Gusto ni Mo Yurou na pwersahin si Han Yufan na imungkahi ang pagpapalaglag para maisumbat niya rito na siya mismo ang unang sumuko sa kanilang relasyon. Alam niya na matapos makasama si Han Yufan sa maraming taon, imposibleng ganap wakasan ang mga bagay bagay. Lahat ng bagay na minsan ay naging isang lihim, ngayon ay naging isang bagay na maaari niyang hawakan laban sa kanya; maaari siyang maitulak nito sa puntong hindi na siya maaaring umatras.
Tahimik na pinagmasdan siya ni Han Yufan na may matatalim na tingin, na para bang maaarin nitong makita ang kanyang kaluluwa.
"Syempre, kailangan mo yang ipanganak. Masyado na akong maraming isinuko para sa batang iyan, iniisip mo ba basta ko nalang iyan isusuko? Mo Yurou, hayaan mong sabihin ko sa iyo, kapag sinubukan mong ipalaglag ang batang iyan, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para masira ang career mo."
Support your favorite authors and translators in webnovel.com