webnovel

When Music and Hearts Collide

“Hi! Kami ang Padayon! Sulong nang sulong, hindi uurong PADAYON! Magandang Araw po!” sigaw ng grupo. “PA..DA..YON….PA..DA..YON…” ganting sigaw ng mga tao. Sila ang PDYN o mas kilala sa tawag na Padayon, and bagong boy group na nagrerepresenta sa Pilipinas. The group was formed last October 2015 through an Idol Survival Show called Padayon Project. The show aims to promote Filipino culture through music and arts. From thousands of auditionees, lima ang naiwan at ngayon nga ay tinatawag na PDYN. The group is composed of Paulo, the leader, Joshua, the main rapper, Lester, the main vocal, Kenji, the Main Dancer, and Jeremiah, the youngest in the group. Hindi naging madaling ang simula para sa kanila. Nabuo man ang kanilang grupo noong 2015 ngunit dumaan pa rin sila sa matinding ensayo at training. Noong 2017 lamang ang official debut ng grupo with their carrier single “Ikaw Pa Rin”. Nakapag debut man, hindi pa rin naging madali ang lahat para sa kanila. Naging mabagal ang usad ng kanilang career dahil sa bagong konsepto na kanilang sinusubukan. Dumating din sa punto na halos mabuwag na ang grupo dahil sa mabagal nga na usad ng mga karera nito. Ngunit ganun pa man ay nagpatuloy pa rin sila sa pag eensayo at pag tetraining. Subalit isang umaga, nagulat na lang sila na nag viral ang kanilang practice video sa Facebook. They did not expect that they will blow up just overnight. Dahil sa pag viral nila sa social media, nabigyan ng kaliwa’t kanan na atensyon ang kanilang grupo. Nagsimula na rin silang mag guest sa iba-ibang TV Shows, Music Programs, Interviews, at Radio Programs. Ang kanila Agency na Show Magic Entertainment ay pinaigting ang kanilang presensya sa social media. Naglalabas sila ng content sa iba’t -ibang social media platforms para na rin pasasalamat sa mga taong walang sawang sumusuporta sa kanila. Tinawag nila ang kanilang mga tagahanga na “Ayon” dahil naniniwala sila na lahat ng tinatamasa nila sa ngayon ay naayon lamang sa support ng mga ito. At kundi dahil sa pag ayon nila sa hatid nilang musika ay hindi nila maabot ang mga bagay natatamo nila ngayon. PDYN has been a household name in local entertainment industry. And furthermore, they are now penetrating the international music scene in just 2 years since their debut. Maraming local and international shows and collaboration na ang naka line-up sa kasalukuyan. Isama pa ang mga local engagement nila sa mga brands and shows. Naging youth ambassadors din sila ng bansa at lumilibot sa buong Pilipinas para naging spokesperson sa mga kabataan. Pero sa likod ng limelight, paano kaya sila bilang isang tao. Bilang anak? Kapatid? Kaibigan? Paano nga ba nila hinaharap ang mga problema nila sa sarili, pamilya, kaibigan, at kahit sa pag-ibig? DISCLAIMER: This is a work of fiction. All characters, business, events and incidents are the products of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Larrian1447 · Celebrities
Not enough ratings
41 Chs

CHAPTER 9: THE INVITATION

Habang lulan ng sasakyan pauwi, naging kapansin-pasin ang katahimikan ni Paulo at Anna na nasa unahan. Nabasag lamang ang katahimikan ng nagsimulang mag salita si Pauline para magtanong.

"Ate Anna, first work mo ba sa company ni Kuya?" tanong ni Pauline.

"Ah bale pangalawa na. Sa call center ako dati. Pero lagi kasi gabi, kaya sabi ni Papa ibang work na lang daw kasi nag-aalala sila. Nag apply talaga ako sa accounting department since Financial Management course ko noong college," sagot niya.

"Business course ka din ate? Ako din sa NPUP," wika naman ni Pauline.

"Ah, talaga doon din ako natapos," balik niyang sagot dito.

"Ang galing naman, doon din kasi si Kuya eh," sabat naman ni Phoebe.

"Ako din doon ko din gusto mag-aral," wika naman ni Paula.

"Naku, Ate. Grabeh. Ang higpit ng mga professors. Lalung lalo na si Mr. De Mesa. Grabeh yun. Terror nga sabi ng iba," pagrereklamo ni Pauline.

"Ganun talaga siya. Pero marami kang matututunan sa kanya. Pero hapitan sa requirements," sabi niya.

"Pero tip ko lang sa iyo. Lagi nyo lang siyang purihin sa porma niya, kahit hindi naman talaga kaaya-aya, medyo kaya nyo na bolahin yun para mag extend ng deadlines," wika pa niya.

"Ganun ba Ate. Masubukan nga next week. Para naman lumuwag schedule namin," sagot naman sa kanya ni Pauline.

"Mas malupit pa nga kay Mr. De Mesa si Ma'am Antonio. Yun talaga kahit ano gawin mo, hindi talaga uubra," pagbabahagi pa niya.

"Narinig ko nga sa iba. Pero hindi ko siya naging Prof, buti naman," maluwag ang dibdib na sagot ni Pauline.

"Ate, matanong ko lang, may boyfriend ka na ba?" tanong ni Paula sa kanya.

"Paula, masyadong personal yan," pagalit na wika ng ina sa anak.

"Hindi, kasi syempre gabi na. Baka may boyfriend ka naghihintay sa'yo," depensa ni Paula.

"Paula, tumigil na," wika na man ni Paulo para suwayin ang kapatid.

"Hindi, okay lang po. Wala akong boyfriend," tapat niyang sagot sa tanong nito.

Makikinig din si Paulo sa mga usapan nito at nagiging interesado din sa nagiging topic tungkol sa lovelife niya.

Natanong na rin naman si Anna tungkol sa lovelife niya ng grupo ni Pablo. Hindi lang siya naging komportable na pag usapan ito dahil sa siguro'y mga lalaki ang mga ito. Pero sa pagtatanong ng mga kapatid ni Paulo sa kanya tungkol sa estado ng kanyang puso ay mas naging komportable siya. Siguro ay dahil nakahanap siya ng mga kapatid na babae sa katauhan ng mga ito dahil sa kanilang pamilya ay nag iisa lamang siyang babae at bunso pa.

"Bakit Ate? Eh ang ganda-ganda mo naman," tanong ni Phoebe sa kanya.

"Oo nga hija? Napakaswerte na magiging boyfriend mo, maganda ka na, matalino, magalang, at ubod pa ng bait," pagsali ng nanay sa usapan ng mga dalaga.

"Naku Tita, Salamat po sa compliments," nahihiyang wika nito.

"Totoo sinasabi ko. 'Diba Paulo," wika ng ginang.

"O—o naman," nauutal na pagsang-ayon ng binata.

"Oo nga Ate, bakit nga ba?" pangungulit ni Pauline.

"Hindi naman sa hindi ko gusto. Hindi ko rin kasi alam. Baka takot sa mga Kuya ko. Only girl kasi ako tapos, bunso pa," panimula niya.

"Dati meron naman nanligaw sa akin, kaya lang, nainip siguro. Kasi priority ko yung studies eh. Kasi yung dalawa kong kuya tumigil ng pag aaral para ako yung makapagtapos. Nagtrabaho sila para sa akin. So, gusto ko masuklian yun," mahaba niyang paliwanag.

"Ganyan dapat. Aral muna, may tamang oras para sa love," instant sermon ng ina sa mga anak na babae na nagpatawa kay Paulo.

"Ano tinatawa tawa mo dyan Kuya?" naiinis na tanong ni Phoebe.

"Wala. Masama bang tumawa," nakatawa niyang sagot dito.

"Huwag mo nang pansinin Ate, wala lang kasi siya kakampi," wika ni Phoebe at biglang baling ng tingin sa kanya.

"Ate, ano dream guy mo?" tanong ni Paula habang kinikilig.

"Dream guy?" ulit ni Anna.

"Minsan kasi hindi ko sure kung naniniwala ako sa dream guy or Mr. Right na scenario eh," wika niya sa mga ito.

"Bakit Ate?" tanong ni Pauline.

"Kasi para sa akin hindi naman natin mapipili kung kanino tayo maiinlove. It could happen to anyone, anywhere at any time. Pero kung meron mang Mr. Right, gusto ko yung maiintindihan ako, susuportahan at mamahalin," wika niya.

"Hala, romantic ka pala Ate," kinikilig na wika ni Paula.

"Mahilig lang ako magbasa ng romance novels," nakangiti niyang wika.

Habang masayang nag uusap-usap ang kanyang kapatid at si Anna. Hindi niya maiwasang mapalingon dito paminsan-minsan. Hindi niya malaman kung bakit parang may magnet na laging nabaling ang tingin niya sa kanya. Makailang ulit din tinawag ng ina ang kanyang atensiyon marahil ay napansin nitong nawawala ang focus nito sa daan.

Ilang minuto pa ay narating na nila ang terminal ng tricycle malapit sa kanilang bahay.

"Hija sigurado ka bang dito ka na lang namin ihahatid?" nag aalalang tanong sa kanya ni ginang.

"Opo, Tita. Malapit na po yung sa amin dito. Maliit po kasi ang daan. Mahihirapan pa po kayo. Wala din naman po kasi maiikutan," paliwanag niya.

"Oh siya, text mo si Paulo kapag nakauwi ka na ah. Mag aalala ako pag hindi ko malaman na nakauwi ka na eh," wika ng ina ni Paulo sa kanya.

"Sige po Tita, mag text na lang po ako," pagsisigurado niya sa ginang.

"Ate, sa Saturday birthday ko, punta ka ah. Sumama ka kanila kuya pag uwi. Kasama din naman yung grupo niya," pag iimbita ni Paula sa kanya.

"Oo nga hija," sang ayon ng ina.

"Ah nakakahiya naman po," nahihiya niyang sabi.

"Oo nga Ate. Doon natin ituloy kwentuhan. Nabitin kami eh," pagpipilit ni Pauline at umikot sa passenger seat para tabihan ang kuya.

"Ate tayu-tayo lang. Kami, ikaw, at yung group lang ni kuya. Please," pagmamakaawa ni Phoebe sa kanya.

"Pumayag ka na Ate," sabat ni Paula habang nakatingin sa kanya ng nakangiti.

"Hindi ka titigilan ng mga 'yan," wika ni Paulo sa dalaga.

"Sige na nga," pagsang-ayon nito sa kanila habang nakangiti.

"Yehey!", sabay-sabay na wika ng tatlo.

"Wala nang bawian Ate ah," paninigurado ni Paula na sinuklian naman ni Anna ng pag tango.

"Oh paano, kami ay uuna na ha. Magtext ka kay Paulo ah," paalam muli ng ginang.

"Yes po, Tita. Salamat po ulit sa paghatid," paalam niya dito.

"Thank you, girls. See you on Saturday," paalam niya sa mga dalaga.

"Bye Ate!" sabay-sabay na wika ng tatlo.

"Bye, Paulo. Salamat sa paghatid," paalam niya sa binata.

"Bye din. See you tomorrow," nakangiting sagot ng binata sa kanya.

"Bye po. Ingat po," paalam niya at tuluyan ng umusad ang sasakyan sa kanyang harapan.