webnovel

The Diary Of A Blacksheep

The diary of a troubled girl. An Epistolary. I will translate the book in English, soon. All rights reserved. Copyrighted by IsabellaLlantino October 2020.

Isabella_Llantino · วัยรุ่น
เรตติ้งไม่พอ
45 Chs

Kabanata 6

Dear Diary,

Fourth year na ako ngayon, ilang buwan na rin ang nakalipas simula noong mag-first day of school. Di ako nagsulat noon kasi wala namang nakakasama ng loob na nangyare, pero ngayon meron.

Ang hirap na kasing magtiwala. Ayaw ko ng mag-assume na kaibigan ko ang isang tao. Alam mo diary kung bakit? Kasi nung nagiging mabuti akong kaibigan sa "kaibigan" ko ngayon ay may sinabi siya sa akin.

May group of friends kasi siya dati pero di na sila masyadong close kasi iba-iba section nila. One time daw nun nung nakita nila akong naglalakad mag-isa nagtawanan sila tas sabi nila, "Ay yung nobody oh". Tanda ko rin yan na araw na yan actually, kasi rinig na rinig ko tawanan nila. Obviously pinaparinig talaga.

Kaya medyo lumayo loob ko sa kanya, malay ko ba kung naguusap pa sila diba? Tapos kinompronta ko rin kaibigan niya non kasi kaklase ko yun ngayong 4th year eh, sabi niya di niya raw yun sinabi. Di ako naniwala siyempre, eh kaibigan niya yung "kaibigan" ko, paanong di niya yun sinabi eh naandun siya nung araw na yun.

Medyo naging close rin kasi kami nun na kinompronta ko eh, tapos bored ata non yung wattpader na teacher namin kaya ang activity namin ay gumawa ng story or prologue or kahit anong maisip namin basta may maipasa lang sa kanya.

Kinausap niya ako nung taong kinompronta ko, tinanong ako kung ano gagawin ko. That time may naisulat na ako, ang story ay about sa isang girl na pinagkakaisahan ng lahat, tapos bigla niyang nasabi na, "OMG, Ikaw 'to ano?".

That time sikat sa wattpad ang plot na ganyan. Isang nerd, kaaway ng lahat. Isang nerd, ayaw sa kanya ng lahat kaya 'yon ang ginawa ko. Nagbabasa rin kasi ako sa wattpad pero minsan lang, may balak din akong magsulat sa app kaya lang pinagiisipan ko pa.

Siyempre, doon na talaga ako nakumbinsi na nagsisinungaling siya sa part na hindi niya ako pinagtatawanan dahil loner ako at ayaw sa akin ng lahat. Nagulat siya sa sinabi niya noon nang mapagtanto kong medyo tama ang hula ko, na every year ikukwento siguro or baka kalat na yung first year issue tungkol sa akin. Na kaya pala laging pagalit ang tono nila every time na iaapproach ko sila at kakausapin kasi alam na alam nila yung tungkol noon at 'yong part na pinagbibintangan akong maninira ng tao.

Sa isip ko non, "Okay, maninira pala ha. Sige, ganon na lang nga gawin ko", pero di ko rin nagawa kasi tinatamad ako. Kahit kaklase ko pa yung crush ko eh tinatamad na ako. Tinatamad na akong pumasok, tinatamad na rin akong bumangon sa umaga.

Alam mo yon? Yung gusto mo na lang matulog ng matulog ng matulog ng matulog. Bakit? Kasi nakakahiya ng pumasok sa school. Ayaw ko na. Dagdag pa 'yong demonyo kong ama, nong time na pinapapili siya ni mama between us and his mistresses and family, he didn't chose us.

Ganda ng buhay noh? Nakakahiya na rin pumasok kasi every time na mag-eexam, kapag hindi pa nakakabayad sa tuition, kailangang lumabas ng classroom at wag babalik hangga't hindi natatapos ang exam. That time hindi pa ako nakakabayad ng tuition, halos 23k na ang babayaran pero never pa akong nakakabayad. Initial payment pa lang pero 'yong monthly bayad, hindi pa.

Nakakahiya diba? Nakakainis nga kasi ayaw ko ng pumasok pag exam kasi di naman talaga ako makakapag-exam pero pinipilit ako ni mama kasi baka sakali lang naman daw ay makapag-exam ako, pero hindi nga nangyayare kasi hindi pa kami nakakabayad.

Pero alam mo diary ang mas nakakainis? 'Yong feeling na alam mong peke lang lahat ng pinapakita nila, hindi naman talaga sila sayo natutuwang kausap at kasama ka, pero umaasa kang magbabago tingin nila basta pasok sa standards nila ang mga ginagawa mo.

Anyway, ayos lang 'yon diba? Kasi malapit na akong makaalis ng high school, magc-college na ako. Doon, ipapakita ko na totoo kong pag-uugali para di na ako umasang magkakaroon pa ako ng kaibigan.

Gumawa nga pala kami ng diary sa school, linagay ko don matagal ko ng plano noon pa man. Sinulat ko doon na, "the only way to survive high school is by faking everything. Binibintangan nila akong naninira? Okay, gawin ko na lang kasi 'yon naman ang expected nilang ginagawa at gagawin ko. Plastic ako? Okay, 'yon ang iniisip nila eh, edi go. Plastic na kung plastic".

Nakakapagod din actually, pero wala akong magagawa. 'Yon ang expected nila from me. Sana sinuswelduhan nila ako sa role na ginagawa ko para sa kanila para naman makabayad ako ng tuition fee.

Anyway, bye na diary. May pasok pa ako bukas.