webnovel
#HALO

When Music and Hearts Collide

“Hi! Kami ang Padayon! Sulong nang sulong, hindi uurong PADAYON! Magandang Araw po!” sigaw ng grupo. “PA..DA..YON….PA..DA..YON…” ganting sigaw ng mga tao. Sila ang PDYN o mas kilala sa tawag na Padayon, and bagong boy group na nagrerepresenta sa Pilipinas. The group was formed last October 2015 through an Idol Survival Show called Padayon Project. The show aims to promote Filipino culture through music and arts. From thousands of auditionees, lima ang naiwan at ngayon nga ay tinatawag na PDYN. The group is composed of Paulo, the leader, Joshua, the main rapper, Lester, the main vocal, Kenji, the Main Dancer, and Jeremiah, the youngest in the group. Hindi naging madaling ang simula para sa kanila. Nabuo man ang kanilang grupo noong 2015 ngunit dumaan pa rin sila sa matinding ensayo at training. Noong 2017 lamang ang official debut ng grupo with their carrier single “Ikaw Pa Rin”. Nakapag debut man, hindi pa rin naging madali ang lahat para sa kanila. Naging mabagal ang usad ng kanilang career dahil sa bagong konsepto na kanilang sinusubukan. Dumating din sa punto na halos mabuwag na ang grupo dahil sa mabagal nga na usad ng mga karera nito. Ngunit ganun pa man ay nagpatuloy pa rin sila sa pag eensayo at pag tetraining. Subalit isang umaga, nagulat na lang sila na nag viral ang kanilang practice video sa Facebook. They did not expect that they will blow up just overnight. Dahil sa pag viral nila sa social media, nabigyan ng kaliwa’t kanan na atensyon ang kanilang grupo. Nagsimula na rin silang mag guest sa iba-ibang TV Shows, Music Programs, Interviews, at Radio Programs. Ang kanila Agency na Show Magic Entertainment ay pinaigting ang kanilang presensya sa social media. Naglalabas sila ng content sa iba’t -ibang social media platforms para na rin pasasalamat sa mga taong walang sawang sumusuporta sa kanila. Tinawag nila ang kanilang mga tagahanga na “Ayon” dahil naniniwala sila na lahat ng tinatamasa nila sa ngayon ay naayon lamang sa support ng mga ito. At kundi dahil sa pag ayon nila sa hatid nilang musika ay hindi nila maabot ang mga bagay natatamo nila ngayon. PDYN has been a household name in local entertainment industry. And furthermore, they are now penetrating the international music scene in just 2 years since their debut. Maraming local and international shows and collaboration na ang naka line-up sa kasalukuyan. Isama pa ang mga local engagement nila sa mga brands and shows. Naging youth ambassadors din sila ng bansa at lumilibot sa buong Pilipinas para naging spokesperson sa mga kabataan. Pero sa likod ng limelight, paano kaya sila bilang isang tao. Bilang anak? Kapatid? Kaibigan? Paano nga ba nila hinaharap ang mga problema nila sa sarili, pamilya, kaibigan, at kahit sa pag-ibig? DISCLAIMER: This is a work of fiction. All characters, business, events and incidents are the products of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Larrian1447 · Celebrities
Not enough ratings
41 Chs
#HALO

CHAPTER 27: MEET THE BROTHER

Pagkatapos ng ilang sandali ay naisipan ng umalis ng dalawa sa lugar na iyon. Muli silang lumulan sa motor at inihatid ni Paulo si Anna sa kanilang tahanan. Patuloy pa rin ang pag ulan ng dumating sila sa tapat ng bahay ng dalaga.

Kasalukuyang nasa labas ng bahay ang kapatid ni Anna si Anton at hinihintay ang kapatid.

"Anna! Bakit ngayon ka lang? At bakit basa ka? Kayo?" nag aalalang wika ng Kuya ni Anna.

"Sorry Kuya. Naabutan kasi kami ng ulan," pagpapaliwanag ni Anna sa kapatid.

"Naku Sir, pasensya na po. Medyo naabutan po kasi kami ng ulan sa labas," pag segunda ni Paulo sa paliwanag ni Anna.

"Anna, pumasok ka na sa loob. Magpalit ka ng damit at baka magkasakit ka pa," utos ng kapatid kay Anna.

"Kuya pwede bang pahiram muna natin ng damit si Paulo? Basa din kasi siya eh. baka magkasakit rin siya," nag aalalang wika ni Anna sa kapatid.

"Ako na bahala. Magpalit ka na at baka sipunin ka pa," sagot naman ni Anton dito.

Pumasok ng bahay si Anna bilang pagsunod nito sa nakakatandang kapatid. At binalingan naman ni Anton si Paulo pagpasok ni Anna.

"Ano ulit ang pangalan mo?" maawtoridad na tanong ni Anton kay Paulo.

"Paulo po Sir. Paulo Narido po," nakayukong sagot ni Paulo kay Anton.

"Sandali lang. Dyan ka lang," wika naman ni Anton at pumasok sa loob ng bahay.

Pagkaraan ng ilang minuto ay lumabas muli si Anton at iniabot kay Paulo ang isang tuwalya.

"Oh. Mag tuyo ka ng sarili at baka pati ikaw ay magkasakit. Ito din. Magpalit ka ng T-Shirt at short. Baka malamigan ka at magkasipon," wika pa ni Anton kay Paulo.

"Salamat po Sir. Pasensya na rin po sa nangyari," nahihiyang wika ni Paulo sa kapatid ni Anna.

"Oo nga eh. Darating na basang-basa ang kapatid kong babae ng hating gabi at may kasama pang lalaki. Magkaano-ano ba kayo ni Anna?" tanong ni Anton sa nakayukong si PAulo.

"Naku Sir, magkaibigan lang po kami. Nagkaroon lang po ako ng problema at sinamahan niya ako tapos inabutan po kami ng ulan," paliwanag ni Paulo na nananatili lamang nakayuko.

"So, hindi ka boyfriend ng kapatid ko?" pagtatanong pa ni Anton.

"Naku Sir, hindi pa po," sagot naman ni Paulo dito.

"Hindi pa?" tanong muli ng kapatid ni Anna.

"I mean po, hindi po," pagtatama naman ni Paulo.

"Ibig bang sabihin ay balak mong ligawan ang kapatid ko?" dagdag pang tanong ni Anton.

"Ah. Ano Sir. Kasi," hindi alam ni Paulo ang isasagot sa Kuya ni Anna.

"May gusto ka ba sa kapatid ko?" diretsahang tanong ni Anton sa binata.

Nanatiling nakayuko si Paulo at bumuntong hininga ng malalim at tumingin sa mata ni Anton.

"Sir, espesyal po ang tingin ko kay Anna. Magsisinungaling po ako sa inyo kung sasabihin kong wala akong gusto sa kanya," seryosong wika ni Paulo habang nakatingin sa kapatid ni Anna.

"Kaya po kung mamarapatin ninyo, magpapaalam po ako sa inyo, bilang pamilya ni Anna na liligawan ko po siya. Makakaasa po kayo na hindi ko po siya lolokohin at parating poprotektahan," dagdag pa sa mga una na nitong mga sinabi.

Pumasok sa loob ng bahay ang kapatid ni Anna pagkatapos magsalita ni Paulo tungkol sa intensyon nito para sa dalaga.

Habang nasa loob ng bahay si Anton ay hindi mapigilan ni Paulo na kausap ang sarili dahil na rin sa kanyang mga sinabi sa Kuya ni Anna.

"Wrong move ka Paulo. Bakit ka kinakabahan. Bad shot ka na agad," napapailing na wika ni Paulo sa kanyang sarili.

Bumalik si Anton kay Paulo na may dalang kape para sa binata.

"Mag kape ka muna para hindi ka lamigin," alok ni Anton kay Paulo.

"Salamat po Sir," nahihiyang wika ni Paulo.

Muling na mayani ang katahimikan sa pagitan ng dalawang lalaki. Unang bumasag sa katahimikang ito si Anton.

"Seryoso ka ba sa kapatid ko?" tanong ni Anton kay Paulo.

"Opo Sir," agad na sagot ni Paulo.

"Nag-iisang babae lang si Anna sa amin. At talagang pinoprotektahan namin siya. Siguro naman naiintindihan mo yun noh?" sambit ni Anton.

"Naiintindihan ko po. Tatlong babae po ang kapatid ko. At tulad po ng sinabi ninyo, ayaw ko po may masasaktan sa kanila," pagsang ayon ni Paulo sa tinuran ng kapatid ni Anna.

"At ang masaktan ang kapatid ko ay isa sa mga bagay na ayaw kong mangyari sa kanya. Si Anna pa rin naman ang magdedesisyon tungkol sa nararamdaman niya para sa iyo. At ayaw ko naman maging kontrabida sa inyo. Dumaan din naman ako sa ganyan," wika ni Anton.

"Pero isa lang ang hihilingin ko sa iyo. Huwag na huwag mong sasaktan si Anna. Dahil kahit nasaan ka pa, hahanapin kita," nakangiting wika ni Anton kay Paulo.

"Naku Sir, magtiwala po kayo. Napakaimportante ni Anna para sa akin. At pinapangako ko pong protektahan at mahalin ko rin po siya katulad ng pagprotekta at pagmamahal ninyo sa kanya," seryosong wika ni Paulo habang nakatingin kay Anton.

"Oh siya. Magpalit ka ng damit at ayaw ko ng bayaw na sipunin," natatawang wika ni Anton habang inaanyayahan si Paulo papasok ng bahay.

"Salamat po Sir," nakangiting wika ni Paulo.

"Kuya na lang, Paulo," nakangiting sabi ni Anton.

"Salamat Kuya," nakangiting tugon ni Paulo habang nakatingin kay Anton.