webnovel
#HALO

When Music and Hearts Collide

“Hi! Kami ang Padayon! Sulong nang sulong, hindi uurong PADAYON! Magandang Araw po!” sigaw ng grupo. “PA..DA..YON….PA..DA..YON…” ganting sigaw ng mga tao. Sila ang PDYN o mas kilala sa tawag na Padayon, and bagong boy group na nagrerepresenta sa Pilipinas. The group was formed last October 2015 through an Idol Survival Show called Padayon Project. The show aims to promote Filipino culture through music and arts. From thousands of auditionees, lima ang naiwan at ngayon nga ay tinatawag na PDYN. The group is composed of Paulo, the leader, Joshua, the main rapper, Lester, the main vocal, Kenji, the Main Dancer, and Jeremiah, the youngest in the group. Hindi naging madaling ang simula para sa kanila. Nabuo man ang kanilang grupo noong 2015 ngunit dumaan pa rin sila sa matinding ensayo at training. Noong 2017 lamang ang official debut ng grupo with their carrier single “Ikaw Pa Rin”. Nakapag debut man, hindi pa rin naging madali ang lahat para sa kanila. Naging mabagal ang usad ng kanilang career dahil sa bagong konsepto na kanilang sinusubukan. Dumating din sa punto na halos mabuwag na ang grupo dahil sa mabagal nga na usad ng mga karera nito. Ngunit ganun pa man ay nagpatuloy pa rin sila sa pag eensayo at pag tetraining. Subalit isang umaga, nagulat na lang sila na nag viral ang kanilang practice video sa Facebook. They did not expect that they will blow up just overnight. Dahil sa pag viral nila sa social media, nabigyan ng kaliwa’t kanan na atensyon ang kanilang grupo. Nagsimula na rin silang mag guest sa iba-ibang TV Shows, Music Programs, Interviews, at Radio Programs. Ang kanila Agency na Show Magic Entertainment ay pinaigting ang kanilang presensya sa social media. Naglalabas sila ng content sa iba’t -ibang social media platforms para na rin pasasalamat sa mga taong walang sawang sumusuporta sa kanila. Tinawag nila ang kanilang mga tagahanga na “Ayon” dahil naniniwala sila na lahat ng tinatamasa nila sa ngayon ay naayon lamang sa support ng mga ito. At kundi dahil sa pag ayon nila sa hatid nilang musika ay hindi nila maabot ang mga bagay natatamo nila ngayon. PDYN has been a household name in local entertainment industry. And furthermore, they are now penetrating the international music scene in just 2 years since their debut. Maraming local and international shows and collaboration na ang naka line-up sa kasalukuyan. Isama pa ang mga local engagement nila sa mga brands and shows. Naging youth ambassadors din sila ng bansa at lumilibot sa buong Pilipinas para naging spokesperson sa mga kabataan. Pero sa likod ng limelight, paano kaya sila bilang isang tao. Bilang anak? Kapatid? Kaibigan? Paano nga ba nila hinaharap ang mga problema nila sa sarili, pamilya, kaibigan, at kahit sa pag-ibig? DISCLAIMER: This is a work of fiction. All characters, business, events and incidents are the products of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Larrian1447 · คนดัง
Not enough ratings
41 Chs
#HALO

CHAPTER 10: THINKING OF ANNA

Habang binabagtas ni Paulo ang daan pauwi sa kanilang tahanan kasama ang ina at mga kapatid ay hindi niya mapigilang ngumiti dahil sa mga pangyayari kanina.

Sino naman ang mag aakala na napaka ganda pala ng boses ng dalaga. Tulad nga ng sabi ng kapatid eh napatulala talaga siya.

Nagtataka siya kung bakit parati na lang na para bang mabagal ang paligid pag si Anna ang nakikita niya.

Nakita nya rin ng malapitan sa sasakyan kung paano ito naging napakalapit sa kanyang pamilya sa sobrang ikling oras lang na magkakasama ang mga ito.

At napakasaya niya ng ito ay pumayag na saluhan sila sa kaarawan ng kanyang kapatid sa susunod na linggo.

Lahat ng ito ay kakaiba damdamin para sa kanya. Hindi niya maisip na sobrang laking epekto ng dalaga hindi lamang sa kanya ngunit pati sa kanyang pamilya.

Habang malalim na nag-iisip si Paulo ay biglang nagsalita si Pauline na nasa tabi niya.

"Ang ganda-ganda at ang bait-bait ni Ate Anna. "Diba 'Ma?" wika nito

"Oo nga eh. Napaka magalang," pag sang-ayon ng ina.

"Gusto ko siya," wika ni Paula.

"Parang ang sarap niyang maging Ate," sabat naman ni Phoebe.

Hindi namalayan ni Paulo na napapangiti siya sa mga naririnig mula sa ina at mga kapatid.

"Ikaw, Kuya, gusto mo rin ba si Ate Anna?" tanong ni Pauline.

"Ha! Hindi noh!" tanging naisagot ni Paulo sa biglaang tanong ng kapatid.

"Hindi? Bakit? Hindi mo gusto personality nya? Bakit?" gulat na tanong ng dalaga.

"Ah. Personality ba?" naliwanagang tugon nito.

"Ay si Kuya ibang gusto yung iniisip," panunukso ng dalawa pang kapatid na nagpainit sa pisngi niya.

"Hey! Tumahimik kayo diyan," bulyaw niya sa mga kapatid sa likod ng sasakyan.

"Syempre gusto ko siya," panimula nito.

"Gusto ko yung personality nya," paglilinaw na sagot nito.

"Umm. Akala ko, gusto mo siya. Period," nang-aasar na tumingin si Pauline sa kanya na hindi naman binigyan pa ng ibang reaksyon ng binata.

"Nakakatuwa siyang kasama," singit ng ina.

"Naaalala ko nung una kong nakilala ang pamilya ni Papa ninyo, ganyang ganyan din ako," dugtong ng ina.

"Alin dun 'Ma? Yung maganda?" tanong ni Paula ng para bang sinusuri ng mabuti ang ina.

"Si Mama naman nag jojoke. Huwag ganun 'Ma," gatong ni Phoebe.

"Sira! Yung nahihiya ka. Tipid ka magsalita. Pero kitang kita na napakabuti niya tao," sabi nito sa mga anak.

"Uy, Si Mama gusto na magka daughter-in-law," pangaasar ni Pauline.

"Darating din naman talaga tayo dun. Kaya talagang nireready ko na ang sarili ko," bungad ng ina.

"Ang tanong eh ready na ba si Kuya?" makahulugang tanong ng ina kay Paulo.

Tumingin lahat kay Paulo at para bang naghihintay ng reaksyon mula dito.

"Oh, bakit kayo nakatingin sa akin?" natatawang tanong ni Paulo sa mga ito.

"Ready ka na ba daw Kuya?" susog na tanong ni Phoebe.

"Anong ready? May tamang oras dyan noh. Tulad ng sabi ni Mama, darating at darating naman talaga yun," sagot niya sa mga ito.

"Sige 'Ma. Kung hindi pa ready si Kuya na magpakilala ng daughter-in-law nyo, ako ba pwede na magpakilala ng future son-in-law nyo?" nakatawang tanong ni Phoebe sa ina.

"Aba talagang ang kulit nitong—" di nakapag pigil na reaksyon ni Paulo sa kapatid.

"Relax Kuya. Joke lang!" sagot ni Phoebe sa Kuya na nagpatawa sa lahat sa loob ng sasakyan.

"Ayan. Ang bagal mo daw kasi. Uunahan ka na ni bunso," wika ng ina habang pinanggigigilan sa pisngi si Phoebe.

Naging puno ng tawanan ang byahe ng mag-iina. Ilang minuto pa ay nakauwi na sila sa kanilang bahay.

Habang nasa loob ng kanyang kwarto si Paulo at nagreready ng matulog ay hindi mawala sa isip niya si Anna. Kung paano ngumiti ang dalaga. Kung paano nito kausapin ang kanyang pamilya.

"Anong nangyayari sa akin," wala sa sarili nitong tanong.

Hindi siya mapakali sa kanyang higaan dahil sa hindi mawala sa isip niya ang mga pangyayari.

Sa gitna ng kanyang pag-iisip ay bilang tumunog ang kanyang cellphone para sa isang text message.

Anna: Salamat sa pag hatid at paglibre sa amin. Pakisabi kay Tita na Salamat at sobrang nag enjoy kami. Thank you ulit. See you tomorrow. Good Night!

Nakangiti at kinikilig si Paulo habang binabasa ang mensahe ng dalaga. Agad-agad siyang ng reply dito.

Paulo: Naku, wala yun. Salamat din sa masayang kwentuhan. Sorry din sa kakulitan ng pamilya ko ah. Pero Salamat sa time nyo today. Sige. Kita tayo bukas sa company. Good night din.

Anna: Nag enjoy din kami. Thank you ulit. Good night ulit.

Paulo: You're most welcome. Thank you. Good night.

Dahil sa naging palitan nila ng text messages ay lalong nahirapang matulog ang binata. Kaya naisipan niyang kunin ang kanyang gitara ang nagsimulang mag tipa ng kung anu-anong tunog mula sa instrumento.

Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng konti katok sa pinto.

"'Nak, matulog na at maaga ka pa kamo bukas," sabi ng ina mula sa pinto.

"Yes, 'Ma. Tapusin ko lang po. And 'Ma, nag text si Anna, nakauwi na siya," sagot naman niya.

"Ah. Mabuti naman. Matulog ka na pagkatapos niyan," wika naman ng ina.

Hindi niya namamalayan habang iniisip niya ang mga pangyayari kanina ay unti-unti na siya nakakabuo ng musika mula sa kanyang hawak.

Pagkalipas ng ilang sandali ay napagpasyahan niyang ibaba na ang kanyang gitara at humiga na sa kanyang kama.

Naging mahirap man ang kanyang pagtulog dahil sa mga kakaibang damdaming kanyang nararamdaman, ngunit alam niyang ang kakaibang pakiramdam na iyon ay nagdudulot sa kanya ng saya.

Unti-unti siyang dinalaw ng antok habang makikita ang ngiti sa kanyang mga labi na nagsasabing nagugustuhan niya ang kanyang nararamdaman at na eexcite siya mas malaman pa ng mas malalim ang ibig sabihin ng damdaming iyon.