Nagpatuloy ang pagkain nila Anna sa loob ng bahay nila Paulo kasama pa ang iba, habang si Paulo naman ay kasalukuyang kausap si Athena sa kanila terrace.
Mula ng dumating si Athena ay naging kapansin-pansin ang pag-iiba ng atmosphere sa bahay ng mga Narido. Napansin din ni Anna ang pagyakap ni Athena kay Paulo at sa hindi niya malamang dahilan ay para bang may kakaiba siyang naramdaman ng masaksihan ang tagpong iyon. Hindi niya maipaliwanag, ngunit para bang naiinis siya pero hindi naman niya alam kung kanino at bakit.
Habang nasa ganon siyang pag-iisip ay biglang nag salita at nag-aya si Phoebe na mag videoke.
"Kuya Lester mag videoke tayo. Pataasan ng score," paghahamon ni Phoebe sa binata.
"Sige ba. Kung sino pinaka mababa may dare," Pagyayabang pa ng binata.
"Sige. Sige. Lahat kasali ah," segunda naman ni Joshua.
"Sige, Paula magsimula na kayo. Tulungan ko lang si Mama magligpit," wika naman ni Pauline.
"Tulungan ko na kayo," pagpresenta ni Anna.
"Naku Ate huwag na. Bisita kayo eh," pagtanggi ni Pauline.
"Ano ka ba. Okay lang noh," sagot naman ni Anna.
"Ayaw ko kumanta eh," pabulong na sagot pa nito.
"Naku hindi ka makakatakas sa mga yan," wika naman ni Pauline sa kanya.
"Basta. Bagalan nalang natin," nakangiti wika ni Anna.
Habang nag sasamsam ng mga plato ay hindi maiwasan ni Anna na mapalingon sa gawi nila Paulo na kausap si Athena. Hindi naman nakaligtas sa paningin ni Pauline ang madalas na pagsulyap ni Anna sa mga ito.
"High School bestfriend yan ni Kuya," wika ni Pauline kay Anna.
"Ha!" tanging naisagot ni Anna sa sinabi nito.
"Si Ate Athena kako ay bestfriend ni Kuya dati," paliwanag ni Pauline
"Dati? Bakit dati?" nagtatakang tanong ni Anna.
"Ikwento ko sa iyo ah. Pero secret lang ah. Huwag mo sasabihin kay Kuya na sinabi ko sa iyo. Ide-deny ko talaga Ate," naka ngiting sagot ni Pauline sa kanya.
Ngiti lang ang sinagot ni Anna dito bago tuluyan nang nag kwento ito.
"Ang totoo nyan, alam ko elementary pala sila ay crush na ni Kuya si Athena. Kaya lang medyo torpe kasi si Kuya. Napansin mo ba Ate?" nakangiting tanong ni Pauline sa kanya.
"Hindi ko alam. Hindi ko naman napapansin," sagot niya ditto
"Anyway, then, parang few months bago sila mag graduation ng High School ay balak ni Kuya mag confess sa kanya," kwento pa ng kapatid ni Paulo
"Hindi natuloy?" tanong ni Anna.
"Ganun na nga," sagot nito sa tanong niya.
"Bakit naman?" tanong pa muli ni Anna.
"Eh paano, bago pa man makapag confess si kuya ay sinagot na ni Athena yung manliligaw niya na friend," pagtuloy na kwento ni Pauline.
"Talaga? Sayang naman," wika ni Anna sabay lingon ulit sa gawi ni Paulo na patuloy pa rin sa kanilang seryosong usapan.
"Hindi rin Ate. Feeling ko, that is the best thing that happened to both of them. Lalo na kay Kuya," nakangiting wika ni Pauline.
"Bakit naman? Kita naman kay Paulo na nabigla siya na nagkita ulit sila today eh," pagtatakang tanong ni Anna.
"Nabigla siya na makita si Athena kasi nakita mo?" wala sa loob na wika ni Pauline.
"Ako? Bakit ako?" pagtatakang wika ni Anna.
"Hay naku Ate. Mahilig ka sigurong pumarty noh?" natatawang tanong ni Anna.
"Ako. Hindi eh. Paano mo naman nasabi," nagtataka pang tanong ulit ni Anna.
"Eh kasi ang hilig mong mag dense eh (dance)," naka ngiting sagot ni Pauline.
Napakunot ang noo ni Anna, isang palatandaan na hindi niya naintindihan ang sinabi na Pauline.
"Uy! Anna, Pauline, hali na kayo dito. Turn nyo na," sambit ni Joshua sa kanila.
"Tara na Ate, Sali na tayo sa kanila," aya ni Pauline sa kanya.
Nakangiting tumango si Anna sa kanya bilang pagsang-ayon.
Nagtungo na ang dalawa at sumama sa kumpulan ng mga nag vivideoke.
"Oh Anna, anong kanta mo," tanong ni Kenji sa kanya.
"Hala, kayo na lang," pagtanggi niya.
"Hindi pwede Ate. Lahat kakanta," nakangusong wika ni Phoebe.
"Oo nga Ate. Birthday ko naman eh," pang eenganyo naman ni Paula sa kanya.
"Oo nga Ate. Narinig ko boses mo last time. Napaka ganda," segunda pa ni Pauline.
"Oo nga Anna. Hindi ka pwedeng umalis dito kung hindi ka kakanta," biro pa ni Jeremiah sa kanya.
"Sige ka hindi ka makakauwi. Wala kang tutulugan. Makakatabi mo si Paulo pagtulog. Bahala ka. Malakas maghilik yun," pag segunda ni Lester sa biro ni Jeremiah habang nakatawa.
"Sira ka talaga," nakangiting sagot ni Anna.
"Naku Hija. Pagbigyan mo na ang mga yan. Hindi ka rin naman mananalo," singit ng ginang sa usapan nila.
Ngumiti lang si Anna bilang pag sang ayon sa mga ito at napilitan siya kumanta.
When you hold me in the street
And you kiss me on the dancefloor
I wish that it could be like that
Why can't it be like that?
Cause I'm yours
We keep behind closed doors
Every time I see you I die a little more
Stolen moments that we steal as the curtain falls
It'll never be enough
It's obvious you're meant for me
Every piece of you it just fits perfectly
Every second, every thought, I'm in so deep
But I'll never show it on my face
But we know this, we got a love that is hopeless
Why can't you hold me in the street?
Why can't I kiss you on the dancefloor?
I wish that it could be like that
Why can't we be like that?
Cause I'm yours
When you're with him, do you call his name
Like you do when you're with me?
Does it feel the same?
Would you leave if I was ready to settle down
Or would you play it safe and stay?
Girl you know this, we got a love that is hopeless
Why can't you hold me in the street?
Why can't I kiss you on the dancefloor?
I wish that it could be like that
Why can't we be like that?
Cause I'm yours
And nobody knows
I'm in love with someone's baby
I don't wanna hide us away
Tell the world about the love we making
I'm living for that day
Someday
Can I hold you in the street?
Why can't I kiss you on the dancefloor?
I wish that we could be like that
Why can't we it be like that?
Cause I'm yours, I'm yours
Why can't you hold me in the street?
Why can't I kiss you on the dancefloor?
I wish that it could be like that
Why can't it be like that?
Cause I'm yours
Why can't I say that I'm in love?
I wanna shout it from the rooftops
I wish that it could be like that
Why can't we be like that?
Cause I'm yours
Why can't we be like that?
Wish we could be like that