webnovel

Tumayo ng Magkatabi

Editor: LiberReverieGroup

Pagkatapos na umalis ng hotel, dinala ni Han Yufan ang kanyang walang buhay na katawan sa kalsada. Ganito pala ang pakiramdam ng pinagtaksilan; poot, kahihiyan at kawalan ng kontrol – libo -libong emosyon ang dumadaloy sa kanyang mga ugat.

Para kay Mo Yurou, isinuko niya ang lahat…

Nakipaghiwalay siya kay Tangning…

Ngunit ano ang napala niya: ang mahuli ito na may kasamang iba sa kama. Pakiramdam niya na pinaglaruan ni Mo Yurou ang kanyang puso…

Ah...

Noong natuklasan ni Tangning ang pagtataksil niya at ni Mo Yurou, ganito pala ang kanyang naramdaman. Gusto niyang durugin si Mo Yurou gamit ang kanyang mga kamay; gusto niya itong balatan at balian ng mga buto sa katawan. Ngunit, kahit na gawin niya itong lahat, hindi pa rin ito sapat upang mapigilan ang kanyang pagkapoot dahil masyado na siyang maraming bagay na isinuko at naisakripisyo ng lubos ang kayang kabataan.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com