webnovel

The Diary Of A Blacksheep

The diary of a troubled girl. An Epistolary. I will translate the book in English, soon. All rights reserved. Copyrighted by IsabellaLlantino October 2020.

Isabella_Llantino · Teen
Not enough ratings
45 Chs

Kabanata 7

Dear Diary,

Ang hirap naman i-uncrush ang lalakeng 'yon. Sa lahat ng mga kinuwento ko sayo diary, feelings ko lang para sa kanya ang hindi peke. Ang sakit noh? Hindi, actually nakakainis. Fourth year na ako pero hindi pa rin nawawala feelings ko para sa kanya?

Nakaka-badtrip! Kahit na alam kong ayaw niya sa akin ay crush ko pa rin siya. Ang ganda kasi masyado ng mata niya, chestnut brown. Ang sarap titigan. Pero may girlfriend eh. Ang nakakainis pa eh kalat sa classroom na crush ko siya.

Kung ba kasi sinabi ko pa sa "kaibigan" ko na crush ko siya eh malaking katangahan na talaga ang ginawa kong 'yon. Ang sakit lang makita silang magkasama sa cafeteria.

Char!

Magb-break din sila. Playboy pa naman 'yon, malamang kapag nagsawa siya kay girl maghahanap ulit siya ng iba. Pero sana ako na.

Ew!

Nakakadiri ka Corvina. Ang sagwa ng mga iniisip mo. 'Yong totoo, ako lang kaya ang ganito magka-crush? Pinapangarap na maging jowa niya eh crush lang naman. Dapat inspiration lang siya, pero bakit ganon? Di ako inspired. Nakakatamad lang siya makita.

Buti na lang maganda mata niya, di nakakasawang titigan.

Anyway, nakakatamad na magsulat. Sakit na ng daliri ko pero marami pa ako gustong isulat, and just this once, pipilitin kong wag tamarin.

First day of school noon, I saw him having fun with his friends. Kitang-kita ko kung paano siya tumawa sa sinasabi ng mga kaibigan niya. Medyo na-turnoff nga lang ako dahil hindi manly ang tawa niya. Para siyang hindi dumaan sa puberty kasi nags-squeak pa boses niya kapag napapatawa siya ng malakas, parang babae lang diba?

Pero kahit naman ganon naging crush ko pa rin siya. Ikaw ba naman matitigan ng matagal ang mata niya. Nahihiya tuloy ako sa kanya kasi di ko alam kung nakikilala ba niya ako or hindi. Pero thankful ako dahil mukhang hindi naman. But at the same time nakaka-disappoint dahil di niya ako maalala.

Pero oo nga naman, bakit naman niya ako maaalala eh I'm just like any other passengers who sometimes go to the same ride as with him. I'm nothing special, pero special siya saken.

Hala. Bumanat ako.

Lol, ngayon lang naman eh. At least sa kung korni man ako lang ang tatawa, walang makakarinig na iba dahil duh! Sinulat ko nga sa diary ko.

Actually nakikita ko na siya noong Junior year pa eh, lagi nga lang ako nakayuko kasi feeling ko talaga non kapag napapatingin siya sa gawi ko eh naaalala niya ako. Feeling ko lang pala. Nag-assume ako agad at masyadong naging affected. Nakakahiya masyado!

Paano na lang kung mabasa niya itong diary ko diba? Pero speaking of, ang tanga-tanga ko para dalhin ang diary ko sa school. Sorry diary, dahil sakin ang dumi-dumi mo na tuloy. Wala kasing manners ang mga kaklase ko, masyadong pakealamero't pakealamera. Buti na lang wala akong pera sa bag, kasi who knows baka pati 'yon pakealaman pa nila at ibulsa.

How pathetic and hypocritical of them to accuse me way back Sophomore year of stealing one's money when they're the ones who touch people's things, diba? Nakakairita, nakakainis at nakakagalit sa puso.

Mabuti na lang talaga, whenever I talk to someone and became close to them, I always made sure that I don't tell the truth. Siguro dapat magsulat ako ng, "Ways To Survive High School", para naman makatulong sa iba. Kasi, I think I'm best at faking my attitude and personality.

Also, I've been talking bad about my school. Wala eh, masyado na akong naiirita. Feeling ko kasi they know about the issue, kasi whenever I try to be close to them pagalit lagi tono nila kapag kinakausap ako. Gusto ko rin makausap guidance counsellor namin pero hindi naman nangyayare.

Well, kasi, baka ipagsabi nila sa ibang teachers diba? Tapos since may mga teacher-student relationship—hindi 'yon in a romantic way— baka maikuwento nila sa isang student at kumalat diba? That's disappointing and embarrassing to my part.

Besides, I think it's better if I will stick to my survival kit. Be plastic. It's the only way I can live peacefully— if you can actually my situation peaceful but who cares right? Also, malapit naman na matapos ang school year. Malapit na akong grumaduate kahit pa lagi akong absent at bagsak lahat ng exams ko.

Few more months and I'll be gone.