webnovel

The Girl From Nowhere (tagalog)

tagalog story / fantasy it makes you believe that forever doesn't really exist.

xiunoxki · แฟนตาซี
เรตติ้งไม่พอ
57 Chs

Chapter 38

LUMIPAS ANG SABADO'T Linggo, nagkulong lang ako sa kwarto. Walang ibang laman ang utak ko, si Chelsa lang. Nakatitig lang ako sa mga gamit niya. Para akong mababaliw sa kakaisip. Ano ba talagang nangyari sa kanya? Nasaan ba siya? Saan ko ba siya pwedeng makita? Sobrang miss ko na siya!

~~~

MONDAY, MONDAY, MONDAY, salamat at Monday na! Maaga akong pumasok, dala ko ang bag niya. Halos madilim-dilim pa at mas inagahan ko kaysa nung Friday.

Pagbukas ko ng pinto ng classroom, umaasa akong makikita ko siya. Pero wala siya. napabuntong-hininga na lang ako at nakayukong naglakad papunta sa upuan namin sa hulihan. Akala ko makikita ko siya? Kagabi, para akong tangang kinausap na naman siya sa isip ko. Sabi ko pa, papasok ako nang maaga. Napa-paranoid na talaga ako sa kakaisip sa kanya.

"Hoy!" pagulat na boses ng babae at biglang may kamay na dumakma sa likod ko.

"Woooaaahh!" gulat na sigaw ko. Talagang nagulat ako at nanlaki mga mata ko. Nabitawan ko pa ang bag ni Chelsa. Pero yung nanggulat sa 'kin, tawang-tawa pa! "Haist!" ngiwi ko. At pagharap ko sa nanggulat sa 'kin siya ang nakita ko, si Chelsa. Tawa pa rin siya nang tawa. Siguro ang sakit na ng tiyan niya sa kakatawa?

Pero naluluha na ako. Nandito siya sa harap ko at ayos lang siya. Bigla ko na lang siyang niyakap. Lumuwag ang pakiramdam ko. Nakahinga ako nang maayos. Naaamoy ko siya – nadamara. Nararamdaman ko ang tibok ng puso niya. "Nag-alala ako sa 'yo…" Salitang nabitawan ko nang higpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa kanya.

"Sorry," mahinang sambit niya.

"Saan ka ba nagpunta? Pinag-alala mo ako."

"…Sorry," yun lang ulit ang nasabi niya.

"Wag mo nang uulitin yun. Kundi patay ka sa 'kin!"

"Umiiyak ka?" natatawang tanong niya. Siraulo talaga!

"Hindi! Di ka naman patay para iyakan!" naiinis na sagot ko. Pambihira, nakuha pa akong pagtawanan!

"Kapag namatay ako, iiyak ka?" parang nanlamig ako sa tanong niya. Pero uminit ulo ko.

Inalis ko ang pagkakayakap ko sa kanya at hinawakan ko siya sa magkabilang-balikat niya. Inis na nga ako sa pag-iwan niya sa 'kin sa mall at sobra niya akong pinag-alala. Tapos magtatanong pa siya ng ganun? What the – !

"Pinaglalaruan mo ba ako?" seryosong tanong ko. Di lang basta seryoso, dahil galit ako.

Wala siyang imik. Pagkabitaw ko sa kanya, nilapag ko ang bag ko sa upuan at tinalikuran ko siya. Nilingon ko siya bago ako lumabas ng room, nakatayo lang siyang nakayuko.

"Haaaaaaahh!" sigaw ko pagkalabas ko. Shit! Naluluha na tuloy ako. Di ko alam, pero nagagalit talaga ako! Pakiramdam ko pinaglalaruan niya ako. Na para bang may sekreto siyang tinatago. Pero ang talagang kinaiinisan ko, yung pakiramdam na bigla na lang siyang mawala at iwan niya ako… At di ko na siya makita pa.

Haist! Parang ang OA ko naman sa part na yun? Napapabuntong-hininga na lang ako pagkaupo ko rito sa roof top. Dito ko naisip pumunta para huminga.

Napalingon ako sa pinto nang marinig ko ang pagbukas nito. Nakita ko ang paglabas ni Chelsa. Pero inalis ko lang agad ang tingin ko sa kanya. Sa kawalan lang ako nakatingin na para bang wala siya. Tahimik siyang tumabi sa 'kin. Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko, pero di ko pa rin siya nililingon.

"Na-miss kita." Mahinang pagkakasabi niya na parang may humaplos sa puso ko.

Nilingon ko siya, pero blank expression lang ang binigay ko sa kanya. One, two, three, four, five! Sa isip ko tapos bigla kong binawi ang tingin ko sa kanya. Talagang nagbilang ako sa utak ko. Sabi ko kapag sumunod siya, ganun ang gagawin ko. Kapag may sinabi siya, titingnan ko lang siya ng limang segundo na walang expression ang mukha. Para talaga ipaalam sa kanya na galit ako.

Oo na! OA na nga ako! So alam n'yo na mga girls, na mas grabe magtampo ang mga boys? Maliit na bagay, pinapalaki! Siguro naman napansin n'yo na yan sa mga boyfriend n'yo? Eh, ganun talaga, mas may puso kaming mga boys kaysa sa inyo. Tama di ba, mga bro? Tapos sasabihin nila, mga manloloko ang mga boys? Pambihira! Pero di maliit na bagay yung ginawa niya!

"Uy! Tampororot!" asar niya sa 'kin tapos sinundot-sundot ang tagiliran ko para kilitiin ako. Haist! Sino ba ang walang kiliti sa tagiliran?

Pero di ko pa rin siya pinapansin. Pinigilan kung matawa. "Di ka nakakatuwa!" seryosong sabi ko sa kanya. Nagduling-dulingan siya at nag-wacky face. "Hay, parang sira!" binawi ko ang tingin ko sa kanya. Pero talagang natatawa na ako. Pero pinipigilan ko. Nagtatampo, eh!

Hinawakan niya ako sa mukha at pinaharap niya ako sa kanya. "Ba't ang gwapo mo? Kahit nakasimangot ka, ang hot mo pa rin. Pagnakikita kita, parang mas lalo kang pumupogi." May pagkapilyang pagkakasabi niya. Tapos nilamukot niya ang mukha ko! Haist! "Ang cute!" ewan ko kung pinupuri ako o inaasar na?

"Tigilan mo nga ako! Immune na ako sa papuring yan!" may pagyayabang kong sabi syempre. Inalis ko ang mga kamay niya. Ayaw ko pa rin magpatinag.

Nung wala siya talagang alalang-alala ako sa kanya. Ang gusto ko lang makita siya. Pero ngayong kaharap ko na siya, nagagalit talaga ako. Ngayon ko lang naisip na nakakainis yung ginawa niya. Sa fact na bigla siyang nawala nang walang paalam. Halos malibot ko ang MOA sa kakahanap sa kanya, nagpatulong pa ako sa mga guard. At ilang araw akong wala sa sarili sa kakaisip sa kanya kung napaano na ba siya? Kung may nangyari na bang masama sa kanya? Pambihira! Bahala siya, basta buong araw ko siyang di papansinin!

Bigla siyang tumayo sa harapan ko at nag-robot dance. Tapos nag-zombie walk pa. At tinanggal pa niya ang tali ng buhok niya at naglakad na parang si Sadako.

"Baliw!" napangisi ako. Pero gusto ko na talagang humalakhak. Para kasi siyang tanga! Pero nagseryoso pa rin ako, at inalis ang tingin sa kanya.

Naramdaman ko na lang ang paglapit niya. Paglingon ko nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. At bigla niya akong hinalikan sa malapit sa lips ko. Slowmo mode. Nag-freeze ako. Oh, shit! System malfunction! Napatitig na lang ako sa kanya.

"Sorry na," nakangiting sabi niya.

Doon, gumanti na rin ako ng matamis na ngiti. Naramdaman ko talaga yung sincerity niya. Parang gusto ko siyang yakapin! Oo na! Sa simpleng way n'yong pagpapa-sweet mga girls, tanggal ang tampo naming mga boys! Ang babaw ba? Pero yung mga kababawan naman namin ganyan ang isa sa minahal niyo sa 'min, right?

Muli siyang naupo at nagsenyas siya na mahiga ako sa lap niya. "Ano? Mahihiga ako?" natatawang tanong ko. "Ayaw ko!"

"Eee! Tara na!" sigaw niya at bigla niya akong hinila pahiga na nakaunan ako sa lap niya. "Second 'to sa list ko na gagawin natin for one month."

#2. IPAHIGA SI NATE SA LAP KO. AT HAHAPLOSIN KO LANG ANG BUHOK NIYA AT HAHAWAKAN KO CHIN NIYA HABANG NAKATITIG LANG KAMI SA ISA'T ISA.

Natawa na lang ako sa second list na sinabi niya. At ngayon haplos niya ang buhok ko at pinipisil-pisil niya rin ang chin ko. Habang nakatingin lang kami sa isa't isa.

"Baka humaba naman baba ko niyan?" nakangiting tanong ko. Nawerdohan kasi ako sa trip niya. Pero napakakumportable ng feeling habang nakahiga ako sa hita niya. Parang inantok tuloy ako? Ang aga ko pa naman nagising. Napahikab na lang ako at napapikit.

"Alam mo bang attracted ako sa chin mo?" biglang pahayag niya.

"Wala naman sigurong part ng katawan ko ang di ka attracted." Pagyayabang ko. Nanatili akong nakapikit. "Baka matunaw ako, hah? Siguro gusto mo na akong halikan? Sobrang gwapong-gwapo ka na sa 'kin, 'no?" pahabol ko pa, tapos binigyan ko siya ng nakakalokong ngiti.

"Alam mo kung nakakatangkad ang pagyayabang, siguro ngayon gahigante ka na!" asar na sabi niya at pinisil-pisil niya nang madiin ang ilong ko! Napadilat ako! Ang sakit kaya! "Ang kapal-kapal mo talaga!" sabi niya pa habang hawak pa rin ang ilong ko.

"Ikaw!" inis na sabi ko at inalis ko ang kamay niya sa ilong ko. Pero as usual, pinagtawanan niya lang ako. Bumangon ako nang bahagya at mabilis ko siyang hinalikan sa labi niya. Smack lang naman. Gumanti lang naman ako sa ginawa niya kanina. Natigilan siya at napahawak siya sa labi niya. "Kinikilig." Parinig ko at muli akong pumikit.

"Kainis ka! Di kaya!" pasigaw niya at hinampas niya ako sa dibdib. Napangiti na lang ako at tinitigan ko siya.

"Hindi?" tanong ko.

"Hindi!" sagot niya.

"Talaga?"

"Talagang-talaga!"

"Weh?"

"Hindi nga sabi!"

"Gusto mo ulitin ko?" may pagkapiliyong tanong ko. Di siya nakasagot. Nahihiyang iniwas niya ang tingin niya sa 'kin. "Uy, gusto!" asar ko sa kanya.

"Di kaya!" tapos ayun, hinampas na naman ako.

Nakangiting pinisil ko yung ilong niya. Nakyutan kasi ako sa hitsura niya. Pulang-pula siya. "Maaga akong nagising kanina. Pwede bang matulog?" sabi ko. Tumango siya. At muli ko nang ipinikit ang mga mata ko. Naramdaman ko na lang ang paghaplos niya sa buhok ko. Lagpas isang oras pa bago ang first subject namin.

Napaka-peaceful lang ng pakiramdam ko na sinabayan pa ng malamig na simoy ng hangin at naamoy ko pa ang mabangong pabango niya. Amoy ng napakabangong bulaklak. Piling ko nasa isang napakagandang hardin ako.

Di niya pa nasabi ang dahilan kung ba't siya biglang nawala nung araw na yun. Pero ayaw ko munang i-entertain sa isip ko ang mga bagay na yun. Alam kung may mabigat siyang rason dahil di mo naman basta iiwan ng walang paalam ang kasama mo sa mall. Lalo pa't mahal mo 'to. Hihintayin ko na lang na kusa niyang ipaliwanag yun.

~~~

PAGGISING KO NARAMDAMAN ko ang pananakit ng katawan ko dahil sa tigas ng upuang hinigaan ko. Pagdilat ko, wala na si Chelsa. Nakaramdam na naman ako ng kaba. Ang alam ko nakaunan ako sa hita niya bago ako matulog.

"Nate!" narinig kong mahinang pagtawag sa 'kin ni Chelsa. In distress ang boses niya na humihingi ng tulong. Talagang kinabahan ako nang husto.

Paglingon ko, nakita kung nakalutang siya sa hangin at nakaliyad ang mga kamay niya. Napakaraming paruparo na nakapalibot sa kanya. Takot na takot siya. Kitang-kita ko yun sa luhaan niyang mga mata habang unti-unti siyang inaangat ng libu-libong itim na mga paruparo.

"Chelsa!" takot na sigaw ko. Nanginig na rin ako sa takot. Di ako makapaniwala sa nasasaksihan ko. Sinabayan pa nang pagdilim ng kapaligiran ang takot na nararamdaman ko. "Chelsaaaa!" muling sigaw ko nang tumakbo ako papalapit sa kinaroroonan niya.

Papalayo na siya nang papalayo. Gusto kong pigilan ang oras habang tumatakbo ako papalapit sa kanya. Pero mas lalo lang bumilis ang pag-angat niya.

"Nateeee!" muling takot na sigaw niya. Hindi ko na siya naabot. Tuluyan na siyang nilipad ng mga paruparo palayo. At bigla na lang umihip ang napakalakas na hangin na sinabayan pa ng malalakas na tunog ng kulog at kidlat.

"Chelsaaaaaaaa!" napaluhod ako at napatulalang pumatak na lang ang luha ko sa mga mata kasabay nang pagpatak ng malakas ulan.

~~~

"CHELSA!"

Naghabol ako ng hininga pagdilat ko ng mga mata. Ramdam ko pa ang takot at kaba ko pagkagising ko. Unti-unting nawala yun nang makita ko siya. Nakaunan pa rin ako sa hita niya. Salamat, at panaginip lang… nabulong ko sa sarili ko at nakahinga ako nang maluwag.

Tahimik at dahan-dahan akong bumangon, at pinagmasdan ko siya. Nakatulog rin siya. Nakatingala siya at nakanganga. At humihilik siya? Buti di siya naglalaway. Turn-off kasi sa 'kin yun. Natawa talaga ako sa hitsura niya. Pero talagang natutuwa akong makita siya ngayon. Akala ko talaga totoo na yung panaginip ko. Pero ang weird naman ng panaginip na yun?

"What the – !" mahinang nasabi ko ng makita kong may purple na paruparo sa balikat niya. Di gumagalaw ang paruparo. Kakaiba ang hitsura nito at talagang napakaganda. Ngayon ko lang naiisip na may paruparo palang purple? Naalala ko ang mga nakaraang sightings ko sa paruparong tulad nito. Lahat halos kapag nandyan lang si Chelsa.

Ano kaya ang pangalan ng paruparong 'to? Natanong ko habang ginagalaw-galaw ko ang paruparo. Pero di ito kumikilos. "Patay na?" nasabi ko. Hinawakan ko ito para itapon. Nang itapon ko ito pababa sa roof top, nakita kong nag-iba ito ng kulay. Naging kulay abo – at naging abo talaga. Nilipad ito ng hangin na parang alikabok. Kinabahan ako. Oh, Shit! Ganun ba kapag namamatay ang paruparo? Pagtataka ko.

Naalala ko nung araw na nahimatay si Chelsa. Ganung uri din ng paruparo ang dumapo sa kamay niya at naging abo rin ito. Naalala ko yung mga sandaling nakita ko siyang may pinagmamasdang paruparo. Minsan masaya siya, minsan napakalungkot niya. At kapag malungkot siya, ganung uri ng paruparo ang nakikita niya. Dahil kaya ganung uri ng paruparo nga ang purple one na yun kaya siya malungkot? Dahil madali itong mamatay at nagiging abo? Di kaya ganun nga? yun ang mga gumugulo sa utak ko habang pinagmamasdan siya na mahimbing pa rin ang tulog. At talagang rinig ko ang hilik niya kahit may kalayuan ako ngayon sa kanya? Haist! Patay! Kung sakaling maging asawa ko 'to siguradong trouble 'to! Baka di ako makatulog!

Lumapit ako sa kanya. Muling magiliw na pinagmasdan siya habang humihilik at nakanganga. Yumuko ako at nilapit ang mukha ko sa mukha niya. Naamoy ko ang hininga niya. Medyo iba ang amay pero mabango naman. Napangisi ako at mas nilapit ang mukha ko sa kanya. At hinalikan ko siya malapit sa nakabukang bibig niya. Yung puso ko parang bagong silang sa payapang nararamdaman ko. What is love? Surprising!