Nagtungo na si Anna sa kanyang maliit na opisina katabi ng practice room ng grupo. Ngunit hindi pa rin maialis ang gulat sa kanya dahil sa pag amin ni Paulo tungkol sa nararamdaman ng binata para sa kanya. Hindi maitatangging espesyal din naman ang mga ito sa kanya lalung-lalo na si Paulo dahil sa mga bagay na pagkakapareho at pagkakaiba nila. Ngunit ni minsan ay hindi niya tinignan ang pagturing niya rito ng higit pa sa kaibigan. Hindi dahil sa wala siyang pag tingin dito. Pero dahil hindi nya binigyan ng pansin ang ganoong damdamin para rito. Siguro dahil na rin sa pagkakaibigan na kanila ng nabuo.
Nasa ganoong pag-iisip si Anna ng bigla siya tawagan ng kanyang kaibigang si Nadz.
"Uy Girl, musta?" panimula ni Nadz.
Ngunit walang tumugon sa kanya sa kabilang linya.
"Hello! Anna?" muling tawag pansin ni Nadz sa kaibigan.
"Ay! Hello! Nadz. Napatawag ka?" tanong ni Anna.
"Lutang ka Girl! Sabaw-sabaw lang?" tawa ng tawang sambit ni Nadz.
"Ang aga-aga, lutang ka na," pagtatanong ng kaibigan ni Anna.
"Hindi, May iniisip lang," sagot naman ni Anna dito.
"Bakit ka nga pala napatawag?" muling tanong ni Anna.
"Naku Girl! Si Dea nagdadrama. Nag-away yata sila ng Jowa nya," wika ni Nadz.
"Ha? Bakit daw?" tanong ni Anna.
"Naku Girl, hindi ko rin alam. Tumawag lang sa akin at ngumangawa," sagot naman ni Nadz.
"Available ka ba mamaya? Ilabas natin tong si Dea," tanong ni Nadz sa kanya.
"Mamaya? Okay lang naman. Pero mga after 5 pa," sabi naman ni Anna.
"Oo. Keri lang. Or dyan na lang kaya tayo sa apartment mo. Baka magngangawa pa sa labas. Nakakahiya lang," natatawang sambit ni Nadz.
"Sige sa bahay na lang. Mag order or luto na lang tayo," pag sang ayon ni Anna sa ideya ng kaibigan.
"Sunduin ko na lang si Dea tapos diretso na lang kami dyan," wika ni Nadz.
"Sige. Sige. See you later," pagtatapos ni Anna sa tawag ng kaibigan.
Dumaan ang buong maghapon ng hindi alam ni Anna kung paano niya nairaos. Dumadating sa punta na bigla na lang niya maaalala nga sinabi ni Paulo sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman. Kaya sumakit na ang ulo niya sa kakaisip dito.
Ilang minuto bago mag ala singko ng hapon ay narinig niya ang mga boses ng lalaki palapit sa kanyamg kwarto. Ilang minuto lang ay may dumungaw sa kanyang pintuan.
"Hello Miss Anna," bati sa kanya ni Lester.
"Oh kayo pala. Pauwi na kayo?" tanong niya sa mga ito.
"Oo. Ikaw ba hindi pa uuwi?" balik na tanong naman ni Joshua sa kanya.
"Uuwi na rin. May mga bisita ako. And masakit rin ulo ko eh," sambit naman niya sa mga ito.
"Uminom ka na ng gamot? Bakit sumakit ulo mo? Dapat inagahan mo na lang ang uwi," nag aalalang wika ni Paulo.
Napatulala si Anna sa mga sinabi ni Paulo samantalang napakunot naman ang noo ng apat na binata.
"Uy! Wait! Chill ka lang Pau," natatawang wika ni Jeremiah.
"Hindi. Okay lang naman. Kaya ko naman," nahihiyang wika ni Anna sa mga ito.
"Ang mabuti pa ay sabay-sabay na tayong bumaba. Hatid ka na namin sa apartment mo," wika ni Joshua.
"Naku hindi---," pagtangi ni Anna.
"Shhs. Basta. Sumabay ka nasa amin. Hindi rin kami mapapakali," putol ni Lester sa mga sasabihin pa ni Anna.
Muling itinuon ni Anna ang pag aayos ng kanyang gamit at sabay-sabay silang bumaba sa lobby. Pagdating nila sa lobby ay hindi inaasahang andun na ang kanyang mga kaibigan.
"Anna!" tawag pansin ni Nadz sa kanya.
Lumapit si Nadz at Dea sa kanila. Habang biglang napaiyak si Dea at yumakap sa kanya.
"Anna," sambit ni Dea habang umiiyak.
"Nagulat si Anna at ang limang lalaki sa pagiyak ni Dea.
"Naku! Pasensiya na. May pinagdaraanan lang ito," nahihiyang wika ni Nadz sa grupo.
"Ano ba Dea. Umayos ka. Nakakahiya ka," pagsuway ni Nadz kay Dea.
"Anna!" lalo pang lumakas na iyak ni Dea.
"Ah. Pasensiya na. Una na kami sa inyo," paalam ni Anna samga ito.
"Sumabay na kayo sa amin. Same way naman," wika ni Kenji.
"Oo nga. Para hindi na lalo ma stress kaibigan ninyo," dugtong naman niJeremiah.
Upang hindi na maka agaw pansin pa sa iba ang pag-iyak ni Dea, minabuti nilang sumabay na lang sa sasakyan ng grupo.
Pagdating sa tapat ng kanyang apartment ay nagpasalamat at nagpaalam na mga dalaga sa grupo.
"Maraming salamat sa paghatid at pasensiya na rin sa abala," humihingi ng paumanhin na wika ni Anna.
"Naku wala yun. Hindi naman out of the way," wika naman ni Joshua.
"Maraming Salamat po," pasasalamat din ni Nadz.
"Sige, uuna na kami," paalam ni Lester sa mga dalaga.
Papasok ng ng Apartment si Anna at kanyang mga kaibigan ng biglang magsalita si Paulo na nagpalingon sa kanya.
"Anna, uminom ka ng gamot at magpahinga ka," bilin ni Paulo sa kanya.
Tanging pagtago lang ang naging sagot ni Anna sa mga tinuran ni Paulo bilang pag sang ayon sa mga tinuran nito.