Halos mag-aala una na ng madaling araw ng matulog si Anna. Pero mag-aalas kwatro palang ay nagising na siya. Siguro ay namamahay din siya dahil sa ibang kwarto at kama siya natutulog. Ngunit higit sa lahat ay hindi mawala sa isip niya ang mga tagpo nasaksihan niya nang nakaraang gabi sa pagitan ni Paulo at Athena. Hindi maitatanggi na nag-iba si Paulo ng dumating ang kaibigan. Mula sa malayo ay nasusulyapan niya ang mga ito habang seryosong nag uusap. Isa pa ang mga yakap ng dalawa sa isa't-isa.
Matagal silang hindi nagkita, so natural lang na namiss nila ang isa't-isa, pag kausap niya sa sarili sa kanyang isip.
Hindi maipaliwanag ni Anna ang nararamdaman niya. Hindi niya maitatanggi na malapit siya sa buong grupo, pero masasabi niya na iba ang naging samahan nila ni Paulo. Si Paulo ang lagi niyang nakakatulong lalu na sa kanyang trabaho. Si Paulo rin ang laging nagsasabing kaya nya lalu pa ng nalaman nito ang hilig nya sa musika. Lagi ipinaparandam na kaya nya. Kaya hindi niya alam kung ano nararamdaman nya lalu na ng makita niya ang interactions nito kay Athena.
"Anna, ano bang nangyayari sa'yo," wala sa loob na bulalas niya habang napasabunot sa kanyang buhok.
"Ate? Gising ka na?" pupungas-pungas na usal ni Pauline.
"Nagising ba kita? Pasensya na," paghingi niya ng paumanhin dahil sa napalakas niyang bulalas.
"Okay lang. Mag CR din naman ako," wika ni Pauline.
"Hindi ka ba makatulog," tanong pa ni Pauline sa kanya.
"Medyo. Namamahay siguro ako kaya mababaw lang tulog ko," paliwanag niya rito.
"Pareho pala tayo Ate eh," nakangiting usal ni Pauline.
"Gusto mo magkape na lang tayo Ate. Hindi na rin naman ako makatulog eh," tanong pa nito sa kanya.
"Pasensya na. Nagising yata kita," paumanhin ni Anna.
"Okay lang. Besides, linggo naman," paninigurado ni Pauline sa kanya.
Sabay silang nag punta sa kusina upang mag timpla ng kape. Alas kwatro palang ng madaling araw kaya medyo nag-iingat sila sa kanilang kilos. Pagkatapos nilang mag handa ng kanilang inumin ay naupo sila sa may kusina at nag kwentuhan.
"Only girl ka pala Ate?" tanong ni Pauline sa kanya.
"Oo. Ako lang babae at dalawang barako kong Kuya," nakangiting sagot niya na para bang inaalala ang mga kulitan nilang magkakapatid.
"Mahirap ba na mag-isa ka lang?" tanong pa sa kanya ni Pauline.
"Hindi naman. Pero madalas nila ako asarin," pag kukwento niya sa dalaga.
"Pareho kayo ni Kuya. Siya naman nag-iisang lalaki. At lagi din naming inaasar," pagkukwento naman sa kanya ni Pauline.
"Ganun siguro talaga mag biruan ang mga kapatid," wika niya
"Kaya nga bagay na bagay kayo ni Kuya eh," usal ni Pauline habang umiinom ng kape na siya namang naging dahilan ng pag kasamid ni Anna.
"Anong nangyari," tanong ni Pauline habang tumatayo at nilapitan siya.
"Wala. Nasamid lang ako sa sinabi mo," sagot niya rito.
"Pero seryoso Ate. Bagay talaga kayo ni Kuya. Kung magkakagirlfriend lang din naman siya, sana ikaw na lang," mahabang sagot ni Pauline.
"Mag kaibigan lang kami ng Kuya mo," sagot nito.
"So hindi mo gusto si Kuya?" nakakunot ang noong tanong nito sa kanya.
"Hindi naman. Per--," naputol na sagot ni Anna.
"So gusto mo siya?" pangungulit pa ni Pauline sa kanya.
Huminga ng malalim si Anna bago muling nagsalita.
"Gusto ko ang Kuya mo dahil kaibigan ko siya. Tulad din na gusto ko ang company mo," sagot niya sa mga pilyang tanong ni Paulinine
"Mabait naman si Kuya. Gwapo din naman siya. Masungit nga lang kung minsan," pagpuri ni Pauline sa kapatid.
"Oo naman. Mabait, gwapo, at alam ko mapagmahal din naman siya lalu na sa inyo. Sa pamilya nya," paglatag nya pa ng mga katangian ng binata.
"Yun naman pala eh. Alam ko naman na gusto ka rin naman niya," wala sa loob na wika pa ni Pauline.
"Wala namang ganun. And may Athena na siya diba? Mukha naman nagkaayos na sila," pag wika ni Anna na nagpayuko sa kanya at tinitigan ang kanyang tasa.
"Si Ate Athena? Totoo namang close sila simula bata pa lang," sagot naman ni Pauline.
"Kaya huwag mo na ako itukso sa Kuya mo. Kay Athena mo na lang siya i-match, Miss Cupid," nakangiting wika ni Anna.
Maraming napuntahan ang usapan ni Anna at Pauline, pati na rin ang mga K-drama na napanood nila. Hindi nila namalayan na bumangon na ang ina ni Pauline.
"Ang aga mo nagising ah," namanghang tanong ni Jade sa mga dalaga.
"Good morning po Tita," pagbati ni Anna sa ginang.
"Good morning, hija," balik namang bati nito sa kanya
"Hindi masyadong nakatulog si Ate kaya nagkape na lang kami 'Ma," sagot naman ni Pauline sa ina.
"Ganun ba. Sige init ko lang mga ulam na natira. Yun na lang almusal natin. Maya-maya gisingin mo na mga kapatid mo," wika ng ina sa kanya.