webnovel

The Girl From Nowhere (tagalog)

tagalog story / fantasy it makes you believe that forever doesn't really exist.

xiunoxki · Fantasy
Not enough ratings
57 Chs

Chapter 37

PAGDATING KO SA bahay, diretso na ako sa kwarto. Ni di na ako kumain ng hapunan. Dahil di ko alam kung makakain ako. Wala akong gana. Walang laman ang utak ko kundi siya. Napahiga lang ako sa kama. Nakatulalang nakatingin sa kisame habang hawak pa rin ang bag niya. Ni di pa ako nagbibihis.

"Nasaan ka? Chelsa! Nasaan ka?" ang paulit-ulit kong nasasambit.

"Sir Nate, nandito po ang girlfriend mo!" may sumagot? narinig kong sigaw ni manang Grace sa labas ng kwarto. Siya ang yaya ko.

Agad akong bumangon, bitbit ko ang bag niya. At binuksan ko ang pinto. "Alam mo bang nag – " Hindi ko natuloy ang sasabihin ko. Dahil ang tumambad sa 'kin ay di si Chelsa, kundi si Cristy. Akala ko siya ang nasa labas ng pinto na tinutukoy ni manang na girlfriend ko. Di pa nga pala alam ni manang na wala na kami ni Cristy, at si Chelsa na ang gf ko.

Napayuko na lang ako. Napansin ko ang pagkabigla ni Cristy dahil sa pasigaw kung bungad. May bitbit din siyang bag, ang bag kong naiwan sa school. Itinago ko pa sa likod ko ang bag ni Chelsa na hawak ko. Pero parang nakita na niya ata? Dahil dun siya nakatingin ngayon.

"Naiwan mo." Sambit ni Cristy at inabot sa 'kin ang bag ko.

"Salamat." Sambit ko nang kunin ko ang bag.

"Nandito ba siya?" diretsong tanong niya. Siguro naisip niyang itanong yun dahil nakilala niya ang bag ni Chelsa na hawak ko.

"Wala." Matipid kong sagot.

"So, taga dala ka na lang ng bag niya? At kararating mo lang? Nag-date kayo?" disappointed ang boses niya. Napansin niya siguro na naka-uniform pa ako. Ramdam ko pa rin ang galit ni Cristy sa mga nangyari. Alam kong di niya pa rin tanggap ang nangyari sa 'ming relasyon. At di ko naman siya masisisi dun.

Di na ako nagsalita. Pumasok ako sa kwarto at nilapag sa kama ko ang mga bag.

Sumunod pala sa loob si Cristy at bigla niya akong niyakap. "Nate, please. Please, ako na lang ulit – tayo na lang ulit…" Naiiyak niyang pagmamakaawa.

Pero wala na talaga akong maramdaman para sa kanya. Hinawakan ko siya sa magkabilang-balikat at nilayo ko ang pagkakayakap niya sa 'kin. "Sorry, Cristy. I'm so sorry. Pero si Chelsa na talaga ang mahal ko." Sincere na sabi ko sa kanya. Nakita ko sa mga mata niyang luhaan kung gaano kasakit para sa kanya ang marinig ang mga katagang binitawan ko.

"Bakit naman ang bilis mong magbago? Bakit biglaan?" naiyak na siya.

"Sorry... Sorry talaga." Umiiling-iling kong muling paghingi ng tawad. At pinunas ko ang luha niya sa mukha. Pero umatras siya para lumayo sa pagpunas ko sa mga luha niya.

"Hindi pa rin kita isusuko." Madiin niyang sabi at tumalikod na siya palabas ng pinto.

Napaupo na lang ako sa kama. Oh, shit! Ang gwapo ko kasi! At talagang nasabi ko pa yun sa sarili ko? Haist! Narinig ko ang message tone ng cellphone ko sa loob ng bag ko. Nang tingnan ko, galing kay Cristy.

MAY JAMMING NGA PALA TAYO NGAYON KAY NICOLE. NAGYAYA SI JASPER.

Yun ang laman ng text niya. Miss ko ang tropa, pero di ko alam kung pupunta ako. Nag-aalala pa rin talaga ako kung nasaan na si Chelsa. Napaka-clueless ko kung ano na ang nangyari sa kanya. Nasa akin ang cellphone niya at di ko rin alam kung anong address ng bahay nila. Di ko alam kung kanino ako pwede magtanong tungkol sa kanya. Napahiga na lang ako sa kama at napaisip. Napabuntong-hininga na lang ako nang sobrang lalim.

Kinuha ko ang cellphone ni Chelsa para sana i-dial ang number ko. Kaso may password. "Haist! Shit!" naiirita kong sigaw at napaupo pa ako mula sa pagkakahiga. Iniisip ko rin kasing tawagan sa bahay nila kaso di ko mabuksan CP niya. Ilang beses na akong nag-try di ko pa rin makuha ang password niya. Pati birthday ko sinubukan ko na, pero hindi rin. Di ko naman alam ang birthday niya o ng mga pamilya niya. At wala talaga akong idea kung anong combination ng mga numbers ang possible. Tinigil ko na lang baka ma-block pa.

Napa-isip ako dun. Girlfriend ko na siya, pero ang dami ko palang di alam tungkol sa kanya.

Nag-log in ako sa FB sa cellphone ko para i-search siya. "Haist! Shit!" naiiritang sigaw ko na naman. Di ko siya mahanap. Walang lumalabas sa pangalan niya. Mga halos kapangalan lang niya ang lumalabas at di naman siya. Baka dummy account lang ang gamit niya. Pero baka wala naman siyang Facebook account? Haist, pambihira! Parang gusto kong ihagis ang cellphone ko sa pader. Kaso sayang naman, ang mahal, eh!

~~~

AKO NA ANG nag-drive ng kotse para pumunta sa jamming ng tropa. Pagbaba ko pa lang ng kotse, nakita ko na sa loob ng convenience store sina Karl, Kyle at Zab. Pagpasok ko, napansin kong pinagtitripan na naman nila yung cashier at yung ibang staff nina Edward. Dumidiskarte na naman ang mga 'to, eh.

"Hey, bro! Ambag mo." sabi sa 'kin ni Karl nang makita niya ako. Nakipag-hand shake silang tatlo sa 'kin. Mukhang okay naman sila sa 'kin. Ganun nga pala ang jamming namin, patak-patak – para walang lugi.

"Saan kayo galing kanina?" may pilyong tanong ni Kyle. Napangiti na lang ako.

"Mukhang masyado kayong nag-enjoy ni Cristy, hah?" akbay sa 'kin ni Zab.

"Hah?" pagtataka ko. si Cristy? Natanong ko sa sarili ko. Pero ngumiti na lang ako.

Pagbigay ko ng ambag ko, lumabas ako. Napaupo ako at nag-isip.

Iniisip nilang si Cristy ang kasama ko? Ano bang nangyayari? Di rin pumasok si Cristy? Yun ang mga gumugulo sa utak ko.

Ilang saglit pa, sabay-sabay na kaming umakyat kay Nicole nina Karl, Kyle at Zab. Pagpasok namin, wala pa sina Jasper at Edward – bumili raw ng sisig. Sina Cristy at Lhyn naman naayos na ang iinuman namin. Naglatag na sila ng mat sa sahig na usual naming set up kapag may jamming kay Nicole.

Di ako naupo sa tabi ni Cristy. Pero nag-smile naman ako sa kanila ni Lhyn bago ako naupo sa tapat nila. Pabilog ang upo namin. Magkatabi sina Lhyn at Cristy. Napapagitnaan ako nina Kyle at Karl. Katabi naman ni Karl si Zab.

"Bro, ba't dito ka naupo?" tanong sa 'kin ni Kyle. Ang gusto niya sigurong sabihin dapat sa tabi ako ni Cristy nauupo?

"Baka gusto niya, bal, triplet na tayo? Para kasing cute na natin siya." biro ni Karl. Tapos nag-apir silang kambal sa harap ko. Mga sira talaga ang kambal na 'to. Sarap untugin, eh! Lakas, eh!

"Di ba, pwedeng maglambing ako sa inyo, hah? Hah!" pangungulit ko sa dalawa at inakbayan ko sila na halos pag-untugin ko na. Pero nag-untugan nga talaga. Ayun, aray naman sila.

"Gusto lang kasi ni babe, magkaharap kami." Si Cristy. Natigilan ako at binitawan ko ang dalawa.

"Ayun naman pala!" sabay pa yung kambal at ako naman ang inakbayan nila at ginulo-gulo pa ang buhok ko. Haist! 'Tong dalawa talagang 'to! Alam naman nilang ayaw kong nagugulo ang buhok ko!

Tapos tawanan ang lahat. Pero ako pilit lang ang tawa. Di ko alam kung ano ba ang sinabi sa kanila ni Cristy?

JAMMING START!

Kompleto na ang tropa. Magkatabi sina Lhyn at Jasper. At magkatabi na kami ni Cristy. Parang walang mga nangyari. Naguguluhan ako. Pero syempre as usual, si Edward alam kong may ibang alam. Iba yung mga tingin niya sa 'kin at yung pagngiti niya.

Light beer lang naman alak namin. Di naman kasi kami umiinom para maglasingan. Nalalasing din, syempre nakakarami. Pero kumbaga ang jamming namin, tamang tropang inuman lang. Yung sakto lang, bonding ba?

"Bro, akala ko talaga wala na kayo ni Cristy. Pinapaselos mo lang pala. Loko ka! Ginamit mo pa yung classmate natin. Nabu-bully tuloy sa social media. Kaya siguro di pumasok kanina, 'no?" Natatawang sabi ni Jasper at nakipag-apir sa 'kin.

"Kaya nga! Pati ako nagalit sa 'yo, Nate. Stunt mo lang pala yun." Pouted ni Lhyn at sinamaan ako ng tingin.

"Akala ko talaga bro, ipagpapalit mo ang tropa natin sa babaeng yun?" Nag-hand shake sa 'kin si Jasper. Napa-smile na lang ako. Pero pilit lang. Sobrang pilit.

Tinapik naman ako ng iba. Napainom na lang ako. Haist! Pakiramdam ko, kontrolado ako. Yung wala akong dapat gawin kundi tumango sa mga sasabihin nila.

"Announcement nga pala." Si Jasper at umakbay siya kay Lhyn. "Kami na!" abot taingang ngiting anunsyo niya. Si Lhyn naman, kilig to the bone. Pero dedma lang kami. "Guys! Any violent reaction?" pasigaw niya nang wala kaming reaksyon.

Yung tingin naman sa 'min ni Lhyn para na kaming pupukpukin ng bote isa-isa.

"Ano pa ba ang bago? Para naman di namin halata. Obvious kaya kayo masyado." Si Edward sabay tungga.

"May tawagan na nga kayo, eh." Si Zab sabay tungga.

"Tsaka parang nasabi niyo na yan?" si Kyle sabay tungga.

"Oo nga?" si Karl sabay tungga.

Ako naman napatungga na lang. Tapos tawanan lahat.

"Over kayo sa 'min!" sigaw ni Lhyn.

"Asar naman, huh! Nagyaya ako ng jamming para sa announcement na yun!" simangot ni Jasper sabay tungga.

Mas lalong lumakas ang tawanan. Na-enjoy ko na rin yung kulitan ng tropa. Pero napapaisip pa rin ako kung ano ba yung sinabi sa kanila ni Cristy para isiping stunt ko lang yung mga ginawa ko. Gusto kung sabihing totoo yun. Na wala na kami ni Cristy at si Chelsa na ang gf ko. Kaso di ko alam kung pa'no?

Tropa o syota? Haist! Shit! Napapa-sighed na lang ako habang nakatingin sa mga bote ng alak. Parang gusto kong laklaking lahat. Yung feeling na naiipit ka between sa mga kaibigan mo at sa gf mo? Ang hirap pala talaga!

Dahil di pwedeng magpaumaga sina Cristy at Lhyn, nauna na silang umuwi. Hinatid sila ni Jasper. Pinapasama nga ako, pero tumanggi ako.

Pagbalik ni Jasper, nakarami pa kami.

Naunang umalis sina Kyle at Karl. Kasal daw bukas ng isa nilang pinsan. Si Jasper naman nauna na rin dahil may date sila bukas ni Lhyn at kailangan niya raw paghandaan. Sumabay na rin si Zab kay Jasper. Si Edward, di raw siya uuwi. Siguro na-miss na naman si Nicole? Kaya naisip kong samahan na lang siya. Kailangan ko ng kaibigang mapagkukwentuhan. Kaya talagang nagpaiwan ako.

"Magkwento ka." Si Edward, nang nakahiga na kami. Siya sa kama, ako sa sofa.

"Hah? Magkwento saan?" maang-maangan ko. Pero siguro nakapagtamang hinala na naman 'to sa pagpapaiwan ko.

"Alam kong di kayo magkasama ni Cristy kanina." Tahimik lang ako sa sinabi niya. "Nakita ko si Cristy at Kristan nung umagang yun habang papasok ako ng school. Di ko alam kung saan sila papunta? Pero siguro hinanap nila kayo. Nakita kong bitbit ni Cristy yung bag mo."

Napangiti ako. "Dami mo talagang alam. Pero bro, sa tingin mo, ba't ginagawa ni Cristy yun? Ba't kailangan niya pang ipilit?"

"Gago ka ba? Alam mo naman ang sagot dyan. Mahal ka niya."

"Makagago ka naman. Pero hindi lang naman kasi yun. Ang dami niyang ginawa na di ko alam na kaya niya palang gawin."

"Alam ko kung anong tinutukoy mo. Pero mahal ka nga niya kasi."

"Yung pangbu-bully kay Chelsa at yung pangliligaw ni Kristan, sa tingin mo kaya talaga ni Cristy na gawin yun?"

"Kaibigan natin si Cristy at naging kayo. Siguro naman alam mo kung ano ang sagot dyan?"

Natahimik na lang ako. Asar din minsan kapag masyadong malawak ang pag-iisip ng kausap mo. Dinadaan ka sa mga ganyan! Gusto ko nga yung totoong sagot at direkta para malinaw! Di logic. Haist! Pero tama si Edward, alam ko naman talaga ang sagot sa mga tanong ko. Siguro dahil kaibigan nga at napamahal din naman talaga sa 'kin si Cristy kaya di ko matanggap na magagawa niya ang mga bagay na yun.

"Hindi mo ba itatanong kung ano yung sinabi sa 'min ni Cristy?" tanong ni Edward. Di ako agad nakasagot at humugot muna ng malalim na buntong hininga bago nagsalita.

"Di na. Sasabihin mo lang, alam mo na siguro ang sagot dun." Smirked ko. Tapos natawa lang si kumag.

"Kayo ba magkasama ni Chelsa kanina?"

"Oo. Ang saya ko bro, kapag kasama ko siya. Nawawala ang ibang alalahanin ko. Parang napakaperpekto ng mundo. Natatawa ako sa kanya. Napaka-inosente niya. Para siyang taga ibang mundo na napunta sa mundo ng mga tao at lahat ng bagay sa kanyang paligid ay first time niyang nakita at bago sa kanya." Napaupo pa ako sa pagkwento ko.

"Talagang mahal mo siya, 'no?"

"Hmm? Oo? Siguro?" tapos natawa na lang ako. Pambihira, iniisip ko pa lang si Chelsa kinikilig ako.

"Alam mo bang kapag tinanong ka kung mahal mo ang isang tao, tapos medyo nag-aalangan ka pero abot tainga ang ngiti mo kapag sumagot ka, mas genuine yun? Ibig sabihin, mahal mo."

"Talaga? Ganun ba yun? Sino naman may sabi niyan?" abot tainga talaga ang ngiti ko na parang tanga lang.

"Sabi ko. Base on my observation."

"Eh, ikaw bro, kelan ka maghahanap ng bagong pag-ibig?" nilihis ko sa kanya ang topic. Ayaw ko naman kasing masyadong ipakita ang happiness ko kay Edward gayung alam kong broken hearted pa 'tong taong 'to.

"Naks, sa mga pag-ibig. Pero bro, ako steady lang. Hayaan ko na lang na ako ang mahanap ng love."

"Sabagay. Ako nga bigla niyang nahanap." Abot taingang ngiti ko na naman. At bumalik din sa 'kin ang topic.

"Parang tanga hitsura mo! Wag ka ngang pangiti-ngiti!"

"Gago!" sigaw ko at binato ko si Edward ng unan. Ngumingiti lang, eh!

"Eh, kumusta date n'yo?"

Natahimik ako at napahiga. Di ako nakasagot. Di ko alam kung nasaan si Chelsa? Nag-aalala talaga ako kung ano na ang nangyari sa kanya. Iniisip ko kung ikukwento ko ba yun kay Edward.

"Hoy!" sabay bato sa 'kin ni Edward ng unan nang natahimik ako.

"Haist! Sakit nun, hah!" sigaw ko. Sa ulo kasi ako tinamaan. Eh, medyo may amats konti.

"Ba't kasi natahimik ka?"

"Wala! Na-miss ko lang siya. Nasabi ko na, di ba? Ang saya niyang kasama." Sagot ko lang. "Sige tulog na ako. Baka hinihintay na niya ako sa panaginip." Sabi ko pa tapos tumagilid ako patalikod sa kanya.

"Korni amputa!" tapos binato ako ulit ni Edward ng unan. Loko talaga!

Eh, di gaganti ako. Tumayo ako bitbit ang unan at ayun, tinakpan ko yung mukha!