webnovel

The Girl From Nowhere (tagalog)

tagalog story / fantasy it makes you believe that forever doesn't really exist.

xiunoxki · Fantasy
Not enough ratings
57 Chs

Chapter 39

> CHELSA'S POV <

PAGDILAT KO, BUMUNGAD sa 'kin ang napakagwapong mukha ni Nate. Nakayuko siya at nakangiting nakatingin sa 'kin. Nakahiga na ako sa lap niya. Pero sa pagkakaalala ko, siya ang nakahiga sa hita ko? Nakatulog pala ako? Medyo nahiya naman ako. Malakas daw kasi ako humilik at nakanganga pa sabi ni ate.

"Good morning." Nakangiting bati niya.

"H-Hi?" medyo hiyang tugon ko. Kasi naman! Na-conscious naman ako. Parang gusto kong itanong kung humihilik talaga ako at nakanganga?

"Laway mo." May pang-aasar na sabi niya.

Lalo akong nahiya. Punas-punas naman ako sa mukha ko. Pero wala naman akong makapang basa? "Wala kaya!" inis na sabi ko at bumangon na ako. "Anong oras na? Baka time na?"

"Time na nga. Mga about 10 minutes na." Nakangiting sagot niya.

"Nag-ring na yung bell?" may pag-aalalang tanong ko. Pero siya napaka-relax niya lang at tumango lang siya. "Sira ka talaga! Ba't di mo ako ginising?!" at hinampas ko siya. Deserved niya yun! Kainis siya! Pero natawa lang siya.

"Ang himbing kaya ng tulog mo. Volume 90 pa nga yung hilik mo, eh!" natatawang sagot niya. Waaaaaaahh! Humilik nga ako! Napatakip na lang ako ng bibig at tiningnan siya nang masama.

"Tara na!" hinawakan niya ako at tumayo siya. Hinila niya ako at naglakad na kami.

"Sandali!" pagtutol ko. Pinigilan ko siya sa paglalakad.

"Bakit? Late na nga tayo, di ba?"

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Mauna ka na." Sabi ko. Nakita ko sa mukha niya ang pagtataka at medyo nalungkot siya.

He gave me his sad smile. "Okay. Naintindihan ko." Sabi niya at nauna na siyang pumasok sa building.

Naintindihan niya kaya talaga? Ang reason kasi kung ba't ayaw kong sabay kami, kasi di ko pa alam kung pa'no i-handle ang situation namin. Oo, halos alam na ng lahat na kami na. At dun ako natatakot. Ang dami ko na kayang bashers at haters. Nang mag-check ako kagabi sa social media puro ako ang topic. Puro mura at pang-iinsulto ang nababasa ko.

Sinasabi kong handa ko siyang ipaglaban dahil wala naman kaming ginagawang masama, pero syempre afraid pa rin ang lola n'yo! At feeling ko talaga napaka-unfair ko na sa kanya para ituloy ko pa 'to. Pa'no kung madalas pang mangyari yung nangyari sa 'kin sa mall? Yung araw na bigla na lang akong nawala. Yung araw na kinatakutan niya nang bigla ko siyang iwan nang walang paalam. Pa'no kung maulit pa yun nang paulit-ulit? At pa'no kung masaksihan niya mismo? Pa'no ko ipapaliwanag yun? Pa'no kung katakutan niya ako?

Ni di ko pa alam kung anong palusot ang sasabihin ko? Knowing Nate, hinihintay niya lang ang paliwanag ko. Pa'no ko ipapaliwanag ang nangyari nang araw na yun?

~~~

***FLASHBACK

"CR LANG AKO." Sabi ko nang saktong mapadaan kami sa restroom pagkatapos namin kumain. Pinahawak ko sa kanya ang mga gamit ko. Napasalubong kilay niya, pero tinaasan ko lang siya ng kilay. Isa kaya sa papel ng bf na hawakan ang gamit ng gf niya kapag magsi-CR sa loob ng mall si gf. Nakangiting tinalikuran ko lang siya nang ipabitbit ko sa kanya ang bag ko. Ang cute niyang tingnan. Isa 'to sa mga dreams ko! Ang ipabitbit kay Nate ang bag ko kapag magsi-CR ako. Feel na feel ko talaga ang pagiging gf ko sa kanya. Ayeeeeeii! Ang cute ng boyfie ko!

Palabas na ako ng cubicle nang may maramdaman akong kakaiba sa katawan ko. Pabukas na ako ng pinto pero bigla akong napaupo ulit sa toilet bowl. Parang nagka-muscle cramps ang buo kong katawan. Parang tinutusok ng karayom. Napakasakit na parang pinupunit ang mga laman ko. Naramdaman ko ang pagtulo ng likido sa ilong ko. Nang hawakan ko ito tumambad sa 'kin ang dugo. Tinakpan ko na lang ang bibig ko para di ako magdulot ng ingay. Pero gusto ko nang sumigaw sa sakit. Gusto kung humiyaw. Ngunit natatakot akong makita ni Nate ang kalagayan ko.

Takot na takot ako. Iniisip kong baka ito na ang kamatayan ko? Iyak na ako nang iyak. Pero pinipigilan ko pa rin magdulot ng ingay.

Pa'no na si Nate? Nate! Nate! Nate! Paulit-ulit kong pagtawag sa pangalan ni Nate sa utak ko. Dahil kamatayan na ang nakikita ko.

Nakaramdam na rin ako ng pagkahilo na parang umiikot ang paligid ko. At para pang hinahalukay ang sikmura ko. Pinagpapawisan na ako ng malamig at halos di na ako makahinga. Nanlaki na lang ang mga mata ko nang makita kong unti-unting naglalaho ang mga kamay ko. Nagiging-invisible ang mga ito?

Yun na ang mga huling kong naalala habang nasa loob ako ng CR ng mall.

~~~

NAGISING NA LANG ako na nakadapa na ako sa damuhan sa garden ng bahay namin. At bago ko muling ipikit ang mga mata ko dahil sa labis kong panghihina, nakita ko na patakbong papalapit sina mama at papa sa 'kin. At ramdam ko ang labis nilang pag-aalala.

~~~

SA PAGDILAT KO, nasa kwarto ko na ako. Nakaupo sa tabi ko sina mama at papa.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" pag-aalala ni papa. Habang si mama ay umiiyak at hawak ang kamay ko.

"Okay na po ako." Sagot ko. Sabi ko, okay ako. Pero di ko talaga siguro maitatagong di ako okay. Hindi ko napigilan ang maiyak. Wala na akong halos maramdamang sakit sa katawan ko, pero naiiyak pa rin ako. Nagagalit ako sa sarili ko. Galit ako sa nangyayari sa buhay. Ba't kailangang magkaganito ako? Sana normal na lang ako. Sana iba na lang ang nasa sitwasyong 'to. Sana di na lang ako. Medyo selfish ako sa part na yun, pero sana talagang di na lang ako ang ganito. Napahagulhol na ako. Di ko na talaga kaya ang sakit na nararamdaman ko sa puso. Kasabay pa ng labis na takot ko. "Pa, ano po ba yun?" naiiyak na tanong ko kay papa. Alam kong siya lang ang makakapagpaliwanag sa nangyari sa 'kin kanina sa mall.

"Teleportation…" sagot ni papa at pinanus niya ang luha ko sa mukha. Habang si mama napaiyak na lang na nakapikit habang hawak pa rin nang mahigpit ang kaliwang kamay ko. "Isa yun sa mga kakayahan ng mga fairy. Ang pakapaglakbay, ang makapunta sa lugar na nais nilang puntahan sa pamamagitan ng isip lamang."

"Pero di ko naman inisip na makauwi ako?" pagtataka ko.

"Siguro nga anak, di mo talaga makukontrol ang paglabas ng mga kakayahan mo bilang isang fairy? Pero maging ako nagulat na nagawa mo yun. Dahil hindi lahat ng fairy magagawang makapaglakbay ng ganun. Dahil taon ang binibilang bago ma-perfect ang kakayahang yun. Ako bilang fixer-fairy, nagagawa ko yun dati. Dahil kailangan yun para makatawid kami sa lagusan na nagdurugtong sa mundo ng mga diwata at mga tao."

"Pero ganun ba talaga yun kasakit? Na pakiramdam ko babawian na ako ng buhay? Naparang pinupunit ang mga laman ko?" iyak ko.

Umiling si papa. Nakita ko ang pagpatak ng luha niya. "Marahil dahil sa dugo at laman ng tao sa katawan mo kaya mo yun naramdaman. Dahil di kaya ng parte ng katawan mong yun ang mag-teleport… Sorry, 'nak." Tuluyan nang bumuhos ang mga luha ni papa at hinalikan niya ang kanang kamay ko. Alam kong sa sakit na nararamdaman ko ay mas labis din na nasasakan ang kalooban niya at ni mama.

Binawi ko ang kamay ko sa pagkakahawak nina mama at papa. Napapikit na lang akong umiyak, gusto kong ma-release ang sakit at galit na nararamdaman ko. Tinakpan ko ng mga kamay ko ang mukha ko, dahil ayaw ko silang makita. Narinig ko na naman ang pag-sorry ni papa. Oo, kasalanan n'yo! Kasalanan n'yo kung bakit ako nagkaganito! Ako ang nagdurusa at nagbabayad sa kasalanang ginawa ninyo! Ako ang napaparusahan dahil sa pagkakamali n'yo! Sana di n'yo na lang ako naging anak at di na lang kayo ang magulang ko! O kaya sana, di na lang ako nabuhay kung magkakaganito lang naman ako! Sana di n'yo na lang ako binuhay!

Gusto kong isumbat sa kanila yun. Pero ano ang karapatan ko? Anak lang ako at magulang ko sila. Magulang na binigyan ako ng buhay. Buhay na regalo mula sa Maykapal. Isang regalong dapat kong ipagpasalamat. At di rin naman nila ginustong mangyari sa 'kin 'to, dahil di nila alam na mangyayari 'to. Kaya ano ang karapatan kong magalit at sumbatan sila? Lalo pa't alam kong minahal nila ako nang buong puso. Nang buong-buo. At alam kong doble ang hirap nilang nararanasan ngayon sa nakikita nilang sakit na pinagdaraanan ko. Magulang ko sila, alam kong doble ang pagmamahal nila sa 'kin kaysa na pagmamahal ko sa kanila. Kaya ano ang karapatan kong saktan ang damdamin nila?

Kaya iiyak ko na lang 'to. Imbes na magalit ako sa kanila, ipakita ko na lang kung gaano ko sila kamahal. Dahil kapag nagalit ako sa kanila, ako din naman ang mahihirapan dahil mahal na mahal ko sila. Hindi ko lang siguro talaga matanggap, kaya doble ang sakit? Gusto kong mabuhay. Ayaw kong mamatay. Ayaw ko… mga himutok ko sa sarili ko habang humahaguhol ako.

~~~

LUMIPAS ANG DALAWANG araw, laging laman ng isip ko si Nate. Sana naman ayos lang siya. Naririnig kong kinakausap niya ako sa isip niya. Sana matanggap niya kong ano man ang mga mangyayari.

***END OF FLASHBACK

~~~

BUTI WALANG GAANONG student at lahat sila nasa classroom na. Akala ko magagamit ko ang ninja skills ko para di nila ako mapansin habang nakasunod ako kay Nate papasok sa room namin. Halos ilang metro din ang layo ko kay Nate. At nang pumasok siya sa classroom namin naiisip kong magbilang ng sampu bago sumunod.

~~~

> NATE'S POV <

"MISTER HERNADEZ! YOU'RE late! Very good!" bungad sa'kin ni sir panot. Pang-asar talaga 'to si sir, eh! Kaya siguro nalalagas ang buhok nito?

"Sir, kanina pa po ako dito. Ayun po gamit ko." Nagpaliwanag talaga ako at itinuro ko ang gamit ko na nasa katabing upuan na inuupuan ni Chelsa. Ni gf pala. "Nag-CR lang po ako, sir." Palusot ko. Nag-duck face na naman si sir at salubong ang kilay na tiningnan lang ako.

"At ba't d'yan ka sa back mauupo?" tanong ni sir nang paupo na ako.

"Sir, gusto lang pong ma-experience maupo rito." Sagot ko at nag-smile na lang ako kay sir. Nakatingin sa 'kin halos lahat. Pati ang buong tropa.

"Miss Odea! Late ka rin!" simangot ni sir nang pumasok si Chelsa.

Napayuko siya at dumiretso lang sa upuan niya. Naupo lang siya sa tabi ko na walang sinagot kay sir.

"Miss Odea!" sigaw ni sir. Parang lalong sumalubong ang kilay ni sir. Pasaway din 'tong gf ko, eh. Ba't kaya di sumagot?

"S-Sir?" nautal siya tapos pinagtawanan siya ng mga classmate namin. Sinamaan ko ng tingin ang ibang nakatingin sa 'min kaya umiwas sila ng tingin.

"Late ka!"

"Sir, di po. Nag-CR lang po ako."

"Magkasama kayo sa CR ni Mister Hernandez?" mga tanong ni sir. Nagulat naman ako dun. Pati si Chelsa nabigla siya at nagkatinginan kami.

"Sir, di po!" sabay naming sagot kay sir.

Sumimangot lang si sir. "Nasagot ninyo ang tanong ko." Sabi pa tapos tumalikod na at nagsulat sa white board. Haist! Kahit kailan talaga ang panot na 'to! Tamang hinala din?

Nakatingin sa 'min lahat ng classmate namin. Yung mga tingin nila! Ano kami book para i-jugde? Haist! Yung mga tingin ng tropa ko, halatang naguguluhan na naman sila. Napa-sighed na lang ako. Si Cristy parang bugbog-sarado na siguro kami sa isip nito? Pero ayaw ko nang sakyan ang mga laro niya. Gusto ko na talagang sabihin sa tropa na wala na talaga kami at si Chelsa na nga ang girlfriend ko. Sa ikli ng pinagsamahan namin ni Chelsa talagang napatunayan ko na mahal ko talaga siya. Di naman nasusukat ang lalim ng pagmamahal sa haba ng panahon na pinagsamahan n'yo, di ba?. At kung talagang magkakaibigan kami, matatanggap naman siguro nila ang desisyon ko. Di naman siguro masisira nito ang friendship namin.

Pero pa'no kung papiliin nila ako? Natanong ko sa sarili ko nang inalis na ng tropa ang tingin nila sa 'kin at napalingon ako kay Chelsa. Pero, haist! Ayaw kong isipin.

SNACK TIME. Haist! Excited pa naman ako para makasama gf ko rito sa canteen. Sabay kaming bibili ng snacks at ililibre ko siya. Kaso di siya sumama sa 'min ng tropa. Na-disappoint ako, akala ko kasi sasama siya sa 'min. Akala ko all out na ang relationship namin? Pinilit ko pa siya. Pero syempre alam ko kung bakit di siya sumama. Di niya man sabihin, nararamdaman ko na umiiwas siya. Ramdam ko ang pagkailang niya sa tropa. Sina Jasper at Lhyn naman kasi bigla na lang akong hinila.

LUNCH BREAK! "Nate! Tara na!" yaya ni Jasper.

"Tara kain tayo." Yaya ko naman kay Chelsa. "Wag ka nang tatangi!" at hinila ko siya patayo. Di kasi sumagot. Nakita kong nakatingin siya sa tropa.

"Isasama mo siya?" natatawang tanong ni Jasper nang lapitan namin sila. Lokong tawa yun, hah!

"Bro, girlfriend ko siya." diretsong sabi ko.

"Bro, itigil mo na nga 'to." Natatawa pa rin si Jasper.

"Jasper, kami na talaga." At tumingin ako kay Cristy pagkasabi ko nun. "Wala na kami ni Cristy." Nabalot nang katahimikan. Talaga kasing iniisip nila na pinagtitripan ko si Chelsa. At nasasaktan ako sa part na yun. "Hindi ito stunt. Hindi ako naglalaro lang. Seryoso 'to. Seryoso ako." Sabi ko sa tropa nang wala silang sinabi.

"Guys, tayo na!" galit na sabi ni Cristy at agad siyang umalis.

Sumunod naman si Lhyn kay Cristy. Sina Kyle, Karl at Zab, sabay-sabay lang na napa-sighed at sumunod na rin dun sa dalawa.

"Kalokohan 'to." impit na pagkakasabi ni Jasper at tinalikuran niya kami.

"Bro, tayo na." yaya sa 'min ni Edward bago siya sumunod sa tropa.

"Let's go?" yaya ko kay Chelsa at hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya. Tiningnan niya ako sa mga mata. Nakita ko ang pagdadalawang isip niya. "It's okay." I smiled. Huminga siya nang mamalim at nakangiti siyang tumango.

Naglakad kaming magkahawak kamay papuntang canteen. Para kaming naglalakad sa red carpet ng isang premiere night ng pelikula. Lahat ng attention nasa amin. Hindi nga lang sila nagpapalakpakan at naghihiyawan sa tuwa. Lahat sila nasusuya. Haist! Mga bungol 'to, hah! Ganun ang sitwasyon hanggang makarating kami sa canteen.

"Bro, pasensya na, wala nang bakanteng upuan." May angas na bungad ni Jasper sa 'min ni Chelsa paglapit namin sa table nila kung saan pwesto talaga ng tropa namin sa canteen. Pansin ko ang inis sa mukha ni Jasper kahit pa nakangiti siya sa 'min. Pero ngumiti na lang din ako.

"Okay lang, bro. Marami pa namang bakanteng upuan." Sagot ko at naglakad na kami ni Chelsa sa bakanteng table na may four sets. Mas okay nga kasi solo namin ang table.

"Hindi mo man lang ako pinaupo muna." sabi sa 'kin ni Chelsa. Oo nga pala. Nauna pa kasi akong maupo sa kanya at di man lang siya pinag-angat ng upuan.

"YUCK!"

"FEELER TALAGA SI ATENG!"

"MANG-AAGAW!"

"MAGANDA NGA, MALANDICIOUS NAMAN!"

"NAKU, HAH! KABET SPOTTED!"

"PELENGERA STRIKES AGAIN!"

"SARAP PAGTIRIK NG CANDLE!"

"THE PRINCE AND THE FROG ANG PEG!"

Narinig kong bulungan ng mga schoolmates namin. Masyado naman! Haist! Di na nila ako ginalang! Parang wala ako rito kung paringgan nila ang gf ko, hah! Kung ugaling gangster lang ako like sa mga teen fiction novel siguro pinag-uuntog ko na ang mga kumag na 'to! Pero ngumiti lang ako kay Chelsa. Tinakpan ko ang magkabilang tainga niya and I mouthed her, it's-okay. She smiled at tumango siya. Pero nakita ko sa mata niya na naaapektuhan siya. Kahit sino naman siguro. Below the belt na rin naman kasi mga comment nila. But I guessed ganun talaga ang utak ng tao in general. Kapag nawala na ang nakasanayan nilang nakikita sa 'yo at nabago ang gusto nila, for them it's wrong. Na parang isang napakabigat na kasalanan. At nakakalimutan nilang irespeto ang gusto mo.

Hinawakan niya ang mga kamay ko na nakatakip sa tainga niya at pumikit siya. At nakangiti siyang huminga ng malalim. Pagdilat niya, isang napakagandang anghel ang nakita ko. And she mouthed me, I love you. Shit! Kinilig ako!