Hindi inaasahan ni Paulo ang pagdating ni Athena. Lalo na at nandito pa si Anna. Nabigla siya sa pagdating ng kaibigan, isang kaibigan na una rin nagturo sa kanya ng kakaibang pakiramdam—ang umibig.
Si Athena ang first crush at first love nya. Naging malapit sila sa isa't-isa dahil na rin sa pareho sila ng eskwelahang pinasukan mula elementarya hanggang high school. Si Athena ang naging takbuhan niya noong mga bata pa lang sila. Kaya hindi naging mahirap sa kanya na mahulog ang loob niya sa kababata. Buong akala nya ay pareho sila ng nararamdaman, pero hindi pala. Noong panahong nagkaroon na siya ng lakas ng loob na magtapat ng kanyang damdamin dito ay siya namang pag amin sa kanya ni Athena ng namumuong pagtitinginan ng isa pa nilang kaibigan. Dahil dito ay hindi na tuluyang naipagtapat sa dalaga ang kanyang nararamdaman.
Pagkatapos ng mga pangyayari noon ay unti-unti ng lumayo ang loob nila sa isa't-isa lalu pa ng tumuntong na sila ng College. Sa Maynila nag aral si Paulo samantalang si Athena naman ay kinailangang umuwi ng probinsya nila sa Cebu at doon na nag-aral. Kung minsan naman ay nakakapag usap pa rin naman sila sa pamamagitan ng mga Social Media pero madalang din naman dahil sa binigyan niya ng focus ang kanyang pag-aaral at mas minabuti na rin niya iwasan ito.
"Ang tagal na rin ng huli tayong magkita noh?" wika ni Athena na nagpabalik sa kasalukuyan sa diwa ni Paulo.
"Ha? Oo nga eh," pag sang-ayon naman nya.
"Pasensya ka na ah, kung hindi ako masyadong nakipag communicate sa iyo noong mga panahong iyon," paghingi ng paumanhin ni Athena.
"Wala yun. Ako din naman, nawalan ng oras," wika naman ni Paulo.
"Pau, kumusta ka?" seryosong wika ni Athena.
"Ako? Okay naman. Medyo busy. Pero masaya naman," nakayukong sagot ng binata.
"Pau, sorry," naluluhang wika ni Athena.
Naging tahimik silang pareho matapos ng tinuran ng dalaga. Na para bang nag iisip pareho sa mga dapat nilang sabihin.
"Sorry kasi nasaktan kita. Sorry kasi naramdaman mong iniwan kita," pagbasag ni Athena ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa.
"Pau, alam mong mahal kita at ayaw kong masira ang pagkakaibigan natin," patuloy pa ni Athena.
"Importante ka sa buhay ko Pau. Ikaw ang takbuhan ko noon kapag may problema ako sa bahay. At ayaw ko mawala ka sa buhay ko. Alam kong nasaktan kita kaya humihingi ako ng tawad sa iyo," naiiyak na wika pa ni Athena.
Bumuntong hininga si Paulo at tsaka nagsalita.
"Masaya ka naman 'diba?" tanong ni Paulo kay Athena habang nakatitig sa mata nito.
Tanging tango lang ang naging sagot ng dalaga sa tanong ni Paulo habang tuloy ang pagpatak ng luha nito.
"Then masaya na ako para sayo," nakangiting wika ni Paulo.
"Sorry din sa pagiging immature ko noong mga panahong iyon. Kung iisipin, nakakatawa noh?" nakangiting wika ni Paulo habang nakatingala.
"Masaya ako para sayo Pau. Natutupad mo na ang mga pangarap mo. Natatandaan ko pa pag may mga presentation sa school, lagi kang performance level," natatawang wika ni Athena.
"Naaalala mo pa yun? Pag may mga role playing and school programs?" pagtatanong ni Paulo.
"Oo naman! Naalala mo noong nagsayaw tayo sa school program. Sa sobrang hataw mo sa sayaw, yung sapatos mo muntik ng humataw sa mukha ng principal," humahalakhak na wika ni Athena.
"Oo nga! Grabeh hiya ko noon," natatawa at nahihiyang wika ni Paulo.
"Pero the show must go on ka pa rin," pagmamalaking wika ni Athena.
"Ako pa ba!" pagyayabang pa ni Paulo na nagpatawa sa kanilang dalawang ng malakas.
Nasa ganoong silang usapan ng marinig ni Paulo ang pamilyar na boses na narinig na niya dati.
Si Anna!
Napalingon si Paulo sa lugar kung nasaan si Anna kasama ang iba habang kumakanta. Tulad ng dati ay bumagal na naman ang paligid para kay Paulo at para bang sila lang ni Anna ang nasa paligid. Napabalik lamang si Paulo sa kasalukuyan ng magsalita si Athena.
"Siya ba?" makahulugang tanong ni Athena
"Ha?" maang na sagot ni Paulo.
"Wala. Sabi ko bagay kayo," nakangiting wika ni Athena.
"Hindi noh. Kaibigan ko lang siya," pagtanggi ni Paulo
"Pau, kilala kita. And babae rin ako noh? Kaya sigurado ako may feeling ka sa kanya," siguradong sagot ni Athena.
"Imbento ka talaga. Paano mo naman nasabi?" tanong niya dito.
"Hay naku! Lagi ka tumitingin sa kanya. And noong niyakap kita kanina, siya ang una mong tiningnan. Oh lulusot ka pa ba?" paglalahad ng ebidensiya ni Athena sa kanya.
"Hala! Walang ganon noh," pag dedeny pa ng binata.
"Hay naku Pau. Aminin mo na. Tayo lang naman dalawa," pang aasar pa ni Athena.
"Wala akong aaminin sa iyo. Bahala ka dyan," pikon na sagot ni Paulo.
"May napansin pa naman ako sa kanya," makahulugang wika ni Athena.
"Ano yun?" Tanong ni Paulo.
"Hindi mo naman siya gusto so bakit ka interesado?" tuloy pa rin ang pang aasar ng dalaga sa kanya.
"Ano nga kasi?" pamimilit pa ni Paulo.
"Ayaw pa kasing aminin," pang bubuska pa ni Athena.
"Ano nga kasi?" naiinis na wika ni Paulo.
"Sige na nga. Sabihin ko na. Nanunulis na nguso mo sa yamot eh," nakangiting wika niya kay Paulo.
"Napansin ko lang, panay ang sulyap niya sa atin kanina pa," nakangiting sabi ni Athena.
"At sa tuwing magtatama paningi namin eh iiwas siya," dagdag pa nito.
"Talaga?" nakangiting wika ni Paulo.
"Oh, bakit ka nangingiti," pang aasar ni Athena sabay turo sa kaibigan.
"Hindi kaya," nakangiting wika ni Paulo at muling tumingin sa gawi ni Anna habang patuloy pa rin itong kumakanta.
Why can't I say that I'm in love?
I wanna shout it from the rooftops
I wish that it could be like that
Why can't we be like that?
Cause I'm yours
Why can't we be like that?
Wish we could be like that