Makalipas ang ilang sandali ay lumabas na rin si Anna mula sa kanyang kwarto. Nadatnan niyang nag uusap si Paulo at ang kanyang Kuya.
"Pasensya na natagalan ako," paghingi ng paumanhin ni Anna.
"Naku, okay lang. Kausap ko naman si Kuya Anton," wika naman ni Paulo.
"Ah paano, mauuna na ako. Hating gabi na rin. And kakausapin ko pa ung kapatid ko," nakangiting dagdag pa nito.
"Ah. Siya sige mag-iingat ka," bilin naman ni Anton sa kanya.
"Salamat po kuya sa pagpapatuloy at sa ipinahiram nyo pong damit," pasasalamat ni Paulo.
"Wala iyon. Mag-iingat ka," sagot naman ni Anton sa kanya.
"Kuya hatid ko lang siya sa may gate," paalam ni Anna na tanging tango lang ang sinagot ng kapatid.
"Tara na," aya ni Anna kay Paulo palabas ng kabahayan.
"Anna, maraming salamat sa lahat ah. Sa pagsama sa akin at hindi pag-iwan. It really mean so much to me," seryosong wika ni Paulo sa dalaga.
"Wala yun. Siyempre magkaibigan tayo. At kaibigan ko na rin naman ang pamilya mo," sambit naman ni Anna.
"Basta, I owe you a lot talaga. And you just don't know how much it means to me," muling pasasalamat ni Paulo.
"Sige na, umuwi ka na. Nahihiya na ako," nakangiti wika ni Anna sa binata.
"Sige. Kita na lang tayo sa office. I have a lot to tell you. Ayusin ko lang muna itong sa kapatid ko," makahulugang wika ng binata.
"Hala! Ano yun? Kinakabahan naman ako," naguguluhang wika ni Anna.
"Hindi naman. Basta. Mauna na ako. Bye," paalam ni Paulo.
"O siya. Sige. Mag-ingat ka," balik na paalam ni Anna.
"Mag text ka sa akin pag nakauwi ka na ah," pahabol pa nito sa binata bago tuluyang umalis lulan ng kanyang sasakyan.
Binaybay ni Paulo ang daan pauwi sa kanilang bahay at marami siyang narealized sa araw na ito. Mga bagay na hindi niya binigyan ng pansin noon dahil sa mga responsibilidad na siya mismo ang nag atang sa kanyang sarili.
Makalipas pa ang ilang sandali ay nakarating na siya sa kanilang bahay. May sarili siya susi at hindi na inistorbo ang mga tao roon. Pagpasok niya sa bahay ay agad niyang nakitang nakaupo ang kanyang kapatid na si Pauline sa dining table habang umiinom ng kape.
Lumapit siya sa kinaroroonan ng kapatid. Nang naramdaman ni Pauline na papalapit ang kanyang Kuya ay siya namang tayo niya upang bumalik sa kanyang kwarto.
"Sorry," wika ni Paulo sa kapatid.
"Alam kong galit ka sa akin dahil sa nangyari kanina. Sorry. Napangunahan lang ako ng emosyon ko. Nagkamali ako," dagdag pa ni Paulo.
Nagsimula ng umiyak si Pauline at humarap sa kanyang nakakatandang kapatid.
"Hindi naman ako galit sayo Kuya. Nagtatampo, oo," wika ni Pauline kasabay ng kanyang pag-iyak.
"Kuya na hurt lang ako kasi hindi ka nagtitiwala sa akin. Hindi mo muna ako pinakinggan," dagdag pa ng kapatid.
"Pasensya na. Alam mo naman na ayaw ko lang kayong masasaktan. Pero siguro nga nakalimutan ko na hindi na kayo katulad ng dati na mga maliliit pa. Narealize ko na dalaga ka na. At may mga ganun talagang pangyayari sa buhay. Hindi ko rin lang siguro na ihanda ang sarili ko na darating ang panahon na bukod sa akin at kay Papa ay mag iba ng lalaki or tao kayong masasandalan," mahabang wika ni Paulo na halos naiiyak na rin.
"Thankful ako kasi ikaw ang naging kuya ko. Walang halong biro. Noong nag abroad si Papa, ginawa mo lahat para maging haligi naming lahat. And I admire you for that. You sacrificed your own happiness and dream para sa amin. Pero kuya, don't be to hard on yourself. Live how you want it. Love like there is no tomorrow. Kasi gusto ko happy ka," wika ni Pauline sa kanyang Kuya.
"And Kuya, this one thing na I will assure you, magtatapos ako ng pag-aaral. Sige aaminin ko sa iyo, nag sabi si Zach ng feelings niya sa akin. Pero sinabi ko sa kanya na magtatapos muna ako ng pag-aaral. Naiintindihan naman niya iyon. Oo malapit ako sa kanya. At oo may feelings din ako sa kanya. Pero kung talaga namang seryoso siya sa akin, alam kong maghihintay siya at maiintindihan niya. I just want you to trust me Kuya," muling wika ni Pauline habang nakatingin sa mata ng kapatid.
"I trust you naman. I was just afraid na baka masaktan ka. And kung mangyayari yun, hindi ko mapapatawad ang sarili ko na wala akong ginawang paraan para hindi ka masaktan," sagot naman ni Paulo.
"Kaya mahal ka namin Kuya eh. You always put us first before your own happiness. Kuya malaki na ako. And I know my priorities. And sobrang nagpapasalamat ako na ikaw ang naging Kuya ko. Sorry din kasi nasigawan kita kanina at tinalikuran kita. I was just really disappointed. Pero you know how much we love you kuya. And I want you to be happy. To be really happy," nakangiting wika ni Pauline.
"Sorry and salamat sa pag intindi," sagot naman ni Paulo.
"Kuya, promise me. You will think of yourself a little more. Hindi ka na bumabata Kuya. Hindi na uso ang mga crushes sa edad mo," nakatawang banggit ni Pauline.
"Aba. Magbabati ba tayo oh magsisimula ka na naman?" naaasar na wika ni Paulo.
"Eh kasi naman Kuya kumilos kilos ka na. Mamaya maunahan ka pa ng iba. Tsaka para naman lumuwag pag babantay mo sa amin," dagdag pang-aasar pa ng nakakabatang kapatid.
"Ah ganon ah," nag aambang suntok ni Paulo.
"Love you, Kuya," nakangiting wika ni Pauline.