuloy ako," naguguluhang panimula ng dalaga.
"Alam mo nahihiwagaan na ako sa iyo. May mga bagay kang sinasabi na hindi ko na maintindihan. Ngayon naman nagpaalam ka kay kuya. Ano ba iyon?" nakakunot ang noong pagtatanong ni Anna.
Ngumiti lang si Paulo at tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig at humakbang palapit kay Anna.
"Meron akong sasabihin sa iyo. Pero sana pag nalaman mo ito hindi magbabago ang pakikitungo mo sa akin," panimula ni Paulo.
"Ano ba yun?" hindi mapakaling tanong ni Anna.
"Ganito kasi Anna," wika ni Paulo at huminga ng malalim.
"Anna, hindi ko kasi mapaliwanag nararamdaman ko." dagdag pa ni Paulo.
Napakunot ang noo ni Anna at hindi nakatugon sa tinuran ni Paulo.
"Bakit? Masama ba pakiramdam mo?" nag aalalang wika ni Anna sabay sapo sa noo ni Paulo.
"Hindi," sagot naman ng binata.
"Eh ano ba?" nalilitong tanong ni Anna.
"Kasi Anna unang kita ko pa lang sa iyo noong pinakilala ka nila Sir Charlie ay parang nag slow mo yung paligid. Ikaw lang yung nakikita ko ng panahon na iyon. Akala ko dahil first time kitang nakita ng araw na iyon. Pero dumaan ang mga araw na lalu ako napapalapit sa iyo. Lalu kita nakikilala at lalong nahuhulog ang loob ko sa iyo," mahabang wika ni Paulo at kinuha ang kamay ni Anna at nagpatuloy magsalita.
"Naalala mo noong nagkita tayo sa mall kasama nga kaibigan mo? Nakita ka naming kumakanta and tulad ng una nating pagkikita, nag slowmo ulit ang paligid. Noong nakita ko kung gaano kagaan ang loob sa iyo ni Mama at mga kapatid ko natutuwa ako. Noong dumating si Athena sa birthday ng kapatid ko sabi nya na nakatingin ka lang sa amin. Alam mo ba na hinihiling ko na deep inside nag seselos ka kasi kasama ko siya. Anna ayaw ko mag assume sa nararamdaman mo. Pero sasabihin ko sa iyo ng tapat ang nararamdaman ko. Mahal kita Anna. Sinubukan kong iwasan itong nararamdaman ko para sa iyo dahil sa pagkakaibigan natin. Pero wala eh. Mas malakas yung pagmamahal na meron ako para sa iyo. Kaya hinarap ko ang kuya mo para magpaalam sa kanya at sa pamilya mo na ligawan kita at mapatunayan sa iyo ang feelings ko," mahabang dagdag pa ni Paulo.
Namayani ang katahimikan sa pagitan ng dalawa ng halos ilang minuto. Hindi nakasagot si Anna sa mga tinuran ni Pablo. Hindi niya naisip na magtatapat sa kanya ang binata.
"Ah. Hindi ko alam isasagot ko sa iyo," tanging nasabi ni Anna.
"Alam ko nagulat kita. Hindi naman kita mamadaliin. Handa naman akong mag hintay. Handa akong patunayan sa iyo itong nararamdaman ko," muling wika ni Paulo.
"Paulo, nagpapasalamat ako sa paghanga at damdaming ibinibigay mo para sa akin. Espesyal ka rin naman para sa akin. Mahalaga ka rin para sa akin. Salamat sa pagbibigay sa akin ng chance na pag-isipan ang mga bagay na ito. Sa kasalukuyan ay naguguluhan ako at kakailanganin ko ng oras para makapag isip," wika ni Anna.
"Hindi naman kita mamadaliin Anna. Habang nag-iisip ka ay papatunayan ko rin sa iyo na tapat ang hangarin ko sa iyo. Ang mahalaga sa akin sa ngayon ay nasabi ko na ito sa iyo." nakangiting wika ni Paulo.
"Salamat Paulo sa pang-unawa. At sorry rin. Hindi ko kasi alam sa ngayon ang dapat kong sabihin," sagot ni Anna.
"Wala yun. Take all the time that you need. Hindi kita mamadaliin," muling wika ng binata
Natigil lamang ang kanilang pag-uusap ng maulinigan ang iba pang miyembro na parating na sa silid kung saan sila naroon.