webnovel

The Diary Of A Blacksheep

The diary of a troubled girl. An Epistolary. I will translate the book in English, soon. All rights reserved. Copyrighted by IsabellaLlantino October 2020.

Isabella_Llantino · Teen
Not enough ratings
45 Chs

Kabanata 5.2

Dear Diary,

Napaiyak ako sa school kasi pinagtutulakan ako ng mga kaklase ko kung kanino akong side. May debate kasi kami tapos teacher ko ang nag-group sa amin. Eh hindi naman malinaw pagkakaturo niya kung saan akong group kaya nalito ako kung saang side ako, sa group 1 ba o 2?

Tapos nagtuturuan na sila kung kanino akong group kaya napaiyak na ako, madali lang naman kasing sabihin eh. Bakit kailangan pa nilang maging ganon? Bakit di na lang nila sabihin direkta sakin pati sa teacher para naman magsolo na lang talaga ako.

Tapos nagkaroon pa ng open forum sa classroom namin, third year na nga pala ako nito diary. Di ko alam hanggang 3rd year eh di pa rin matatapos yung pasahan ng kwento tungkol sa first year issue. Tapos may isa akong kaklase na di ko naman ka-close pero kung anu-ano sinasabi sa akin.

Eh hindi ko nga siya kilala eh! Pati pangalan niya di ko kilala kasi di naman ako nakakatanda ng names hangga't di ko araw-araw nakakasama. Sa mukha madali ko silang tandaan pero sa pangalan hindi. Ang saya ano? Bakit hindi na lang nila sabihin ng direkta sa akin?

Eh diba nga majority sa kanila ayaw sakin, wala sila dapat ikahiya kasi nagkakaisa silang lahat. Bakit di nila kayang sabihin sa akin ng direkta? Nakakatamad na tuloy pumasok. Pero di ko naman magawang mag-absent kasi nagagalit si mama.

Ang pangit ng high school. Ang pangit ng elementary. Kasalanan kasi to ng demonyo kong ama, bully siya sa school nila dati. Naiisip ko tuloy na imbes sa kanya mapasa ang karma eh sa amin napupunta. Kami ang nakakasalo at hindi siya.

Nakakainis. Bakit ba kapag nakiki-ride ako sa mga kaplastikan nila eh sobrang sama ko na sa paningin nila? Masama na bang iniiwasan lang masabihan ng KJ at iwan ng "kaibigan"? Kasi kapag hindi mo tinolerate mga ginagawa ng kaibigan mo at tinama mo bali-bali nilang gawain eh maiinis sayo tas di ka na friend.

Masama na bang iwasan yon? Gusto ko lang naman magkaroon ng friend eh. Next year, pag-fourth year ko, di na lang ako aasang may maging kaibigan ako. Nakaka-disappoint at nakaka-down masyado.

Bye diary, nakakatamad na magsulat. Baka next year naman ako makapagsulat.